Isang Imbitasyon
Isang Sabado sa clinic, dumating ang isang imbitasyon na dala ng courier. Na-receive ito ni Angela at inabot kay Dra. Celina.
"Doc, ang ganda ng envelope, parang invitation na pangkasal... Baka may kukuha nang ninang sa inyo..."
Kumitid ang mata ni Dra. Celina at tinignan si Angela.
"Gaga! Pag imbitasyon ito para kunin akong ninang, ipapadala ko na lang sa GCASH ang pakimkim ko tapos di na ako sisipot."
Tapos bigla siyang nalungkot at tumingin kay Angela.
"Ganun na ba talaga ako katanda?"
Angela: "Doc hindi naman po ah. Binibiro lang kita." sabay ngisi.
"I swear, Angela..." habang binubuksan ang envelope.
Pagbukas ng imbitasyon, nanlaki ang kanyang mga mata.
-ANG NILALAMAN NG IMBITASYON-
Philippine Medical Association
National Headquarters
North Avenue, Quezon City, Metro Manila
October 11, 2025
To:Dr. Celina M. Ramos, M.D.Consultant – Endocrinology
St. Elora Global Medical Center
Dear Dr. Ramos,
We are pleased to invite you to the PMA Grand Ball and Fundraising Gala Night in support of our medical mission to underserved rural communities in Maguindanao.
Date: December 6, 2025
Time: 8:00 PM to 12:00 MN
Venue: The Grand Ballroom, The Manila Hotel, Roxas Boulevard, Manila
Attire: Formal
You may bring one (1) companion for the event.
This evening will be a celebration of service, unity, and excellence in the field of medicine—featuring musical performances, awards, and a dinner program.
We look forward to your presence in this meaningful gathering.
Warm regards,
Dr. Erlinda Pascual, M.D.Chairperson,
PMA Gala Night Committee
Philippine Medical Association
-END NG IMBITASYON-
Matapos basahin ang imbitasyon, napabuntong hininga siya. Tapos napasandal sa upuan niya at tumingin sa kisame.
"Shet naman!" sabay buntong hininga.
"Ayaw ko ng mga ganitong event."
"Pero si Dra. Linda ang mismong nag-imbita. Yung mismong professor namin dati sa FEU."
Hindi siya makatanggi kay Dra. Linda. Malaki ang utang na loob niya kay Dra. Linda mula noong nag-aaral siya sa Med School sa FEU. Para mapataas ang grades at mapanatili ang pagiging Dean's Lister, binigyan siya ni Dra. Linda ng mga extra-curricular activities para sa additional puntos sa grades.
Angela:
"Hala Doc, formal party pala ito, masusuot mo ulet yung purple gown mo, yung sinuot mo 4 years ago nung mag-ala-Star Magic Grand Ball theme tayo nung Christmas party!"
Nagniningning ang mga mata ni Angela.
"Kaya lang wala kang escort nun, kahit pwede tayo magbitbit ng isa."
Napabuntong hininga si Dra. Celina.
"Baka sa Grand Ball na ito, baka sakaling hindi."
Sa isip niya, isang favor na lang ang natitira kay Marco. Pero no choice na siya kasi.
Naka-reserve sana yung last favor para sa isang surpresa. (sana...)
Ang Escort sa Grand Ball
Sa isang café sa may Quezon Avenue, nagtagpo si Dra. Celina at Marco. Nakikiusap si Celina na pumayag na si Marco na maging escort niya sa gaganaping Grand Ball ng PMA.
Celina (deadpan pero may ngiti):
"Sige na, please?... Yung pangatlong favor ko... simple lang naman. Samahan mo lang ako sa isang event."
Marco (kagat-labi, kunwari chill pero halatang nagulat):
"Anong event? PMA General Assembly... o ball na may spotlight at red carpet?"
Celina (tumaas ang kilay):
"Optional naman ang escort... pero kung pwede rin lang, gusto ko 'yung kilala ko na. Yung kaya akong ipagmalaki kahit sinong tumingin sa amin. Yung hindi ako mapapahiya."
Marco (kalahating natutunaw, kalahating nanginginig):
"Formal ba 'to? Yung tipong kailangan naka-neck tie, o naka tux kung sobrang intense?"
Celina (naglakad papalayo, sabay lingon with smirk):
"Black suit. Clean cut. Huwag kang mag-alala... ako bahala sa stylist."
Marco: (nakatingin pataas, alam niya lagot siya)
"Bakit ba pag sinasabi mo yan, parang meron kasunod na hindi magandang mangyayari..."
Sa Grand Ball Manila Hotel
Naunang dumating si Celina. Pagbaba niya sa kotse, iniabot niya ang susi sa Valet Attendant. At dumiretso siya sa isang couch sa lobby para maghintay.
Sakay ng isang TNVS, bumaba si Marco, black suit, clean cut, malinis, matikas—para na sanang artista. Pero nung makita niya sa lobby si Dra. Celina, napangiti siya pero ngiting aso.
Hindi niya talaga gusto yung mga ganitong okasyon, masyadong pormal. Yung kilos at demeanor niya—parang scripted. Pilit. Hindi siya makakilos na parang siya o sarili niya.
"Hi Doktora!" halatang mine-maintain ang composure kahit kabado.
Dra. Celina (matawa-tawa):
"Ito lang pala katapat ng angas mo."
"Huwag ka nga kabahan, baka mamaya dun ka pa sa loob magkalat," sabi niya na pangise-ngise.
Marco:
"So? Let's go?"
Umakbay si Dra. Celina sa braso niya.
"Shall we?"
At lumakad na sila patungo sa registration table.
Hello Utol, Good bye Hipag
Mag-isa si Marco malapit sa lamesa ng mga cocktails at drinks. Umiinom siya ng Four Seasons na punch. Biglang may tumawag sa kanya mula sa likod, gulat at pamilyar na boses.
"Mac?"
Dahan-dahan siya lumingon. Muntik na niyang iluwa ang kanyang iniinom na Four Seasons na punch.
"Ku-kuya?"
Dr. Roel Velasquez:
"Mac?! Tangina... anong ginagawa mo dito?"
Sakto lang at kakadating lang ni Dra. Celina galing sa powder room. Tumabi siya sa gilid ni Marco.
Ang asawa ni Dr. Roel na si Dra. Aileen Velasquez, kakilala rin si Dra. Celina dahil nagkasama na sila minsan sa isang volunteer medical mission sa Baseco Compound sa Maynila.
Dra. Aileen Velasquez: (hawak ang wine glass, gulat na gulat)
"Celina? As in... Dra. Celina Ramos? Kilala mo 'to??? Si Marco, bayaw ko?"
"Small world, ano?"
Dra. Aileen (gulat at tinignan si Marco mula ulo hanggang paa. Tapos medyo sumingkit ang mata.)
"Naka-formal attire ka, naka-suit... Anong meron dito ha?" tanong niya kay Marco.
Marco (pinipilit maging composed, pero halatang pinagpapawisan na ng malamig kahit sobra lamig ng aircon):
"Ate, mahabang istorya...."
Dr. Roel (pangiti-ngiti na lang, Naka-krus ang mga braso)
"Oh ano? Wag mo sabihin nagpalit ka na ng trabaho? IT tapos ano? Med Rep ka na ngayon? Pambihira, Mac... hindi ko akalain na ganito kang ka-ahem... fancy..."
Marco (sa isip, "Diyos ko naman... bakit naman dito pa?")
Pero kunwari natawa.
"Kuya, hindi ko rin naman akalain na makakasama ako dito. Si Dra. Celina, kailangan niya kasi ng escort kaya—"
Hindi pa siya nakakatapos magsalita, nagsalita na si Dra. Aileen. "Mahusay ka pala pumorma at magdala Marco, pero hindi ba hindi mo gusto yung mga ganitong party? Mas gusto mo pa yung mga casual na party na may kantahan at inuman, kaysa dito sa formal party na kailangan mo pa mag-suot ng formal attire na naka-neck tie pa? Tapos puno pa ng mga doktor na mukhang seryoso."
"Ate, kailangan lang talaga. Kailangan kong tuparin yung pabor. Last na naman ito." sabay napatawa ng mahina.
Sa wakas nag-salita na si Celina.
"Naku Dra. Aileen, huwag mo na siya intindihin, pero masasanay rin siya sa mga ganitong pormal na party. Malay natin, baka ma-enjoy rin niya mamaya."
Can't Take My Eyes Off of You
Habang dumadami ang mga tao at nagsisimula nang maghalo ang saya at kilig, si Marco at Celina, naglalakad nang magkasabay sa gitna ng dance floor. Nang magsimula ang kanta, "Can't Take My Eyes Off of You," biglang nahanap nila ang sarili nilang magkatabi, nangingiti sa isa't isa, tahimik na nag-uusap sa pamamagitan ng mga mata.
Marco (nakatitig ng malagkit kay Celina):
"May I?"
Si Celina parang nawala sa sarili pero inabot ang kamay ni Marco. At sumunod sa kanya sa gitna ng ballroom.
Nagsimulang mag-sway ng magaan ang mga katawan nila, tila bawat hakbang nila ay dumadaloy na parang natural na sayaw. Puno ng tamis at simpleng saya ang bawat galak sa kanilang mga mata.
Ngunit hindi lang ang magkasintahan ang tumitig. Si Dra. Aileen at si Doc Roel, na parang nagmamasid sa gilid, hindi maiwasang mapansin ang hindi maipaliwanag na kuryente sa pagitan nila.
"Parang sweet lang, ha?" sabi ni Dra. Aileen, nakataas ang kilay, tinanong si Doc Roel habang nakatingin kay Marco at Celina. Ngunit sa mga mata ni Aileen, may lihim na pagdududa na hindi pa niya maiwasang kilalanin.
Samantala, sa gitna ng ballroom...
Marco:
"Sa high school ko lang natutuan yung mga simpleng steps ng mga ganitong tugtog."
Celina:
"Ako naman, napapanood ko lang, sinusundan ko lang mga galaw mo. Pero..."
Marco:
"Pero ano?"
Celina:
"Naka heels ako."
Marco:
"At?"
Celina:
"Marco..."
Marco:
"Ano yun Celina?"
Celina:
"Huwag mo sanang tatapakan ang paa ko."
"Pag tinapakan mo, sasapakin talaga kita.." sabay ngise ni Dra. Celina.
Si Marco, muntik nang humagikgik ng tawa sa dance floor. Buti na lang at napigilan niya. Mahinang tawa lang...
Bago pa sila makitahan ng reaksyon ng mga kapwa nila sumasayaw, ang DJ ay nag-adjust ng musika at pinalitan ang tono ng kanta, at biglang tumugtog ang matamis at malamyos na "Tango."
Celina:
"Hala, pang ballroom na yung tugtog, tara alis na tayo!"
Marco:
"Tango ang tawag dyan, di mo alam?"
Celina:
"Napapanood ko lang sa mga lumang pelikula. Mahirap steps nyan tara na!" nag-aalala sabi ni Celina.
Marco:
"Subukan lang natin, yung Al Pacino Style-Scent of A Woman."
Celina:
"Gago, napanood ko rin yun."
Marco (dine-dare, hinahamon si Celina):
"Ano? Game ka?"
Celina:
"Tangina, pag nag-mukha tayong tanga.... Lagot ka sakin pagkatapos nito."
Pumayag na rin siya. "Sige Game!"
Hatinggabi na, at si Marco at Celina ay tila naiwan na sa gitna ng dance floor. Tinutukan sila ng spotlight at nagsimulang mag-tango. Puno ng tensyon ang bawat galaw—matagal nang hindi nila naranasan ang ganitong kalalaking hakbang, at ang bawat paghakbang nila ay parang isa nang senyas na may malalim na ibig sabihin.
Habang nagsasayaw na sila ng tango...
Nakatutok ang spotlight sa gitna ng ballroom.
Tahimik ang paligid. Ilang bisita, natigil sa pag-inom ng wine. May tumigil sa gitna ng kuwentuhan. Lahat, napatingin sa dalawang taong tila sumasayaw para lang sa isa't isa.
Waiter 1 :
"Boss... sino yang couple na 'yan? Parang pelikula lang, ano?"
Emcee/Host (nakataas ang isang kilay, napatigil sa pagtikim ng hors d'oeuvre):
"Dali! Dali! Kunin mo 'yung guest list! Check ko pangalan nila!"
Bulong pero urgent—parang breaking news coverage.
Nakita ni Dra. Aileen at Doc Roel ang bawat galaw ng dalawa. Ang mga mata ni Aileen at Roel ay nanlaki, napansin nilang mas seryoso at puno ng emosyon ang pag-sayaw nila. Si Aileen ay tila may kutob na hindi lang basta sayaw ang nangyayari sa mga mata ni Marco at Celina.
Ang buong kwento ng gabi ay natabunan ng kilig at tensyon, at ang tango ay tila isang pagsubok ng mga galak at sakit sa mga pusong natutulog, ngunit nagsisimulang magising.
Habang patuloy ang magkasayaw na si Marco at Celina, hindi maiwasan ni Dra. Aileen na muling sikuhin si Doc Roel. Tumango siya kay Marco at Celina, pagkatapos ay medyo kinurot ang braso ng asawa.
"Hon, kahit minsan di mo pa ko naisayaw ng ganyan?"
tanong ni Dra. Aileen, medyo kunwaring masama ang loob, pero may halong biro.
Tumingin si Doc Roel sa kanya, medyo naguguluhan, at nagkibit-balikat, "Hon, mag Zumba na lang tayo ha? Para at least parehong mukha tayong buhay sa pagkilos, pag sumasayaw."
Nagkatinginan lang sila ni Aileen, at natawa si Dra. Aileen, parang na-off balance sa sagot ni Roel. "Zumba? Ganon ba?" sabi niya, sabay ngisi.
Tawa na lang sila ng tawa, sabay hagod ng tingin kay Marco at Celina. Sa mga mata nila, tila may lihim na may bago silang pagdududa sa relasyon ng dalawa, pero mababakas din sa kanilang mga mata ang pagka-kilig.
"Sabagay, masaya na ako na ikaw pa lang, okay na," sabi ni Dra. Aileen, tapos tumango si Roel, "Okay na rin sa'kin 'yan. Try natin mag Zumba-yung Sumayaw, Sumunod na tugtog..." sabay kindat sa asawa.
Nagsimula na naman ang bagong tensyon sa buong paligid. Habang ang lahat ay tahimik na nagmamasid, matapos ang tango, may dumapo na malambot na halik sa labi ni Dra. Celina at Marco. Ang mga mata ng mga tao sa paligid ay malaki ang pagkabigla, ang ambiance ng Grand Ball Room ay naputol.
Si Dra. Aileen, hindi nakapagpigil, ang red wine na hawak niya ay aksidenteng naibuga mula sa bibig, nagkalat sa kanyang damit at sa sahig, habang hindi pa rin makapaniwala sa nakita.
Si Doc Roel naman, sa reflex, agad niyang tinakpan ang mga mata ni Dra. Aileen gamit ang kamay, ngunit huli na. Nakita nilang lahat kung paano nagtagpo ang mga labi ni Marco at Dra. Celina. Ang tension sa hangin ay hindi maikakaila, at ang mga mata ng lahat ay parang naglalabas ng maraming tanong.
Medyo matagal na katahimikan.
Pero sa di inaasahan, may isang pumalakpak, tapos sinundan na ng marami.
Ang host ng party, "Ladies and Gentlemen, Dra. Celina Ramos, and her Escort for the night Mr. Marco Velasquez."
Lumakas ang palakpakan sa Grand Ball.
Nakangiti si Marco at si Dra. Celina at yumukod sa mga panauhin sa Grand Ball.
Matapos ang Party, hindi makatulog si Celina.
Sa unang pagkakataon, naranasan niyang mapansin at maging sentro ng atensyon sa isang formal party—isang bagay na noon ay hindi niya inakalang mangyayari.
At nagsulat ulet sa Journal.
Journal Entry #95
December 6, 2025 - Manila Hotel
Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin kanina sa Grand Ball. Ang saya at ang gulo ng emotions ko. Hindi ko na alam kung paano sisimulan, pero heto ako, nakaupo sa isang sulok ng kwarto, nag-iisa, may hawak na ballpen, at ang utak ko ay punong-puno ng mga tanong na hindi ko alam kung paano sasagutin.
Wala akong pakialam kung anong sabihin ng ibang tao, pero... ang saya. Ang saya ko lang. I never thought na ang mga formal events, na laging pinipilit kong iwasan, ay magiging ganito kalaki ang impact sa buhay ko. Kaya siguro, first time ko itong ma-experience ng ganito kalalim, ang saya at ang sakit.
Yung halik na hindi ko inaasahan. Yung moment na hindi ko kaya i-define ng maayos. Yung... sinadyang pagdampi ng labi. Isang simpleng halik, pero ramdam ko sa puso ko na may malalim na ibig sabihin. Masakit, kasi alam ko na hindi ko ito dapat maramdaman, at yet, nandiyan siya—si Marco. Kahit na may mga bagay na hindi pa natutuklasan, parang bawat galaw, bawat salita, bawat ngiti... may iba ng meaning sa akin. At hindi ko na kayang pigilin pa. Minsan, hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko.
Nag-isip ako. Sino ba ako sa harap ng taong iyon? Hindi ko kayang iwasan siya. Hindi ko kayang magpanggap na walang nangyaring special, kasi... may nangyaring special. It was a moment we both shared. Alam ko na, hindi ko na siya kayang alisin sa isipan ko, kahit na hindi ko pa sure kung saan kami pupunta.
Sinabi ko sa sarili ko, "Wag mong gawing komplikado ang lahat." Pero parang lumalala pa. Kasi sa bawat pahina ng kwento ko at ni Marco, may unti-unting pagkilos ng puso ko na matagal nang natutulog. Ngayon ko lang nararamdaman na parang may pwersa na nag-uudyok sa akin na magpatuloy—kahit na hindi ko pa alam kung ano ang hinaharap.
Ang huling halik, hindi ko pa rin makalimutan. Siya. Si Marco. At ang hindi ko kayang ipaliwanag.Basta, ganito ako ngayon—hindi ko alam kung paano ko tatahakin ang susunod na hakbang. Ang alam ko lang, hindi ko siya kayang iwasan.
Ito na siguro ang unang pagkakataon na tumaas ang alon ng emosyon ko. Kung sana... wala na lang mga hadlang sa buhay ko. Kung sana hindi kami pareho may mga prublema. Kung sana...Ah, basta. Huwag ko nang gawing komplikado. Hanggang dito na lang muna. Pagod na ako.
-C
End of Journal
Itutuloy....
Comments (0)
See all