Please note that Tapas no longer supports Internet Explorer.
We recommend upgrading to the latest Microsoft Edge, Google Chrome, or Firefox.
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
Publish
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
__anonymous__
__anonymous__
0
  • Publish
  • Ink shop
  • Redeem code
  • Settings
  • Log out

Kahit sa Batanes

Part 15: Ang Tour ng mag-isa na Single sa Batanes

Part 15: Ang Tour ng mag-isa na Single sa Batanes

Apr 30, 2025

Flight 2 for 1

Sa NAIA Terminal 4.

Mag-isa si Celina sa NAIA Terminal 4. Nakaupo siya sa waiting area ng SkyJet Airlines, hawak ang kanyang sling bag at boarding pass. Nakacheck-in na ang isang maletang sinamahan niya ng pasalubong—hindi na para kay Marco, pero dala pa rin ang dating intensyon.

Sa bag, may plastic envelope. Nandoon ang printed itinerary para sa supposed "2-for-1" Batanes tour—na ngayon ay solo trip na lang. At sa loob ng maliit na white envelope, naroon ang liham ni Marco.

Hindi pa niya binubuksan.

Bubuksan lang daw pag nasa Tukon Chapel na siya.

Kinuha niya ang itinerary. "NAIA Terminal 4 to Basco Airport – 1.5 hours." Napangiti siya ng kaunti. "At least mabilis lang ang lipad. Puwede ko na lang itulog."

Napatingin siya sa kabilang row ng upuan. May isang magkasintahan—mga early 30s ang lalaki, at tila 25 lang ang babae. Hindi man pang-commercial model si lalaki, halatang pino at maasikaso. Halatang in love din ang babae. Puno ng lambing. May sariling mundo.

Sa isip ni Celina: "At least sila may kasama. Samantalang ako, nag-iisa."

Dumating na ang boarding call. Tumayo ang mga pasahero. Habang pumipila, napansin ni Celina na nasa likuran niya ang magkasintahan.

"Uy! North Asian Tours ka rin?" tanong ng lalaki. "Ibig sabihin... magka-group tayo sa tour! Ako pala si Hanz, ito naman si Leia—girlfriend ko."

Ngumiti si Celina. "Ako nga pala si Celina. Nice to meet you."

"Mag-isa ka lang ba sa tour?" tanong ni Leia.

Sandaling katahimikan.

"May dapat sana akong kasama," mahina niyang sagot. "Pero hindi siya pwede... kaya mag-isa na lang ako ngayon."

Nagkatinginan sina Hanz at Leia.

"Ganun ba..." malungkot na sagot ni Leia. Saglit na tahimik—tapos ngumiti. "Alam mo, sumama ka sa amin. Para hindi ka mag-isa. Para tayong trio sa buong tour."

Napangiti si Celina, kahit kaunti. "Sige... salamat ha. Gusto ko yan."

Sabay-sabay silang pumasok sa eroplano. May saya sa pakiramdam, kahit may kaunting lungkot.

Sa Loob ng Eroplano

Makalipas ang 30 minuto, na-check na ang manifest. Clearance granted. Ready na for takeoff.

Bakante ang upuan sa tabi ni Celina. Kay Marco sana 'yon.

Habang lumilipad ang eroplano sa himpapawid, ipinikit ni Celina ang mata. Maya-maya, nakatulog siya. Hindi niya namalayang may isang luha na pumatak sa kanyang kaliwang pisngi.

Kuwartong Walang Katabi

Paglapag sa Basco Airport, narinig ang boses ng piloto:

"Ladies and gentlemen, we have just landed at Basco Airport here in beautiful Batanes..."

"At sa muli, ,maraming salamat po sa pagtangkilik sa SkyJet. Welcome po sa Batanes. Ingat po kayo at sana'y maging masaya ang inyong bakasyon."

Pagbaba ng hagdan, nakita ni Celina sina Hanz at Leia, masiglang nag-aabang.

"Celina, dali! Mag-selfie tayo! Background natin 'yung eroplano!"

Nag-pose silang tatlo. Isang larawan. Isang simula.

Sa labas, sinalubong sila ng isang matandang lalaki. May hawak na karton: "NORTH ASIAN TOURS – WELCOME GUESTS!"

"Mr. Hanz Villanueva? Ms. Leia Zaragoza?" tanong ng tour guide.

"Kami po 'yan!" sagot ni Hanz, hawak ang kamay ni Leia.

"Celina Ramos? Marco Velasquez?"

"Ako po si Celina," sagot niya.

"Si Marco?"

"Wala po siya..."

Sandaling katahimikan, bago muling tinawag ang ibang pangalan.

Pagkatapos ay umalis na ang tour van patungo sa kanilang hotel.

Sa Hotel Room

Pagkababa ng gamit, hindi agad bumaba si Celina para sa tanghalian. Naupo siya sa harap ng vanity table, inilabas ang kanyang journal.

Tumingin siya sa dalawang kama. Magkatabi.

Sa imahinasyon niya... naroon si Marco. Binubuksan ang bag. Nilalabas ang mga damit. Saglit itong lumingon sa kanya—ngumiti.

Tapos... nawala rin.

Celina, mahina ang tinig: "Hindi ko alam kung mag-eenjoy ako sa tour na 'to kung hindi ikaw ang kasama ko, Marco."

Tinitigan niya ang envelope ng liham.

"Pero sana... magkatotoo ang sinabi mong—na dito ko mahahanap ang mga sagot sa mga tanong ko."

Napangiti siya. Isang ngiting puno ng pag-asa.

Tumayo siya.

At sa wakas, bumaba na siya para sumabay sa tanghalian.

Unang Hapag, Unang Hakbang

Pagpasok ni Celina sa mess hall ng hotel, agad siyang napansin ni Leia.

"Celina!" masiglang tawag ni Leia habang kumakaway. "Dito ka na sa tabi namin!"

Napangiti si Celina at lumapit sa kanilang mesa. Hinila niya ang upuan sa tabi ni Leia at mahinahong umupo.

Pagkatingin niya sa mga plato ng magkasintahan, napataas ang kilay niya.

"Mukhang hindi kayo gutom ah," biro niya, sabay ngiti.

"Naku, kailangan busog tayo," sagot ni Hanz habang nagsasandok pa ng kanin. "Malamang puro lakad mamaya. Sabi ng tour guide, Tukon Chapel daw ang unang pupuntahan natin."

Sa pagbanggit pa lang ng Tukon Chapel, tila may humaplos sa puso ni Celina.

Napatingin siya sa malayo, tahimik. Sa isip niya:"Ano kaya ang laman ng liham na 'yon?"

Paalam? Hindi...

Ayaw niya. Ayaw niyang paalam lang ang wakas ng istorya nila ni Marco. Kahit hindi sila magkatuluyan, ang hiling niya lang... sana manatili silang magkaibigan. Bahagi ng isa't isa. Kahit hindi bilang magkasintahan—bilang dalawang pusong minsang nagtagpo.

Hindi niya namalayan... may pumatak na luha sa kanyang pisngi.

"Celina, okay ka lang?" tanong ni Leia, may halong pag-aalala ang boses.

Natauhan si Celina. Bahagyang napahiya. "Okay lang ako... may naalala lang ako na naiwan sa Maynila." Sabay pahid sa kanyang luha. Ngumiti siya, kahit pilit. "Kuha lang ako ng makakain."

Tumayo siya at kumuha ng plato, saka tumungo sa buffet.

Habang naglalakad si Celina, napatingin sa kanya ang magkasintahan.

"Love..." bulong ni Leia, habang pinagmamasdan si Celina. "Ano'ng gagawin natin? Tulungan naman natin siya. Ang lungkot niya. Hindi ko matitiis."

"Pero paano?" sagot ni Hanz, bahagyang nag-alala.

Nag-isip si Leia, saka tumango sa sarili. "Simple lang. Gawin natin lahat ng makakaya natin para kahit papaano, hindi niya maramdaman na nag-iisa siya sa tour na ito. Pasayahin natin siya. Samahan. Damayan, kung kailangan."

Napangiti si Hanz, saka tumango.

"Okay. Sige. Ikaw ang magaling dyan. Pero tutulungan na rin kita. Basta lahat ng gagawin mo, nakaalalay ako."

"Salamat, love." ngumiti si Leia, at nagdikit ang kanilang mga noo—isang sandaling puno ng malasakit, hindi lang sa isa't isa kundi para sa bagong kaibigan na kailangan ng kasama.

Makalipas ang ilang minuto, natapos na rin ang pananghalian. Tumawag na ang tour guide mula sa lobby para sa orientation.

Pagkatapos ng maikling briefing tungkol sa itinerary, sumakay na sila sa van—at sinimulan na ang unang lakad para sa araw na iyon.

Tukon Chapel.

Sa Tukon Chapel

Tahimik ang loob ng Tukon Chapel.
Salamin ang mga bintana, kaya kahit nasa loob ka, ramdam mo pa rin ang hangin ng Batanes.

Dumarampi ito sa pisngi ni Dra. Celina—malamig, pero hindi malamig na nanlalamig. Malamig na parang yakap. Malamig na parang pahinga.

Umupo siya sa likod. Inilabas ang isang sulat na nakaipit sa journal niya.

Nakasulat sa labas:"Buksan mo lang kapag nando'n ka na."

Binuksan niya ang cellphone.

Nag-search sa YouTube:"Bato sa Buhangin instrumental acoustic."

Nang tumugtog ang gitara, may parte sa kanya na parang gusto na lang umalis.

Pero hindi na niya kayang umiwas.

Hinila niya ang sulat. Pinunit ang gilid. Inilabas ang papel. Basa pa ang mga daliri niya sa pawis. Hindi dahil sa init. Kundi sa kaba.

At binasa niya ang liham ni Marco.

(Habang nagpe-play ang Bato sa Buhangin...)

"Minamahal kong Celina,"

Napakagat siya sa labi.

"Una, huwag mo sanang asahan na ang nilalaman ng sulat na ito ay kasing drama ng sulat ni Kei kay Serena..."

Pilit niyang tinatawanan sa isip. Pero hindi rin niya maitago—may bahid na agad ng luha sa sulok ng kanyang mata.

"Pangalawa, iwasan mo naman magmura habang binabasa ang liham na ito..."

"Gago," bulong niya. Pero ngiti 'yun. May kasamang luha.

Habang tumutuloy siya sa pagbasa, unti-unting bumabagal ang paligid. Tila naglalakad ang oras.

"Alam ko na sa huling pagkikita natin, nadama ko na meron ka pa ring natitirang bigat ng loob sa akin..."

Ramdam niya.

Ramdam na ramdam.

"Ang pagmamahal na yun—ay naglalayon na palayain ka. Hindi para angkinin ka."

Doon na niya hindi napigilan. Tumulo ang luha sa papel.

Hindi siya nagpunas. Hinayaan lang niya.

"Dahil natagpuan kita sa buhay na ito..."

"Para bang natupad ko ang isang pangako..."

Dahan-dahan niyang ibinaba ang papel sa kandungan niya.

Inangat ang mukha. Pumikit.

Huminga.

At sa paghikbi, parang doon lang niya talaga pinayagang mahalin si Marco—kahit hindi na.

Samantala, napansin ni Hanz at Leia na nakayukod at nanginginig ang balikat. Parang umiiyak ng tahimik.

Leia:
"Love... parang umiiyak siya. May kailangan ba tayong sabihin sa kanya?"

Hans:
"Wag... moment niya ito. Huwag natin sirain."

Celina:
"Salamat, Marco..."

Burol, Alaala, at Bagong Umaga

Pagkatapos ng Tukon Chapel, sumakay muli ang buong tour group sa van. Sa harap, si Mang Serafin ang tour guide—masigla pa rin kahit halatang paulit-ulit nang naikwento ang mga destinasyon.

Pero sa likod ng van, may kakaibang sigla.

Sa mga sumunod na oras, binisita nila ang Radar Tukon Station, kung saan masayang nagpapicture si Hanz at Leia na parang mga batang nag field trip. Sumama na rin si Celina, ngumiti sa bawat kuha, at kahit sandali, nakalimutan ang bigat ng nakaraan.

Sunod nilang dinaanan ang Idjang Viewing Point, habang tinuturuan ni Hanz si Celina ng tamang "angle" para sa magandang selfie. "Kailangan konting tilt lang, tapos natural smile—ayan! Ganda!" sabi ni Hanz.

Sa Japanese Tunnel, si Leia ang unang pumasok habang tinatakot ni Hanz si Celina, "Uy baka may multo ng sundalong Hapon diyan!" sabay tawa, at napatawa na rin si Celina kahit pilit.

Pagdating sa Valugan Boulder Beach, sumigaw si Leia, "Group jump shot tayo!" Hawak ang selfie stick, nagtiming silang tatlo. Tatlong talon. Tatlong tawanan. Tatlong pusong pansamantalang nakalimot sa mga iniwan nila sa Maynila.

Pero sa gitna ng kasiyahan, hindi nakaligtas si Celina sa pagiging mapagmasid.Habang nasa Vayang Rolling Hills, nasaksihan niya kung paano sabay tumahimik sina Hanz at Leia—magkahawak-kamay habang pinagmamasdan ang araw na papalubog.

Walang salita.

Pero puno ng damdamin.

"Ganito siguro 'yung sinasabi nilang tamang pagmamahal," naisip ni Celina. "Tahimik. Payapa. Tapat."

Sa Naidi Hills, nagpaka-videographer si Hanz. Kahit walang drone, tumatakbo siyang paatras, naka-low angle ang cellphone para makuha ang slow-mo shot nina Leia at Celina na parang nasa romantic indie film.

"Wala ka na bang dignity?" natatawang tanong ni Leia.

"Wala akong dignity, pero may cinematic vision ako," sagot ni Hanz habang pawisan at hingal.

Pagdating ng gabi, sa hapunan, si Hanz naman ang nagkuwento kung paano sila nagkakilala ni Leia.

"Sa Jollibee kami unang nagkita. Sinabayan ko siya sa pila, tinanong ko kung pwedeng maki-table. Friendly lang dapat—pero sinampal ako nung magtapat ako sa text. Tapos nag-walkout siya. Classic." sabay tawa niya.

"Dahil may girlfriend pa siya noon!" singit ni Leia habang nakatawa rin.

Napatawa si Celina, kahit bahagyang lumungkot ang mata. Sa puntong iyon, nagbukas siya ng kaunti.

"Alam niyo... tulad ng nakwento ko dati, dapat may kasama ako sa tour na ito..."Tahimik ang mesa.

"Hindi kami naging... kami. Pero... naging mahalaga siya sa akin."

Si Leia, tahimik lang. Si Hanz, nakikinig ng buong atensyon.

"Hindi ko man naiintindihan lahat noon... pero ngayon, parang unti-unti ko na siyang nauunawaan. Siguro... isa siya sa mga taong ipinadala ng tadhana para turuan akong mahalin ang sarili ko."

Tumango si Leia. "Minsan, kailangan muna nating masaktan... para matutong magmahal muli."

Muling natahimik ang mesa.

Pero hindi na mabigat ang katahimikan. Isa na itong pag-unawang hindi kailangang ipaliwanag pa.

Pagkatapos ng orientation para sa susunod na araw, umakyat si Celina sa kwarto. Maaliwalas ang kwarto. Wala nang halusinasyong naroon si Marco sa kabilang kama.

Tahimik ang paligid.

Binuksan niya ang journal.

[Journal Entry – Dra. Celina Ramos]
February 21 | 9:37 PM


"Akala ko, magiging malungkot ang pamamasyal ko rito sa Batanes. Pero nagkamali ako."
Nakilala ko sina Hanz at Leia—isang magkasintahan na masayahin, totoo, at bukas sa pagbabahagi ng pagmamahal nila hindi lang sa isa't isa, kundi pati na rin sa isang taong tulad kong dayuhan sa kwento nila.
Salamat sa kanila. Dahil sa tawa, sa kwento, sa mga burol at alon, unti-unti kong nararamdaman na buo na ulit ako. Para akong sinuyod ng hangin ng Batanes—pinaalalahanan na kahit anong wasak mo, maaari ka pa ring buuin.
At ngayon, gusto ko nang tanungin ang sarili ko ng may ngiti: "Pwede bang mahalin ko muna ang sarili ko, bago ulit magmahal ng iba?"
Siguro ang sagot ay ito:
Kailangan ko sigurong mahalin muna ang sarili ko. Alagaan ang sarili ko. Mahalin ang mga taong malapit sa buhay ko tulad ng pamilya, at mga malalapit na kaibigan.
At pag nag-uumapaw na ako... tsaka ko siguro kayang magbigay ulit. Kung sino man ang kakatok sa puso ko, balang araw—handa na akong buksan ito.

Pagtapos niyang isulat, isinara niya ang journal.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Wala nang luha.

Tahimik ang gabi sa Batanes. Tahimik din ang puso niya.

At habang unti-unting lumulubog sa malalim na tulog si Celina, bakas sa kanyang labi ang isang munting ngiti.

Bukas, panibagong araw. At ngayon... buo na ulit siya.

Itutuloy...

Ang nilalaman ng liham ni Marco:

Minamahal kong Celina,

Una, huwag mo sanang asahan na ang nilalaman ng sulat na ito ay kasing drama ng sulat ni Kei kay Serena.

Pangalawa, iwasan mo naman mag mura o magsabi ng masamang salita habang binabasa ang liham na ito. Sa puso man o sa diwa.

Pangatlo, nais kong iparating sa iyo na i-enjoy mo ang pamamasyal mo sa batanes. Puntahan mo yung Tungko Chapel. Dahil sa kapilyang yan, diyan ako nangarap na balang araw, kahit sa ibang buhay, dyan ako susumpa sa harap mo ng tunay na tapat, at wagas na pag-ibig.

Alam ko na sa huling pagkikita natin, nadama ko na meron ka pa ring natitirang bigat ng loob sa akin.

Hayaan mo ako sa pagkakataong ito-sa pamamagitan ng isang liham, na iparating sa iyo, ang mga salitang hindi ko kayang sabihin noon-sa harap mo.

Minsan, tinanong mo ako kung talaga bang mahal kita.

Ang sagot ko sa iyo-ay oo.

Totoo yun. Walang kasinungalingan.

Mahal talaga kita.

Subalit ang pagmamahal na yun-

Ay naglalayon na palayain ka. Hindi para angkinin ka.

Hindi para wasakin ka at maglahong lahat ng pinagsikapan mo, sa buong buhay mo-Subalit makita kang maging buo at kumpleto bilang isang tao.

Isang pagmamahal na nagnanais na gabayan ka-hindi iligaw sa maling landas.

Pagmamahal na ang tanging nais at hangad palagi ay ang kabutihan mo.

Alam ko balang araw, maiintindihan mo lahat ng mga sinasabi ko.

Para sa akin. Hindi man natupad na maranasan ko na mahalin ka at mahalin mo rin-sa paraang gusto mo.

Maligaya akong sasabihin sa iyo na kahit papaano, naging masaya ako-Dahil sa buhay na ito-natagpuan kita.

Para bang, natupad ko ang isang pangako.

Isang Pangakong binitawan ko, matagal nang panahon ang nakakaraan.

Palagi mo sanang iisipin, na ang tunay, tapat at wagas na pag-ibig ay palagi lang na sa ating paligid.

Malapit lang siya sa atin.

Kung iiwan mong bukas ang iyong puso, malaya siyang papasok sa buhay mo. At hindi na niya kailangan kumatok.

Hangad ko ang kaligayahan mo palagi,

Nagmamahal bilang iyong tapat na kaibigan,

Marco

- End ng Liham -

sherwinrreyes
AninoNgPusa

Creator

Comments (0)

See all
Add a comment

Recommendation for you

  • Blood Moon

    Recommendation

    Blood Moon

    BL 47.6k likes

  • Silence | book 1

    Recommendation

    Silence | book 1

    LGBTQ+ 27.2k likes

  • What Makes a Monster

    Recommendation

    What Makes a Monster

    BL 75.2k likes

  • Secunda

    Recommendation

    Secunda

    Romance Fantasy 43.2k likes

  • Touch

    Recommendation

    Touch

    BL 15.5k likes

  • Silence | book 2

    Recommendation

    Silence | book 2

    LGBTQ+ 32.3k likes

  • feeling lucky

    Feeling lucky

    Random series you may like

Kahit sa Batanes
Kahit sa Batanes

1.3k views3 subscribers

KAHIT SA BATANES
Isang kwentong hindi lang tungkol sa pag-ibig-kundi tungkol sa mga pusong natutong magmahal muli, kahit huli na.

Sa gitna ng mabagal na paggaling mula sa karamdaman, isang lalaki-si Marco Velasquez-ay muling natutong humawak ng pag-asa. Hindi niya inaasahan na sa loob ng isang maliit na clinic sa ospital, makikilala niya ang isang doktora-si Dra. Celina Ramos-na hindi lang magpapagaling sa kanyang katawan, kundi gisingin ang isang damdaming matagal nang natulog.

Ngunit si Celina ay hindi rin buo.

Sa ilalim ng kanyang white coat ay isang pusong pagod, sugatan, at sanay nang umiwas sa lahat ng emosyon. Hanggang sa mabasa niya ang isang kwento sa Wattpad-isang lihim na liham ng pasasalamat at pagmamahal... para sa kanya.
Sa bawat appointment, sa bawat biro, sa bawat tahimik na tango-lumalalim ang koneksyon.
Tatlong favors. Isang tango. Isang liham. Isang pag-ibig na hindi inaasahan.
Sa Batanes, may mga lugar na mahirap abutin. Gaya rin ng mga puso nilang dalawa.
Ngunit sa paglalakbay na ito, matutuklasan nilang...

Minsan, ang hindi mo sinadya... siya pala ang matagal mo nang inaasam.

KAHIT SA BATANES
Isang kwento ng pag-ibig na hindi lahat ng pagmamahal may happy ending. Pero may mga kwento na kahit walang tayo, may ako't ikaw-na minahal nang buo, totoo, at wagas.
Subscribe

24 episodes

Part 15: Ang Tour ng mag-isa na Single sa Batanes

Part 15: Ang Tour ng mag-isa na Single sa Batanes

41 views 0 likes 0 comments


Style
More
Like
List
Comment

Prev
Next

Full
Exit
0
0
Prev
Next