Pagbaba ng eroplano sa Cagayan De Oro Airport
Bumangon si Dr. Bennedict Lorenzo mula sa kanyang upuan habang humihinto ang eroplano sa Cagayan De Oro Airport. Agad niyang tinawagan ang isang tao sa telepono, isang mabilis na update bago lumabas ng terminal.
"Ser, nandito na ako, sa loading/unloading area," sabi ng isang lalaki sa kabilang linya, nang hindi mag-aksaya ng oras.
Pagkalipas ng ilang minuto, dumating ang isang Fortuner SUV na may malalapad na gulong at isang bata na lalaki ang lumabas. Mas bata sa kanya ng ilang taon, si Meynard—anak ng isang trabahante ng kanyang ama sa kanilang construction company. Agad itong lumapit kay Bennedict, nagsimula nang magdala ng mga gamit.
"Ser, ako na bahala sa mga bagahe nyo," sabi ni Meynard, tinulungan niyang isakay ang mga gamit sa luggage compartment ng SUV, na walang reklamo, alam na ang ginagawa.
Bumangon si Bennedict, tinulungan siya at sumakay na sa passenger seat.
Habang umaandar ang sasakyan, nagtanong si Bennedict. "Si Pa?"
"May ka-meeting po sa mga taga DPWH. May problema po sa isang national road project maintenance, kailangan pong ayusin kaya personal po siyang nandun," sagot ni Meynard, patuloy na magaan ang tono.
"Eh si Ma?" tanong ulet ni Bennedict, tinitingnan si Meynard.
"Nasa bahay po siya. Wala po siyang lakad ngayong araw. Alam niya po na uuwi kayo," sagot ni Meynard.
Maya-maya, habang papalapit na sila sa kanilang bahay, nag-ring ang phone ni Meynard. Tiningnan siya ni Bennedict habang ini-accept ang call.
"Hi, love, how are you? Hope you're doing okay," sabi ng kasintahan ni Meynard, isang malambing na tinig mula sa kabilang linya.
Sabay tanong ni Meynard, "Okay naman, babe, ikaw? Kamusta ka na?"
Bennedict nakikinig sa mahinang boses sa telepono, na naririnig ang masaya at magaan na tono. Tinutukso siya ni Meynard, "Babe, wala na bang masyadong problema diyan? Wala na bang dapat kausapin sa hospital?"
Nakangiti si Bennedict, na nagtatanong kay Meynard pagkatapos ng call, "Kailan pa naging kayo?"
"Mag-iisang taon na kami magkasintahan, Ser," sagot ni Meynard, malinaw na masaya.
Hindi nakapagpigil si Bennedict, "Hindi ko man lang nabalitaan yun," mahinang sagot ni Bennedict.
Meynard, medyo nagngisi, "Ser, hindi niyo talaga malalaman yun! Ang dami-dami niyo pinagtuunan sa duty, hindi na nga kayo umuuwi. Sa hospital na kayo natutulog."
Tanong ni Meynard, "Ser, okay lang po kayo?"
"'Hinde," ang sagot ni Bennedict, na mahirap itago ang lungkot sa boses.
"Okay lang po ba mag kwento? Para mailabas nyo kung ano man yan?" tanong ni Meynard, magaan ang tono.
Bennedict napabuntong hininga, "May nabasa kasi akong kwento-tungkol sa pag-ibig."
Puno ng interes si Meynard, "Akala ko, isang doktora ang sumulat—kasi yung doktora sa kwento, siya yung pangunahing tauhan."
Bennedict, hindi kayang pigilan ang emosyon, "Sinubukan kong hanapin yung sumulat ng kwento sa Maynila."
"Natagpuan nyo sya?" tanong ni Meynard.
"Oo," sagot ni Bennedict.
"Pero isa syang lalaki."
Meynard, nagulat, "Ha?"
"At yung doktora sa kwento, totoo siya. At pareho silang may lihim na pag-tingin sa isa't isa nung sumulat ng kwento."
"Mabigat ba 'yan, Ser?" tanong ni Meynard, na tumingin kay Bennedict.
Bennedict pumikit, naglalakbay ang isip, "Sila na ba?" tanong ni Meynard.
"Komplikado," sagot ni Bennedict. "Yung lalaki may asawa at pamilya na."
"Hm," sabi ni Meynard, humihinga ng malalim.
"Ser, okay lang po ba kayo? Hindi niyo kaya siya kausapin?" tanong ni Meynard, halatang nagpapakita ng malasakit.
Bennedict nagbuntong hininga. "Hindi ko alam. Hindi ko rin alam kung anong mangyayari."
"Ngunit ang totoo, nahulog na yung loob ko sa kanya," aniya.
Nakarating na sila sa gate ng bahay, doon na siya sinalubong ng kanyang ina, si Nanay Elsa.
"Mano po Nay Elsa," sabi ni Bennedict, habang ibinababa ni Meynard ang mga gamit.
"Kaawan ka ng Diyos anak," sabi ni Nanay Elsa, tinapik si Meynard. "Meynard, anak, yung gamit ni Bennedict, paakyat na sa kwarto niya."
"Okay po Nay," tugon ni Meynard.
"Punta na kayo kay Madam, magkasama kayong dumaan," paalala ni Nanay Elsa.
Pagkakita ni Bennedict sa itaas, agad siyang naglakad papunta sa balcony kung saan nakita ang kanyang ina.
"Hi Ma," sabi ni Bennedict, humarap sa kanyang ina.
"Sige na iho, umakyat ka na, anak," sabi ng inang si Dolores.
"Si Pa po?" tanong ni Bennedict.
"Wala na siya, kanina pa. Nagmamadali," sagot ni Mommy Dolores.
"Anak, may nangyari ba? Bakit parang ang lungkot-lungkot ni Bennedict?" tanong ni Mommy Dolores kay Meynard.
"Tita, brokenhearted po. Yan ang pasalubong nya galing Maynila."
Pagpasok ni Bennedict sa kwarto niya, huminga siya ng malalim, at piniling magpahinga upang magmuni-muni.
Usapang Ama at Anak
Pagkatapos ng ilang araw ng pagsusuri at pagninilay, dumating si Miguel sakay ng kanilang off-road SUV. Makikita sa kanyang mukha ang mga linya ng pag-aalala at mga problemang hindi kayang itago. Pagpasok niya ng bahay, agad siyang tinawag ni Dolores, ang asawa.
"Honey, kamusta?" tanong ni Dolores habang hinalikan siya sa pisngi.
Miguel, medyo tensed, nagsimulang magbahagi ng mga balita. "Hinaharang pa rin ni Mayor ang project. Matutuloy pa rin naman, pero matagal pa."
Ang usapan nila ay nauugnay sa isang matagal nang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng pamilya ni Miguel at ni Mayor Rolento Uy. Ibinahagi ni Miguel na nagkaroon ng kasunduan ang dalawang pamilya noong college na ikasal si Bennedict at Alice Uy. Ngunit nang magdesisyon si Bennedict na magtuloy sa medisina, unti-unting nawala ang loob nito kay Alice at sa huli ay nakipag-break siya.
Dahil dito, nagkaroon ng alitan ang pamilya ni Miguel at ni Rolento, at bilang ganti, pinapahirapan ng pamilya ni Rolento ang mga proyekto ni Miguel sa lungsod, pinipilit nilang i-delay ang mga ito kapag kaya.
Habang iniisip ni Miguel ang mga bagay na ito, dumaan siya sa dining table at umupo sa tabi ni Bennedict.
"Pa," sabi ni Bennedict habang binabaybay ang mga tanong na gusto niyang itanong. "Nakwento na sa amin ni Meynard kung ano nangyari sa Maynila, anak," sabi ni Miguel, sabay patuloy na tumingin sa kanyang anak.
Bumuntong hininga si Bennedict. "Eh kung nakinig ka lang sa akin noon, eh di sana magkasama na kayo ni Alice, at kasal na." sabi ni Miguel. "Hindi mo ba alam na pinahihirapan tayo ng daddy ni Alice ngayon?"
Nagbigay ng bahagyang ngiti si Bennedict at natawa ng mahina. "Pa, diba tapos na tayo dyan?" marahang sagot ni Bennedict.
"Anak, syempre-napahiya yung pamilya nila. Tayo yung umatras sa engagement. Pero hindi naman kita sinisisi. Mas mabuti nang ginawa mo yun kaysa magpakasal kayo, tapos tsaka mo lang malalaman na hindi mo naman pala talaga siya gusto." sabi ng ama, habang tahimik na tinitingnan ang anak.
Nag-isip si Bennedict ng saglit. "So, narinig niyo na kung ano nangyari? Tumakbo na naman ako." Napabuntong hininga.
"Nasa hustong gulang ka na ngayon, anak. Alam ko, alam mo na darating yung mga panahon na hindi lahat ng problema tatakbuhan mo lang." sabi ng kanyang Ama.
"Noon, hinahayaan lang kita-pumili ng mga desisyon mo kasi gusto ko matuto ka sa sarili mong paraan, sarili mong karanasan."
Naglakad si Dolores patungo kay Bennedict at hinimas ang balikat nito. "Magtiwala ka sa sarili mo, anak. Ano ba ang naririnig mo sa puso mo?"
Bumuntong hininga si Bennedict at saglit na nag-isip. "Gusto ko siyang balikan, Ma. Gusto ko linawin ang lahat. At gusto ko sabihin sa kanya—lahat ng nilalaman ng damdamin ko," sabi ni Bennedict na may konting kalungkutan sa tinig.
"Pero, natatakot akong hindi ko gusto yung maririnig kong sagot mula sa kanya."
Nagkatinginan si Miguel at Dolores, at nagbigay ng isang malalim na buntong hininga. "Handa na ba loob mo?" tanong ni Miguel sa anak.
"Naiisip ko lang yun, Pa," sagot ni Bennedict. "Pero natatakot pa ako. Baka sa huli, hindi ko kayanin ang katotohanan."
"Eh ano, tatakbo ka pa rin ba?" sabi ni Miguel, "ang buhay at karanasan ang humubog sa amin para kami maging ganito. Iba ang buhay na naranasan mo sa naranasan namin ng Mama mo. Magkaiba man ang mga paglalakbay natin sa buhay, umaasa ako matutunan mo ang mga aral sa buhay sa sarili mong karanasan."
"Sa ngayon, sige-huwag kang mainip, anak. Darating din ang panahon mo. Maghintay ka lang," sabi ni Miguel, at sabay pat pat sa balikat ni Bennedict.
"Anong balak mo ngayon?" tanong ng ama.
"Sa ngayon po, dito muna ako. Kapag ramdam ko nang handa na akong humarap kay Celina, babalik ako sa Maynila," sagot ni Bennedict.
Nagulat ang mag-asawa sa sagot na iyon.
"Celina?" tanong ni Dolores. "Pangalan pa lang niya, gusto ko na." Sambit ni Dolores na may kasamang saya sa tono.
"Hon, relax ka lang. Di pa nga tayo sigurado kung hindi mababasted anak mo," sagot ni Miguel na may halong biro at pagka-alala.
"Pa naman!" sambit ni Bennedict habang bahagyang natawa ngunit may kasamang inis.
Itutuloy...
Comments (0)
See all