Please note that Tapas no longer supports Internet Explorer.
We recommend upgrading to the latest Microsoft Edge, Google Chrome, or Firefox.
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
Publish
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
__anonymous__
__anonymous__
0
  • Publish
  • Ink shop
  • Redeem code
  • Settings
  • Log out

Ang Mga Lalaking Kailan Ma'y Hindi Naging Sa Akin

Kabanata 1: Ang Simula ng Isang Tahimik na Bagyo

Kabanata 1: Ang Simula ng Isang Tahimik na Bagyo

May 02, 2025

Ang Respetadong Doktora

Dra. Clarisse Villanueva. Doktor. Espesyalista. Consultant ng Endocrinology sa East Global Medical Center.

Consistent dean's lister noong kanyang pre-med sa kursong Pharmacy. Hindi lang iyon—nakapasok din siya sa Top 20 ng Pharmacy Licensure Exam, sa ika-labing-apat na pwesto. Nagtuloy siya ng Medisina bilang isang iskolar, at kahit hindi kabilang sa Topnotchers sa Medical Licensure Exam, mataas pa rin ang kanyang marka.

Ngayon, siya ang pangunahing breadwinner ng pamilya. Anak ni Aleng Floring at Mang Tony—isang simpleng pamilya na hindi marangya, pero kilala at respetado sa kanilang lugar. Lahat ay humahanga kay Dra. Clarisse. Tahimik. Maayos. Disiplinado.

Ngunit, sa likod ng lahat ng karangalang ito—siya ay single. Medyo nasa advanced na rin ang edad, at kailanma'y hindi nagkaroon ng nobyo. Sa halip, subsob siya sa karera. Ganoon na siya simula pa noong kolehiyo at med school.

Ang Pagkikita

Isang umaga, sa ospital...

"Irene, busy ba si Dra. Anne?" tanong ni Clarisse sa sekretarya.

"May pasyente pa po sa loob, Doktora. Pagkatapos po niya, sige po, pumasok na kayo," tugon ni Irene.

Pagkalipas ng sampung minuto, bumukas ang pinto ng clinic ni Dra. Anne.

Lumabas ang pasyente.

Si William Ramos Centeno.

Nagkatinginan sila ni Clarisse. Tinanguan siya ni William.

Pero si Clarisse? Parang natulala. Hindi makagalaw. Sinundan ng tingin si William habang paalis ito ng clinic.

"Doc..." tawag ni Irene, bahagyang kinikilig.

"Hala si Doc, parang na-love at first sight yata..."

"Hah? Hindi no!" mabilis na tugon ni Clarisse, pero hindi maitago ang pamumula ng kanyang pisngi.

"Sige po Doc, pasok na po kayo," ngiti ni Irene.

Konsulta Kay Dra. Anne

"Anne, thanks for seeing me on short notice," bungad ni Clarisse.

"No problem. Ano'ng meron?"

"May pasyente akong diabetic with long-standing hypertension. Na-admit sa St. Elora. Medyo complicated. May signs ng LV hypertrophy sa echo. BP uncontrolled despite meds. I think we need to co-manage."

"Send me the labs. Titingnan ko kung may kailangan tayong i-adjust sa regimen niya. Pwede rin tayo mag-run ng 24-hour BP monitoring."

"Sige. Salamat, Anne."

"I think baka recommend ko na ipalipat siya dito sa East Global Medical Center para mas madali natin ma-monitor," dagdag pa ni Dra. Clarisse.

"Sounds good. Sabihan mo lang ako kung kailan siya madadala rito."

Ang Pagkakataon

Matapos ang usapan, lumabas si Clarisse.

"Thanks, Irene."

"Walang anuman po, Doc."

Pagbalik sa clinic...

"Angela, baka malate ako makabalik. Sa labas ako magtatanghalian," paalala niya sa kanyang sekretarya.

Ilang sandali pa'y nasa isang malapit na fast food si Clarisse.

Clubhouse sandwich at iced tea ang order niya. Tahimik siyang kumakain habang nagba-browse sa phone.

"Excuse me, may naka-upo ba dito? Maaari bang maki-share ng lamesa?"

Isang pamilyar na boses.

Pagtingala niya—si William. Ang pasyente kanina ni Dra. Anne.

"Ah... eh... no problem," sagot niya.

"Ikaw yung doctor kanina sa clinic ni Dra. Anne, right?"

"Ah, oo. Dra. Clarisse Villanueva. Endocrinology," pagpapakilala niya.

"William Centeno. Nice to meet you, Dra. Clarisse."

"Saglit lang ito. Wala lang talaga available na table. Huwag ka ma-ilang sa akin," sabi ni William sabay ngiti.

Matapos kumain, nagpaalam ito.

"Thanks, Dra. Clarisse, for sharing the table," may malamyos na ngiti.

"You are welcome," tugon niya, medyo naguguluhan sa sarili.

Tahimik na Pag-uwi

Gabi na nang makauwi si Clarisse. Dahan-dahang nag-park sa garahe. Pagbaba ng sasakyan, isinabit ang coat at sling bag sa umbrella rack.

"Hi anak!" salubong ng kanyang ina, si Nanay Floring.

Ngumiti si Clarisse at yumakap dito.

"Ibang klase ka rin talaga, anak. Parang akala mo ilang buwan tayong di nagkita. Ganyan ka lagi araw-araw," biro ng ina.

"Nay, nagsasawa ka na ba sa akin?" pabirong sagot ni Clarisse.

"Hindi anak. Natutuwa nga ako. Kumain ka na ba?"

"Opo Nay. Kumain po ako sa labas."

"Oh siya, akyat ka na at mag-ayos na. Para makapagpahinga ka na rin."

Ang Katahimikan Bago Matulog

Sa kanyang silid, nagpalit ng pambahay si Clarisse. Naligo. Pinatuyo ang buhok. Kaunting browse sa email. Isang maikling sulyap sa calendar.

Pagkahiga niya, unti-unting pumipikit ang kanyang mga mata. Sinasabayan ng bawat tunog ng tik tak ng wall clock sa kanang pader. Hanggang sa unti unti na ring bumagal ang kaniyang paghinga.

Sa dilim ng kwarto, isang munting ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi.

At sa wakas, nakatulog siya ng mahimbing.

Itutuloy...

sherwinrreyes
AninoNgPusa

Creator

Comments (0)

See all
Add a comment

Recommendation for you

  • Blood Moon

    Recommendation

    Blood Moon

    BL 47.6k likes

  • Silence | book 1

    Recommendation

    Silence | book 1

    LGBTQ+ 27.2k likes

  • What Makes a Monster

    Recommendation

    What Makes a Monster

    BL 75.2k likes

  • Secunda

    Recommendation

    Secunda

    Romance Fantasy 43.2k likes

  • Touch

    Recommendation

    Touch

    BL 15.5k likes

  • Silence | book 2

    Recommendation

    Silence | book 2

    LGBTQ+ 32.3k likes

  • feeling lucky

    Feeling lucky

    Random series you may like

Ang Mga Lalaking Kailan Ma'y Hindi Naging Sa Akin
Ang Mga Lalaking Kailan Ma'y Hindi Naging Sa Akin

1.4k views0 subscribers

Ang Mga Lalaking Kailan Ma'y Hindi Naging Sa Akin

Isang anak.
Isang ama.
Pareho mong minahal.
Pareho mong nawala.
At pareho... hindi kailanman naging sa'yo.

Sa pagitan ng panaginip at katotohanan, isang babaeng doktor ang dadaan sa pinakamasakit na paglalakbay ng kanyang buhay-
Ang matutong magmahal, mawalan, at bumangon muli...
kahit ang lahat ng minahal niya ay nanatiling alaala lamang.
Subscribe

19 episodes

Kabanata 1: Ang Simula ng Isang Tahimik na Bagyo

Kabanata 1: Ang Simula ng Isang Tahimik na Bagyo

88 views 0 likes 0 comments


Style
More
Like
List
Comment

Prev
Next

Full
Exit
0
0
Prev
Next