Please note that Tapas no longer supports Internet Explorer.
We recommend upgrading to the latest Microsoft Edge, Google Chrome, or Firefox.
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
Publish
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
__anonymous__
__anonymous__
0
  • Publish
  • Ink shop
  • Redeem code
  • Settings
  • Log out

Ang Mga Lalaking Kailan Ma'y Hindi Naging Sa Akin

Kabanata 3: Out Patient #14

Kabanata 3: Out Patient #14

May 02, 2025

Isang panibagong umaga na ulit.

Bumukas ang mga mata ni Dra. Clarisse. Tahimik siyang nakatitig sa kisame ng kanyang silid, habang unti-unting humihigop ng kamalayan ang liwanag mula sa labas ng bintana.

Lumingon siya sa kanan.
"Ang wall clock? Wala?"

Lumingon siya sa kaliwa.
"Nasa kaliwa ulit?"

Saglit siyang napatitig, napalunok.
Hindi siya nagsalita. Pero sa kanyang loob, may mumunting sigla.

Bumangon na siya at bumaba sa hapag-kainan. Gaya ng nakagawian, sabay-sabay silang nag-almusal ng kanyang mga magulang. Tinapay, kape, at mga kwento mula kay Nanay Floring at Mang Tony na tila ba walang ibang mundo kundi ito lang—ang mundong puno ng araw-araw at hindi ng alaala.

Naligo, nagbihis, at pumunta na sa ospital—East Global Medical Center.

Sa clinic, masiglang kinikilos ni Angelou ang kanyang mga routine: pagkuha ng patient slips, pag-check ng vital signs, at pagtatala ng mga resulta sa computer. Si Clarisse naman ay nakatutok sa mga chart, habang isa-isang pinapapasok ang mga pasyente sa loob ng exam room.

Hanggang sa sunod na pumasok.

"Good morning po, Dra. Clarisse," bati ng isang pamilyar na boses—mababa, malambing.

"Good morning, upo po—" sagot niya, pero natigilan.

Si William.
Siya ang pasyente.

"William? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Dra. Clarisse, halatang gulat.

"Ah, nagpa-refer ako kay Dr. Anne papunta sa Endocrinology. Sinabi ko kasi sa kanya na parang may bumubukol sa lalamunan ko," sagot ni William, may biro sa tinig.

Kinuha ni Dra. Clarisse ang lab results at sinuri.

"William, wala naman signs dito na meron ka goiter," maikling sagot niya, diretso pero may halong duda.

"Ganun ba?" ngumiti si William. "Pero... masama bang sabihin na gusto lang talaga kitang makita?"

Parang nataranta si Clarisse.
"Ano?"

"Gusto lang talaga kitang makita," ulit ni William, kalmado. "Ayaw ko naman na parang hinahabol o hinaharang kita sa hallway tuwing nagkikita tayo. Para kasing... ninanakaw ko ang oras mo."

"Sa ganitong paraan, meron talaga akong oras para sa'yo... at ikaw, oras para sa akin. Kahit limang minuto lang, o higit pa doon."

Napailing si Dra. Clarisse, pero hindi maitago ang ngiti.

"Alam mo, sira ka talaga. Baka pag nalaman 'yan ng HMO mo, ma-ban ka."

"Hindi naman siguro ako ma-ba-ban... kung 'di mo ako isusumbong," sabay kindat ni William.

"Hay naku," umiling si Clarisse. "Violation na 'yan sa terms of use ng HMO mo. Biruin mo, gamitin mo ba naman sa panliligaw."

Ngumisi siya habang nagsusulat sa chart.
"Okay na tayo. Wala muna akong ire-reseta sa'yo. Yung reseta mo kay Dra. Anne, puwede na 'yun para sa'yo."

"Ganun lang? Papaalisin mo na ako?" tanong ni William, kunwaring nagtatampo.

"Wala ka naman sakit, William. At ang dami pa nakapila sa labas, 'di ba?" sabay nguso ni Clarisse sa may pintuan.

"Sige," sagot ni William. "Aalis na ako... pero sa isang kundisyon."

Napailing si Clarisse, may bahagyang inis.
"Sige na nga. Ano na naman 'yan?"

"Pwede mo ba akong samahan mag-kape? D'yan lang sa Joe's Coffee. After ng shift mo. Treat ko," tanong ni William, sabay tingin nang deretso.

Napabuntong-hininga si Clarisse.
"Sige na nga. Ang kulit mo talaga. Alam ko, hindi ka tatayo d'yan pag hindi ako umo-o."

Tumayo si William, nakangiti—parang panalo sa isang tahimik na laban.

"Maraming salamat, Doc, sa pagtanggap sa aking paanyaya. See you later."
Sabay kindat.

Parang may sumundot sa puso ni Dra. Clarisse.

Sa buong buhay niya, ngayon lang may isang lalaking nag-imbita sa kanya para mag-kape.
Kadalasan kasi, siya ang nagyayaya sa mga kaibigan niyang babae.

Pero ang pagkakataong ito... kakaiba.

At habang ginagawa niya ang rounds, habang lumilipas ang oras sa clinic—
kapag naaalala niya ang paanyaya ni William...

Bumibilis ang tibok ng puso niya.

Maaaring simula na ito ng isang...

Bagong koneksyon.

 O bagong pagkakaibigan?

Cafeteria Confessions
(Minsan, ang pinaka-seryosong usapan... sa pila ng ulam nagsisimula)

Nang matapos ma-konsulta ni Dra. Clarisse ang huling pasyente, agad siyang nag-ayos ng gamit. Bago lumabas ng clinic, sumulyap siya kay Angelou na abala pa rin sa pag-record ng mga resulta sa laptop.

"Kakain lang ako d'yan sa cafeteria natin ng tanghalian. Pagbalik ko, kukunin ko lang 'yung mga charts at magra-rounds na ako sa taas, okay? Pahanda na rin 'yung mga charts."

utos ni Doktora habang inaabot ang kanyang ID.

"Sige po, Doc. Ako na po ang bahala," sagot ni Angelou na may masiglang ngiti.

Pagdating sa cafeteria, bubuksan na sana niya ang pinto nang biglang may tumawag sa kanya mula sa gilid.

"Dra. Clarisse!"

Pamilyar ang boses.

Paglingon niya, si Irene—ang sekretarya ni Dra. Anne—palapit nang palapit, bitbit ang tray na may bote ng juice at slice ng pineapple pie.

"Hi Irene, kamusta ka?" bati ni Clarisse.

"Naku, Dra. Clarisse—ikaw ang kamusta!" mabilis na sagot ni Irene, may kislap ang mga mata.

Napataas ang kilay ni Clarisse. "At ano ibig sabihin niyan, aber?"

"Doc, si William, 'yung crush mo—alam mo bang nagpa-refer 'yon kay Dra. Anne tapos deretso na sa clinic mo?" tanong ni Irene, para bang pinipigilang kiligin.

"Tatlo kaya kayong Endo dito sa East. 'Yung isa matandang dalaga din, 'yung isa bakla. Pero talaga sa clinic mo siya nagpa-refer!" bulong ni Irene, sabay irap ng pilya.

Bahagyang ngumiti si Clarisse.

"Niyaya nga niya ako mag-kape mamaya. After ng shift ko."

"Ano???" bumagsak ang panga ni Irene.

"Grabe ka! Nakaka-kilig!!!"

Pumasok na sila sa cafeteria at pumila sa counter ng pagkain. Habang nakapila, hindi pa rin napipigil si Irene.

"Doc, gwapo at matikas si William... pero may asawa na 'yun ha."

Tahimik lang si Clarisse. Parang wala siyang narinig.

Nang makakuha na sila ng pagkain, naupo silang magkatabi sa isang sulok na lamesa.

"Doc, ang swerte mo talaga—tingin ko type na type ka nung William na 'yun. Ang tangkad niya. Matipuno. Malakas siya, kaya ka niyang buhatin."

"At... mahaba at matigas siguro ang ano..."

"Ang dumi talaga ng utak mo, Irene." pabirong singhal ni Clarisse, nangingiti.

"Ang braso, Doc! Ang braso! Ikaw naman eh!" counter ni Irene, sabay tawa.

Pareho silang napatawa.

"Anong balak mo Doc mamaya sa Joe's?" tanong ni Irene habang sumasandok ng kanin.

"Wala lang. Kwentuhan lang. Isang kape... isang slice ng cake siguro."

Pero may sumunod pang tanong si Irene na hindi inaasahan ni Clarisse.

"Paano kung may intensyon talaga siyang ligawan ka?"

Biglang nabulunan si Clarisse sa iniinom niyang tubig.

"Grabe naman 'yang tanong mo! Sino ka, si Christy Fermin?" sagot niya, natatawa.

Pero agad ding sineryoso ang sagot.

"Siyempre hindi ko e-entertain 'yon. Hindi ko hahayaang mag-cross siya ng professional boundaries namin—bilang doctor and patient."

Diretsong sagot ni Clarisse, may bahid ng paninindigan.

Tahimik si Irene sandali, tapos ngumiti.

"Well, dahil kilala kita... wala akong nakikitang mali dito. Naniniwala ako sa inyo."

Sabay kindat niya kay Clarisse.

At muli silang natawa—mahina lang, sapat na para hindi mapansin ng iba.
Sapat na rin para pansamantalang kalimutan ni Clarisse ang bigat ng puso niya.

Tuloy-tuloy lang ang kanilang lunch.

Sa Kape, Sa Katahimikan

Mula sa 3rd floor, bumaba si Dra. Clarisse papuntang Ground Floor ng ospital.

 Hindi na siya nagpalit ng suot—naka-labcoat pa rin. Medyo pagod. Medyo antok. Pero sa ilalim ng lahat ng iyon... may kakaibang kaba.

Pagdating sa tapat ng Joe's Coffee, nakita niya si William.

Naupo ito sa isang maliit na bilog na mesa para sa dalawa.

Nang magtagpo ang kanilang mga mata mula sa salamin, kumaway si William—magaan, walang pilit.

Pagpasok niya, binigyan niya ito ng maliit na tango at tipid na ngiti.

"Dra. Clarisse, maupo ka na dito," anyaya ni William, tumango sa bakanteng upuan sa harap niya.

Umupo si Clarisse.

"Walang available na couch," paliwanag ni William.

"Kanina pa ako naghihintay. Itong pwesto lang talaga ang nakuha ko. Pasensya na."

Ngumiti si Clarisse.

"Ano ka ba? Okay lang 'yan. Order na tayo."

Nag-order si William ng isang Spanish Latte at isang Iced Vanilla para sa kanila, kasama ang dalawang slice ng carrot cake.

"Wow, mukhang masarap 'yung cake ha," tuwang-tuwang sabi ni Clarisse.

"Alam ko magugustuhan mo," sagot ni William. "Hindi siya masyadong matamis."

"Ako, malamang, hindi mo magugustuhan," sabay kindat ni William.

Tumaas ang kilay ni Clarisse. "Pick-up line ba 'yan? Sige nga?"

Ngumisi si William.

"Kasi mas sweet pa ako kaysa sa carrot cake na 'yan."

Pareho silang natawa. Corny. Pero sakto sa gabi. Sakto sa pagitan nila.

Habang tinutunaw ang yelo ng kanilang iced drinks, natunaw rin ang ilang lamat sa katahimikan ng kanilang mga mundo.

Nagbiro si Clarisse tungkol sa thesis defense niya noong college na naging group thesis pero siya lang ang nagpresenta.

Nagkwento si William tungkol sa ka-office mate niya dati na akala niya crush siya, yun pala pareho lang silang addict sa Coke Zero.

"So... wala kang naging boyfriend nung med school?" tanong ni William.

"Wala. Hindi kasi kasali sa exam 'yon." sabay tawa ni Clarisse.

Marahan. Walang pressure. Parang sandaling nakalimutan nilang pareho silang may dalang mabibigat na buhay.

Pagkatapos ng kape at cake, sabay silang tumayo.

Hindi nagmamadali. Parang pareho nilang gustong tumagal pa sa tahimik na mundong iyon.

"Sana... maulit ulit 'to," mahina ngunit tapat na sabi ni William.

"Well... I don't know," sagot ni Clarisse, pero may lambing. "Pero nag-enjoy ako. Salamat, William."

Paglabas nila ng café, si Clarisse ang unang humawak sa glass door.

Ngunit inabot din ito ni William.

At sa isang hindi sinasadyang pagkakataon, nagtagpo ang kanilang mga kamay.

Tumigil si Clarisse.

Tumingin kay William.

Si William, napatingin din sa kanya—tama lang ang tagal, sakto lang ang lalim.

May init na gumapang mula sa kanyang palad, pataas sa kanyang dibdib.

Hindi niya inaasahan. Pero naramdaman niya.

"Sorry," biglang sabi ni William.

Inalis ang kamay.

At tinulak na lang ang glass door.

"Bye, Dra. Clarisse," paalam niya, kasabay ng ngiti.

Ngumiti rin si Clarisse.

Tahimik lang.

At dumeretso na siya pabalik sa ospital.

Hindi nila alam na sa simpleng hawak ng kamay...

sa munting ngiti...

may nagsisimulang mabuo.

At kung ano man 'yon,

hindi pa natin alam sa ngayon.

Basta meron.

Itutuloy...

sherwinrreyes
AninoNgPusa

Creator

Comments (0)

See all
Add a comment

Recommendation for you

  • Blood Moon

    Recommendation

    Blood Moon

    BL 47.6k likes

  • Silence | book 1

    Recommendation

    Silence | book 1

    LGBTQ+ 27.2k likes

  • What Makes a Monster

    Recommendation

    What Makes a Monster

    BL 75.2k likes

  • Secunda

    Recommendation

    Secunda

    Romance Fantasy 43.2k likes

  • Touch

    Recommendation

    Touch

    BL 15.5k likes

  • Silence | book 2

    Recommendation

    Silence | book 2

    LGBTQ+ 32.3k likes

  • feeling lucky

    Feeling lucky

    Random series you may like

Ang Mga Lalaking Kailan Ma'y Hindi Naging Sa Akin
Ang Mga Lalaking Kailan Ma'y Hindi Naging Sa Akin

1.4k views0 subscribers

Ang Mga Lalaking Kailan Ma'y Hindi Naging Sa Akin

Isang anak.
Isang ama.
Pareho mong minahal.
Pareho mong nawala.
At pareho... hindi kailanman naging sa'yo.

Sa pagitan ng panaginip at katotohanan, isang babaeng doktor ang dadaan sa pinakamasakit na paglalakbay ng kanyang buhay-
Ang matutong magmahal, mawalan, at bumangon muli...
kahit ang lahat ng minahal niya ay nanatiling alaala lamang.
Subscribe

19 episodes

Kabanata 3: Out Patient #14

Kabanata 3: Out Patient #14

68 views 0 likes 0 comments


Style
More
Like
List
Comment

Prev
Next

Full
Exit
0
0
Prev
Next