Please note that Tapas no longer supports Internet Explorer.
We recommend upgrading to the latest Microsoft Edge, Google Chrome, or Firefox.
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
Publish
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
__anonymous__
__anonymous__
0
  • Publish
  • Ink shop
  • Redeem code
  • Settings
  • Log out

Ang Mga Lalaking Kailan Ma'y Hindi Naging Sa Akin

KABANATA 6: Ang Tunay Kong Account Number

KABANATA 6: Ang Tunay Kong Account Number

May 03, 2025

Dumating na ang kinabukasan.

Nakahiga pa rin si Dra. Clarisse sa kama. Nakapikit pa ang mga mata, pero ang kanang braso ay nakaunat na, tila sinusubukang abutin ang isang umagang hindi pa niya tanggap.

Sa pinto ng silid, sumilip si Nanay Floring.

"Anak, inakyat na kita. Baka kasi tanghaliin ka ng gising. 'Yan ang bilin mo sa'kin bago ka matulog."

Napakislot si Clarisse. Bumaling ng tingin, parang may hinahanap sa sarili niyang alaala.

"Nay, wala naman po akong matandaang may binilin ako kagabi."

"Ewan ko sa'yo. Sige na, bumaba ka na. Naka-ready na ang almusal mo."

Parang may mabigat na nakapatong sa kanyang dibdib. Pero tumayo na rin siya, bumaba sa hapag, at kumain gaya ng nakagawian. Walang tanong. Walang dagdag.

Pagkatapos mag-agahan, naligo, nagbihis ng unipormeng puti, humalik sa ina, at nagpaalam para pumasok sa ospital.

Pagdating sa basement parking, napansin agad ni Mang Aldz ang kotse niya.

"Doktora, andiyan na po kayo nanaman! Doon po tayo sa B3, 'di ba?" sigaw ni Mang Aldz, sabay turo.

Napakamot na lang si Clarisse at tumango. "Sorry po. Nakalimutan ko ulit."

Pag-akyat sa clinic, masiglang sinalubong siya ni Angelou.

"Doc, good news po! Dumating na po yung cheque niyo galing Philex Pharma!"

Napakunot ang noo ni Clarisse. "Ha? Angela, kaka-deposit ko lang ng cheque kahapon, 'di ba?"

"Doc... Angelou po," sabay kindat ng sekretarya. "Sure ka pong okay ka lang, doktora?"

Napahawak si Clarisse sa sentido. "Sorry, Angelou. Oo, okay lang ako. Pahiram na lang nung mga cheque. Idaan ko na lang sa bangko saglit."

Sa Bangko

Nag-fill-up ng deposit slip si Clarisse: account number, pangalan, halaga. Isang routine na tila nakasaksak na sa muscle memory.

Nang siya na ang nasa counter...

"Ma'am Clarisse, mukhang mali po ang checking account number na nailagay niyo," maingat na sabi ng teller.

"Hah? Imposible. Patingin nga."

Sinilip niya ang deposit slip.

9814561387

Hindi siya maaaring magkamali. Labindalawang taon na niyang ginagamit ang numerong ito. Kabisado ng kamay niya ang bawat kurbada ng bawat numero.

"Pakivalidate po ulit, miss. 9814561387," diin ni Clarisse.

"Ma'am... sorry, pero ibang pangalan po ang lumalabas."

Parang nanlamig ang batok niya. Mabilis niyang binuksan ang checkbook.

Checking account number: 9819441346.

"Hindi... 'di ito tama," mahinang sambit niya. "Hindi 'to 'yung account ko..."

"Ma'am, pa-try lang po namin 'tong number na 'to. Kung ito po ang lumabas sa system, pa-cross out na lang po at pa-countersign sa slip."

Wala nang nagawa si Clarisse kundi sumunod.

At nang tuluyang matanggap ang deposit, parang mas lalo siyang nalito.

Paglabas ng Bangko

"Clarisse!"

Isang pamilyar na boses mula sa likuran.

Paglingon niya, si William. Nakangiti. Walang dalang pag-aalala.

Hindi siya tumigil. Patuloy lang sa paglakad.

"Clarisse, sandali lang, please!"

Napahinto siya. Humarap.

"William, ano ba? Baka makita tayo ng asawa mo. Paano mo ipapaliwanag na hindi mo ako kilala?"

Nagulat si William.

"Asawa ko? Clarisse, next month pa siya babalik galing States."

"Anong States?" Halos mapasigaw si Clarisse. "Kahapon lang, nakita ko kayong dalawa sa bangko!"

"Clarisse..." Umiling si William. "Hindi ko alam kung anong sinasabi mo."

Bumuntong-hininga si Clarisse. Wala nang saysay ang makipagtalo. "Sige. Ano ba 'yon?"

"Gusto lang sana kitang kamustahin," sagot ni William.

"Okay lang ako. Salamat."

"Teka lang... Linggo, libre ka ba? Gusto ko sanang yayain kang lumabas ulit."

"Martes pa lang ngayon, William," natatawang sagot ni Clarisse. "Ang aga mo magpa-reserve."

"So pwede?"

Napangiti siya. "Sabihan na lang kita sa Viber. Need ko lang mag-focus sa trabaho."

"YES!" sigaw ni William, sabay kindat.

Napailing si Clarisse. Pero sa loob-loob niya, gusto rin niya ito.

Lumipas ang Mga Araw

Hindi na niya alam kung anong araw na.

Pero ang oras... laging naroon.

At ang orasan sa dingding ng kanyang silid—

hindi gumagalaw ng puwesto.

Tahimik lang ito. Parang bantay. Parang saksi.

Tik.

Tak.

Tik.

Tak.

Hanggang sa dumating na nga ang Linggo.

Nagkita ulit sila ni William. Hapunan, kwentuhan, tawa. Parang normal.

Pero pag-uwi?

Ang kotse ni William... lumiko ulit sa kaliwa.

Sa drive-thru ng lumang motel.

Anim na Linggo Makalipas

Maagang umaga.

Dahan-dahang tumayo si Clarisse sa kama. Mabigat ang katawan. Parang may gumugulong sa sikmura niya.

Sumugod siya sa banyo. At sa harap ng lababo—napaduwal.

Mula sa ibaba ng bahay, narinig siya ng kanyang ina.

"Anak? Okay ka lang ba?" tawag ni Nanay Floring habang paakyat sa silid.

"Okay lang, Nay... parang masama lang pakiramdam ko."

Hinimas ni Nanay Floring ang likod niya. May halong pag-aalala ang mga mata.

"Ano, anak? Kakayanin mo ba pumasok?"

"Kaya ko naman, Nay. Kailangan ko lang magpahinga saglit."

Pagkaraan ng ilang minuto, nag-ayos si Clarisse, naligo, at nagbihis ng pang-opisina.

Wala siyang sinabing kahit ano. Pero sa loob niya...

Alam niyang may nagbabago.

Sa katawan.

Sa mundo.

At baka, sa kanya na rin.

Itutuloy...

sherwinrreyes
AninoNgPusa

Creator

Comments (0)

See all
Add a comment

Recommendation for you

  • Blood Moon

    Recommendation

    Blood Moon

    BL 47.6k likes

  • Silence | book 1

    Recommendation

    Silence | book 1

    LGBTQ+ 27.2k likes

  • What Makes a Monster

    Recommendation

    What Makes a Monster

    BL 75.2k likes

  • Secunda

    Recommendation

    Secunda

    Romance Fantasy 43.2k likes

  • Touch

    Recommendation

    Touch

    BL 15.5k likes

  • Silence | book 2

    Recommendation

    Silence | book 2

    LGBTQ+ 32.3k likes

  • feeling lucky

    Feeling lucky

    Random series you may like

Ang Mga Lalaking Kailan Ma'y Hindi Naging Sa Akin
Ang Mga Lalaking Kailan Ma'y Hindi Naging Sa Akin

1.4k views0 subscribers

Ang Mga Lalaking Kailan Ma'y Hindi Naging Sa Akin

Isang anak.
Isang ama.
Pareho mong minahal.
Pareho mong nawala.
At pareho... hindi kailanman naging sa'yo.

Sa pagitan ng panaginip at katotohanan, isang babaeng doktor ang dadaan sa pinakamasakit na paglalakbay ng kanyang buhay-
Ang matutong magmahal, mawalan, at bumangon muli...
kahit ang lahat ng minahal niya ay nanatiling alaala lamang.
Subscribe

19 episodes

KABANATA 6: Ang Tunay Kong Account Number

KABANATA 6: Ang Tunay Kong Account Number

80 views 0 likes 0 comments


Style
More
Like
List
Comment

Prev
Next

Full
Exit
0
0
Prev
Next