Please note that Tapas no longer supports Internet Explorer.
We recommend upgrading to the latest Microsoft Edge, Google Chrome, or Firefox.
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
Publish
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
__anonymous__
__anonymous__
0
  • Publish
  • Ink shop
  • Redeem code
  • Settings
  • Log out

My Naughty Bestfriend (GL)

15

15

May 04, 2025

This content is intended for mature audiences for the following reasons.

  • •  Sexual Content and/or Nudity
Cancel Continue

ANDY

Nagising na lamang ako nang may tumatapik sa pisngi ko. "Prince! Gising na. Hindi ka ba papasok?" Pagdilat ko ay banayad itong nakatitig sa akin. Pansin ko ring nakabihis na si Mom.

"Good morning Mom," pupungas-pungas kong bati at yumakap sa kanya. "Di po muna ako papasok," bulong ko habang nakapatong ang aking baba sa balikat ni Mom.

"Okay Prince," sagot naman ni Mom 'tsaka humiwalay sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ako. Ang mga tingin niya sa akin ay nagpapahiwatig na kailangan ko ng paliwanag mo mamaya. Alanganin naman akong ngumiti.

Bumangon na ako at sumunod na kay Mom. Pagbaba namin ay nakita ko si Dad na nakabihis na rin at inaayos ang kanyang sarili sa harap ng salamin.

"Good morning Dad," bati ko rito at lumingon naman ito sa akin.

"Good morning Duke! How do I look? Still young and handsome?" pagpapahangin ni Dad sabay harap sa akin at nagpose pa ito kunwari na para bang isang body builder upang ipakita ang toned nitong muscles at biceps.

"No Dad. You're still smoking hot and sexy!" gatung ko naman sabay pikit ng aking kaliwang mata at tinuro si Dad sabay click ng aking dila.

"You heard it darling? There's no doubt that our son inherited the good physical features from me," nakangisi namang sabi nito kay Mom. "Right son?" baling niya ulit sa akin sabay gulo ng aking buhok.

"Dad!"

"Henry!"

"What? Okay, I know, I know," sabi nito sabay taas ng kamay na tila ba sumusuko. "Our half-daughter half-son I mean," tumango-tango pang sabi ni Dad sabay himas ng kanyang baba na animo'y siguradong-sigurado sa kanyang sinabi.

Bigla naman siyang nilapitan ni Mom at pinandilatan ng mata sabay kurot. "Seriously Henry? Half-daughter half-son? You sounded like our child is another sort of creature! Kung di dahil sa ay nako Henry, pasalamat ka talaga at mahal kita kahit ganyan ka," kunwaring pagtataray ni Mom kay Dad sabay irap at humalukipkip.

Humalakhak naman si Dad at masuyong niyakap si Mom. Am I interrupting them?

"And you're right darling, manang-mana talaga sa'yo si Prince. Imagine, kauuwi lang natin may tatlong babae na agad na nagawi rito sa bahay," at nakakalokong ngumiti si Mom sa akin habang nakayakap kay Dad at nakasandal ang ulo niya sa dibdib nito.

Oh how sweet. How I wish I am Eros but I will cut their red strings. Just kidding! I love them both despite that they're being playful right now.

"Mom? Dad? Mukhang late na ata kayo sa pupuntahan niyo," pukaw ko sa aking parents. Nakalimutan na ata nila dahil sa asaran at lambingan nilang dalawa.

Bigla namang umayos na ang mga ito at lumapit sa akin. Saktong paghikab ko ay siyang pagflash ng camera sa aming tatlo at tumatawang nagpaalam ang mga ito. Is there nothing that will make my morning better?

Nang makaalis sila ay papunta na ako sa kusina nang biglang may kumakatok. Nagtataka naman akong pumunta upang alamin kung sino dahil alas-otso pa lang ng umaga.

Pagkabukas ko ng pinto ay si Mich pala at mabilis itong pumasok at niyakap ako.

"Good morning Ander! I brought you foods. Your favorites," masayang bati nito at humiwalay sa akin. Ipinakita pa nito ang tatlong supot na dala.

"Good morning din Mich. Ang dami naman ata niyan. Nag-abala ka pa tuloy," at akmang kukunin ko na ang mga ito sa kanya nang bigla niyang inilayo ang isang supot. "This is for later Ander. We'll use this together," at pilyang ngumiti.

Napailing na lang ako at hinila na siya papunta sa kusina. Nanguha na ako ng mga plato at iba pang kitchen utensils. Isinalin ko na rin ang mga pinamili niyang pagkain at nagmadali na dahil takam na takam na ako.

Tumabi na ito sa akin at mas inilapit ang upuan. Dahil sa gutom ay nauna na akong kumain habang siya naman ay tumatawa kaya pinasakan ko siya ng takoyaki at ako naman ang tumawa. Nagpatuloy lang kami sa pagkain ng aming ramen noodles at nagsusubuan din.

"Mich, gatas oh," abot ko sa kanya ng isang baso ng gatas dahil maluha-luha na siya sa anghang ng ramen. "Extra chili hot sauce ka pa ha. Di mo ako kaya Mich," pang-aasar ko pa sa kanya habang kunwaring may inaalis na dumi sa aking balikat. Inirapan lang niya ako.

Huwebes ngayon at hindi muna ako pumasok dahil magdadate raw kami ni Mich.

"Mich, maliligo muna ako ha. Hintayin mo na lang ako," paalam ko rito ngunit pinigilan ako nito. "Mamaya ka na maligo at sabay na tayo. May gagawin muna tayo," sabi nito sa akin at kinuha na ang isang supot.

Hinila na niya ako papunta sa likod ng bahay. Nandito na kami ngayon sa may ilalim ng puno at nanguha ng dalawang monoblock chair.

"Babe, ipatong mo 'to sa'yo para matakpan 'yang damit mo baka marumihan," sabay abot sa akin ng towel.

"Anong gagawin mo? I thought we were having a date?" Hindi na ito sumagot pa at sinuklay na ang aking buhok. Napansin kong may hawak itong dalawang box ng Revlon hair color dye at nagmix na siya.

Ilang saglit lang ay naramdaman kong nilalagyan na niya ang buhok ko at ibinabrush ito. Hindi ko naman alam kung ano ng itsura ko ngayon kaya hinayaan ko na siya.

"Babe, lagyan mo naman 'yong buhok ko," pakiusap naman nito sa akin sabay abot ng hawak niya at kinuha ang towel na nakapatong sa akin at ipinatong naman niya sa kanya.

Tulad ng ginawa niya sa buhok ko kanina ay gano'n din ang ginawa ko sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang pagkapit ng kulay sa buhok at anit ko pati ang amoy nito ay matindi rin. Makalipas ang ilang minuto ay natapos na kami sa pagdadye ng aming buhok.

"Our date starts with this," sambit ni Mich sabay turo ng kanyang buhok. Naghintay muna kami ng ilang minuto para kumapit 'yong kulay.

Nagtungo na kami sa kwarto ko at doon na naligo. Sa shower ako at siya naman sa bath tub. Habang nagsasabon ako ng katawan ay biglang bumukas ang pinto kaya gulat na gulat na napatakip ako ng aking katawan.

"Mich! Close the door! Ang lamig!" sigaw ko sa kanya pero bigla akong naestatwa nang magawi ang tingin ko sa kabuuan niya. Ang hubad niyang katawan na may ilang bula pa ng sabon. Nanuyo yata ang aking lalamunan at bago pa ako mahibang ay nag-iwas na ako ng tingin.

Sa pag-iwas kong 'yon ay siyang bigla ring pagtakbo niya palapit sa akin. Ngunit sa di inaasahan ay nadulas ito at huli na ang lahat. Naramdaman ko na lang ang paglapat ng aking likod sa malamig at basang sahig. Ang katawan niyang nakapatong sa akin at ang dalawang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa aking dalawang  pulso. Kasabay ng lagaslas ng tubig mula sa shower ay siyang paggalaw ni Mich sa ibabaw ko at unti-unti nitong inilalapit ang kanyang mukha sa akin.

"Mich, teka, anong gagawin mo?" pabulong pero kinakabahan kong tanong dahil nanlalabo na ang aking paningin buhat sa tubig na pumapatak sa aming dalawa. Hindi ito sumagot sa halip ay mas hinigpitan nito ang pagkakahawak sa aking pulso.

Unti-unti ko nang nararamdaman ang paglapat ng kanyang pinagpalang dibdib sa aking balat gayundin ang kanyang mukha dahilan para ako ay magpumiglas upang makawala ngunit bigo ako. Napapikit na lamang ako habang patuloy pa rin ang pagkabog ng dibdib ko.

Hold yourself Drew!

Pagdilat ko ay halos isang pulgada na lang ang pagitan ng aming mga mukha. Naaamoy ko na ang hininga niya at ang mga mata niyang nakatitig sa aking labi. Wala sa sariling napakagat-labi ako at tuluyan na niyang sinakop ang pagitan namin kaya napapikit na lamang ako.

Biglang may umalingawngaw na tawa sa loob ng shower kaya napadilat ako. "How I wish na nakita mo 'yong itsura mo babe! It was priceless!" patuloy na paghalakhak ni Mich. "Are you really expecting me to kiss you? Of course, but not here," biglang seryoso niyang sabi pero tumawa ulit.

Tinulak ko siya nang mahina at kiniliti. "Bwisit ka talaga Mich! Humanda ka sa akin!" patuloy ko sa pangingiliti hanggang sa magmakaawa siyang ihinto ko.

After how many years ay natapos kaming maligo at nagbihis na sa aking kwarto. Pagkapunas ko sa aking basang buhok ay di ako makapaniwalang tumingin sa salamin.

"Mich! How do I look? Handsome? Gorgeous? Or am I English spokening dollars?" loko-loko kong tanong habang patuloy na tinitingnan at ginugulo ang aking bagong kulay na buhok sa salamin 'tsaka tumawa.

"You are adonis-like, babe. Blonde hair suits you perfectly," puri ni Mich sabay back hug sa akin. Parehas na kami ngayong nakaharap sa salamin. "So are you, Ms. Lady Trickster-slash-Playgirl," nakangiti ko ring puri sa kanya. Nagpout lang naman ito sabay patong ng kanyang baba sa aking kanang balikat.

Bagay pala sa aming dalawa ang hair color na butter blonde. Medyo may pagka-shade siya ng yellow.

Mayamaya ay hinila na niya ako pahiga sa aking kama at napahiga akong nakapatong  ng patalikod sa kanya. "Anong gagawin natin ngayon Mich?" tanong ko habang pinaglalaruan ang kamay niyang nakayakap sa tiyan ko.

"Magtingin na lang muna tayo ng old photos natin. After that ay manood tayo ng movie. What do you think babe?"

Naghum lang ako bilang pagsang-ayon at tumayo na upang kunin sa bedroom wooden cabinet drawers ang mga photo album no'ng maliit pa lang ako.

Sabay naming tiningnan ang mga kuhang larawan no'ng mga paslit pa lamang kami. Hindi namin maiwasang mapangiti at tumawa sa tuwing makikita namin ang aming mga itsura noon. Merong nakangiti kaming dalawa ni Mich na madungis at may uhog pa at ang mga ngipin namin ay dadalawa lang at bungi pa.

"Mich, ang iyakin mo pala noon. Halos ang kalahati ng pictures mo ay umiiyak ka at ang taba mo pa. Kaya tinatawag kang tabachoyit. Tingnan mo pa 'to," mahabang saad ko habang natatawa sabay turo sa isang larawan.

"Bwisit kasi sila Ponching. Inaasar nila ako lagi lalo na kapag wala ka paano kasi may gusto siya sa akin. Kapag dumating ka na at umiiyak na ako, binabato ka nila sabay tatakbo palibhasa nagseselos sa'yo," pagkukwento naman ni Mich.

Di na namin namalayan ang oras at nag-enjoy kami sa aming pagbabalik-tanaw. Ang sarap balikan no'ng mga panahong musmos pa lang kami at puro paglalaro lang ang ginagawa.

Inayos ko na ang mga photo albums at ibinalik na sa drawers habang si Mich naman ay binuksan na ang flat screen smart tv dito sa kwarto ko at nagsearch na ng movie.

Nakasandal na si Mich sa headboard at nakakumot na ng aking navy blue comforter blanket. Binuksan ko na ang aircon at tumabi na kay Mich.

"Babe, lapit ka pa rito sa akin. Dalian mo, nagsisimula na 'yong movie," sabi nito sa akin at ikinumot din sa akin ang comforter.

Nanood na kami ng movie habang si Mich naman ay nakatagilid na nakayakap nang mahigpit sa bewang ko habang nakapatong ang mga hita nito sa hita ko.Ipinalibot ko naman ang aking kanang braso sa kanya para mayakap siya at isinandal din ang ulo niya sa dibdib ko.

Watching movies and chill while my grades are in peril. Enjoy Drew!

"Mich, anong movie 'yan?" tanong ko ilang minuto pa lang ang lumilipas.

"Fifty Shades of Grey, babe. Maganda 'yan 'tsaka favorite ko," maikling sagot nito habang tutok sa movie.

"Huh? Eh di puro colors 'yan, Mich? Wala bang iba? Baka pambata rin 'yan ha?" pangungulit ko pa pero pinatahimik na niya ako sabay kurot sa tagiliran ko at sinabihang manood na lang.

Nang nasa kalagitnaan na kami ng movie at ako ay curious na rin sa mangyayari. Hindi ko na rin napansin ang katabi ko dahil inaabangan ko ang mangyayari nang biglang nagsimula na ang bed scene. Nakahiga na ang babae at ipinosas habang ang lalaki naman ay naghuhubad na.

Hindi na tuloy ako mapakali kaya tatayo na ako nang biglang humigpit lalo ang yakap ni Mich sa akin at idiniin ang kanyang katawan sa akin. Dahan-dahan rin niyang hinahaplos ang aking dibdib pababa sa aking tyan habang ang mga hita nito ay iginagalaw na rin sa ibabaw ko.

"Babe, top or bottom?" pilyang bulong nito sa tenga habang ang kamay nito ay nasa loob na ng hoodie ko.

"Ha?"

"Ah Ander ka nga." Bigla naman itong kumandong sa akin at sumiksik sa leeg ko at hinahagod ang aking likod.

Ilang saglit lang ay umalis na ito sa ibabaw ko at hinila ako sa bewang para mapahiga ako at mabilis itong pumatong sa akin at itinalukbong na sa aming dalawa ang comforter blanket.

"Be quiet babe and just let me. I'll be gentle," bulong nito at nilislis na ang laylayan ng aking pang-itaas.

"Mich! Please stop, masakit na! Ahh teka, dahan-dahan lang hah," hinihingal kong pakiusap kay Mich pero pinagpatuloy lang niya ang ginagawa sa akin. Hindi ko mapigilang sumigaw dahil sa kiliting dulot ng ginagawa niya. Nang makaipon ako ng lakas ay mabilis kong pinagpalit ang aming posisyon at ako na ang nakaibabaw sa kanya.

"Babe, shit! Dahan-dahan lang, oh stop please. I can't take it anymore, Ander!" sigaw din nito sa pagitan ng ginagawa ko sa kanya.


damselinstressss
DamienSelene

Creator

#gxg #gl #tagalog #lesbian_romance #bestfriends

Comments (0)

See all
Add a comment

Recommendation for you

  • What Makes a Monster

    Recommendation

    What Makes a Monster

    BL 75.4k likes

  • Invisible Boy

    Recommendation

    Invisible Boy

    LGBTQ+ 11.5k likes

  • Blood Moon

    Recommendation

    Blood Moon

    BL 47.6k likes

  • The Last Story

    Recommendation

    The Last Story

    GL 44 likes

  • Touch

    Recommendation

    Touch

    BL 15.5k likes

  • Secunda

    Recommendation

    Secunda

    Romance Fantasy 43.3k likes

  • feeling lucky

    Feeling lucky

    Random series you may like

My Naughty Bestfriend (GL)
My Naughty Bestfriend (GL)

519 views5 subscribers

Andy, punasan mo ako!"

"Andy, maghubad ka!"

"Andy, masarap ba?"

"Andy, huwag kang sumama diyan. Sa akin lang dapat!"

"Andy, pagod ka na ba? Kasisimula lang natin!"

"Andy, isa pa please?"

'Yan ang bestfriend kong si Kate. Isang dakilang babae na ubod ng manyak. Walang ibang ginawa kung di isigaw ang pangalan ko.

Gano'n din kaya ang puso niya?

Date Started: Nov. 24, 2020
Date Ended:
Subscribe

20 episodes

15

15

5 views 0 likes 0 comments


Style
More
Like
List
Comment

Prev
Next

Full
Exit
0
0
Prev
Next