Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na kami sa kwarto na hingal na hingal at namumula habang nakatitig sa isa't isa. Napangisi naman ako. "Akala mo Mich makakaisa ka sa akin," pang-aasar ko sa kanya.
"Akala mo rin babe. May round two tayo mamaya," nakangisi rin nitong sagot pabalik.
Bumaba na kami at dumiretso na sa kusina. Alas-dose na pala. Napasarap kasi ang panonood namin ng movie.
"Mich, what do you want to eat for lunch?"
"You. Bare, bold and fresh."
"Eh? Chicken at pork lang ang meron dito sa fridge."
"Chicken adobo na lang babe para mabilis iluto. Nagugutom na ako eh dahil sa nakakapagod na ginawa natin kanina."
Iprinepare ko na ang mga ingredients at nagsimula nang magluto at magsaing habang si Mich naman ay inaayos na ang table at kumuha na ng red wine. Habang tinitikman ko ang aking niluluto ay naramdaman ko na lang na may dalawang bisig ang sumakop sa aking bewang.
"Mich, isa. Mamaya ka na makipaglaro sa akin. Baka mapaso tayo," sita ko sa kanya dahil mangingiliti pa.
"Ang sungit mo naman babe. Patikim na lang pala niyan at hihintayin na kita sa island counter," nakanguso nitong tugon kaya humarap na ako sa kanya at dahan-dahang isinubo ang sabaw ng niluluto ko. Napathumbs-up naman ito at kumindat sa akin at pakembot-kembot ng umalis.
Kahit kailan talaga Mich. Isa kang tease.
Nang matapos na akong magluto ay inihain ko na ang aking niluto at ang bagong saing na kanin. Nanguha na rin ako ng isang pitsel ng malamig na tubig at umupo na sa tabi ni Mich. Siya na ang naglead ng prayer at matapos no'n ay kumain na kami. Tulad kanina ay masaya kaming nagsusubuan. Nagsalin na ako ng red wine sa dalawang wine glass at iniabot kay Mich ang isa.
Makalipas ang kalahating oras ay natapos na kaming kumain at siya na ang nagpresintang magligpit. Nakaupo lang ako rito sa island counter at hinihintay siya.
"Babe, tara na sa li--" Naputol ang sasabihin niya ng matapos siyang magligpit nang bigla ko siyang binuhat sa aking kanang balikat papunta sa living room. Tumatawa ako habang karga-karga ko siya dahil pinapalo-palo niya ang likod ko sa kagustuhang ibaba ko siya.
Nang makarating kami sa living room ay pabagsak ko siyang ibinaba sa couch sabay dagan sa kanya.
"Shit, babe! 'Yong tyan ko, ang sakit! Walang hiya ka talaga!" hiyaw nito pero sumiksik lang ako sa kanya.
"Mich, let's sleep," yaya ko sa kanya pero umangal naman ito. "Wait! Let's take a couple of photos first," sabi nito at kinuha na niya ang phone niyang naiwan kanina rito at nagsimula na kaming magpicture.
Ilang sandali lang ay nakatulog na akong nakadagan at nakasiksik sa leeg niya habang siya naman ay hinahaplos ang aking buhok at hinalikan ang aking noo.
Nagising na lang ako ng may tunog akong narinig at pag-angat ko ng tingin ay si Mich na mahinang kumakanta sa may ulunan ko at banayad na nakatingin sa akin na animo'y ako lang ang kanyang nakikita habang yakap-yakap ako. Nginitian ko siya habang namumungay pa rin ang mga mata kong nakatingin sa kanya.
"Anong oras na Mich?" bulong ko.
"Alas-cinco na babe. Napasarap 'yong tulog mo eh. Ang sarap mong pagmasdan babe. You look soft and innocent," malambing tugon nito sa akin.
Bigla akong napangisi sa aking naisip. Mabilis akong bumangon at kumandong sa kanya at sinimulan ko na siyang kilitiin.
Corner ka sa akin ngayon Mich.
"Babe! Shit, stop! You're killing me!" sigaw nito at pilit akong itinutulak palayo ngunit hindi ako nagpatinag. Patuloy ko pa rin siyang kinikiliti hanggang sa hinila-hila niya ng marahas ang aking hoodie dahilan para maout of balance ako at ako naman ang napahiga at siya ang nasa ibabaw ko.
"Mich! Huwag diyan! Teka, hinihingal na ako, di ko na kaya. Stop please!" sigaw ko naman at pilit na iniiwasan at nagpupumiglas mula sa kanya. Hindi rin niya ako tinantanan at sa halip ay hinila-hila na naman niya ang hoodie ko pati na rin ang jogging pants ko.
Di rin ako nagpaawat at hinila-hila ko rin ang tshirt niyang suot pati ang shorts niya. Nagrarambulan na kami rito sa couch at halos magsipaan na kami. Patuloy lang kami sa gano'ng posisyon nang biglang may sumigaw.
"Prince! We're h--"
Hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil paglingon namin ay gulat na gulat na mukha ni Mom at Dad ang aming nasilayan at wala sa sariling nabitawan nila ang mga dalang plastics at shopping bags. Kulang na lang ay lumuwa na rin ang kanilang mga mata at para silang naengkanto sa nakikita nila ngayon.
Huli na ng mapagtanto kong nakapatong ako kay Mich at nakatukod ang aking kanang tuhod sa pagitan ng dalawang hita niya. Ang isang paa ko ang nakaalalay habang ang jogging pants ko ay halos nakababa na at nakasports bra na lang ako at higit sa lahat ay nakapasok ang kaliwang kamay ko sa loob ng tshirt ni Mich.
Si Mich naman ay medyo nakababa na ang shorts at ang tshirt niya ay nakalislis na kung saan expose na ang kanyang balikat at kita na rin ang strap ng bra niya.
Bilangin mo na ang nalalabi mong oras Drew!

Comments (0)
See all