Please note that Tapas no longer supports Internet Explorer.
We recommend upgrading to the latest Microsoft Edge, Google Chrome, or Firefox.
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
Publish
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
__anonymous__
__anonymous__
0
  • Publish
  • Ink shop
  • Redeem code
  • Settings
  • Log out

My Naughty Bestfriend (GL)

18.2

18.2

May 07, 2025

This content is intended for mature audiences for the following reasons.

  • •  Cursing/Profanity
  • •  Sexual Content and/or Nudity
Cancel Continue

"Sa wakas Andrew, dumating din kayo. Akala namin kinain na kayo ng inidoro. Kasama mo pala si Sheila kaya gabi nat lahat wala pa rin. Para talagang pagong."

"Oh nagsisimula ka na naman Princeton. Mabuti pa lumarga na tayo. Magbar na tayo! Maraming chix dito sa isla Andrew, baka may matipuhan ka habang nag-i-stay ka rito. Kung gusto mo, marami akong mairerecommend," nakangising yaya sa akin ni Kuya Trenton.

"Teka, sasama ako! Tsaka anong mangchichix kayo? At bat si Andrew talaga ang niyayaya niyo sa gimik niyo ha? 'Di ba dapat lalaki ang ihahanap niyo sa kanya?"

Pakantang bumanat na naman si Princeton. "Ang tanga ni Shiela, ang tanga ni Sheila. Ang tanga-tanga. 'Yong totoo Shiela, pinsan ka ba namin? Di naman lalaki ang tipo ni Andrew kung di babae. B-A-B-A-E. Babae. Gets mo na?"

Hinila na ako ni Kuya Ariston at Kuya Trenton paalis. Nauna na kaming pumunta sa bar na tinutukoy nila. Pagpasok namin ay napakaraming tao ang nagpaparty at karamihan ay mga babae.

Pumwesto kami malapit sa may dance floor at nag-order na sila ng mga alak at pulutan. Ilang saglit lang ay dumating na rin yong dalawa at umupo na sa tapat namin.

"Andrew, pahiram naman ng phone mo." Ibinigay ko na ang aking phone at inilibot na ang aking tingin sa paligid. First time kong magawi sa bar at mukhang masaya naman.

"Andrew, sino itong chinitang babae sa gallery mo? 'Tsaka itong blonde? Ang gaganda eh. Mga chix mo?" baling sa akin ni Kuya Trenton habang nagsscroll sa aking phone.

"Kuya, 'yang chinita ay si Hazel tapos 'yang blonde na katulad ko ay si Mich. FYI, hindi ko sila chix. Mga close friends ko sila."

"Talaga ba? Eh ito namang morena na may pagkabrown ang kulay ang buhok?" Akmang hahablutin ko na ang aking phone nang mabilis niya itong nailayo. "Teka, pinsan! Imba ka ah! Girlfriend mo ba itong morena na 'to at nakahalik pa sa'yo? Sino siya?"

"Huwag 'yan Kuya Trenton! Akin lang yang babaeng 'yan, kuya."

Bigla namang dumating ang waiter at isinerve na sa amin ang ilang bote ng alak at ilang pulutan. Hindi ko na tuloy nabawi ang phone ko.

"Cheers! Halina't magpakasaya at magpakarami ng chix!"

"Cheers!" sabay-sabay naming sigaw at kanya-kanyang lagok ng alak.

Panay-panay lang kami sa pag-inom at pagkain nang medyo nahihilo at may tama na ay nagkayayaan kaming sumayaw sa dance floor. Naiwan lang si Sheila na patuloy pa rin sa pag-inom.

"Hey there, gorgeous," nang-aakit na sabi sa akin ng isang babae at mabilis akong hinila palapit sa kanya. Sexy itong sumayaw sa harap ko at mas lalong inilapit ang katawan niya sa akin. Dahil sa may tama na ako, nakisabay na lang ako sa babaeng kasayaw ko.

Mayamaya ay ipinulupot na niya ang kanyang braso sa aking batok at namumungay ang mga matang nakatingin sa aking labi. Napapikit na lamang ako at hinihintay ang sumunod na mangyayari.

"Andro, bat ka nakikipaghalikan sah eba? Bote nah lang napigelan ketah."

"Hoy Shela, panera kah talaga. Ang gandah-gandah na nong babae ni pensan eh."

"San ang magandah koyah Tren? Si Kate lang naman ang pinakamaganda at pinakamanzxcs saken eh."

Uminom pa ulit kami ng ilang bote. Makalipas ang dalawang oras ay pasuray-suray na kaming umalis ng bar. Di na namin alam kung saan kami patutungo. Dahil hindi na namin kaya ang kalasingan ay napahiga na lang kami sa may buhanginan.

"Andrew? Andrew?" at niyugyog ako ni Kuya Trenton.

"Hmm?"

"Kate calling."

Bigla akong napabangon at agad-agad na inagaw ang aking phone kay kuya. Nawala ata ang pagkahilo ko nang marinig ko ang pangalang 'yon.

Sasagutin ko na sana ito nang biglang may marinig akong boses ng lalaki at nag-end na ang call.

Naitapon ko sa kawalan ang aking cellphone at napasalampak sa buhanginan.

Seriously? Was that a joke? Lalaki? Kasi kung hindi...

Magbiro ka na sa taong lasing, 'wag lang sa taong may lihim na pagtingin.


damselinstressss
DamienSelene

Creator

#gxg #gl #tagalog #lesbian_romance #bestfriends

Comments (0)

See all
Add a comment

Recommendation for you

  • What Makes a Monster

    Recommendation

    What Makes a Monster

    BL 75.4k likes

  • Invisible Boy

    Recommendation

    Invisible Boy

    LGBTQ+ 11.5k likes

  • Blood Moon

    Recommendation

    Blood Moon

    BL 47.6k likes

  • The Last Story

    Recommendation

    The Last Story

    GL 44 likes

  • Touch

    Recommendation

    Touch

    BL 15.5k likes

  • Secunda

    Recommendation

    Secunda

    Romance Fantasy 43.3k likes

  • feeling lucky

    Feeling lucky

    Random series you may like

My Naughty Bestfriend (GL)
My Naughty Bestfriend (GL)

519 views5 subscribers

Andy, punasan mo ako!"

"Andy, maghubad ka!"

"Andy, masarap ba?"

"Andy, huwag kang sumama diyan. Sa akin lang dapat!"

"Andy, pagod ka na ba? Kasisimula lang natin!"

"Andy, isa pa please?"

'Yan ang bestfriend kong si Kate. Isang dakilang babae na ubod ng manyak. Walang ibang ginawa kung di isigaw ang pangalan ko.

Gano'n din kaya ang puso niya?

Date Started: Nov. 24, 2020
Date Ended:
Subscribe

20 episodes

18.2

18.2

4 views 0 likes 0 comments


Style
More
Like
List
Comment

Prev
Next

Full
Exit
0
0
Prev
Next