Isang Sabado ng Umaga
Maaga pa lang, humuhuni na ang isang traysikel sa di-kalayuan habang bumababa si William mula sa TNVS na sasakyan. Hawak niya ang isang maliit na eco bag—may lamang paboritong snacks ni Ethan.
Kumatok siya sa gate. May kalawang na ang bakal, kaya't maingay ang tunog nang bumukas ito.
Nanay Floring
(inaalis ang basang kamay sa tuwalyang nakasampay sa balikat)
"Oh... ikaw pala."
Binuksan niya ang gate, sapat lang ang awang para makapasok si William.
William
(nakangiti, magalang)
"Magandang umaga po. Nandito po ako para sunduin si Ethan. Pinayagan po ni Clarisse."
Isang saglit ng katahimikan.
Hindi pa rin ngumiti si Nanay Floring, pero tumango siya—matipid, pero sapat.
Nanay Floring
"Nasa loob. Naglalagay ng medyas. Aba, excited na naman. Ewan ko ba sa batang 'yon, konting pasyal lang, parang pupunta na ng Disneyland."
Napatawa si William, medyo awkward pero sinserong ngiti. Maingat siyang pumasok sa loob ng compound, pinipilit hindi mag-ingay sa bawat hakbang.
Nanay Floring
"Ano, nasaan ang kotse mo?"
William
"Ah, Nay... nasa casa po. Maintenance daw. Kaya naka-TNVS muna kami ngayon."
Nanay Floring
"Oh, siya sige. Puntahan mo na si Ethan."
Mula sa loob ng bahay, isang boses ng bata ang umalingawngaw—
Ethan
(masiglang sigaw ng batang musmos)
"Papaaaaaaaaaa!"
Takbo palabas si Ethan—nakasuot ng Spider-Man cap, magkaibang kulay ng medyas, at may bag na hugis balyena. Lumuhod si William just in time para saluhin ang malakas na yakap ng anak.
William
"Wow! Ang gwapo mo naman ngayon ah!
Handa ka na ba sa date natin sa mall?"
Ni-yakap ni Ethan ang binti ng ama—gusto magpabuhat.
William
(sinabayan ang laro)
"Halika na, ibibili kita ng toys! Baka may cotton candy pa!"
Nanay Floring
(lumambot ang boses, hindi mapigilang ngumiti)
"Hala ka... lagot ka sa Nanay niya pag puro asukal 'yan."
Nagkatawanan silang dalawa, ang eksena'y gumaan—tahimik ang kaligayahan.
Lumabas si Mang Tony mula sa gilid ng bahay, may dalang nakatuping dyaryo. Saglit niyang tinignan si William, saka si Ethan. Hindi mabasa ang ekspresyon ng mukha niya.
Mang Tony
"Yan na ba suot ng apo ko?"
Nanay Floring
"Oo, Antonio. Nilagay ko na rin 'yung costume niya sa bag."
Lumapit si Ethan kay Mang Tony. Walang sabi-sabi—yumakap ito sa binti ng kanyang lolo, parang natural na likas na kilos.
Mang Tony
(saglit na katahimikan, pagkatapos ay lumambot ang tinig)
"Hay naku, kulit mo talaga.
Basta ha... magpakabait. 'Wag kang lalayo."
Yumuko siya at hinalikan si Ethan sa noo—banayad, punô ng pag-aaruga.
Nakita iyon ni William.
At tumingin siya kay Mang Tony.
Nagtagpo ang mga mata nila.
Walang salitang lumabas.
May bahagyang awkwardness, pero may respeto.
Bago pa man makapagsalita ang isa sa kanila—
Nanay Floring
(umubo nang mahina, sabay lingon sa orasan)
"Oh siya... baka ma-traffic pa kayo.
William, kung dadaan ka sa palengke sa tabi ng mall, bili ka na rin ng konting gulay ha? Bigay mo na lang sa Nanay ni Ethan mamaya."
William
(nakatango, magalang)
"Opo. Salamat po."
Binuhat ni William si Ethan sa kanyang bisig.
Kumaway si Ethan, habang ang boses nito'y punô ng tuwa.
Ethan
"Bye Taytay! Bye Nanay!"
Mang Tony
(medyo garalgal ang boses, pero totoo)
"Oh siya, apo. Ingat kayo."
Habang unti-unting nagsasara ang gate, si Nanay Floring ay patuloy na nakasilip sa makitid na siwang.
Nanay Floring
(pabulong, kay Mang Tony)
"Huwag ka na masyadong magtataray. Parang anak mo na rin 'yon. At siya ang dahilan kung bakit may ngiti ka tuwing umaga."
Mang Tony
(kunwaring naiinis, sabay talikod)
"Aba, hindi ako ngumingiti.
...Napaisip lang."
Nanay Floring
(pamirong ngiti)
"Hmm. Kung makapagsalita ka."
Mang Tony
(may bahid ng lungkot at pag-aalala)
"Alam mo Floring, parang ayaw ko nga siya payagan na sumama.
...ayaw ko lang na baka mamaya-awayin ako ng anak mo."
Nanay Floring
(kinakalma ang asawa)
"Antonio... hayaan mo na yan, halika na sa loob."
Tahimik ang paligid.
Payapa. Walang hint. Walang babala.
Isang eksenang akala mo'y karaniwang "Sundô sa Sabado."
Pero sa hindi nila alam...
'Yon na pala ang huling sulyap.
Ang huling yakap.
Ang huling beses na maririnig nila ang salitang:
"Bye Tatay! Bye Nanay!"
Ang pinakamasakit?
Wala sa kanila ang nakaramdam.
Walang pahiwatig. Walang panaginip.
Walang babala—maliban sa isang bata na sobrang sweet noong araw na 'yon.
Yung hindi halos bumitaw sa lolo niya.
Yung yakap sa binti.
Yung halik sa noo.
Yung masayang mata habang pinapanood ang lumang asong gala na tumatawid palabas ng gate.
At habang paalis ang sasakyan...
...ang mundo ay hindi pa nagbabago.
Pero sa ilang oras—babagsak ito.
Ang Gabi ng Hindi Pagbabalik
Kadarating lang ni Clarisse mula sa trabaho. Hinubad lang ang coat at tumuloy sa kusina. Medyo nagtaka siya — wala pa ang mag-ama. Pero gutom na rin siya.
Amoy na amoy sa hapag ang adobong manok, sinigang na hipon, at bagong saing na kanin.
Nakasimple lang siya — blouse at nakapusod. Masaya siyang nakaupo sa hapunan kasama ang mga magulang.
Habang naglalagay ng hipon sa plato ni Clarisse, nakangiti si Nanay Floring.
Mang Tony:
(naka-kunot ang noo pero may lambing)
"'Wag masyadong hipon kay Clarisse. Mataas 'yan sa cholesterol."
Nanay Floring:
(nagtaas ng kilay)
Ikaw nga, lima na 'yung sayo kanina!
Nagkatawanan sila.
Clarisse:
(nakangiti)
"Tahimik si Ethan kaninang umaga, pero nakangiti.
Baka excited sa lakad nila ng papa niya."
Uminom siya ng tubig.
Pero maya-maya...
Clarisse:
(nagtataka)
"Nay... Tay...
bakit kaya hindi ko makontak si William?"
Nagtinginan ang mga magulang niya.
Clarisse:
(muling nagte-text)
"Di siya sumasagot sa text...
Messenger, ni "seen" wala.
Tawag, hindi rin sinasagot."
Nanay Floring:
(pilit ngumiti, pero may kaba)
"Baka nasa loob ng mall. Mahina signal minsan doon."
Mang Tony:
"O baka low batt lang. 'Di ba minsan mahina rin signal sa TNVS?"
Tumango si Clarisse, sinubukan ngumiti, pero halatang may bumabagabag.
Muli niyang tinawagan. Walang sumagot.
Clarisse:
"Kahit si Ethan, wala man lang update.
Usually nagpapadala 'yon ng selfie o drawing sa Viber gamit yung tablet."
Wala pa rin. Unreachable.
Nawala ang ngiti niya.
Napatingin siya sa pinto. Tapos sa orasan.
Clarisse:
(pabulong)
"Sabi niya, bago magdilim, pauwi na sila..."
Isang teleponong walang sumasagot. Tahimik na nag-vibrate sa loob ng wasak na sasakyan.
Ilang sandali pa ang lumipas...
Hindi na kumikilos ang lahat. Ang pagkain, hindi na ginalaw.
Ang tinidor ni Clarisse, nakapatong lang sa gilid ng plato.
Muling tumawag si Clarisse — panglimang beses. Wala pa rin.
Mang Tony:
(umiigting ang panga)
"Kapag ganyan nang ganyan, baka hindi ko na payagang sumama ang apo ko sa kanya!"
Pinatong niya ang kamay sa mesa. Hindi malakas, pero matigas.
Nagulat si Clarisse.
Mang Tony:
"Ka-lalaking tao, di marunong tumupad sa napag-usapan!
Sabi mo pauwi ng ganitong oras, asan na?"
Nanay Floring:
(mahinahong paalala)
"Relax lang, Antonio. Baka na-traffic lang sila.
Sabado ngayon, masikip lalo sa Pasig."
Mang Tony:
(galit pa rin)
"Na-traffic? Dalawang oras na?"
"Ni isang text, wala? "Late kami," man lang?"
"Hindi rason ang lahat ng 'yan para pabayaan ang apo ko!"
Clarisse:
(mahinahon, nanginginig ang tinig)
"Tay... baka low batt lang...
Si Ethan pa ba? Bantay-sarado 'yon ni William."
Mang Tony:
(tumingin sa kanya, halos bulong)
"Eh... paano kung hindi?"
Tahimik ang lahat.
Pumikit si Nanay Floring. Parang nagdarasal.
Tumunog ang cellphone ni Clarisse.
Nagkatinginan silang tatlo.
UNKNOWN CALLER
Clarisse:
(bulong)
"...Number ng ospital 'to."
Sinagot niya.
Clarisse:
(nanginginig ang boses)
"Hello? Opo... ako po si Dra. Clarisse Villanueva..."
Hindi na narinig ang sagot sa kabilang linya.
Pero unti-unti, nagbago ang mukha ni Clarisse.
Nangilid ang luha.
Natakpan ng kamay ang bibig.
Halos mabitawan ang telepono.
Mang Tony:
(nag-aalalang tinig)
"Anak... ano 'yan?"
Lumapit siya.
Si Clarisse — umiiyak na.
Nanlalamig ang mukha ni Clarisse. Walang lumalabas na salita.
Nanay Floring, kinuha ang cellphone.
Nanay Floring:
(mahinahong tinig)
"Ako po si Mrs. Villanueva.
Ina po ako ni Clarisse.
...ano pong nangyari?"
Sandaling katahimikan.
Nanay Floring:
(poised pero nanginginig ang boses)
"Opo... TNVS...
Apo ko po si Ethan. Yung ama niya si William, opo..."
Muling natahimik.
Mang Tony — nanigas.
Higpit ng kapit sa sandalan ng silya.
Clarisse — walang kibo. Luha lang ang umaagos.
Nanay Floring:
(pilit pinipigil ang boses)
"Opo...
...saan po ang ospital?
...gaano na po katagal mula nang nangyari?"
Tahimik.
Pagkababa ng telepono, halos mapurol na ang kamay ni Floring.
Tumalikod siya, humarap kay Mang Tony.
Nanay Floring:
(pabulong)
"Antonio...
aksidente raw. Truck. Nawalan ng preno."
Mang Tony:
(paos)
"Si Ethan?"
Nanay Floring:
(pigil ang luha)
"Wala na, Antonio."
Isang impit na tunog ang lumabas sa lalamunan ni Mang Tony.
Hindi sigaw. Hindi salita.
Isang hinaing na mas malalim pa sa salitang "masakit."
Pumihit siya.
Itiniklop ang kamao sa bibig.
Tahimik na umiyak.
Clarisse — nananatiling nakaupo.
Hanggang sa mapasambit siya, halos di marinig:
Clarisse:
"Hindi...
Hindi puwede..."
Nalaglag siya sa upuan.
Umiiyak. Yakap ang sariling mukha.
Lumapit si Nanay Floring. Niyakap ang anak.
Parehong umiiyak. Parehong gumuho.
Nanay Floring:
"Anak ko..."
"Anak ko..."
Mang Tony:
(paos, halos pabulong)
"Si... William?"
Nanay Floring:
(Mahinang sagot)
"Wala na rin siya, Antonio."
Tahimik.
Walang gumalaw.
Walang nagsalita.
Tanging tunog ng kutsarang nalaglag sa plato.
At... ang malayong tawanan mula sa nakaraang hapunan.
Si Clarisse, nakadapa sa mesa. Umiiyak.
Si Nanay Floring, nakaupo sa tabi niya, hinihimas ang likod.
Si Mang Tony — nakatingin sa bintana.
Hindi siya lumuluhod.
Hindi siya sumisigaw.
Nakatayo lang. Nangangatal.
At nang hindi na niya kaya...
Mang Tony:
(mahinang tinig, basag ang boses)
"Putang ina..."
Hindi galit.
Hindi mura ng poot.
Mura ng isang ama na wala nang mahagilap na salita.
Walang makakaintindi sa ganitong sakit...
Tahimik siyang lumapit sa mesa.
Hinila ang silya.
Umupo sa tabi ni Clarisse.
Walang salita.
Walang sermon.
Isang kamay lang sa likod ng anak.
Ito na ang simula ng hindi na muling kabuuan.
Ito na ang pagguho ng isang mundo na dati'y punô ng awit at kwento.
Ang kwentong...
...kailan ma'y hindi na babalik sa dati.
Itutuloy...
Comments (0)
See all