Hindi niya pinalagyan ng pangalan ang mga marker.
Ngayon, Si Clarisse, habang naka luhod sa harap ng dalawang puntod na walang pangalan.
Nag sindi siya ng tig isang kandila bawat isa.
Binulong niya ang mga pangalan.
Parang panalangin.
"Ethan" nang sambitin niya ang pangalan na ito, may pumatak na isang luha sa kanang pisngi.
"Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ito."
"Hindi naman talaga kayo naging totoo sa mundo na ito."
"Pero totoong totoo kayo sa puso at mga alaala ko."
Humikbi.
"Sa paraan lang ito ko kayo palagi maaalala"
"Lumisan man kayo-kahit sa panaginip ko lang."
"Umaasa ako-na balang araw, magsasama sama rin tayo..."
Tumayo siya.
At sa isip lang, sinabi niya ang mga ito.
"Buhay na buhay kayo sa totoong mundo na ito."
"Pero ang puso at kaluluwa mo ay pag-mamay ari na ng ibang babae."
"At ikaw, isinilang ka dito, pero hindi sa aking sinapupunan."
"Kayong dalawa ang mga naging bahagi ng buhay ko sa panaginip."
"Pero dito sa totoong mundo,"
"Kayo'y mga Lalaking Kailan Ma'y Hindi Naging Sa Akin."
Ang kwento ni Clarisse, ganito ba talaga ang wakas?
Oo masakit.
Oo, mabigat.
Pero hindi dito mag tatapos ang lahat.
Kasi ang kwento niya-hindi tungkol sa kabiguan.
Hindi tungkol sa pagkawala.
Hindi rin tungkol sa panaginip...
Ito ay kwento niya, na sa kabila ng pagkatalo, pinili pa rin alalahanin.
Hindi man siya pinili ni William.
Hindi man naging totoo si Ethan.
Hindi man siya naiintindihan ng buong mundo...
Siya na ang pumili-
Na maalala.
Na Magluksa.
At... kahit kaunti... na mabuhay muli.
Babalik siya rito taon-taon. Hindi para muling umiyak......kundi para maalala, at magpasalamat sa mga panaginip na minsan niyang naging tahanan.
Katapusan ng Kwento.
Comments (0)
See all