Kung narating mo na ang huling bahagi na ito,
taos-puso akong nagpapasalamat sa'yo—
sa pagsama mo sa paglalakbay ni Dra. Clarisse:
sa pagbuo niya ng magaganda at masasayang alaala,
sa kanyang pagkakabiyak, muling pagbangon, at sa simula ng paghilom ng kanyang puso at isipan.
Minsan, ang buhay ay sadyang nagbibigay ng mga kakaiba at mabibigat na pagsubok sa isang tao.
At kadalasan, ilulugmok tayo nito,
at iisipin nating hindi na tayo makakabangon.
Sa mga pagkakataong ito, huwag nating isipin na tayo'y nag-iisa.
Lagi nating alalahanin na may mga taong handang dumamay at tumulong sa atin—
para harapin at malampasan ano mang pagsubok na ibinibigay ng buhay.
At para kay Clarisse:
"Hindi lahat ng minahal, mananatili.
Ngunit lahat ng tunay na nagmahal, hindi kailanman makakalimot."
Hanggang sa muli.
— Shadow of the Cat
Ang Mga Lalaking Kailan Ma'y Hindi Naging Sa Akin (2025)
Kung nagustuhan ninyo ang kwento, at nais ninyo ring tumulong sa mga tunay na lumalaban sa tahimik na laban ng isip at puso,
iniimbitahan ko po kayo na magbigay ng donasyon sa mga organisasyong sumusuporta sa mental health advocacy. Ito po ay personal na mungkahi mula sa akin, at wala po akong kaugnayan sa mga sumusunod na organisasyon.
Maari po ninyong kopyahin ang mga link na ito sa inyong browser,
o subukang i-click ang mga inilagay ko sa Story Description.
Maraming, maraming salamat sa inyong suporta at pagmamahal.
Narito po ang mga organisasyon:
Philippine Mental Health Association (PMHA):
https://www.pmha.org.ph/donations
Mental Health PH:
https://mentalhealthph.org/how-to-donate/
Comments (0)
See all