Please note that Tapas no longer supports Internet Explorer.
We recommend upgrading to the latest Microsoft Edge, Google Chrome, or Firefox.
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
Publish
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
__anonymous__
__anonymous__
0
  • Publish
  • Ink shop
  • Redeem code
  • Settings
  • Log out

Detoxify

Pretend 1

Pretend 1

Jun 07, 2025

Avery's Point of View

Pagkamulat ko ng aking mga magagandang mata ay agad kong nasilayan ang kisame ng kwarto namin ni Elliot.

Wait, what?! Ang pagkakatanda ko e nakasakay pa ako sa kotse ng bakulaw, ah! Nakatulog ako? Malapit-lapit lang 'yun ah!

Argh, I'm such a sleepy head!

Agad ko na lang hinanap ang phone ko para makita ang oras.

"Hala, it's already 9 PM!" Boyset na bakulaw 'yon at hindi man lang ako ginising.

And the realization hits me hard this time. Shocks! Edi binuhat ako ni Elliot!?

'Di ba!?

Aba't!

Hindi ko alam kung magagalit ba ako o mahihiya, e.

Pwede niya naman akong gisingin, right? At ako namang si gaga e hindi man lang naliing? Wow. Just wow.

Pero sa tingin niyo? Binuhat niya kaya ako nang pa-bridal style? Like 'yung mga bagong kasal, tapos bubuhatin ka ng groom mo to make love.

Erase!

Hala, anong pinagsasasabi ko? Hoy Avery, 'wag ilusyunada!

Sa dami ng aking iniisip ay bigla na lang tumunog ang tiyan ko. Senyales na nais na nitong kumain.

Tumingin naman ako sa katabi ng aking kama at ewan kung tulog ba 'to or nagtutulog-tulugan lang.

Hmmp! Ewan ko sa 'yo!

Bumaba ako at agad akong pumunta sa kusina. Mukhang wala na atang makakain.

Naku po! Should I order na lang ba? Aha! Magluluto na lang ako.

The last time na naiwan ako sa kusina ay hindi maganda ang kinalabasan at nakarinig lang ako ng mga talak ni Yaya Mel.

Muntik ko lang naman masunog ang buong kusina! Kaya sa bahay e, ayaw akong papuntahin sa kusina halos ni Yaya Mel. Speaking of her, I already miss her cooking!

Kinuha ko muna ang phone ko at agad nag-search ng mga madadaling iluto. But unfortunately, lahat halos ng lumabas e mahirap para saakin! Somebody help me?!

Nagtingin ako sa fridge ng mga frozen foods at mabuti na lang talaga at mayroon akong nakitang manok. 'Yan lang naka-caught ng attention ko e, since 'yung iba ro'n is pang-breakfast like hotdogs. Isa lang ang lulutuin ko and it's the thigh part since para saakin lang naman.

Habang nagluluto ako ay hindi ko namalayan na nasusunog na yung piniprito kong manok.

Eto na nga ba ang sinasabi ko, eh!

Agad kong pinatay ang kalan dahil gumagawa na ito ng hindi magandang amoy.

Kase mga mhie, naghihiwa ako ng onion para sana sa sawsawan ko.

"Ouch!" Argh this shxt! Napasigaw na lang ako dahil sa sobrang sakit. Napaso lang naman ang mhiema niyo and heto ako't parang anytime e iiyak na dahil sa sakit.

Hindi lang 'yon! Pa'no na lang kung malala na pala ito? Pa'no nalang kung mag-iwan ito ng scar? Ayokooo! I kennat!

Ang sakit talaga juice ko!

Narinig ko naman ang mga mabibilis na hakbang ng isang tao papunta sa kinalalagyan ko and it's Elliot. Agad akong tinanong nito at mahahalata mo ang pag-aalala sa kaniyang mga mata.

"Are you okay? What happened?" Tinignan ako neto mula ulo hanggang paa. Wari ko'y hinahanap kung saang parte ako nasaktan. And of course! Nagulat ako dahil sa expression niya.

I think he cares. Gusto niya siguro ako 'no? 'Di ba?

Eto na naman ako. At isa ka pa, ginagaslight mo pa ako, ha! Wala lang 'yon! 'Nung gusto-gusto?! Parang 'di ka nag-grade 2!

Siguro dahil sa ka-dorm mate ko siya kaya mag-aalala siya sa 'kin. Better!

"Lend me your hand." Hindi ko pa nagagawa e agad na niyang kinuha ang kamay ko at tinignan 'yung parte na napaso.

Pagkatingin sa aking daliri ay tinignan niya rin ako ng masama. Problema neto?

Tumayo siya at umalis.

Pagkabalik niya ay dala-dala nito ang first aid kit.

Ayaw ko mang maramdaman ito pero oo! I felt so touch dahil sa ginagawa niya. No! Not to flirt, ha!

Wala, gano'n talaga ako e. Marunong akong um-appreciate kahit na sobrang liit na bagay lang 'yan. No wonder, mabilis din akong masaktan.

Dahil sa sakit ay napapaluha pa rin ako.

Kinuha niya ang aking kamay at may mga inilagay. Hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin ang mga iyon basta ang alam ko e ginagamot niya ito.

Which is gustong-gusto ko naman dahil hindi ko kakayanin kung magkaroon man ako ng peklat kapag hindi agad naagapan. I can't! I just can't. OA? I don't care!

"Aray ha, dahan-dahan naman. Masakit ih!" Singhal ko.

Napangisi naman ito dahil sa kalagayan ko. Ewan ko ba kung concern ba talaga 'to o ano.

Pagkatapos linisin o kung anong mga pinaglalagay niya ay binalutan nito ang isa kong daliri, which is 'yung napaso ng kulay pink na band aid with a flower design.

And I find it cute!

"Sa susunod, bumili ka na lang sa labas or mag-order online kung hindi ka naman marunong magluto. Pinipilit mo sarili mo. Makakasunog ka pa ng dorm dahil sa ginagawa mo, e." Panenermon ng bakulaw sa akin.

Loh! Ako pa pinapagalitan e siya pa nga 'tong may kasalanan sa 'kin ah! Kung hindi rin dahil sakaniya edi sana hindi mangyayari 'to! 'Tong bakulaw na 'to, oh!

I was about to fight him pero 'wag nalang since he helped me naman, 'di ba?

"E sa nagutom lang naman ang tao, e. 'Yung isa kase riyan, hindi nanggigising." Saad ko nalang sabay taas ng kanang kilay ko.

"Mukha kasing pagod ka kaya 'di na kita ginising." Sabi niya naman. Hmm gano'n ba ako kapagod sa first day ko?

Agad muling tumunog ang tiyan ko't tumawa naman ang kasama ko. Ay beh, nakakatawa 'yon? Kainin kita riyan e tamo! Kimmy!

Tinignan kong muli ang nasunog kong panghapunan sana and it doesn't look appetizing. It's quite unedible! Napa-pout na lang ang inyong dyosa.

"Diyan kalang, ah. 'Wag kang aalis." sabi ng bakulaw at agad na tumakbo sa taas ng kwarto at agad ding bumaba.

May kinuha 'to e, baka 'yung susi ng kotse niya? Ebarg talaga sanaol may sarili ng kotse!

"Sa'n ka pupunta?" Tanong ko sakaniya.

"Basta." Maikli lamang nitong sagot at agad nang lumabas. Sinungitan ba 'ko nun? Hmmp sige, balakariyan.

Kinuha ko na lang ang phone ko at pinicture-an 'yung kamay ko. It suits me! I mean, the band aid. Bumagay ito sa maputi kong kamay.

Aww, how cute! From now on favorite color ko na ang pink!

Ilang minuto lang bago umalis si Elliot ay bumaba naman si Edward na naka-topless. o_O

Napatitig ako nang bongga dahil sa katawan niya. Hala nawa'y hindi niya napansin 'yon.

Jusko magkakasala na naman ata ako neto! Sorry na po agad huhu!

Hindi ba naiilang ang mga 'to na mag-topless topless kahit na may trans na silang kasama? You know what I mean?

Pero duh, hindi naman ako 'yung stereotypical gay sa Pinas na kapag nakakita ng lalaki e maggo-gow agad.

I have my standards and hindi bulok 'yung standards ko. Hindi tulad ng iba riyan, academic achiever pero pinaiyak lang ng taong walang pake sa acads. Mwhehehe hindi naman ikaw 'yon 'di ba? Ehe!

May naalala tuloy ako mga ante!

Once kase, sinamahan ko si Yaya Mel na mamalengke. And yup, 'yun pa 'yung una at huling punta ko ro'n. Sabi kase ni yaya mas fresh daw mga gulay ro'n kaysa sa mga nakabalot na sa mga store. And 'yun na nga, may nadaanan kaming mga lalaking nagtatawanan at nagsisisigaw ng "Wampipti!". I was so curious at that time kase it seems like they're making fun of me. So, I asked yaya 'bout that.

Ayaw niya nga talaga saaking sabihin pero hindi 'yon makaka-hindi sa kakulitan ko.

She said it's a slang term meaning them- those boys, asking for a service and I'll pay a hundred and fifty pesos! Like, duh? For real? Me? I don't settle for less!

Jusq akala ba ng mga maaasim na 'yon e papatol ako sakanila? Over my dead gorgeous sexy body! Kebabata pa nga ata ng mga 'yon ta's ganoon na mga mindset nila.

Ayoko na lang mag-talk baka marami pa akong masabing mga foul words sa gano'ng mga uri ng tao.

"What is that smell?" Agad na tanong ni Edward na siyang kinagising naman ng aking ulirat.

"A-Ahm nag-try kase akong magluto. Kaso ang ending nasunog lang. And eto oh, may bonus pa." Saad ko sabay taas ng aking kamay. Kinuha niya ito at chineck and suddenly, I saw the worry in his eyes.

Hindi ko alam kung kikiligin ba ako or what. Nakita ko na kase kay Elliot 'yan.

Eto na naman ako, oh! Juice ko Elliot nahawaan mo na ata talaga ako ng pagka-abnormal mo.

Pero ang cute rin kaya kapag parehas kayong abnormal ng boyfriend mo 'di ba?

AAAAAAH! Stop, Avery!

"Dapat tinawag mo na lang ako at ako na lang ang nagluto. Nasaktan ka pa tuloy." Saad nito ng may halong pag-aalala.

This time, kinikilig na talaga ako mga beh. I mean, girl! Basahin mo ulit 'yung sinabi niya, ah! At saka sino ba naman ako para abalahin pa siya, 'di ba?

"Wait, ipagluluto kita."

Wala na! Baling-bali na ang inyong mimasaur sa sobrang karupukan neto! Mima si Edward na 'yan, oh!

Hindi na ako nito inantay pang makasagot at umakyat ito kaagad.

Pagkabalik niya ay nakadamit na siya at sinimulan ang pagluluto.

Habang nagluluto siya ay napapatitig ako sa kaniyang mukha. Grabe, ang gwapo niya.

Para siyang anghel na galing sa langit at bumaba sa lupa! Juice ko isama mo po ako pabalik sa heaven! Kimmy!

Pero mga teh, mas gwapo pa rin talaga si Elliot e. Pero pogi rin naman si Edward. Actually, lahat naman ng mga kasama ko rito. Ano kaya skincare ng mga 'to? Matanong nga minsan.

Ang pagkakaiba-iba lang siguro nila ay sa ugali. May hambog, mabait, tahimik, at isang pervy!

And oh, Elliot! Nasa'n na kaya ang bakulaw na 'yon?

Super bilis lang as in at natapos na kaagad sa pagluluto si Edward. Nakita ko ang pagiging mahusay niya sa pagluluto dahil bukod sa maganda tignan ang pagkaka-plating niya sa food ay mukha pang masarap. And that makes the food really appetizing!

Omelette lang naman ang niluto niya pero tinodo niya to the next level.

Parang ayaw ko tuloy guluhin kase ang ganda tignan sa mata. Ginandahan talaga! O 'di ba, the effort! And to tell you honestly, hindi lang ang pagkain ang mukhang masarap.

Ikaw haaa! Anong nasa isip mo? Ehe!

Agad naman akong umupo sa king chair at labag man sa loob kong sirain ay kumain na ako dahil sa nagugutom na rin naman na ako.

"Sige, kain ka lang." sabi ni Edward sa 'kin habang nakangiti sa harapan ko. Naku naman beh wala namang ganiyanan!

"Hala, pero uy, thank you ha! Nagugutom na rin talaga ako, e." Pagkasabi ko no'n ay sumubo ulit ako. Oo mga mhiema! Masarap siya legit! I'm not sugarcoating ha; I'm telling the truth!

"'Di ba sabi ko sa 'yo hintayin mo 'ko?" Nagulat ako sa pagsulpot ni Elliot out of nowhere at sa seryoso at malamig na tono ng kaniyang pagkakasabi. May diin at inis.

Itutuloy...


valdexi
valdexi

Creator

Comments (0)

See all
Add a comment

Recommendation for you

  • What Makes a Monster

    Recommendation

    What Makes a Monster

    BL 75.7k likes

  • Invisible Bonds

    Recommendation

    Invisible Bonds

    LGBTQ+ 2.4k likes

  • Touch

    Recommendation

    Touch

    BL 15.6k likes

  • Silence | book 1

    Recommendation

    Silence | book 1

    LGBTQ+ 27.3k likes

  • Primalcraft: Scourge of the Wolf

    Recommendation

    Primalcraft: Scourge of the Wolf

    BL 7.1k likes

  • Invisible Boy

    Recommendation

    Invisible Boy

    LGBTQ+ 11.5k likes

  • feeling lucky

    Feeling lucky

    Random series you may like

Detoxify
Detoxify

833 views3 subscribers

They say healing means leaving.

But what if leaving is what breaks you even more?

Hindi lahat ng nagmahal, nanatili.
Hindi lahat ng umalis, nakalimot.

She's running from her past.
He's chasing the pieces she left behind.

Sa mundo kung saan hindi lahat kayang unawain ang tunay mong pagkatao...

Will love be enough to detoxify the scars they both hide?

Disclaimer: This is a transXstraight story!
Warning: Read at your own risk.
Subscribe

39 episodes

Pretend 1

Pretend 1

39 views 0 likes 0 comments


Style
More
Like
List
Comment

Prev
Next

Full
Exit
0
0
Prev
Next