Please note that Tapas no longer supports Internet Explorer.
We recommend upgrading to the latest Microsoft Edge, Google Chrome, or Firefox.
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
Publish
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
__anonymous__
__anonymous__
0
  • Publish
  • Ink shop
  • Redeem code
  • Settings
  • Log out

Detoxify

Pretend 2

Pretend 2

Jun 07, 2025

A/N: Sorry, I have to cut the episode into two due to limited characters.

Avery's Point of View

"'Di ba sabi ko sa 'yo hintayin mo 'ko?" Nagulat ako sa pagsulpot ni Elliot out of nowhere at sa seryoso at malamig na tono ng kaniyang pagkakasabi. May diin at inis.

Pagkatingin ko kay Elliot ay may dala-dala itong dalawang box ng pizza at two cups ng ice cream! Mayroon ding isang maliit na cake, or cupcake ata?

Hindi naman ako nakasagot. As in walang pumapasok sa isip kong mga salita para magpaliwanag. Shocks, kailangan ba?

Pero 'di ba! Ano namang alam ko na bibili naman pala siya ng makakain? Literal na the effort din!

"Tsk! Oh!" Sabay lapag niya sa harapan ko ng kaniyang mga dala at agad na dumeretso sa taas.

Jusmiyo nakonsensiya naman ako bigla. Siya rin kase, ih! Nubayan!

"Sige maiwan na kita riyan ha, eat well." Pagpapaalam sa 'kin ni Edward na naririto pa pala't nasaksihan ang lahat ng pangyayari. Shocks, nakakahiya!

"S-Sige, thank you ulit!" Pagpapasalamat kong muli kay Edward.

Pagkaalis niya ay agad kong pinagbubuklat ang mga dala ni Elliot. I know naman na unhealthy ang mga 'to pero his effort!

Atsaka minsan lang din naman ako makakain ng mga gan'to kase tiyak na pagagalitan ni mom si yaya 'pag mahuli man ako. At siyempre, mas grabe ang talak sa 'kin.

Nilagay ko na lang muna sa refrigerator 'yung isang ice cream at cake at tinuloy ang kinakain ko. Nakakahiya naman kay Edward 'di ba kapag hindi ko uubusin.

Mga 8 more minutes siguro ako natapos at medyo nagpababa pa ng kinain.

Ngayon naman ay balak kong kainin ang isang ice cream at pizza sa kwarto. Kaya ko siya actually kahit na mag-isa lang ako.

Jusq, ang siba ko pero hindi ako tumataba. Ano bang secret niyo, ha? Kase kung healthy relationship lang e wala na agad, olats na 'ko niyan.

Para hindi magmukhang selfish ay niyaya ko pa sila Edward, Tyron, at Tyler kaso inaantok na raw sila kaya and ending? Ako na lang mag-isa! Mas maganda rin kaya! Solo ko ang ice cream!

Pagkapasok ko ay nakita ko agad siyang natutulog na. Tulog na nga ba ito?

Ay jusq, eto na naman tayo sa mga pa-topless ng mga 'to. Kulang pa ba ang lamig na aircon? 'Pag kayo nilamig.

Grabehan naman po ang view! Parang tatlong beses naman akong nabusog agad! Kimmy!

Agad akong naglakad sa kabilang side ng kama at nilagay ko ang dalawang pizza at ice cream sa may mini table. Oo mga beh, may TV pa rito at saka mini sala.

Kinuha ko yung remote at sinindi 'yung TV na pagkalaki-laki. Naghanap ako ng magandang palabas ngayon sa Netflix. Guess what? It's Wednesday!

Habang nanunuod ako ay napabaling ang tingin ko sa kama ni Elliot. Nakaisip naman ako agad ng kalokohan.

Gaga huhuliin ko lang naman siya kung talagang natutulog na ang bakulaw. 'Kaw ha!

Nang makarating ako sa harap niya ay yumuko ako ng kaunti.

Ngayon ko mas naa-appreciate ang mukha ng bakulaw na 'to.

Grabe napaka-amo ng mukha niya! Yung mabangis na leon ay naging isang kuting. Napangiti ako dahil sa naiisip ko.

Hanggang sa bigla nalang dumako ang paningin ako sa kaniyang labi. It's perfect! Matangos din ang ilong! Feeling ko nga e, may lahi 'tong kurimaw na 'to e. May bakulaw pa lang gan'to?

At mas lalo naman ang makakapal nitong kilay! Grabe ang ganda ng kilay niya promise! Favorite part ko sa face niya so far! Tinitigan kong mabuti ang kilay nito at tila ba inaanyayahan nito ang aking mga kamay na hawakan ito.

Kusa namang gumalaw ang mga kamay ko papunta sa kaniyang mukha.

I was about to touch his eyebrows hanggang sa bigla na lang dumilat ang dalawa nitong mata. O_O

Uh-oh! I'm dead!

AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!

"What are you doing?" seryosong tanong agad nito habang hawak-hawak ang kamay ko.

Shocks! What to do!? What to do!?

"A-Ahh m-may dumi ka lang kase sa mukha kaya tatanggalin ko sana. O-oo 'yun nga!" Pagpapalusot ko and it seems like hindi siya naniniwala. Shemay!

Sa sobrang kaba ko ay nanginginig na tuloy 'yung tuhod ko.

"Saang banda?" Seryoso pa rin siya.

"Sa lips." Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o sa katangahan ko kung bakit iyon ang nasabi ko. Jusmiyo Marimar Avery!

Nabigla naman ito. Jusko kahit ako'y hindi rin makapaniwala! Lupa, kainin mo ako!

Ang pagkabigla ay napalitan ng isang ngising nakakaloko. Jusq, iba na 'to!

Baka akala niya e nagte-take advantage ako sakaniya habang tulog siya!

Hala, hindi naman 'di ba?! Andiyan kayo ha! Kayo ang saksi!

Explain to him, now!

Ina-appreciate ko lang ang gawa ng mga magulang mo huhu!

Agad naman itong tumayo mula sa pagkakahiga at humarap sa akin, hawak pa rin niya ang kaliwa kong kamay.

"Oww?"

"Talagaaa?"

"Sige, tanggalin mo." Saad niya at ibinalik ang boses nito sa pagiging seryoso.

Para matapos na ay kunwaring may tatanggalin na sana ako sa kaniyang mga labi hanggang sa ...

"Oops! Ayokong kamay ang gamitin mo." He interrupted.

"It should be your lips." Dagdag pa niya na siyang nakapagpanganga sa akin dahil sa kaniyang sinabi.

Mga mimasaur, ang seryoso pa rin kase like you know, 'yung kailangan at kailangan mong sundin?!

Hindi ako agad nakagalaw and he's making his way para ilapit ang mukha nito sa mukha ko. Hep! Hep! Hep!

"Neknek mo!" Sigaw ko sabay tulak sakaniya at hatak ng kamay ko.

Ang lakas ng kurimaw at hindi man lang natumba.

"Ikaw ha, nakahanap ka lang ng opportunity para asarin ako e, noh!" Dagdag ko.

Bigla naman itong nag-transform from serious to grabeng humalakhak mode.

"You know what, you're cute." Sabi pa nito habang ang lakas pa rin tumawa.

Bumalik na lang ako sa pwesto ko at agad kumuha ng pizza.

"Hmmp! Ewan ko sa 'yong abnoy ka."

Sumunod naman ito saakin at kumuha na rin ng pagkain at sabay kaming nanood. Episode 1 pa lang 'to mga mhie pero ang ganda na! Slay ka riyan, Wednesday!

Naging normal lang ang panonood namin habang kumakain.

"Bakit hindi mo ako hinintay? Mas hinintay mo pa talaga na ipagluto ka ni Edward." Napalingon ako sa sinabi niya habang siya naman ay nakatingin lang sa TV.

Pero yup, mahahalata mo rin 'yung disappointment sa mukha niya.

"Hala e, hindi ko naman kasi alam na bibili ka ng pagkain. Atsaka si Edward naman nag-offer ng food kaya nag-gow na rin ako since nagugutom na 'ko." Mahabang litaniya ko.

"So kapag ba nag-date tayo ng hindi mo alam, isasama mo si Edward? Tsk!" Haaa? You mean, a surprise date?! Tama ako ng binasa hindi ba?

Ayownn! Nabitin siguro ang tulog ng bakulaw na 'to noh?

"Date? Ikaw kung ano-ano na naman pinagsasasabi mo riyan. Siguro kinabag ka na kaka-topless mo." Saad ko't sumubo ng isang kutsarang puno ng ice cream.

Tumawa siya nang malakas. And here's the realization keme again! Gano'n pala tumawa ang isang Elliot! Shocks ngayon ko lang napansin!

"I'm serious." Simpleng saad nito ngunit mararamdam mo ang sinseredad.

Natahimik ako dahil sa sinabi niya. Amacana accla!

Hindi ko na lang pinansin ang kaniyang sinabi hanggang sa natapos na naming dalawa hanggang sa episode 2.

Wala nang gustong magsalita sa aming dalawa marahil ay dahil na rin sa antok kaya napagdesisyunan na naming matulog.

Jusmiyo anong oras na rin pala.

Naalala ko 'yung nangyari kaninang umaga kaya nilagyan ko na ng harang ang gitna naming dalawa para wala nang yakapang maganap! Mapagkamalan pa akong unan niyan, eh.

I don't know either pero alam niya kaya 'yung nangyari? Hindi niya nga ata alam yun, e. What do you think?

Magkatalikod kami habang natutulog. Alam kong tulog na siya dahil naririnig ko na ang kaunti niyang paghilik. Ako naman eto, hindi na naman makatulog dahil sa iniisip ko kung paano nangyaring magkatabi na kami kaninang umaga.

Isip lang ako nang isip ng mga theory ko hanggang sa tuluyan na rin akong lamunin ng dilim.

"Good night, Pillow."

Itutuloy...


valdexi
valdexi

Creator

Comments (0)

See all
Add a comment

Recommendation for you

  • What Makes a Monster

    Recommendation

    What Makes a Monster

    BL 75.7k likes

  • Invisible Bonds

    Recommendation

    Invisible Bonds

    LGBTQ+ 2.4k likes

  • Touch

    Recommendation

    Touch

    BL 15.6k likes

  • Silence | book 1

    Recommendation

    Silence | book 1

    LGBTQ+ 27.3k likes

  • Primalcraft: Scourge of the Wolf

    Recommendation

    Primalcraft: Scourge of the Wolf

    BL 7.1k likes

  • Invisible Boy

    Recommendation

    Invisible Boy

    LGBTQ+ 11.5k likes

  • feeling lucky

    Feeling lucky

    Random series you may like

Detoxify
Detoxify

843 views3 subscribers

They say healing means leaving.

But what if leaving is what breaks you even more?

Hindi lahat ng nagmahal, nanatili.
Hindi lahat ng umalis, nakalimot.

She's running from her past.
He's chasing the pieces she left behind.

Sa mundo kung saan hindi lahat kayang unawain ang tunay mong pagkatao...

Will love be enough to detoxify the scars they both hide?

Disclaimer: This is a transXstraight story!
Warning: Read at your own risk.
Subscribe

39 episodes

Pretend 2

Pretend 2

34 views 0 likes 0 comments


Style
More
Like
List
Comment

Prev
Next

Full
Exit
0
0
Prev
Next