Please note that Tapas no longer supports Internet Explorer.
We recommend upgrading to the latest Microsoft Edge, Google Chrome, or Firefox.
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
Publish
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
__anonymous__
__anonymous__
0
  • Publish
  • Ink shop
  • Redeem code
  • Settings
  • Log out

Detoxify

Confession 1

Confession 1

Jun 07, 2025

Avery's Point of View

Agad akong humiwalay sa yakap niya at dali-daling nilandas ang daan papunta sa aming silid.

Pagkarating ko ay agad akong nagtungo sa aking upuan at sinubukang ituon ang buong pansin sa lecture ng aming prof.

Discuss dito, discuss do'n and here we are, doing our individual activity.

Todo pokus talaga me hanggang sa matapos ang oras. And mind you, Elliot is nowhere to found! Hindi siya um-attend ng first and second sub.

Tinry ko muna talaga tapusin 'yung activity bago lumabas. Nauna na rin kase 'yung tatlo kase sabi ko gow lang, una na sila kase tatapusin ko muna 'yung activity.

Ewan kung anong pumasok sa isip ko ay sa E-Café ako nag-recess. Wala, 'yun agad pumasok sa isip ko eh and balak ko rin na doon na lang ituloy 'yung ginagawa ko since hindi crowded do'n at mas makakapag-focus ako. I'm not saying na hindi ako nakakapag-focus ha kapag maraming tao.

Sanay naman din ako and I am able to work under pressure. Multitasker kaya 'to!

And to my surprise, wala rito 'yung tatlo. Baka nasasanay na rin sila sa canteen at for sure doon pumunta ang mga 'yon.

After our 1 hour vacant will be the evaluation. Auditon kumbaga sa mga clubs. Taray noh, may pa-audition!

Habang pabalik na ako sa classroom para sana kitain si Tyron doon at dumiretso sa gymnasium ay nakasalubong ko siya.

Hinahanap na rin pala niya ako kaya agad na kaming nagtungo ro'n ng walang usap-usap pa. Bakit kaya sobrang tahimik nito.

Pagkarating naming ay may mga tapos na ring mag-audition. Marami-rami na rin sigurong nakuha dahil may mga hawak na silang t-shirt ng performing arts.

Actually, sa performing arts ay ang drama, music, at dance club. Parang iisa lang sila since these are forms of creative activity that are performed in front of an audience pero in different clubs pa rin.

Hala mga mimasaur! Dahil nga all-boys' school ito ay kinakabahan pa rin ako sa genre na sasayawin ko.

Nagpasama ako kay Tyron at nagpalit na nga ako ng damit ko. Pagkalabas ko ay nagulat pa si Tyron. Ganda ko kase. No joke.

I couldn't help but feel confident in my outfit. This is me. Dito ako komportable.

I'm wearing a mini skirt and a crop top, both in my favorite color — pink. Not just any ordinary clothes, mind you — these were Chanel and Celine, brands that I couldn't help but feel a little boastful about wearing. Mga mima, these were my favorite brands!

Wanna know why? Simply because my bias and bias wrecker Lisa and Jennie from BLACKPINK were these brands' global ambassador.

I also love Dior and Yves Saint Laurent since these brands love the other members also — Rosé and Jisoo. Kaya kung ako sa 'yo, stan BLACKPINK na and be one of us, blinks!

Pagkabalik namin ni Tyron grabe tumingin ang mga tao. Are they scrutinizing my whole personation? Kung ano man 'yon, I don't care. Confidence is the key!

Agad na muna akong pumila at nagpaalam din si Tyron na magpapalit din muna. Ay tange ba't hindi na siya nagpalit nung nando'n pa kami edi sana masasamahan ko pa siya. Sabi niya kase siya na lang babalik mag-isa at pinapila niya na ako.

"Next!" Sigaw ng head ng dance club and yup, it's my turn!

"Oh, the Fifth Elite!" Sabi niya pagkakita sa akin. Oo nga pala, I'm the Fifth Elite of new freshmen. Kumbaga nagkakaroon ng mga new badge per academic year. Hanggang fourth year ko na 'yun.

"You were Avery, right?" Dagdag pang tanong ni ma'am kaya tumango-tango ako sabay sabi ng "Opo."

"So, ano ang sasayawin mo?" Tanong saakin.

"Love me like you do po." Saad ko at ngumiti. I can do this!

Alam niyo 'yung sinayaw ni Dawn at Zues sa PBB dati? Love me like you do ang title no'n. Basta panoorin niyo na lang sa YouTube if hindi niyo alam kase gano'n na gano'n sa step ni Dawn ang sasayawin ko.

"Okay, start when you're ready."

The skirt hugged my hips perfectly and flared out enough to allow me some freedom of movement, while the crop top showed off just enough skin to make a statement without being too revealing.

As the music started, I began to move.

I felt like all eyes were on me. Pero ayos lang, attention seeker tayo, eh.

Sige galaw lang ako ng aking katawan with emotions siyempre. 'Yung mga parts na need ng partner ay nagawan ko naman ng paraan.

Agad din naman akong natapos at maririnig mo ang palakpakan ng lahat ng mga taong nasa gymnasium. For sure rin kase andito 'yon si Tyler e, kase 'di ba sa basketball club siya? After ng dance club dito ay susunod naman ang tryouts nila.

Ang tagal ng palakpakan mga mima pero duh, dapat lang! I gave my best shot on that performance noh!

Nakatingin saakin nang nakangiti ang head ng dance club na si Ma'am Jessica.

"Welcome to the club!" sabay abot saakin ng box na ang nilalaman ay isang performing arts na damit at may isa pa pala for training na pangsayaw.

Tumalon ako sa tuwa dahil nakapasok ako at sulit 'yung paghahanda ko. Tumakbo ako kay Tyron at yumakap dahil sa saya. Nabigla siya dahil sa pagyakap ko kaya agad akong kumalas.

Eto na naman ako. Ba't kase nangyayakap bigla, Avery! Pati ako nagugulat na sa mga pinaggagagawa ko lately, ha!

Agad din akong bumitaw bigla nang ma-realize ko ang ginawa ko. Umiwas din agad siya ng tingin. Nahihiya ata siya! Hala!

And oh, he looks good sa suot niya, ha! Ngayon ko lang napansin!

He's wearing a fitted long sleeve shirt that showed off his toned body, and a pair of slacks that fit just right. And oh, kung tutuusin ay bagay 'yung mga suot naming dal'wa kapag pinagsama.

"Next!" Sigaw ulit ni ma'am and oh, Tyron's up! Siya na ang susunod.

"Oh, what's so special in this club para sumali ang dal'wang Elites." sabi ni ma'am.

"So, anong sasayawin mo?" Pagkatanong no'n ni Ma'am Jessica ay agad na lumingon sa 'kin si Tyron. At bakit?

"Love me like you do rin po, ma'am. And I want the Fifth Elite to dance with me." Sagot nito sabay pukol ng mga mata niyang nagtatanong kung papayag ba ako.

Pagkarinig ko ng sinabi niya ay nagulantang ang buong sistema ko.

Is this for real?!

I'm in the middle of my intrapersonal conversation at agad din akong nagising nang tinutulak na ako ng mga lalaki. Or should I say, the gays.

So probably, ang sasayawin namin ay 'yung with partner na noh? Kakasabi ko lang kanina, sanay ako sa pressure kaya gow! Challenge accepted!

"O-Okay, if that's what you want." Saad ko pabalik sabay bitaw ng ngiti.

Tumugtog ulit ang kanta at nagulat ako sa galing niya. And take note ha, parehong-pareho sa step ni Dawn at Zues ang sinasayaw namin! Grabehan ang step pero go lang, professionalism ba. HuUuy!

At grabe, sa tangkad at lakas ni Tyron ay para lang akong unan sakaniya. Hinding-hindi mo makikitaan na parang nabibigatan siya saakin sa tuwing may step na kailangan akong buhatin at iangat.

How did he know the steps?

Siguro, he saw me practicing during weekends? I don't know.

'Yung dating kase nung sayaw ay parang interpretative dance about two lovers. May mga napapa-oww pa nga na mga lalaki at mga kagaya kong accla na tumitili tuwing may step na ano, alam niyo na!

Basta if I were you panoorin mo muna sa YouTube, ando'n naman na sa taas 'yung link nung sayaw para mas dama mo.

Halos magkadikit kami sa lahat ng steps. Aakalain mong mag-jowa if ever!

Natapos ang kanta na magkatingan kami.

Halos lahat o lahat nga ata sa gym ay nagsisigawan at nagpapalakpakan.

Nang makapansin ako ng mata na nakikilala ko ay agad kong hinanap ang mga matang iyon but unfortunately, 'di ko na nakita.

And yes po, opo! Natanggap din po siya sa club! Ang saya, 'di ba!

Pagkatapos nga ng audition namin ay umalis na kami ng gymnasium at nagpalit muna ulit ng damit saka pumunta sa room.

Pagkarating namin ay nandoon si Edward and for sure nasa gymnasium si Tyler kaso hindi ko siya nakita.

Agad din kaming umupo kase may klase pa rin kami. Excuse na lang siguro 'pag wala ka since may ganap naman sa campus. 'Yun nga lang, may klase pa rin. Ikaw pa rin magka-catch up ng mga lessons. 

Napalingon ako sa kabilang gilid ko kung saan ang upuan ni Elliot. Wala pa rin kase siya.

Kahit anong gawin ko ay hindi ako makapag-focus sa tinuturo ni ma'am. Wala pa kasi si Elliot, eh.

Buong klase akong naghintay pero wala pa ring dumarating na Elliot.

Bakit parang feeling ko, kasalanan ko? Kaloka ka Elliot saan ka ba nagpunta!

Nang sumapit ang uwian ay napagdesisyunan ko na pumunta sa E-Café.

What if bil'han ko siya ng cupcake. Peace offering ba.

Teka, ano bang nagawa ko? Hmmp! I don't know either! Basta I'll buy some for him. A thank you cupcake na lang.

Agad akong nagpunta sa cake shop na may ngiti. Bumili ako ng isang cupcake na sobrang ganda ng design. Mga flowers siya mga mhie pero for me, it's quite beautiful na. Appreciation ba.

Dahil sa sobra kong excitement ay nakauwi na ako. Hindi ko man lang namalayan na nasa dorm na pala ako kahit na naglakad lang ako.

Nadatnan ko si Edward na nagluluto. Agad kong iniwas ang tingin ko. Bakit nga ba?

I felt awkward mga mima, eh. Kaya halos buong araw ko na rin siyang hindi nakakausap. Ang tahimik niya nga the whole day, eh.

Agad akong pumunta sa kwarto. Pagkarating ko sa kwarto ay wala akong Elliot na nakita. Sa'n kaya nagsuot ang bakulaw?

Napagpasyahan ko naman na maligo muna dahil nanglalagkit 'yung katawan ko. Bakit kaya umalis si Elliot kanina. Para rin siyang galit. Kaloka, overthink malala tayo neto!

Pagkatapos kong maligo, to my surprise ay nakita kong nakahiga na si Elliot sa kama niya. Natutulog siya mga mhie. Mukhang kararating niya pa lang naman kaya hindi pa 'to tulog.

Agad akong nagtapis ng tuwalya at agad kong kinuha ang cupcake na binili ko then pumunta ako sa harap niya.

Mukha pa itong nagulat sa presensiya ko. Nakita ko namang tinignan ako nito mula hulo hanggang paa.

Bakit???

Malapit na akong lamunin ng lupa sa kahihiyan kaya agad na akong nagsalita upang makapagbihis na rin.

"I bought you a cupcake, oh. This is my thank you offering na rin for helping me last time na gamutin 'yung sugat ko at pagbili ng foods." Inabot ko naman ang cupcake sakaniya. Todo ingat din ako niyan at baka mahulog ang tuwalyang nakatapis saakin. Kunin mo nang bakulaw ka!

Tinignan niya ako ng seryoso. Grabe naman beh, ba't may pa ganiyan pa. Nananakot ka naman ih!

Kinuha niya rin naman yung cupcake, which is dapat lang at niligay sa kabilang mesa at agad na bumaba nang wala man lang lumalabas na salita sa kaniyang bibig. Not even saying "Thank you."?

Napano kaya 'yun?

Itutuloy...


valdexi
valdexi

Creator

Comments (0)

See all
Add a comment

Recommendation for you

  • What Makes a Monster

    Recommendation

    What Makes a Monster

    BL 75.7k likes

  • Invisible Bonds

    Recommendation

    Invisible Bonds

    LGBTQ+ 2.4k likes

  • Touch

    Recommendation

    Touch

    BL 15.6k likes

  • Silence | book 1

    Recommendation

    Silence | book 1

    LGBTQ+ 27.3k likes

  • Primalcraft: Scourge of the Wolf

    Recommendation

    Primalcraft: Scourge of the Wolf

    BL 7.1k likes

  • Invisible Boy

    Recommendation

    Invisible Boy

    LGBTQ+ 11.5k likes

  • feeling lucky

    Feeling lucky

    Random series you may like

Detoxify
Detoxify

838 views3 subscribers

They say healing means leaving.

But what if leaving is what breaks you even more?

Hindi lahat ng nagmahal, nanatili.
Hindi lahat ng umalis, nakalimot.

She's running from her past.
He's chasing the pieces she left behind.

Sa mundo kung saan hindi lahat kayang unawain ang tunay mong pagkatao...

Will love be enough to detoxify the scars they both hide?

Disclaimer: This is a transXstraight story!
Warning: Read at your own risk.
Subscribe

39 episodes

Confession 1

Confession 1

36 views 0 likes 0 comments


Style
More
Like
List
Comment

Prev
Next

Full
Exit
0
0
Prev
Next