Avery's Point of View
Nagbihis na lang din ako at bumaba na rin para kumain. Para nga ba kumain? Siyempre! Atsaka si Edward ang nagluto kaya for sure masarap din. I'll eat kahit na hindi naman ako halos nagugutom.
Nakita ko silang kumakain na nang tahimik at siyempre naman ako ay nagtataka dahil maiingay 'yung mga 'yan. Magkakaibigan sila, right.
Agad akong umupo sa upuan ko. Nagulat ako dahil nilagyan bigla ni Edward 'yung plato ko ng pagkain. Tinignan niya ako at ngumiti. I smiled back na lang.
"Bakit ang kaunti ng kinakain mo?" Pambasag sa katahimikan na tanong ni Edward sa 'kin.
"Kakain ko lang din kase kanina after dissmisal." Agad na sagot ko.
Nung bumili kase ako ng cupcake para kay Elliot ay bumili rin ako ng para sa akin. Siyempre! E sa mukhang masarap e, kaya gusto kong subukan.
Agad ko na lang ding tinuon ang pansin ko sa pagkain.
Sa kabilang banda naman ay nakita kong nakatingin nang masama si Elliot kay Edward at bigla itong napalingon sa 'kin.
Pero pagkalingon niya saakin ay isang malamig na titig lamang ang binigay niya. Napapano ba 'tong hambog na 'to?
Tumayo bigla si Elliot at walang sabi-sabing iniwan kami sa hapag. Marahil ay tapos na siyang kumain.
Dahil sa ginawa niyang 'yun ay feeling ko there's something happening. Nakakasad lang. Basta!
"Ako na lang maghuhugas ng pinagkainan. Para naman may mai-ambag ako rito sa dorm." Agad na prisinta ko sakanila ng may ngiti sa labi.
"Huwag na babe, ako na lang gagawa para sa 'yo." Pang-aasar ni Tyler. Ganiyan na kaming dalawa matapos ang ilang mga araw na nagdaan. And I'm used to it. Sa mga biro niyang gan'to. Sira talaga.
"Tigilan mo nga ako't baka isumbong kita sa girlfriend mong may kasama kang babae kagabi rito? Oh, ano?" Pananakot ko sakaniya nang may nakakakolong mga ngiti. Agad nag-iba ang expression ng mukha niya.
"Ikaw naman, 'di mabiro Avery. Anong bang gusto mong breakfast bukas at ako ang magluluto para sa 'yo hehe." Natawa na lang ako dahil sa takot niya. Ang cute kaya. Nagtawanan din si Tyron at Edward dahil sa inasta ni Tyler. Tsk, babaero talaga ang loko.
"Biro lang, nukaba." Saad ko habang bumubungisngis. Nang matapos silang kumain ay nagpunta na ang kambal at si Edward sa kanilang kuwarto.
Bago naman ako maghugas ay naisapan ko munang kunin ang cell phone ko para magpatugog. Alam niyo na, kapag may music kase ay mas napapabilis ang gawain ko.
Nang pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko si Elliot na papasok sa banyo. Maliligo siguro.
Nakaramdam ulit ako ng lungkot kase 'di ako sanay na gano'n siya. Parang mas okay na asarin niya na lang ako lagi e, kesa naman gan'to na feeling ko e ako pa ang may nagawang mali. Mas sanay ako sa pagiging hambog niya mga ante.
Nang makuha ko na 'yung phone ko ay agad na akong bumaba para mag hugas agad ng mga pinagkainan. Kinuha ko rin pala 'yung headphone ko for a better listening.
Agad kong sinout ang pink na headphone ko at nilagay sa 70% ang volume. Malakas siya mga mhie at 'yung tugtog lang talaga ang naririnig ko. Ngayon lang naman 'to.
"Oh my oh my god
Yesanghaesseo na
I was really hoping
That he will come through." pagsabay ko sa kanta. Anyways, the song is OMG by NewJeans.
Patapos na ako sa paghugas nang tumigil sa gilid ko si Elliot.
'Di ako agad napalingon at kaloka mga ante, 'di ko narinig ang sinabi niya kase nga naka-head phone me. May sinabi nga ba siya?
Feeling ko mayroon, e!
Kayo kase ih! 'Di kayo nakikinig edi sana chinika niyo sa 'kin kung anong sabi ng bakulaw. Pagkaharap ko ay paalis na siya.
At saan na naman kaya pupunta 'yon? Gabi na rin, ah. Bahala siya, big boy naman na siya. Kaya niya na self niya.
"Ano kaya ang sinabi niya?" Tanong ko sa sarili ko. Dahil may kaunti pang hugasin ay tinapos ko na lang agad.
Pagkatapos ko ay nagtungo ako sa sala at nanuod ng palabas. Habang nanunuod ako ay narinig kong bumukas ang pinto. I don't know kung 'yung pinto ba 'yun or what. Hindi ko na lang pinansin.
Pero nang pangalawa na ay narinig ko ang isang boses ng babae. And I think she's drunk.
Lumingon ako sa likod ko at nakita ko ang babaeng lasing na paakyat. Gegewang-gewang mga teh. Hay nako talaga 'tong si Tyler. Alam naman niyang bawal magdala ng mga ganiyan dito, e.
"Nambababae na naman siguro 'tong si Tyler. Hays." Dahil sa chismosa tayo ay umakyat ako at pumunta sa kwarto namin ni Elliot. Nang bubuksan ko na 'yung pinto ay may narinig ako. Hindi ako sure kung ano 'yon ha. Kinakabahan ako pero kahit ano pa man ang makita ko ay okay lang. And in the first-place e bakit naman sa kuwarto pa namin? 'To talagang si Tyler.
Pipihitin ko na sana ang doorknob hanggang sa biglang may nagsalita sa likod ko.
Jusq mga beh kung alam niyo lang kung gaano ako nagulat that time na napatalon pa ako. Jusmiyo marimar ka naman Tyron!
"A-Avery? Can I talk to you?" Napalingon ako sa likod ko at si Tyron nga.
Nagtataka ako dahil ngayon ko lang nakita ang gan'tong side niya.
Tumango lang ako at sinundan ko siya pabalik sa terrace. Nagdala sya ng coffee at ng snack habang... nagyoyosi?!
Wait lang, ha?
Si Tyron. Nagyoyosi mga beh! Hala!
Wala bakit, nakakagulat lang.
"Alam mo, dapat kinausap mo muna ako bago ka nagyosi. Kaloka ka naman. Ayaw na ayaw ko kasi ng amoy ng ciggarrete, eh." Sabay takip sa ilong ko.
Tumawa siya at agad niya ring pinatay ang usok.
"Sorry. About lately 'yung about sa sayaw, nakita kitang nag-practice and nagkataon naman na alam ko 'yon kaya 'yun na lang din ginaya ko. Sorry, ah." Simple niyang saad.
Napatingin naman ako sakaniya habang humihigop ng kape.
"Okay lang 'yun ano kaba! Ang galing nga natin, eh." Masayang turan ko sakaniya.
"Magagaling nga ata 'yung mga new members ng dance club this year." makahulugang sabi pa nito habang nginangatngat ang kuko nito. I don't know if tama 'yung term ko.
"Siyempre, ando'n na tayo kaya magaling 'yan." Biro ko naman. Eme kayo, siyempre jokes are half meant.
"Hey! Anong ginagawa niyo riyan? Gusto niyo ng cake?" Tumigil bigla sa pagkudkud ng kuko si Tyron nang makita ang kambal.
Oh, ba't nandito 'to?
Hindi ba kay Tyler 'yung babae na nasa kwarto nila Tyron?
So, sino 'yung nasa kwarto namin? Imposibleng si Edward mga mhie!
Pumunta kami sa sala na kinaroroonan ni Tyler. Pagkarating namin ay nakita ko namang pababa na si Elliot at nakasunod sakaniya 'yung BABAE?!
Andito na pala 'tong bakulaw na 'to?!
And the girl is crying, ha!
"Avery, it's not what you think." Sabi sa'kin ni Tyron. Dahil wala akong karapatan na makealam sakanila ay nag-STFU challenge nalang muna ako.
Kumuha ako ng isang baso ng tubig para sana sa babae kase parang isang balde ata ang iniyak niya.
Saktong pagkalabas ko sa kitchen ay nakita kong umiiyak ang babae at nagulat naman si Elliot dahil nakita niya ako sa harapan niya ngayon.
Hindi ko alam ngunit nabitawan ko bigla ang baso ng tubig.
At dahil nabasag ito ay kailangang linisin.
Agad kong kinuha ang mga piraso ng bubog at 'di ko sinasadya na mapadiin ang hawak ko rito kaya nasugat ang kamay ko. Bigla akong nanginig dahil sa dugong nakita ko. Unang pumasok sa isip ko ay scar o peklat.
What the f! AyokoOo!
Agad na lumapit si Elliot sa 'kin ngunit tinabig ko ang kamay niya.
"Nukaba, a-asikasuhin mo muna ang bisita mo" Ngiti kong saad sakaniya kahit na ninenerbyos na ako sa dugong nakikita ko. I saw disappointment in his eyes. Why, Elliot? Why? Ang hirap mong basahin.
"No! Gagamutin natin 'ya-" Hindi na pinatapos ni Tyron ang sasabihin ni Elliot.
"Don't worry, ako na ang bahala sakaniya." Malamig at seryosong saad ni Tyron.
Nakikita ko ngayon ang galit sa mukha ni Tyron na anytime e parang sasabog na. Ngayon ko lang siya nakitang gan'to. As in!
"From now on, ako na ang bahala sakaniya." Dagdag muli ni Tyron.
o_O
Itutuloy...

Comments (0)
See all