Maagang umaga sa mansyon ng mga Sarmiento. Tahimik ang paligid habang nagbabasa ng diyaryo si Tito Roman sa veranda, kasabay ng malamig na simoy ng hangin ng Tagaytay.
Sa isang pahina, lumantad ang headline:
"Dalagang Nawawala: Huling Nakita sa Tagaytay Mall"
Larawan ng isang balingkinitang babae. Maganda. Bata. Mapupungay ang mga mata.
Sa balita sa TV, ulit-ulit na ipinapakita ang CCTV footage—papalabas ng mall, hawak ang cellphone. Pagkatawid sa overpass, blangko na. Walang sumunod na footage. Walang testigo.
May iniaalok na pabuya ang pamilya. Malaking halaga.
Ngunit sa social media, iba ang bulong: baka nagtanan. Baka sumama sa lalaki.
Napabuntong-hininga si Roman. May lungkot at kaba sa mga mata. Ngunit sa dulo, nilipat lamang niya ang pahina at ipinagpatuloy ang pagbasa.
Sa Clinic sa Cavite
Wala pang alas-diyes ng umaga. Sa isang simpleng clinic, nagsisimula pa lamang ang duty ni Dr. Kenneth Sarmiento.
Ang pasyente ngayon ay isang mag-ina. May lagnat ang batang lalaki. Paulit-ulit. Kitang-kita sa ina ang pag-aalala.
KEN:
"Kailangan nating ipa-laboratory ang anak niyo. May posibilidad na dengue. Dapat nating bantayan ang platelet count niya."
INA:
"Ipapagawa ko agad, Doc. Maraming salamat po."
KEN:
"Walang anuman. Ingat po kayo."
Pagkaalis ng mag-ina, kumatok ang sekretaryang si Joanne.
JOANNE:
"Doc, next patient po—si Ms. Bernice Riego."
Pagpasok ni Bernice
Si Bernice ay pumasok nang may ngiting mahinhin. Mestisahin, maayos manamit, may "class" na dalang aura. Isang regular. At alam ni Ken—hindi lang tonsil ang dahilan ng madalas na pagpapatingin.
BERNICE:
"Good morning po, Dok."
KEN:
"Magandang umaga rin. Lalamunan pa rin ba?"
BERNICE:
"Opo, Doc. Masakit pa rin. May kati. Tapos inuubo ako kapag nakakaramdam ng kati at hapdi."
KEN:
"Tingnan muna natin bago tayo magreseta."
(Tumayo at nagsuot ng headlamp)
"Buka ng konti. Ilabas ang dila..."
Maingat na itinaas ni Ken ang baba ni Bernice at gamit ang tongue depressor, tinulak ang dila pababa.
Nagtagpo ang kanilang mga mata. Saglit lang. Pero may katahimikang bumalot.
KEN (mahina):
"Namamaga. May signs ng nana. Kailangan mo talaga ng antibiotic."
Umupo siya sa mesa at sinulat ang reseta.
KEN:
"Take this for 7 days. Twice a day. Kung walang improvement in three days, balik agad. Para ma-adjust natin ang medication mo kung kailangan."
BERNICE:
"Salamat po, Doc."
Tahimik. Pero halatang may gusto pang sabihin si Bernice.
BERNICE (mahina):
"Uhm... Doc Ken?"
KEN:
"Hm?"
BERNICE:
"Pwede ko po ba kayong yayain minsan? Siguro... magkape lang po tayo?"
Namula ang pisngi ng dalaga. Tila kinabahan sa sariling tapang.
KEN (banayad):
"Bernice... alam mong doktor mo ako. May professional na hangganan ang relasyon nating ito."
BERNICE (tumingin sa kanya, nagpipigil ng kaba):
"Alam ko po. Pero kung sakali lang. Kung wala namang makakaalam..."
Tahimik si Ken. Isang tingin, isang buntong-hininga.|
KEN:
"Okay. Pero may kondisyon ako. Secret lang natin. Walang ibang makakaalam. Kahit pamilya mo."
BERNICE (tumango agad, nakangiti):
"Opo. Promise."
KEN:
"Sige. Add mo ako sa Viber. Doon lang tayo mag-usap."
Si Bernice Riego
Si Bernice Riego, 24, ay lumaking tahimik, masunurin, at “good daughter” sa mata ng pamilya.
Pumasok siya sa kolehiyo bilang BS Accountancy, hindi dahil ito ang pangarap niya, kundi dahil ito ang kursong “pinaka-practical,” sabi ng kanyang ama. Tahimik siyang sumang-ayon, kahit ramdam niya sa dibdib na hindi ito ang mundo niya.
Pagkatapos ng graduation, halos buong taon siyang nag-apply sa accounting firms—
pero wala siyang nakuha.
Hindi dahil kulang Siya sa tiyaga at sa talino;
kundi dahil lagi siyang natatalo ng mas “experienced,” mas “magaling,” mas “mas confident” daw.
Simula noon, napilitan siyang tumalon-talon sa trabaho:
Call center
Real estate
Part-time agent
Online gigs
Kahit mga MLM trainings na kinalaunan ay iniwan din niya.
Hindi niya binabanggit sa magulang ang pagkadismaya niya… pero sila mismo ang unang pumupuna.
Tuwing gagalaw siya sa hapag-kainan:
“Bernice, bakit hindi mo gayahin ang ate mo?”
“Tingnan mo si Beatrice—may pangalan na sa TV.”
At doon nagsisimulang gumuhit ang lihim na sakit:
si Beatrice, ang ate niyang bawat kilos ay pinupuri, bawat tagumpay ay ipinagmamalaki.
Habang siya?
Parang diffused light na hindi makita ng kahit sino.
Lalong lumala ang pressure nang dalawang beses siyang bumagsak sa Accounting Licensure Board Exam.
At kapag bumagsak pa siya ng isang beses?
Kailangan niyang mag-take ng remedial college units.
Isang kahihiyan daw.
Isang gastos.
Isang patunay na “hindi niya kaya.”
Hindi niya ipinakita, pero gabi-gabi, umiiyak siya nang walang tunog.
Gusto niya tumakas.
Gusto niya mawala.
Gusto niya maramdaman na kahit minsan — may pipili rin sa kanya.
Ang Pagtatagpo ni Bernice at Ni Dr. Ken
Isang hapon, nagkaroon siya ng sore throat. Wala sana iyon, pero kailangan niyang lumiban sa trabaho.
Napilitan siyang magpacheck-up sa clinic na pinakamalapit sa terminal.
Doon niya unang nakita si Dr. Ken Sarmiento.
Hindi niya iyon inasahan —
ang isang lalaking:
Mahinahon magsalita
Malamig ang presensya
Walang hinahabol
Walang judgment
Walang pressure
Sa unang beses, nagulat si Bernice:
“Hindi niya ako tinanong tungkol sa trabaho.”
“HIndi niya ako kinumpara.”
“Hindi niya ako pinangunahan.”
Kinabig niya ang stethoscope, pinakinggan ang hinga niya, at sa tono ng boses niya ay parang unang beses siyang may nakinig sa kanya bilang tao.
At gaya ng mga bulaklak na dahan-dahang ibinubuka ang sarili kapag nakaramdam ng tamang sikat ng araw,
unti-unti niyang nailabas ang:
Pagkabagsak sa exam
Pressure sa pamilya
Hiya sa sarili
Pagkapagod sa pagsisikap
Inggit kay Beatrice
At takot na hindi magkaka-buhay na hiwalay sa magulang
Si Dr. Ken ay nakinig lang.
Tahimik.
Walang pinuputol.
Walang pinupuna.
At sa loob-loob niya…
“Sa wakas… may nakakita rin sa akin.”
Ang Pagkakataong Nakita ni Ken si Bernice
Habang nagsasalita si Bernice, may naramdaman si Ken na kakaiba:
Hindi ito pasyenteng naghahanap ng gamot.
Hindi ito babaeng naghahanap ng pagmamahal.
Ito ay bulaklak na lutang-lutang,
Walang lupa,
Walang ugat,
Walang direksyon.
Isang kaluluwang pagod,
Wasak sa loob,
Mahina ang suporta,
Pero naghahangad ng kahulugan —
Ng escape —
Ng Isang tao na Maaring makakita sa kanya.
At sa mata ni Ken…
isang bagong uri ng bulaklak para sa kanyang Hardin.
Hindi niya iyon hinanap.
Pero nandoon sa harap niya —
Mahina,
Maganda,
Marupok,
at handang yumuko sa sinumang magbibigay ng konting init.
Ang Una nilang Kape
Sa isang tahimik na coffee shop, walang CCTV, walang ibang tao.
Sa gitna ng mesa, dalawang tasa ng kape at isang slice ng strawberry shortcake.
BERNICE: (may mahinhin na ngiti)
"Hindi ko inakala... na papayag kayo."
KEN:
"Ayaw mo bang magbago ang isip ko?"
BERNICE: (natawa)
"Huwag naman. Ngayon pa na nahanap na kita."
KEN:
"Baka balang araw... ako naman ang mawala sa'yo."
BERNICE: (seryoso, tinitigan siya)
"Kung mawawala ka man... sana dito ka pa rin manirahan, sa puso ko."
Sa gitna ng ulan at kape, dahan-dahang nabubuo ang koneksyon—hindi lang bilang pasyente at doktor, kundi bilang dalawang kaluluwang nagtagpo sa gitna ng pag-iisa.
Ang Pagtatapat
Isang gabi.
Habang sila ay naglalakad sa isang park na wala nang masyadong tao.
Natigilan sa paglalakad si Bernice. Napansin agad ito ni Dr. Ken. Nilingon siya pabalik.
KEN:
"May problema ba Bernice?"
BERNICE:
"Ken... alam kong mabilis. Pero... tingin ko, mahal na kita."
KEN:
"Bernice... hindi ko pa kayang sabihin kung pareho tayo ng nararamdaman. Pero masaya ako kapag kasama kita."
BERNICE (nakangiti, lumuluha):
"Sapat na 'yon. Sa ngayon."
Yumakap si Bernice nang buong tiwala, buong pagmamahal—akala niya, sa wakas, minahal din siya pabalik. At si Ken? Yumakap rin, mahigpit. Hindi upang suklian ang pag-ibig, kundi upang ihatid siya sa isang katahimikang hindi na niya mababawi.
Ang Paanyaya
KEN:
"Gusto mo bang ipakilala kita sa mga taong pinagkakatiwalaan ko?"
BERNICE:
"Of course. Ikinagagalak ko 'yon."
Sa loob ng sasakyan ni Dr. Ken, nakaupo si Bernice sa tabi ng driver's seat. Tahimik lang siya, pero bakas sa kanyang mukha ang kagalakan—ang uri ng saya na hindi na kailangang ipagsigawan. Hawak niya ang maliit na bag, at paminsan-minsan ay sumusulyap kay Ken.
"Parang panaginip," bulong niya sa sarili. "Ako ang pinili niya."
Sa bawat liko ng kalsada, sa bawat hampas ng malamig na hangin ng Tagaytay, lalo siyang humuhulog. Isang yakap lang ang hinihintay niya. Isang yakap na magpapatunay na mahal din siya.
At si Ken? Naka-pokus sa daan. Tahimik. Hindi umiimik, pero may lihim sa likod ng bawat buntong-hininga.
Hanggang sa narating nila ang mataas na gate ng Estate ng mga Sarmiento. Bumukas iyon na parang mga bisig ng isang palasyong handang tumanggap ng panauhing walang kamalay-malay.
"Welcome to the estate ng mga Sarmiento," sabi ni Ken, habang tinitingnan si Bernice.
Ngumiti ang dalaga. "Thank you, Ken... ang saya ko."
Hindi niya alam, iyon na pala ang biyahe papunta sa wakas.
Ang yakap na inaasam niya—ay yakap ng paalam.
At ang tahanang iniisip niyang magiging parte siya—ay hardin ng mga nawawala.
Sa Mansyon
Nakarating sila sa Sarmiento Mansion sa Tagaytay. Malamig. Tahimik.
BERNICE:
"Grabe, Ken... parang nasa pelikula ako. Ang laki ng bahay niyo."
KEN:
"At simula ngayon... magiging bahagi ka na rin nito."
Ipinakilala siya kay Nanay Sylvia.
Mapanuri ang mga mata ni Nanay Sylvia sa umpisa, pero binigyan rin siya ng ngiti.
Nag-candlelight dinner sila. Tahimik ngunit masaya.
Sa veranda, dinalhan sila ni Sylvia ng dalawang tasa ng tsaa.
Ang Usapan sa Veranda
KEN:
"Kung dumating ang araw na hindi na kita makasama...Pipiliin mo pa rin ba akong mahalin?"
BERNICE:
"Kahit kailan. Kahit saan. Ikaw lang."
Nag-toast sila.
Dahan-dahang inilapit ni Bernice ang tasa ng tsaa sa kanyang labi. Uminom siya, buong tiwala—buong puso. Dahan-dahang uminom si Bernice ng tsaa. May lambing sa bawat paghigop. Ilang minuto ang lumipas—parang walang nangyari.
Ngunit habang tahimik silang nakaupo, unti-unting lumabo ang paningin ni Bernice. Parang may usok na pumaligid sa kanyang ulirat. Naramdaman niya ang bigat sa talukap ng mata, ang paghina ng kanyang mga kalamnan, at ang pagbagal ng tibok ng kanyang dibdib. Sa kanyang dibdib, unti-unting sumisiksik ang antok. May kung anong pumatong sa kanyang ulirat: malambot, malabo, mapanlinlang.
BERNICE:
"Doc... Ken... parang... parang ang gaan ng pakiramdam ko... pero... lumulutang din ako."
Tiningnan niya ang tasa, saka si Ken. Bahagyang nanginginig ang kanyang kamay. Hindi siya agad natumba—may ulirat pa. Naririnig pa niya ang huni ng kuliglig at ang mahina ngunit malinaw na tinig ni Ken.
Napatingin si Ken sa kanya—malumanay ang tinig, walang bakas ng kaba.
KEN:
"Shhh... andiyan pa ako. Nandito lang ako."
Ngumiti si Bernice. Bahagya. Payapa.
BERNICE:"Ikaw lang... kahit saan... kahit kailan..."
KEN:
"May inihanda akong silid para sa'yo. Gusto mo bang magpahinga muna roon?"
Nagkatinginan sila.
Tumango si Bernice, marahan, tila lasing sa panaginip.
At unti-unti na siyang sumandal sa balikat ni Ken, tila isang bulaklak na isinuko ang sarili sa dapithapon.
Maingat siyang inalalayan ni Ken. Hinawakan sa siko, tinungo nila ang silid—ang silid na tahimik, malamig, at tila matagal nang naghihintay sa kanyang pagdating.
Ang Huling Gabi
Pagpasok sa silid, humiga si Bernice sa kama.
Bago siya pumikit, gumuhit ang isang maliit na ngiti sa kanyang labi — ngiti ng ligaya, ng damdaming sinuklian, ng paniniwalang minamahal din siya.
BERNICE (mahina):
"Doc Ken... I love you so much. Sana... dalhin mo ako sa paraiso..."
KEN (mahinang bulong, sa tenga niya):
"Makakarating ka, Bernice... pangako. Doon, tahimik. May kapayapaan.
Magiging isa kang bulaklak—hinding-hindi ka na masasaktan."
Ang Ritwal ng Katahimikan at ng Pagkalimot
Tahimik na sinimulan ni Ken ang kanyang ritwal.
Maingat niyang ikinabit ang IV fluid sa braso ng dalaga.
Matapos tiyaking maayos ang linya at tuloy-tuloy ang pagpatak ng likido, dahan-dahan niyang isinaksak ang paralytic agent sa IV line.
Wala nang kislot. Wala na ring pagtutol.
Isinunod niya ang potassium chloride—ang huling gamot.
Sa katahimikang bumalot, tiningnan niya si Bernice.
Lumapit siya. Dahan-dahang inalis ang kanyang damit. Hindi marahas. Hindi mapusok.
Isa siyang manlilikha, hindi mamamatay.
At sa bawat pulgada ng balat na nalantad, mas lalong lumalim ang pagkamangha ni Ken sa likas na ganda ng dalaga. Walang makeup, walang arte. Puro. Payapa.
Ang kurba ng kanyang katawan. Ang kinis ng balat. Ang katahimikang bumalot sa kanyang mukha.
"Napaka ganda mo talaga," bulong niya sa hangin, habang sinusoot ang ginintuan at eleganteng gown.
Inayos niya ang buhok. Pinahiran ng kaunting lipstick.
Binalot sa puting kumot.
Sa Hardin
Sa likod ng mansyon, sa ilalim ng bilog na buwan, binuhat ni Ken ang katawan ng dalaga.
Ibinaba sa isang hukay na matagal nang hinanda.
Tinabunan ng lupa.
Si Bernice Riego.
Isang dalagang may kabutihang loob.
Tunay na nagmahal.
At ngayo'y naging isang bulaklak sa lihim na hardin ng mga Sarmiento.
Walang CCTV.
Walang saksi.
Walang nakakaalam.
Wala... kundi ang buwan, ang lupa, at si Dr. Ken.
Itutuloy...
Comments (0)
See all