Please note that Tapas no longer supports Internet Explorer.
We recommend upgrading to the latest Microsoft Edge, Google Chrome, or Firefox.
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
Publish
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
__anonymous__
__anonymous__
0
  • Publish
  • Ink shop
  • Redeem code
  • Settings
  • Log out

Ang Lihim Na Hardin Ni Dr. Kenneth Sarmiento

Chapter 13: Ang Matatag at Matapang na Mandirigmang Bulaklak

Chapter 13: Ang Matatag at Matapang na Mandirigmang Bulaklak

Jul 31, 2025

Ang Papel ng mga Nawawala

Sa loob ng isang linggo, masinsinan ang ginawang pagkakalap ni Bea—or ng kanyang bagong katauhan bilang si Marissa Del Rosario. Mahinahon, sistematiko, at hindi halatang nagmamatyag, isa-isa niyang sinuri ang mga patient records sa clinic ni Dr. Ken Sarmiento.Ang unang pangalan:

Angeline Montenegro
Huling nakita sa CCTV habang tumatawid sa overpass malapit sa Lipa Terminal, hawak ang cellphone. Hindi na siya muling nakita. Ayon sa record, si Dr. Ken ang huling doktor na tumingin sa kanya.

Ang pangalawa:
Bernice Riego 
— ang sarili niyang kapatid. May nag presentang witness na huling nakakita sa kanya kasama ang isang mistulang doktor. Walang CCTV. Walang kahit anong trace kung saan ito huling napunta. Tanging record ng follow-up check-up kay Dr. Ken ang natagpuan bago ito tuluyang nawala.

Pangatlo:
Leilani Ocampo
 — isang fresh case. Huling namataan sa park, tila may hinihintay. Wala nang sumunod na sightings.

Pare-pareho silang pasyente ni Dr. Ken.

At laging nawawala pagkatapos ng huling follow-up.

Ngunit isang pangalan ang nakatawag ng pansin:

Annika Villarubin Gomez.
Hindi pasyente. Ngunit may naitalang ugnayan. Dating Nursing student sa UST—kung saan naging resident si Dr. Ken. Walang direktang ebidensya. Pero isang pattern ang tila nabubuo.

Lahat sila... bata. Maganda. Maaamong mukha.

Agad niyang ini-scan ang mga patient records at artikulo sa pahayagan. Inilagay sa brown envelope at nakipagkita kina Det. Jolas Suarez at Lt. Layla Napoles sa isang maliit na fast food sa bayan ng Tagaytay.

Fast food, Tagaytay Town Proper.

Tahimik ang umpisa. Walang masyadong tao. Sa isang sulok, nagharap sina Bea, Jolas, at Layla. Inilabas ni Bea ang envelope.

BEA:
"Nandito ang mga pangalan, record, articles. Lahat ng nawawala... may iisang pattern. Pare-pareho silang naging pasyente ni Dr. Ken. Maliban sa isa—si Annika."

LT. LAYLA: (tinitingnan ang mga dokumento)
"Hindi ito sapat para idiin si Dr. Ken. Pero..."

BEA:
"Pero sapat na para masimulan ang tanong, hindi ba? Karapatan ng bawat nawawala ang mabigyan ng sagot."

JOLAS:
"Ang problema—hindi ordinaryong tao si Dr. Ken. Sarmiento siya. Pamangkin ni Senyor Ramon Velez Sarmiento. May koneksyon sa gobyerno, simbahan, pati media."

LT. LAYLA:"Kailangan nating gumalaw nang maingat. Yung dating witness natin... binawi na ang statement niya. Mukhang may pressure mula sa taas."

BEA: (halatang nabigla at nalungkot)
"Ano? Binaligtad niya ang salaysay niya?"

JOLAS:
"Sorry, Bea. Pero ganun kalawak ang impluwensya ng pamilya ni Ken."

LT. LAYLA:
"Pero hindi kami titigil. Ako mismo ang pupunta sa clinic. Magpapanggap lang ako na may inquiry. Pero susubukan kong kilatisin ang galaw ng doktor. Baka... madulas."

JOLAS:
"Ako naman, hahanap pa ng ibang posibleng witness. Yung mga dating pasyente. O staff na maaaring may alam."

LT. LAYLA:
"Subukan nating hulihin ang isda sa sarili niyang bibig."

BEA:
"Salamat. Gusto ko lang talagang mahanap ang kapatid ko."

Kinabukasan, sa clinic ni Dr. Ken.

LT. LAYLA:
"Good morning. Nandiyan ba si Dr. Ken Sarmiento?" (tanong niya sa receptionist na si Joanne)

JOANNE:
"Opo, nasa loob po. Saglit lang po, ipapaalam ko."

Makaraan ang ilang minuto, lumabas si Joanne at pinapasok si Layla sa consultation room.

DR. KEN: (ngumiti, maayos ang tindig)
"Lieutenant... anong maipaglilingkod ko sa inyo?"

LT. LAYLA: (casual ang tono)
"Doc, napadaan lang. May kaibigan kasi akong gusto sanang ipa-check, kaya gusto ko lang matignan muna yung clinic."

DR. KEN: (paumos na tawa)
"Sigurado ka bang kaibigan mo ang gusto mong ipa-check, o ikaw talaga ang may gustong magpa-consult?"

(tinitigan si Layla, may bahagyang biro sa mata)

LT. LAYLA: (sinubukang itago ang ngiti)
"Pwede rin. Dalawang beses na akong nadapa sa training, baka kailangan ko ng check-up."

DR. KEN:
"Naku. Sayang naman ang ganda kung may injury. Sayang ang... ngiti."

(bulong na parang hangin, pero malinaw)

LT. LAYLA: (nalito sandali, pero ngumiti rin)
"Aba Doc, mukhang magaling kayo sa banat... pati sa insight."

DR. KEN:
"I try to understand all kinds of pain. Physical, emotional... pati psychological."

Sa mga sumunod na araw...

Bumalik si Lt. Layla sa clinic ng ilang beses. Sa unang tingin, tila casual lang. Pero sa bawat tanong niya, may bitbit na layunin. Ngunit si Dr. Ken? Laging mahinahon. Palaging may karisma. At higit sa lahat — walang butas.

Ngunit sa hindi inaasahan...
Nagulo ang loob ni Layla.

Kapag si Dr. Ken ang kausap niya, para siyang babaeng ordinaryo na ginawang espesyal. May lambing ang mata nito, may lalim ang boses...

Hanggang sa napaisip siya minsan sa gabi:
"Paano kung mali kami? Paano kung hindi talaga siya ang may kasalanan?"

At kung sakali mang totoo lahat...

Ano ang nagtulak sa kanya sa ganung dilim?

At iyon ang gusto niyang tuklasin.

Inside the Consultation Room

DR. KEN: (ngiting mapanukso habang nilalapag ang tasa ng kape)
"Hindi ko akalaing magugustuhan mo ang barako, Lieutenant."

LT. LAYLA: (umiling, pero ngumiti)
"Hindi ko rin akalaing magugustuhan ko ang company mo."

DR. KEN:
"Maraming mas komplikadong tanong sa mundong ito, Layla. Pero ang sagot minsan... ay hindi galing sa ebidensya, kundi sa pakiramdam."

LT. LAYLA: (marahan ang tinig)
"Pakiramdam din ba ang dahilan kung bakit mo ako inimbitahan sa dinner sa estate ninyo?"

DR. KEN: (tumigil sa paggalaw, saglit na napatingin sa sahig, bago tumingin muli sa kanya)
"Siguro... Gusto kong malaman kung may pulis na handang pumasok sa hardin ng isang halimaw."

LT. LAYLA: (ngumingisi)
"Kung halimaw ka man, Doc...
bakit parang ang sarap mong yakapin?"

Pagseselos

Sumunod na araw, panaderya sa tapat ng clinic.

Joanne:
"Alam mo ba, Joy? Lagi na siyang bumabalik. Hindi na para magtanong. Parang...
parang may gusto na siyang marinig na ibang sagot."

Joy (isa sa mga staff):
"Si Lieutenant? Ang ganda nga niya. Pero iba ka rin naman, Joanne. Alam naming matagal ka na kay Doc."

Joanne: (bumuntong-hininga)
"Pero hindi ako sapat para pigilan ang isang bagay na matagal nang gustong lumaya."

Sa Gabing Inimbitahan si Layla

Sa dulo ng clinic visit, bago tuluyang umalis si Layla, muling humarap si Dr. Ken.

DR. KEN:
"Bukas ng gabi. Sa estate. Dinner lang. Wala akong pangako...
pero baka doon mo marinig ang mga sagot na matagal mo nang tinatanong."

LT. LAYLA: (napatitig, nag-alinlangan, ngunit tumango)
"Darating ako. Kahit wala kang pangako—
basta totoo lang ang ilalatag mong pagkain... at katotohanan."

Ang Mensahe ng Paanyaya

Dr. Ken (sa text message):
"Kung gusto mong malaman ang buong katotohanan tungkol sa akin, pumunta ka sa estate ng mga Sarmiento. Ako na mismo ang magpapakita."

Layla (reply):
"Wala akong oras sa laro, Doc."

Dr. Ken (reply kay Layla):
"Ito ang huling tanong ng isang imbestigasyon: Kung totoo ang kutob mo... kaya mo bang dalhin ang bigat ng sagot?"

Sa loob lang ng 45 minutes ay dumating na ang sasakyan ni Lt. Layla sa estate.

Veranda.

Tahimik ang gabi.

Sa ilalim ng bilog na buwan, kumikislap ang dagat ng dahon mula sa kagubatan ng Tagaytay.

Ang hangin ay malamig ngunit may lambing, parang hinahaplos ang balat sa bawat pagdaan.

Sa railings ng veranda, nakatayo si Lt. Layla Napoles, nakasilong sa dilim, tangan ang tahimik na damdamin.

LAYLA:
"Ang ganda ng tanawin, Dr. Ken... Lalo na ang buwan. Buo siya. Parang walang bahid ng sugat."

DR. KEN: (nasa likod niya, kalmadong tinig)
"Bihira siyang maging buo. Gaya ng damdamin ng karamihan sa atin."

Tahimik.

LAYLA:
"Dr. Ken... May kutob ako. Ang mga nawawalang babae... wala na sila talaga, 'di ba?"

DR. KEN: (lumapit, tumingin din sa buwan)
"Hindi sila nawala, Layla."
"Sila ay mga bulaklak—magaganda, dalisay—at ngayon, nasa isang hardin na ako mismo ang nag-aalaga."
"Doon, walang sakit. Walang pangamba. May nagpapahalaga sa kanila. Payapa sila."

Tumingin si Layla kay Dr. Ken.

Hindi na niya kinailangan ng kumpirmasyon.

Alam na niya ngayon ang totoo.

LAYLA: (boses ay mahina, mapakla)
"Hindi ko maintindihan... pero hindi rin kita kayang arestuhin."

DR. KEN:
"Dahil alam mong wala kang ebidensya?"

LAYLA:
"Dahil... gusto kong maniwala na may kabutihan pa rin sa'yo."

DR. KEN:
"Bakit mo gustong maniwala?"

LAYLA:
"...Dahil nahulog ako sa'yo. At ayokong malaman na maling tao ang minahal ko."
"Dr. Ken... pagod na akong maging matatag."

(naglakad palapit, titig na walang alinlangan)

"Kung hihilingin ko bang iparamdam mo sa akin... na minsan, ako rin ay isang babae—
ipagkakaloob mo ba iyon?"

Sandaling katahimikan.

Tiningnan siya ni Dr. Ken.

Matagal. Tahimik. Tila binabasa ang kaluluwa niya.

DR. KEN:
"Oo. Ipaparamdam ko sa iyo kung paanong mahalin ang isang babae—kahit isang sandali lang."
"Pero sa isang kondisyon..."
"...ibibigay mo rin sa akin ng buo ang sarili mo."

Tumango si Layla.

Walang pag-aatubili.

At magkasabay silang pumasok sa silid.

Silid ng Liwanag at Anino

Dahan-dahang isinara ni Dr. Ken ang pinto.

Ang ilaw—dim. Malamlam. Galing sa isang lamparang amber ang ningning.

Habang tumutulo ang katahimikan sa paligid, isa-isang nalalaglag ang baluti ng kanilang katauhan.

Hinubad ni Layla ang kanyang damit—tahimik, may dignidad.

Si Dr. Ken, parang isang alagad ng sining—hindi halimaw. Maingat. Malumanay.

Sa harap ng salamin, pinagmamasdan niya si Layla—ang matikas, matipuno, subalit mahinhin na katawan ng isang babaeng mandirigma.

Ngunit sa gabing ito, hindi siya sundalo.

Isa siyang babae—minsan ding nangarap, minsang umibig.

Walang pagmamadali.
Walang gutom.
Tanging pag-unawa.

Sa bawat haplos, bawat pagdampi ng labi, tila sinasambit nila ang mga salitang hindi na kailanman masasabi.

At sa sandaling iyon—saksi ang bundok, ang kagubatan, at ang bilog na buwan—
dalawang kaluluwang basag ang nagsalo sa katahimikan ng paglimos at pagbibigay.

Pagkatapos, bumalik ulit ang dalawa sa veranda.

Nakaupo si Layla sa kabilang gilid ng lamesa sa veranda.

Hindi na suot ang kanyang semi-formal uniform.

Nakabalot siya sa dilaw na bath robe.

Ang katawan niya—matikas, mahinhing makapangyarihan.

Isang bulaklak ng pakikibaka.

LAYLA: (ngumingiti, mata'y malungkot ngunit payapa)
"Salamat, Dr. Ken... kahit saglit, naramdaman kong babae ako."
"Ngayon... sa iyo na ako. Malaya ka nang gawin kung ano man ang nais mong gawin sa akin."

Ngumiti si Dr. Ken. Isang ngiting mapait.

Pagpasok ni Sylvia, may dala itong tray—dalawang tasa ng tsaa at isang puting teapot.

Umupo si Layla. Tiningnan ang tsaa.

Bago inumin, tumingin muli kay Dr. Ken.

LAYLA:
"Hindi ako natatakot."

DR. KEN:
"Hindi ka dapat matakot. Dahil sa hardin ko... hindi na muling masasaktan ang mga tulad mo."

LAYLA:
"Mahal kita, Dr. Ken... hanggang sa muli nating pagkikita."

Uminom siya.

Tahimik.

Makalipas ang ilang minuto, naramdaman niyang lumalabo ang kanyang ulirat.

Nanghihina ang mga binti. Kumakapal ang hangin.

DR. KEN:
"Halika, Layla... Kailangan mo munang magpahinga."

Inalalayan niya ito sa isang silid—isang kwartong may puting kama.

Maayos. Mabango. Para bang paraiso.

Humiga si Layla.

Tahimik.

Ang Ritwal

Gising pa siya. Malinaw pa ang isip.

Pumwesto si Dr. Ken.

Isinaksak ni Dr. Ken ang IV line sa kanyang braso.

Maingat. Parang sagradong seremonya.

Maya maya lang ay unting unti nang pumikit ang mga mata ni Layla. Mahimbing na itong natutulog.

Isinaksak ang paralytic agent. Tumigil ang paggalaw ng katawan.

Isinunod ang potassium chloride. Dahan-dahan, tila sinasakal ang huling tibok ng puso.

Huminto ang puso.

Isang matinding pagtahimik.

Ngunit ang mukha ni Layla—payapa.

May ngiting hindi sapilitan, kundi likas.

Masaya. Buo. Totoo.

Parang sa unang pagkakataon, may nahanap siyang matagal na niyang hinahanap...
at sa gabing ito, natagpuan niya.

Hindi lang siya dumating. Dumating siyang buo.

Maingat na hinubad ni Dr. Ken ang dilaw na bathrobe. Hindi marahas. Hindi bastos.

Pinagmasdan ang kanyang katawan matipuno, matatag. Pero malinaw ang kurba ng isang babae. May lakas, pero may lambot. Hindi bastos ang tingin—kundi may paggalang.

"Iba ka, Layla," bulong niya.

Inayos niya ang buhok.

Hinawi ang ilang hiblang nakaharang sa mukha. Ibinabaon ang mga bawat munting detalye sa kanyang alaala.

Kinuha ang inihandang evening gown — maroon, na may bukas sa likod, makintab ang tela, may slit hanggang hita. Hindi ito ginintuang bistida. Hindi ito puting damit.

Ito ay damit ng isang reyna na isinuko ang sandata para sa pag-ibig.

Sinuotan niya ito ng evening gown. Isinuklay ang buhok. Nilagyan ng kolorete ang labi.

Ibinalot sa puting kumot.

DR. KEN: (mahina, halos bulong)
"Maganda ka... Isa kang matapang at matatag na bulaklak."

Sa Lihim na Hardin

Sa ilalim ng buwan, ibinaba ni Dr. Ken ang katawan sa hukay.

Maingat. Walang luha. Tanging dasal na walang tunog.

Tinabunan ng lupa.

Isa. Dalawa. Hanggang sa mawala na ang katawan sa ibabaw ng mundo.

Sa ibabaw, isang puting marker.

At sa tabi nito, isang lumang locket necklace.

Sa loob, ang larawan ni Layla kasama ang kanyang Ama at Ina.

DR. KEN: (isang mahinang bulong sa hangin)
"Paalam, Layla. Isa kang mandirigmang bulaklak."

Sa ilalim ng buwan, inihimlay ni Dr. Ken ang katawan ni Lt. Layla sa isang bagong hukay. Wala siyang tinawag na pangalan. Pero sa kanyang puso, kilala niya ito.

Isa na namang bagong bulaklak ang sumibol sa hardin ng mga Sarmiento.

At sa kanyang alaala:
Lt. Layla Napoles

Isang babaeng may disiplina, katalinuhan, at lakas ng loob.
Ngunit sa ilalim ng matatag na mukha, may puso siyang kayang magmahal ng totoo at walang takot.
Hindi siya nahulog. Kusa siyang lumipad...
patungo sa huling hardin ng kapayapaan at katahimikan.
At doon, mananatili siyang maganda, gaya rin ng iba.


Bago pa man pumunta sa estate si Lt. Layla, ay nakapag compose na ito ng draft message sa e-mail. Para sana kay Jolas, subalit hindi na niya agad ito na send dahil may sinagot siyang importanteng tawag mula sa station. Nanatili lamang ito sa kanyang draft messages.

Subject: Ang Huling Mensahe

---Mensahe ni Lt. Layla Napoles kay Det. Jolas Suarez---

Jolas,

Hindi ko alam kung ito na ba ang huling mensahe ko sa iyo —
bilang pulis, bilang babae, o bilang tao.
Ako si Lt. Layla Napoles.
Isang babae. Isang sundalo. Isang tagapagtanggol ng batas.
At ngayon... inaamin kong isa rin akong nahulog.

Simula't sapul, alam kong may mali kay Dr. Ken Sarmiento.
Masyado siyang perpekto. Tahimik. Malinis. Magalang.
Pero sa likod ng mga mata niya — may lamat.
Isang silid na sarado, isang bahagi ng kanyang pagkatao
na ayaw niyang ipakita kahit kanino.

Hindi ko na alam kung kailan ako nagsimulang maniwala
sa kabutihang alam kong hindi totoo.
At ngayong sigurado na akong siya ang may sala...
ang mas masakit?
Ayokong hulihin siya.
Hindi dahil sa takot.
Hindi dahil sa awa.

Pero ngayong gabi, pupunta ako sa kanya.
Hindi bilang pulis.
Hindi bilang tagapagtanggol ng hustisya.
Kundi bilang isang babaeng
minsan ding naniwalang
kayang pakinggan ng halimaw
ang tibok ng puso ng tao.

Kung ito na ang katapusan ko,
sana'y malaman mo ito:
Hindi ko siya pinili dahil tama.
Pinili ko siya kahit mali.
Kasi minsan,
may mga pusong ipinanganak para magmahal
kahit walang kasiguraduhang mamahalin pabalik.

Anuman ang mangyari mula ngayon—
malaya at kusa kong tatanggapin.
Ako'y magiging isa na sa kanila.

—Layla

--- End ng mensahe---

Itutuloy...

sherwinrreyes
AninoNgPusa

Creator

Comments (0)

See all
Add a comment

Recommendation for you

  • What Makes a Monster

    Recommendation

    What Makes a Monster

    BL 75.2k likes

  • Secunda

    Recommendation

    Secunda

    Romance Fantasy 43.2k likes

  • Blood Moon

    Recommendation

    Blood Moon

    BL 47.6k likes

  • Silence | book 2

    Recommendation

    Silence | book 2

    LGBTQ+ 32.3k likes

  • Mariposas

    Recommendation

    Mariposas

    Slice of life 232 likes

  • The Sum of our Parts

    Recommendation

    The Sum of our Parts

    BL 8.6k likes

  • feeling lucky

    Feeling lucky

    Random series you may like

Ang Lihim Na Hardin Ni Dr. Kenneth Sarmiento
Ang Lihim Na Hardin Ni Dr. Kenneth Sarmiento

950 views1 subscriber

Ang Lihim na Hardin ni Dr. Ken Sarmiento

Isang psychological thriller na hindi mo makakalimutan.

Sa mata ng bayan, si Dr. Kenneth Alvaro Sarmiento III ay isang iginagalang na doktor mula sa isang prominenteng angkan sa Tagaytay. Tahimik. Matalino. Maginoo. Ngunit sa likod ng kanyang mapanlinlang na katahimikan, may isang harding tanging siya lang ang nakaaalam-isang harding may mga lihim na libingan... at mga bulaklak na hindi na muling mamumulaklak.

Isang babaeng imbestigador. Isang dalagang Journalist. Isang doktora.
Tatlong babae. Tatlong kwento ng tapang, pag-ibig, at trahedya.
At isang lalaking ang sugat ng kahapon ay naging halimaw ng kasalukuyan.

Hanggang saan ka magmamahal kung ang taong minahal mo... ay isa palang mamamatay-tao?

Pag-ibig. Kabaliwan. Paglaya.
Ang kwentong ito ay isang paglalakbay sa kadiliman ng puso ng tao-at sa tanong kung may kapatawaran pa ba sa mga bulaklak na nalanta sa isang lihim na hardin.
Subscribe

26 episodes

Chapter 13: Ang Matatag at Matapang na Mandirigmang Bulaklak

Chapter 13: Ang Matatag at Matapang na Mandirigmang Bulaklak

34 views 0 likes 0 comments


Style
More
Like
List
Comment

Prev
Next

Full
Exit
0
0
Prev
Next