Please note that Tapas no longer supports Internet Explorer.
We recommend upgrading to the latest Microsoft Edge, Google Chrome, or Firefox.
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
Publish
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
__anonymous__
__anonymous__
0
  • Publish
  • Ink shop
  • Redeem code
  • Settings
  • Log out

Ang Lihim Na Hardin Ni Dr. Kenneth Sarmiento

Chapter 17: Ang Timpla ng Tsaa at Damdamin

Chapter 17: Ang Timpla ng Tsaa at Damdamin

Jul 31, 2025

Ospital – Hallway, hapon.

Galing sa maliit na laboratory ng clinic si Dra. Gabby. Bitbit ang tablet, may kausap sa telepono.
Papaliko siya sa hallway nang biglang sumalubong si Dr. Ken—kalalabas lang mula sa minor OR.
Malinis, disente, at gaya ng lagi—may dalang hindi maipaliwanag na katahimikan.

DR. KEN: (ngiti, banayad)
"Dra. Gabby. Mukhang mas mabigat pa sa scalpel yang bitbit mo."

DRA. GABBY: (tumawa nang mahina)
"Charting lang. Pero oo, parang gusto ko nang ibato ito."

DR. KEN:
"May tea shop sa tapat. Bihira akong nagyaya. Pero ngayon lang kita nakitang ganito ka pagod."

DRA. GABBY: (tingin muna sa relo, tapos kay Dr. Ken)
"Five minutes lang ha. Green tea lang. Promise."

Tea Shop – Across the Clinic


Puno ng wood textures, old jazz music sa background. Walang ibang doktor. Walang pasyente. Tahimik.

DR. KEN:
"Alam mo bang hindi ako masyado sa matamis? Pero sa green tea, napapayapa ako."

DRA. GABBY:
"Pagod na puso?"

DR. KEN:
"Pagod na alaala."

DRA. GABBY: (saglit na katahimikan)
"Pero hindi ka nagsasara sa bagong koneksyon?"

DR. KEN:
"Hindi. Pero marunong na akong maghintay."

Ilang Linggo Makalipas – Parking Lot

Magkausap ulit si Dr. Ken at Dra. Gabby sa tapat ng clinic. Gabi na. Nagulat si Joanne na papalabas mula sa pharmacy, may hawak na reseta. Tumigil siya sa ilalim ng poste ng ilaw. Mula roon, tanaw niya ang dalawa.

DR. KEN:
"May libreng concert sa mall sa Tagaytay bukas. Wala kang pasok, 'di ba?"

DRA. GABBY:
"Pumapayag lang ako kasi malamig sa Tagaytay."

DR. KEN:
"Hindi ba ako ang dahilan?"

DRA. GABBY: (tatawa, hindi sumagot agad)
"Baka."

DR. KEN: (binuksan ang pinto ng kotse para kay Gabby)
"Then let's see."

Sumakay si Dra. Gabby.

Joanne – sa gilid, tahimik.

Ang hawak na reseta, napunit ng di sadya. Mahigpit ang hawak niya.

Walang salita.

Walang patunay.

Pero alam niya:
"May ibang nakakakita sa kanya... sa paraan na sana ako ang unang nakakita."

Tagaytay Mall Roof Deck – 8:45 PM

Banayad ang hangin. May live acoustic band na tumutugtog ng mga lumang OPM love songs. Sa mga upuan sa harap ng stage, magkatabi sina Dr. Ken at Dra. Gabby. Mainit ang kape. Malamig ang gabi.

Tahimik si Ken. Tila malayo ang tingin sa liwanag ng stage, pero ang isip ay nasa dilim.

DRA. GABBY: (tumingin sa kanya, seryoso)
"Doc... masaya ka ba?"

Walang sagot si Ken. Akala ni Gabby hindi niya narinig.

DRA. GABBY: (mahina ang tinig, mas malapit na)
"May mabigat kang dinadala. Ramdam ko. Hindi kita pipilitin, pero... willing akong makinig. Hindi ako manghuhusga."

DR. KEN: (saglit na tumingin, at saka muling ibinalik ang tingin sa malayo)
"Ikaw ang unang nagsabi niyan sa akin."

DRA. GABBY:
"Alin?"

DR. KEN:
"Na hindi mo ako huhusgahan."

Tumingin siya sa mukha ni Gabby. Maamo. Walang tanong. Walang pangungulit.

DR. KEN:
"Nawala pareho ang mga magulang ko sa murang edad ko pa lang.
Pareho silang naging biktima ng isang... isang maling pagmamahal.
Mapusok...
Madugo...
at Mapanlinlang."
Napatigil si Gabby. Tahimik lang.

DR. KEN:
"Pag-ibig ang dahilan kung bakit ako naiwan mag-isa. At simula noon, hindi na ako lubos na naniwala sa salitang 'ligtas'."

Bahagyang napayuko si Ken. Sa unang pagkakataon, nabasag ang pader.

DR. KEN:
"Tapos si Annika. Ang una kong minahal. Sinisi niya ako sa lahat—sa pagiging malamig, sa distansya, sa pagkabigo ng relasyon namin."

Hinawakan ni Gabby ang tasa ng kape, hindi para uminom—kundi para may mahawakan. Parang siya ang natigilan.

DRA. GABBY:
"Ken... salamat sa tiwala."

DR. KEN: (mahina ang tinig, pero may lambing)
"Salamat kasi... nandito ka lang. Hindi mo ako tinanong. Hindi mo ako binigla."

Isang munting ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Ken. Hindi pilit. Hindi maskara. Isang tunay na ngiti—ang una sa napakahabang panahon.

DR. KEN:
"Ngayon lang ako nakahinga nang ganito."

DRA. GABBY: (tumingin sa paligid, saka ngumiti rin)
"Tara? Dinner tayo. Treat ko. Reward sa mga bitbit mong binuksan ngayon."

Tumayo si Gabby. Inabot ang kamay niya. Tumayo si Ken, nagulat nang bahagya pero tinanggap ito.

Ito ang nasa isip Dra. Gabby habang naglalakad sila palabas ng concert venue:
"Minsan pala, mas matalim ang sugat na iniwan ng pag-ibig... kaysa sa galit."
"At sa ngiting ito, sa katahimikan ng gabing ito... naramdaman ko ang bigat ng isang kaluluwang may lihim."
"Pero kahit ganun, hindi ko pa rin inaalis ang tanong—bakit tila lahat ng nawawalang babae... ay may isang pagkakapareho?"

Gabi ng Tawanan, Gabi ng Alaala

Sa isang cozy na Italian restaurant sa loob ng Tagaytay Mall. May mga ilaw na dilaw at madamdamin, jazz ang background music, at konti lang ang tao. May nakahain nang dalawang main dish sa kanilang lamesa — steak for Ken, pasta primavera for Gabby.

Dra. Gabby: (nakangisi habang sinusubo ang pasta)
"Alam mo ba, muntik na akong ma-kick out sa medschool? As in, 'one signature away' na lang!"

Dr. Ken: (nagulat)
"Ha? Ikaw? Impossible. Top-tier ka kaya."

Dra. Gabby: (lumingon muna sa paligid, parang ikinukuwento ang lihim)
"Gross anatomy. Nag-disect kami ng cadaver. E di ba may protocol dapat? Eh 'di ako na-badtrip kasi yung groupmate ko, ginawang selfie background yung cadaver habang hawak yung puso. Pinagsabihan ko, hindi nakinig. Ayun, sinabuyan ko ng formalin."

Dr. Ken: (natawa)
"Sabuyan? Literal?"

Dra. Gabby:
"Literal, Doc Ken. Buong bote. Eh kaso... napatalsik sa mukha ng professor."

Dr. Ken: (nagpigil ng tawa, pero nabigong itago ang ngisi)
"Kaya pala may tsismis dati na may batang matapang sa batch n'yo."

Dra. Gabby:
"Naging legend raw ako sa faculty lounge. Pero ayun, napag-usapan, pinatawag, then warning. Buti na lang yung professor, mahilig sa drama. Natuwa sa tapang ko. Tinawag pa akong 'la dama de formalin'."

(tumawa siya ng malakas)

Dr. Ken: (nakangiti habang ngumunguya ng steak)
"Ako naman... nag moonlight ako sa tatlong ospital sabay-sabay, one year after the break-up with Annika."

Dra. Gabby: (nahinto sandali, pero di pinansin ang pangalan)
"Bakit tatlo agad?"

Dr. Ken:
"Para walang time mag-isip. Tulog-duty-kain. Paikot lang. Naka-admit pa ako ng pasyente sa isang ER na hindi ko naalala kinabukasan. Buti charting pa lang ako nun. Akala ko talaga masasapawan ako ng audit."

Dra. Gabby:
"Ah! Nakalimutan mo na admit mo pala?"

Dr. Ken:
"Sobra sa puyat. Naka-ID pa ako ng ibang hospital!"

(tawanan sila pareho)

Dra. Gabby:
"Naalala ko tuloy nung intern ako. Nag-code blue yung pasyente. Nagsuot ako ng gloves, mask, ready for action... tapos dumating yung senior ko:
'Gabrielle, dialysis patient yan. Hindi yan code blue. Nalaglag lang yung fistula line.'"

Dr. Ken: (natawa, hawak ang tiyan)
"Kawawa naman yung pasyente, pinaghandaan mong i-resuscitate!"

Dra. Gabby:
"Bakit? At least ready ako! Mali nga lang ang patient profile!"

(tuloy-tuloy ang tawanan)

Dr. Ken:
(umupo nang bahagyang diretso, medyo seryoso pero may ngiti pa rin)
"Sa totoo lang, ngayon lang ako natawa nang ganito ulit. Yung... di pilit. Yung totoo."

Dra. Gabby: (nagulat ng kaunti, pero ngumiti rin)
"Ganon din ako, Ken. Salamat. Hindi ko alam na ganito pala kasarap yung simpleng gabi ng kwentuhan."

Dr. Ken:
"Sa dami ng dinadala, minsan nakakalimutan natin kung anong pakiramdam ng magaan."

Sa Di Kalayuan:

Sa kabilang dulo ng mall, nakatambay sa isang milk tea shop si Joanne, hawak ang cellphone, pinapanood ang IG Story ng restaurant na pinost ng waiter — kaswal lang, pero sa frame, kitang-kita ang dalawang pamilyar na mukha: si Dr. Ken at si Dra. Gabby.

Tahimik siya.

Walang sinasabi.

Pero sa gilid ng mata, may tumulo. Di niya alam kung dahil sa selos, sakit, o panghihinayang.

Sa Clinic Hallways

Sa mga susunod na araw, naging tila bahagi na ng routine ang maliliit na pag-uusap nina Dr. Ken at Dra. Gabby sa mga pasilyo ng clinic.

Minsan, mga simpleng usapan lang tungkol sa buhay:
Paboritong kape.
Lumang OPM songs na naririnig sa tea shop.

At minsan, tahimik lang silang magkasabay maglakad, walang salita pero hindi rin awkward.

Tea and Bubble Breaks

Paminsan-minsan, kapag may break time, nagyayaya si Dr. Ken:
"Five minutes lang. Green tea lang."

Minsan bubble tea. Minsan simpleng kape sa tapat ng clinic.
Sa mga munting sandaling ito, natututo silang tumawa sa maliliit na bagay. Si Gabby, na dati'y nakikita lang si Ken bilang isang misteryosong doktor, ay unti-unting natutuklasan ang tahimik na lalim ng kanyang katauhan.

Ang Tahimik Na Pagmamatyag Ni Joanne

Mula sa reception desk, si Joanne ay tahimik lang na nagmamasid.

Kapag nakikita niyang magkasabay lumalabas sina Dr. Ken at Dra. Gabby, may kurot sa dibdib na hindi niya kayang itanggi.


"Mas lalo silang nagiging malapit..."

Isang paglapit na hindi niya kayang pigilan, at lalo lamang nitong pinapanday ang inggit at selos na pilit niyang ikinukubli sa trabaho.

Mga Hindi Nasasabing Damdamin

Habang dumarami ang mga ganitong sandali, isang lihim na katotohanan ang unti-unting nabubuo.

Si Dr. Ken, sa mga gabing mag-isa sa kanyang estate, ay lihim na nagdarasal:
"Gabby... huwag mo sanang aminin. Huwag mo sanang pilitin akong tanggapin ang nararamdaman mo... baka hindi ko mapigilan ang sarili ko."

Dahil alam niya: kapag bumigay siya, baka ang dalagang doktora ang maging susunod na bulaklak sa kanyang hardin.

Samantala si Dra. Gabby, bagama't nahuhulog na nang palihim, ay mas naging emotionally guarded.

Sa bawat ngiti ni Ken, sa bawat simpleng kabaitan nito, ramdam niyang mas lalong nagiging mahirap ang laban sa sarili. Ngunit nananatili sa kanyang puso ang isang mabigat na paalala:
"Kailangan kong tulungan si Beatrice. Kailangan kong malaman ang katotohanan."

At kahit sa kabila ng lahat, may lihim din siyang dasal:
"Sana mali kami. Sana hindi si Ken ang taong iniisip naming siya."


Sa Ilalim ng Buwan, Sa Likod ng Pangako

Isang umagang tila walang kulay sa clinic.

Tahimik si Joanne sa kanyang desk, abala sa pag-aayos ng mga papel, pero bakas sa kanyang mukha ang lungkot—ang uri ng lungkot na hindi kayang itago ng maayos na ayos ng buhok o ng maayos na pagkakasuot ng uniporme.

Pagdating ni Dr. Kenneth Sarmiento, bahagyang napakunot ang noo niya. Sanay siya sa bati ni Joanne tuwing umaga—yung masiglang "Good morning, Doc!" na may kasamang ngiti. Pero ngayon... wala.

Lumapit siya sa counter.

DR. KEN:
"Joanne... may problema ba?"

(mahinahon, may bahid ng pag-aalala)

Nag-angat ng tingin si Joanne.

JOANNE:
"Wala naman, Doc. Pero naalala ko lang...
Hindi mo pa pala natutupad ang pangako mo sa'kin."

DR. KEN:
"Anong pangako?" (gulat, bahagyang natigilan)

JOANNE:
"Noong araw na nagpa-deliver ako ng lunch at sandwich para sa'yo...
Sabi mo, 'next time, ikaw naman ang manlilibre'.
Ilang buwan na, Doc."

(sinubukang ngumiti, pero bakas ang kurot sa boses)

Sandaling natahimik si Dr. Ken. Parang may bumalik na alaala—isang eksenang tahimik niyang binaon sa dami ng araw na lumipas.

DR. KEN: (tumango, ngumiti nang may paghingi ng tawad)
"Pasensya ka na.
Gusto mong bumawi ako ngayong gabi?
How about a candlelight dinner? Sa estate. Espesyal."

Nagliwanag ang mukha ni Joanne. Hindi siya nagsalita agad, pero ang ningning sa kanyang mga mata ay sapat na sagot.

Gabing iyon.

Sa loob ng itim na sedan, magkasabay silang tahimik na naglakbay patungo sa estate ng mga Sarmiento. Walang radyo. Tanging tunog ng mga gulong sa aspaltado ang bumabasag sa katahimikan. Pero hindi ito malamig—kundi komportableng tahimik, na tila ba may pakiramdaman kung sino ang unang magsasalita.

Sa veranda ng estate, may inihandang hapag si Dr. Ken.

Mga kandilang nagbibigay ng gintong liwanag, hapunang may paborito ni Joanne na pasta, at simpleng dessert na cheesecake.

JOANNE: (tumatawa habang sinusubo ang pasta)
"Naalala mo yung pasyente nating ayaw uminom ng gamot kasi raw may naninirahan sa tiyan niya?"

DR. KEN: (umiling habang natatawa rin)
"Yung nagdala pa ng garapon ng asin bilang 'gamot'? Oo. Tapos sinisi ka pa na kulang daw ang dasal mo habang nag-prescribe."

JOANNE:
"Eh ikaw din, Doc. May isang pasyente, iniabot sa'yo yung listahan ng gamot na 'na-research' niya sa Google. Tapos galit pa nung tinanong mo kung anong diagnosis niya sa sarili."

DR. KEN:
"Hayaan mo na sila. Minsan... sila na rin ang nagbibigay aliw sa clinic."

Nagpalitan sila ng tawa, ng alaalang magaan, ng katahimikang hindi nakakailang. Sa mga sandaling iyon, tila walang sakit, walang imbestigasyon, walang mga nawawala.

Pagkatapos ng hapunan, niyaya ni Dr. Ken si Joanne sa veranda ng ikalawang palapag. Mula roon, tanaw ang mga bundok ng Tagaytay, mga ilaw sa malalayong bahay, at isang buwan na tila nakikiusap sa langit na huwag munang sumikat ang araw.

JOANNE: (huminga nang malalim, hindi agad nagsalita)
"Ang ganda... parang ibang mundo. Tahimik. Payapa."

DR. KEN:
"Hindi lahat ng maganda, ligtas. Minsan, ang pinakamagagandang tanawin...
may tinatago ring dilim."

JOANNE: (tumitig sa kanya, seryoso na ang mukha)
"Doc..."
(pinaglalabanan ang kaba)
"...pwede ba akong magtanong?"

DR. KEN: (tumingin sa kanya, marahang tumango)
"Siyempre. Ano iyon?"

Ngunit hindi pa niya kayang sabihin. Hindi pa ngayon.

Tumingala si Joanne sa buwan, at sinuklian ito ng isang tahimik na dasal—
na sana, kapag itinuloy na niya ang tanong, ay handa na rin siyang marinig ang sagot.

Itutuloy...


sherwinrreyes
AninoNgPusa

Creator

Comments (0)

See all
Add a comment

Recommendation for you

  • What Makes a Monster

    Recommendation

    What Makes a Monster

    BL 75.2k likes

  • Secunda

    Recommendation

    Secunda

    Romance Fantasy 43.2k likes

  • Blood Moon

    Recommendation

    Blood Moon

    BL 47.6k likes

  • Silence | book 2

    Recommendation

    Silence | book 2

    LGBTQ+ 32.3k likes

  • Mariposas

    Recommendation

    Mariposas

    Slice of life 232 likes

  • The Sum of our Parts

    Recommendation

    The Sum of our Parts

    BL 8.6k likes

  • feeling lucky

    Feeling lucky

    Random series you may like

Ang Lihim Na Hardin Ni Dr. Kenneth Sarmiento
Ang Lihim Na Hardin Ni Dr. Kenneth Sarmiento

951 views1 subscriber

Ang Lihim na Hardin ni Dr. Ken Sarmiento

Isang psychological thriller na hindi mo makakalimutan.

Sa mata ng bayan, si Dr. Kenneth Alvaro Sarmiento III ay isang iginagalang na doktor mula sa isang prominenteng angkan sa Tagaytay. Tahimik. Matalino. Maginoo. Ngunit sa likod ng kanyang mapanlinlang na katahimikan, may isang harding tanging siya lang ang nakaaalam-isang harding may mga lihim na libingan... at mga bulaklak na hindi na muling mamumulaklak.

Isang babaeng imbestigador. Isang dalagang Journalist. Isang doktora.
Tatlong babae. Tatlong kwento ng tapang, pag-ibig, at trahedya.
At isang lalaking ang sugat ng kahapon ay naging halimaw ng kasalukuyan.

Hanggang saan ka magmamahal kung ang taong minahal mo... ay isa palang mamamatay-tao?

Pag-ibig. Kabaliwan. Paglaya.
Ang kwentong ito ay isang paglalakbay sa kadiliman ng puso ng tao-at sa tanong kung may kapatawaran pa ba sa mga bulaklak na nalanta sa isang lihim na hardin.
Subscribe

26 episodes

Chapter 17: Ang Timpla ng Tsaa at Damdamin

Chapter 17: Ang Timpla ng Tsaa at Damdamin

34 views 0 likes 0 comments


Style
More
Like
List
Comment

Prev
Next

Full
Exit
0
0
Prev
Next