Please note that Tapas no longer supports Internet Explorer.
We recommend upgrading to the latest Microsoft Edge, Google Chrome, or Firefox.
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
Publish
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
__anonymous__
__anonymous__
0
  • Publish
  • Ink shop
  • Redeem code
  • Settings
  • Log out

Ginto't Pilak

Ika-labing-pito na Bahagi

Ika-labing-pito na Bahagi

Mar 03, 2026

Matagumpay naming nai-panik sa aking silid si Nico.

Tumawag ako ng hangin at nagdaan sa aking bintana nang walang sinu-man na nakakakita sa amin. Pagpasok namin, agad ko rin isinara ang mga bintana, pati na ang pinto, at naglatag ng dasal upang walang anumang tunog na makaalpas sa aking silid.

"Ngayon, maaari na tayong mag-usap nang walang makakarinig sa atin," paniniyak ko sa kaniya.

"Sigurado ka?" tanong ni Nico na tumitingin-tingin sa silid kong halos walang laman.

"Wala ka bang tiwala sa amin?"

"Hindi naman sa gano'n... pero..." muli siyang tumingin sa paligid. "Ang sasabihin ko sa inyo ay napaka halaga, at maraming buhay ang maaring makitil kung may makaaalam nito..." bulong niya.

"Huwag kang mag-alala, sinisigurado kong walang sinu-man ang makaririnig sa pag-uusapan natin ngayon." Mukhang kinakabahan pa rin siya. "Tungkol saan ba ang iyong balita? Bakit ito ganoon kapanganib?"

"Dahil ito ay tungkol sa pagtataksil," bulong niya sa amin.

'Nino? Kanino?' sulat ni Marius sa isang pirasong papel.

"Ano'ng nangyari?" tanong sa amin ni Nico. "B'at `di siya makapag salita?"

"Mahabang kuwento, at marahil ay may kinalalaman ito sa pagtataksil sa binanggit mo."

Huminga nang malalim si Nico at muling tumingin sa paligid.

"Una sa lahat," sabi niya, "Nais ko munang magpakilala nang maayos sa inyo." Yumuko siya ng bahagya. "Ako ni Nicolai Alcione. Ako ang punong imbentor sa aming bayan ng Ignus."

"Ang punong imbentor?" gulat kong tanong. "Ngunit mukhang magkasing-edad lang tayo!"

"Hay, naku, ang dami nga'ng mareklamo dahil ang bata ko pa raw para maging punong imbentor," sabi niya, gamit ang punto na gamit niya kaninang nasa kalsada kami. "Pero lahat naman sila hangang-hanga sa mga laruan ko!"

"Pero, kung ikaw nga ang punong imbentor ng bansang Ignus, ano ang ginagawa mo rito sa kaharian ng mga Heilig?" tanong kong muli.

Natahimik si Nico.

"Hindi naman kasi ako mayaman," sabi niya. "Hindi ako nakapag-aral, eto nga, hirap akong maki-ayos sa salita ninyo!" sabi pa niya. "Inampon ako ng hari ng Ignus nang makita n’ya mga laruan na ginawa ko sa bario namin. Nabalitaan ko kasi na dadalaw ang pamilya ng hari para bisitahin ang minahan ng bakal sa `min, kaya naisipan kong magyabang... Anim na taong lang ako noon," patuloy ni Nico, "tuwang-tuwa sila nang makita nila `yung ginawa kong bangkang Singaw-Tubig na lumulutang sa palanggana ng tubig. Sa sobrang tuwa nila, naisipan n'ya `kong ampunin, at pilit na pinag-aral sa unibersidad nilang para lang sa mayayaman..."

"At tapos noon ay ginawa ka nilang punong imbentor?" tanong ko.

"Hindi naman agad-agad. Inabot din ako ng apat na taon bago ako tinawag n'on, matapos kong gawin ang makina kong 'Pang-Alis-Alat'!"

"Pang-alis-alat?" ulit ko.

"Imbensyon ko `yun na nagagawang tubig-tabang ang tubig dagat para gawing patubig sa mga bayan sa Ignus!" pagmamalaki ni Nico.

'At bakit ka narito ngayon?' tanong ni Marius na mukhang naiinip na sa kaniyang mahabang kuwento.

"Bakit ba hindi ka makapagsalita?" tanong ni Nico, kunot ang noo.

"May nagsumpa sa kaniyang pagkain upang hindi niya magamit ang kaniyang kakayanan," paliwanag ko. "Ako man ay muntikan ring masumpa, at ang mga pinaghihinalaan naming salarin ay natagpuang patay, pati na rin ang kanilang mga pamilya."

Napasinghal si Nico.

"P-pinatay sila?!" nag-aalala niyang sinabi.

"Oo, kaya nga importante na malaman namin ang mga nalalaman mo."

"Umalis ako..." patuloy niya, "Umalis ako dahil sa pamimilit nila sa akin." Muli siyang huminga ng malalim. "Marami pa akong ibang mga imbensyon... pero lahat `yun, ginawa ko para matulungan ang mga tao sa Ignus! Lahat `yun, para mapadali ang trabaho ng mga tulad kong naghuhukay sa ilalim ng lupa at nagbubungkal sa ibabaw nito. Pero ayaw nilang ibigay `yun sa mga tao. Ayaw nilang tulungan ang mga katulad ko... at nang umalis ako sa palasyo... labing dalawang taon mula nang ampunin nila ako... binalikan ko ang bario namin at..." natahimik si Nico.

Ilang beses siyang napahinga nang malalaim.

"Pagbalik ko sa bario namin, wala na ito. Isa na lang malaking hukay sa lupa. Wala na ni-isang berdeng bagay na natira."

Natahimik kami sa kaniyang salaysay.

Tumingin muli sa akin si Nico, may luha sa kaniyang mga mata.

"Nang magtanong ako sa paligid, nalaman ko na namatay ang lahat ng nakatira sa bario namin... wala ni isang natira matapos gumuho `yung minahan at lamunin ng lupa ang bario na nasa ibabaw nito. At matapos ang pagguho, pinagpatuloy pa rin nila ang paghuhukay, hindi para iligtas ang mga minero, kung `di para magmina uli ng bakal. Ang bakal na kailangan ng imperyo, at ng bansang Ignus, para gumawa pa ng mga makinang inimbento ko."

Natahimik nanaman ang silid, hanggang sa magsulat si Marius sa kaniyang papel at iabot ito kay Nico.

'Pinasama nila ang iyong mga laruan,' ang isinulat niya rito. 'Huwag mong isipin na kasalanan mo iyon.'

"Pero... kung `di ko ginawa ang mga `yun... wala silang babalaking masama," sabi niya.

"Anong balak na masama?" tanong ko sa kaniya. "May binabalak pa ba sila sa mga gawa mo?"

"Gusto nilang gamitin ang mga imbensyon ko bilang mga dambuhalang makinang pandigma..." sabi niya sa akin. "Buti nga at `di ko tinuro sa kanila ang prinsipyo ng Kulog-Bakal, eh! Nang gamitin ko `to minsan, nakita kong magningning `yung mga mata ng mga prinsipe ng Ignus. Kinilabutan talaga `ko n'on!"

"Ngunit, akala ko ba sabi mo, walang balak ang mga taga-Ignus na makipag-gera sa amin?!" tanong ko sa kaniya.

"Wala sa ngayon," sagot niya. "Pero kung magpapatuloy ang panggigipit sa `min ng imperyo, walang magagawa ang hari ng Ignasius kung `di lumaban sa inyo."

Napatingin ako kay Marius na tumango sa akin.

"Kailangang malaman agad ito ng ama kong Emperador!" agad akong tumayo upang magtungo sa pinto, ngunit hinablot ni Nico ang aking kamay.

"Huwag! Parang awa mo na!" panawagan niya sa akin. "Maraming buhay ang nakasalalay rito!"

"Ngunit ang parating na gera..."

"Walang gera! Hindi p’wedeng makipag-gera ang hari ng Ignus dahil sumumpa sila sa harap ng Emperador!" paliwanag niya. "Hindi magagawa ng hari na lumabag sa Banal na Sumpa!"

"Tama," napaisip ako, "Hindi maaring lumaban ang Hari ng Ignacius, maliban na lang kung daranak ang dugo ng Ignus mula sa kamay ng isang Heilig. Ngunit ang kanilang mga plano..."

"Ay hanggang plano lang!" singit ni Nico. "Ang importante ngayon, eh, hindi sila magkaron ng dahilan para labanan ang Emperador."

Biglang napakapit si Marius sa kaniyang maskara. Agad niyang kinuha ang pluma at papel at nagmamadaling nagsulat.

'Si Prinsipe Lucius!' nakasulat dito.

"Eksakto!" halos mapasigaw si Nico. "Nawawala si Lucius, at nasa panganib ang buhay nila sa kamay ng mga tunay na taksil ng imperyo!"

"Mga taksil ng imperyo..." kung ganon...

'Nakapagtataka nga at basta na lang nakatakas ang buong kawan ng mga Ignus mula sa aming kaharian!' sulat sa papel na iniabot sa amin ni Marius.

"Kung ganon ay sa Hermosa pa lang ay nagsimula na ang kanilang plano..." sabi ko ng pabulong. "Tama ang sabi ni Haring Domingo, gayon din ni Prinsipe Lucius... karapat-dapat talaga siyang pagkatiwalaan!"

"Tama!" sagot ni Nico, "At kailangan natin s'yang maligtas, bago s'ya patayin ng ama mo!"

"At paano mo naman nasabi na ang aking ama ang may kagagawan nang lahat nang ito?!" napataas ang aking boses kay Nico.

"Sino pa nga ba sa tingin mo ang may gawa nito?" sagot ni Nico na napasigaw na rin. "Mga kawal niya ang humuli at dumakip kay Lucius, siya rin ang nagpumilit na ipakulong siya, kahit pa wala naman siyang kinalaman sa pagtatangka sa buhay ni Prinsipe Marius!"

'At bakit mo alam ang lahat nang ito?' sulat ni Marius.

"Tama siya, bakit ang dami mong nalalaman? Naroon ka rin ba sa Hermosa nang mga sandaling iyon?" tanong ko sa imbentor.

"Hindi, nandito ako sa Apolinus buong oras, hinihintay ang pagdating n'yo ni Lucius," sagot niya, "At alam ko ang nangyari dahil ikinukuwento `yun sa `kin ni Lucius!"

Inangat ni Nico ang manggas ng mahaba niyang tunika. Nakita namin na may mga nakasulat dito, mga mapupula at naka angat na simbulo.

"Isa `tong mahika na naisipan namin ni Lucius," paliwanag niya sa akin. "Ang anu mang isulat ko sa braso ko ay lumilitaw sa braso n'ya, at ang mga sinusulat n'ya naman sa braso n’ya ay lumilitaw sa `kin."

"Ano ang sinasabi niya ngayon?" tanong ko, dahil hindi ko maintindihan ang mga nakasulat doon.

"Isa itong liham na sulat na naimbento namin," sabi niya. "Sa ngayon, ang nakasulat lang, eh, mag-ingat daw ako dahil nawawala kayo ni Marius, at maraming kawal sa kalsada."

"Ngayon lang ang sulat na iyan?"

"Oo..." sagot niya, habang nagsusulat din ng ilang letra, gamit ang mahaba niyang kuko. "Mawawala rin ito ng kusa matapos ang ilang minuto."

'Ano ang sinabi mo sa kaniya?' tanong ni Marius.

"Sinabi ko'ng kasama ko kayo ngayon at ligtas tayo," sagot ni Nico. "Pero kailangan na nating magmadali. Sa pagkakarinig ni Lucius, balak daw nilang palabasin na lulusob ang mga Ignus sa kabisera, kasama ang kan'yang mga heneral. Sa paglusob na `yon, balak s'yang patayin ng mga sundalo n'yong mga Heilig... at `yun na nga ang magiging simula ng gera!"

Muli kaming nagkatinginan ni Marius.

"Ang pagdanak ng dugo ng isang Ignasius..." bulong ko.

'Mukhang iyan ang dahilan kung bakit ayaw akong pasamahin ng aking ama.' sulat niya.

"At hindi naman ako makapapayag na magkahiwalay tayo… ito kaya ang dahilan kung bakit ako pilit pinauwi ng ama ko'ng Emperdor..."

'Ngunit, bakit nila tayo nais dakipin? Gayong tayo ang kanilang alas laban sa mga taga Ignus?'

"`Yan nga rin iniisip ko," sabi ni Nico. "Kahit si Lucius, `di malaman akung bakit, maliban na lang kung..." natigilan si Nico.

"Kung?" tanong ko.

"Kung may balak silang gawin na alam nilang hindi n'yo gugustuhin."

 

custom banner
gemvecino
Psynoid Al

Creator

Comments (0)

See all
Add a comment

Recommendation for you

  • Silence | book 1

    Recommendation

    Silence | book 1

    LGBTQ+ 27.9k likes

  • Secunda

    Recommendation

    Secunda

    Romance Fantasy 43.5k likes

  • Silence | book 2

    Recommendation

    Silence | book 2

    LGBTQ+ 32.8k likes

  • Huntsman and The Wolf

    Recommendation

    Huntsman and The Wolf

    BL 42 likes

  • Invisible Boy

    Recommendation

    Invisible Boy

    LGBTQ+ 11.6k likes

  • Blood Moon

    Recommendation

    Blood Moon

    BL 47.9k likes

  • feeling lucky

    Feeling lucky

    Random series you may like

Ginto't Pilak
Ginto't Pilak

1.4k views1 subscriber

Nagkatagpo ang dalawang malakas na nilalang, at sa kanilang pagkikita, ay nagawang magkabigkis sa isa't-isa.
. . .
For the first time in the empire's history, a Golden Child and a Silver Enchanter are bonded at a very young age.
Both are very powerful magi and are sought after by many to use for their own selfish needs, but all Prince Theo and Prince Marius wants, is to travel the world together and live quietly in their paradise home in the kingdom of Hermosa.
News of war has broken their peaceful days, as the Emperor calls upon his heir, Prince Theo, to fight the aggressive Ignus kingdom who has risen in revolt against the empire.
The two have no choice but to fight to save their empire, as well as themselves from the greed and ambition of those who want to rule over them.

* a tagalog novel
Tignan natin kung may magbabasa :D

------------------------
!!! DISCLAIMER !!!

This novel is a work of fiction.
Any similarity to events, people, objects or places both real or fiction, are merely the product of an overactive imagination, unless specified.

Copyright Gem Vecino 2024 All rights reserved

No part of this online publication or any of its contents may be reproduced, copied, modified or adapted in any way, form, or kind without the prior written consent of the author, Gem Vecino - aka - Alex Rosas - aka - Psynoid Al.
Subscribe

23 episodes

Ika-labing-pito na Bahagi

Ika-labing-pito na Bahagi

25 views 0 likes 0 comments


Style
More
Like
List
Comment

Prev
Next

Full
Exit
0
0
Prev
Next