Please note that Tapas no longer supports Internet Explorer.
We recommend upgrading to the latest Microsoft Edge, Google Chrome, or Firefox.
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
Publish
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
__anonymous__
__anonymous__
0
  • Publish
  • Ink shop
  • Redeem code
  • Settings
  • Log out

Lightning On Quiet Skies

01 00

01 00

Mar 27, 2026

VILLAMOR AIR BASE

PHILIPPINE AIR FORCE



What the hell am I doing here?


Kilala ko si Dad at mapaglaro talaga ang isipan niya. Kung tutuusin, iyon lang ang laman ng isip ko sa nagdaang mga araw. Pero wala ni isa sa mga teorya ko na ipadadala ako sa isang base-militar. 


Sinalubong ako kaagad ng sikat ng araw at matinding amoy ng jet fuel. Kinuha ko ang tote bag at bumaba ng sasakyan. My heels clicked against the pavement. Isinuot ko ang dalang wayfarers para hindi masilaw sa tindi ng sikat ng araw.


Bumaling sa akin ang dalawang sundalo.


"Let's go, ma'am. This way po," one of them gestured. Ang isa nama'y dala-dala ang mga bagahe ko pero halatang mas nanaisin pa niyang bitbitin ang isang M16 kesa sa mga iyon.


"Lead the way, officer."


Hindi ko inintindi ang mga tingin na mapagtanong. Tanggap ko naman na mukha talaga akong outsider sa kausotan ko. My white, sleeveless rompers and designer heels didn't exactly blend in with their perfectly pressed, dark uniforms and polished boots. 


Lumiko kami para pumasok sa isang administrative building. Sa loob ay iba rin ang simoy. Pinaghalong disinfectant at wax ang tanging nalalanghap. Hindi yata uso ang paggamit ng air freshener sa lugar na ito.


"Excuse me, officer, where exactly are we going?" tanong ko sa sundalong nauuna.


"Major Velasco's office, ma'am. Para po ma-brief ka niya."


Major Velasco...


That name echoed in my head, dragging a memory with it. A hot tarmac, bright blue sky, the thunder of a jet, and of course, a man in a flight suit with all sharp angles and lethal grace.


Maaari bang parehong Velasco iyon from Basa Air Base?


Nagkibit-balikat na lamang ako. Posibleng pinsan niya o kaya'y iba pang kamag-anak, tutal kilala silang military family. Tanda ko ang nasabi ni Dad na nagkalat ang mga Velasco sa lahat ng branches ng military.


Lumiko kami sa isang corner at bumagal ang lakad ng dalawang escort ko bago tuluyang huminto sa harapan ng isang pinto na gawa sa kahoy. Nakapaskil doon ang isang makintab na brass nameplate.


Major Adam Voltaire Velasco


Nanlaki ang mga mata ko. No. Freaking. Way.


Hindi yata kinayang i-proseso ng utak ko ang mga letra sa harapan. Biglang bumalik ang lahat at tila nawala na ako sa harap ng kanyang opisina kundi nakatayo sa mainit na tarmac ng Basa Air Base, watching a jet I didn't care about... until I saw the pilot."


"Ladies and gentlemen, please direct your attention to the tarmac. We are about to witness a brief tactical demonstration by one of our finest, to show you the full range of maneuverability and precision of our newest aircraft," ani ng host.


I rolled my eyes before taking a slow, dramatic sip from the champagne glass I'm holding. 


Hindi ko naman talaga gustong magtungo sa  isang boring na Air Force Anniversary Exhibit na ito. Kung hindi lang dahil sa pakiusap ni Dad... actually, it was more of a blackmail.


My Dad, Senator Ramon Eliseo Madrigal had always been one of the most generous donors when it comes to the welfare and development initiatives of the Air Force.


Another thing, our company, Madrigal Aero Industries supplies almost everything for the Air Force. Magmula sa mga parte ng aircraft at engine, fuel, and also maintenance services. I grew up with a constant reminder that our business keeps the skies running.


Naputol ang takbo ng isipan ko nang marinig ang malakas na ugong ng makina ng fighter jet na nagsimula nang umandar sa runway. It was sleek and imposing. Its steel gray body is glinting under the sun.


Hindi naman ito nagtagal sa lupa dahil ilang saglit pa ay tuluyan nang lumipad. Lumakas ang palakpakan.


Lahat ng mga mata ay nakasunod sa direksyong tinahak ng jet. It smoothly sliced through the sky like it belonged nowhere else but there. Mabuti na lamang at mayroon akong dalang dark sunglasses. Agad kong isinuot ito. Malayang pinanonood ang bawat galaw ng aircraft sa gitna ng nakasisilaw na halong kahel at asul na langit.


The jet tilted with a very clean precision. It was rolling, looping, diving... tapos ay biglang lilipad ulit paakyat. Talagang nakakamanghang pagmasdan dahil tila sinasayawan lang nito ang langit. Mukhang bihasang-bihasa ang pilotong nagmamaniobra noon.


Matapos lang ang ilan pang minuto ay tuluyan na itong lumapag. The wheels of the jet kissed the ground of the tarmac lovingly. Tinanggal ko ang sunglasses at doon nagbukas ang cockpit.


I don't know what I was expecting... but it definitely wasn't that.


A tall, broad-shouldered man emerged from the aircraft. His flight suit clinging in all the right ways. Sa pamamagitan ng isang swabeng galaw ay mabilis niyang natanggal ang helmet, revealing a face that was all sharp angles. Naniningkit ang mga mata habang pilit na inaaninag ang kabuuan ng lalaki mula sa malayo.


"That's Captain Adam Velasco, everyone. One of the Air Force's finest pilots from the Fifth Fighter Wing," pakilala ng host.


Another round of applause rippled across the crowd. Malaki ang ngiti ng lahat nang bumaba si Captain at nag-alis ng kanyang flight gloves. Sumaludo ito sa mga opisyal na naka-linya at naghihintay sa tarmac.


"He's impressive, isn't he?" My father slightly leaned closer to whisper.


Napakurap-kurap ako at agad na tumango. "You're right, Dad. His performance was impressive. I enjoyed watching him in the sky."


"No doubt they call him the Air Force's Golden Boy," komento pa niya.


Magtatanong sana ako nang may lumapit na isang Air Force protocol officer at magalang na pinutol ang usapan namin ni Dad. Kinakailangan na raw naming pumasok sa loob ng main event hall. Siguro'y iyon na ang huling parte ng air show at magsisimula na ang mas pormal na programa.


When we were settled inside, I saw a line of uniformed soldiers who I think were all pilots, making their way towards another table. Kasama roon si Captain Velasco. I couldn't help but be curious with him so I turned to my dad who is fixing his cuff links.


"Captain Velasco's really good," panimula ko para ituloy ang aming naudlot na pag-uusap.


Nagtungo ang mga mata ni Dad sa mga pilotong nakahilera sa kabilang mesa. "He's one of their best, if not the best. Kahit pa noong nasa flight school pa lang ay maganda na ang record."


"You sound so impressed, Dad. Close po ba kayo?"


"I make it my business to know the right people, which you should do too. Adam Velasco is the eldest son of the Major General. I actually like him because he's disciplined and smart. He's the kind of man we need on our side," Dad said.


"Velasco... his surname sounds familiar," turan ko.


"The Velascos hold the military and you are expected to interact with them often. They're not just in the Air Force, their legacy runs in the whole Armed Forces," he said before taking another sip.


I'm speechless. His family literally dominates the entire Armed Forces. Kaya siguro ganoon na lang ang pagpapasikat niya sa himpapawid kanina.


Nanatili akong nakikinig kay Dad tungkol sa iba pa niyang commentaries about the Velascos pero nawala na ang interes ko roon dahil kung sino-sino na ang sinasabi niya. My interest is in one particular Velasco only, kaya hinanap iyon ng mga mata ko.


He was seated at another table right across from us. Pinagmasdan ko ang bawat galaw ng kanyang panga tuwing magsasalita. Hindi katulad kanina na medyo malayo siya, ngayong malapit ay mas klaro kong nakikita ang kanyang hitsura. May kakapalan ang kilay at malalalim ang mata. It complemented his very manly features.


May girlfriend kaya siya?


Ang ibang kasamahan niyang piloto ay masayang nagkukwentuhan at malalaki ang ngit sa bawat isa. Paminsan-minsan naman ay magsasalita siya sa mga kasama, kapag ssiguro'y may sinasabi ang mga iyon o tinatanong.


Nanlaki 'yung mga mata ko nang bigla siyang lumingon. And for a fleeting second, his eyes met mine that made me panic a little. Nag-iwas ako ng tingin at mabilis na inangat ang glass para uminom. May biglang may kung anong tumambol sa dibdib ko.


Late ko nang na-realize na sana pala ay hindi ako umiwas ng tingin. Ano naman kung nahuli niya akong nakatingin? Wala namang mali roon, hindi ba? Besides, I have 20/20 vision kaya sayang naman kung hindi ko gagamitin.


My deep thoughts were cut off by the host's voice that came through the speakers again. Tinawag niya ang mga piloto na nagpalipad kanina sa labas. Sabi ay babatiin nila ang mga guests.


My Dad straightened immediately and fixed his coat. Ganoon din ang ginawa ko. Tumuwid ako sa pagkakaupo at inayos ang ilang hibla ng buhok na sadyang nakalaglag sa magkabilang side ng mukha ko. My long black hair is tied in an elegantly messy bun.


The line of pilots began moving towards our section with their helmets tucked neatly under their arms. But of course, my eyes were glued to Captain Velasco. I pouted a bit to hide the little smile that's slowly curving on my lips. Papalapit na sila.


Nang marating nila ang table namin ay nagsimula akong makipagkamay sa mga nauna dahil may kausap pa siya na isang senador na nasa tabi ni Dad. Pero hindi ko mabigyang-pansin ang pagpapakilala noong ibang piloto sa akin dahil hindi maalis ang tingin ko sa kanya.


Maya-maya pa'y nasa harapan na siya ni Dad.


"Good evening, Senator," kinilabutan ako nang marinig ang boses niya. His voice was deep and controlled that made my heart flutter a little bit.


"Good evening, Captain Velasco! As usual, a very impressive flight earlier. Lagi naman, magugulat pa ba ako?" maligayang saad ng aking ama.


Captain Velasco politely smiled at my father. "Thank you, Senator. It is an honor to fly for this event."


Ilan pang papuri ang binitawan ni Dad kay Captain Velasco bago niya ako iminuwestra. Sinundan ni Captain ang kamay ni Dad hanggang sa nagtama ang aming tingin. Napalunok ako. Mas intimidating pala siya sa malapitan.


"Captain, meet my daughter Clara Concepcion. We call her Cion, and she'll soon be part of our aero company."


I gave him a polite smile, the one that I have usually reserved for my father's business dinners.


Nang lumapit siya lalo sa akin, inilahad ko ang kamay at tinanggap niya naman iyon. Nanlamig ako nang maglapat ang aming balat pero sinikap kong hindi magpa-apekto. His hands were rough.


Siguro liha ang lotion nito?


"Hi, Captain Velasco, good evening. My father's right, you were very impressive to watch earlier."


"Thank you, ma'am. It's a pleasure to meet you," aniya.


Our much closer distance now made me realize he has brown eyes.


"Just call me Cion, Captain. No need for formalities," I chuckled awkwardly.


"Then call me Adam, Cion," aniya.


"Adam," I tasted his name.


Tipid siyang ngumiti at ilang saglit pang nanatili ang titig namin sa isa't isa bago bumitiw. He then straightened his posture and walked past me para batiin ang iba pang panauhin.


Huminga ako nang malalim at bumaling muli sa ama na nagsimula ulit magkwento ng tungkol sa business.


The program stretched long after sunset. The crowd had mostly thinned dahil marami nang umuwi. Wala na rin 'yung mga piloto kanina, pati si Adam.


Ilang matataas na opisyal at VIP guests na lamang ang naiwan. At syempre, kasama na roon si Dad. Kausap niya ngayon ang AFP Chief of Staff na ipinakilala niya rin sa akin kanina. I learned that he is Adam's uncle. Kita nga ang ilang similarities sa features nila.


I gave up waiting for him kaya nagpasya akong mag-explore. I told my father I had a sudden headache and needed some air.


I walked out towards the hangar area, not expecting anything.


Well... Okay, maybe I am expecting to see that Captain Velasco again. Narito pa kaya siya, o umuwi na?


Nagpatuloy ako sa paglalakad, nililingon ang paligid at iniinspeksyon ang bawat hangar kung may tao ba roon.


Turns out, fate is with me today. Hindi ako nabigo dahil nakita ko si Captain Velasco sa isang hangar na nadaanan. Suot niya pa rin ang flight suit na ngayo'y nakababa hanggang sa kanyang baywang at nakabuhol ang mga sleeves noon. May suot siyang itim na t-shirt bilang panloob. Medyo madilim sa area na iyon pero sapat naman ang liwanag para magkakitaan kami.


Abala siya sa pagkukumpuni ng kung anuman sa undercarriage ng isang aircraft. Iba iyon sa gamit niya kanina sa paglipad. May hawak na flashlight sa kaliwang kamay at buo ang atensyon sa trabaho. Alone, and in his element. Something that I find unreasonably attractive.


I crossed my arms at nagpanggap na tumitingin-tingin sa paligid habang naglalakad. Pagpasok ng hangar, nag-echo ang tunog ng heels ko. Nilingon niya ako pero agad ding bumalik sa ginagawa.


Wow! Hindi ako pinansin?


Nagpatuloy ako sa paglakad. Nang ilang metro na lang ang pagitan namin ay doon niya binasag ang katahimikan.


"This area's restricted after the exhibit, Miss Madrigal," aniya.


"Well... I just wanted to take a closer look at the exhibit. Hindi ko kasi masyadong natingnan kanina." Humakbang ako palapit, sinadyang ipinaparinig ang tunog ng heels sa sementadong sahig.


Wala pa yatang tatlong segundo ang iginawad niyang tingin sa akin bago ibinalik sa ginagawa. "This jet is fully inspected, Miss Madrigal."


"Oh, no... not the aircraft." Lumapit pa ako lalo hanggang sa ilang dipa na lang ang layo ko sa kanya. "I am actually referring to the captain. I thought showcasing the Air Force's... best assets included the pilots."


Natigilan ang kamay niya sa pagpihit ng turnilyo. Dahan-dahan niya akong nilingon at kita ko sa mukha niya ang kawalan ng pasensiya.


"The exhibit is for the aircrafts, not the pilots."


Bumuntong-hininga ako at umaktong nadismaya. "Sayang naman. You were the most interesting part of the exhibit I've seen all day, Sir. Mas may... appeal kaysa sa jet."


Hindi niya ako sinagot at lalo pang tumalikod sa akin. Napairap tuloy ako. What kind of man ignores a perfectly good flirtation?


"Hindi ka pa ba hinahanap ni Senator?" Hindi man lang siya lumingon nang sabihin niya 'yon. It was a dismissal dressed as a question.


"Obviously not. So, I can still ask you questions."


"You ask a lot of questions, Miss Madrigal."


"I told you, you can just call me Cion. And yes, I like to ask questions because I'm naturally curious regarding things that... catch my attention."


Tumuwid siya at hinarap ako. Pinahid niya ang maruming kamay sa basahan na nakasabit sa kanyang baywang.


"What do you need to know so you can leave?" malamig niyang tanong.


"Are you single?"


Natigil ang pagpupunas niya ng kamay. He tilted his head a bit as he looked at me. "That's classified information."


Agad na nagsalubong ang kilay ko. "It's just a simple yes or no."


"And why would you even want to know that? That's none of your business," katwiran niya.


"I told you, I'm curious."


Malalim ang buntong-hininga na kanyang pinakawalan. Ginawaran ako nito ng mapanimbang na tingin na tila pinag-iisipang ipakaladkad ako sa security palabas.


"Pasensiya na, Cion. I don't entertain curiosities."


"Fine. Huwag kang mag-alala, Captain. I think I'm pretty good at declassifying information. Malalaman at malalaman ko rin," isang pilyang ngiti ang iginawad ko.


"Then you're used to easier targets, Miss Madrigal," he said.





xxelanator
xxelanator

Creator

#soldier #romance #love #adult_romance #grumpy #forced_proximity #Camp #arranged_marriage #military

Comments (0)

See all
Add a comment

Recommendation for you

  • Silence | book 1

    Recommendation

    Silence | book 1

    LGBTQ+ 27.3k likes

  • The Last Story

    Recommendation

    The Last Story

    GL 70 likes

  • Primalcraft: Sins of Bygone Days

    Recommendation

    Primalcraft: Sins of Bygone Days

    BL 3.5k likes

  • Secunda

    Recommendation

    Secunda

    Romance Fantasy 43.4k likes

  • Primalcraft: Scourge of the Wolf

    Recommendation

    Primalcraft: Scourge of the Wolf

    BL 7.3k likes

  • I Love You; Goodbye.

    Recommendation

    I Love You; Goodbye.

    Fantasy 489 likes

  • feeling lucky

    Feeling lucky

    Random series you may like

Lightning On Quiet Skies
Lightning On Quiet Skies

81 views1 subscriber

Philippine Air Force Major Adam Voltaire Velasco only believed in rules, order, and precision. Not until Clara Concepcion Madrigal, the only daughter of a respected senator came on his base and challenged his discipline.
Subscribe

6 episodes

01 00

01 00

13 views 0 likes 0 comments


Style
More
Like
List
Comment

Prev
Next

Full
Exit
0
0
Prev
Next