Please note that Tapas no longer supports Internet Explorer.
We recommend upgrading to the latest Microsoft Edge, Google Chrome, or Firefox.
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
Publish
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
__anonymous__
__anonymous__
0
  • Publish
  • Ink shop
  • Redeem code
  • Settings
  • Log out

Lightning On Quiet Skies

02 00

02 00

Mar 27, 2026




"Ma'am?" tawag ng sundalong escort ko.


I was snapped back to present.


Napakurap-kurap ako at muling nakita ang sarili na nakatayo sa tapat ng pintuang gawa sa kahoy sa loob ng Villamor.


"Papasok na po tayo," aniya.


I smiled. "Sorry, yes. Let's go say hello to the Major."


Hindi ko nabilang kung ilang beses na nag-back flip ang sikmura ko at hindi na napigilan ang unti-unting pag-usbong ng galak. I feel like my heart's betraying me now because I should've been feeling scared or anxious that I'm here. But instead, I feel excited.


And I never expected this at all. Na makikita ko siya ulit, tapos sa ganitong sitwasyon pa? Ano kaya ang involvement niya sa programang pagdadalhan sa'kin ni Dad?


Kumatok iyong officer bago pinihit ang doorknob na lalong naging sanhi ng malakas na kabog ng aking dibdib. Pagbukas ng pinto, I saw a man sitting down, reading some documents on his desk.


Dahan-dahan ang naging pag-angat ng tingin ng lalaki hanggang sa nagtama ang mga mata namin. My stomach did seventeen backflips... or maybe eighteen. I honestly lost count after Major Adam Velasco looked up from his desk and our eyes met.


Isinara niya ang folder ng dokumento na binabasa saka tumayo. He's tall, and his shoulders filled out his perfectly pressed camo uniform. I tucked a hair behind my ear to try to calm the stupid thrill that fluttered in my chest.


Tumango siya sa dalawang sundalong kasama ko na ngayo'y inaayos ang aking mga gamit sa gilid ng pintuan saka dumako sa akin ang kanyang tingin. His gaze was familiar, but worse than I remembered. And he had that same aura of absolute authority that could either make you want to salute or run in the opposite direction.


Pinasadahan niya ng tingin ang suot ko mula ulo hanggang paa, bahagyang umangat ang isang kilay. He pursed his lips and I saw his throat bob bago tuluyang nagsalita.


"Clara Concepcion Madrigal."


"Yes, the one and only," I gave him my most attractive smile.


"Come in."


Tuluyan akong tumapak sa loob ng kanyang opisina at inikot ang mga mata sa kabuuan noon.


The walls of his office were lined with perfectly aligned plaques and framed commendations. Some medals were even sealed in glass displays.


Napansin kong walang kahit anong personal touch o dekorasyon. Kahit mga litrato man lang ng pamilya ay wala kang makikita.


Pumasok ang iba't ibang ideya sa aking isipan kung paano posibleng mapaganda ang kanyang opisina. Sayang naman kasi ang potensyal ng espasyong ito kung walang buhay, nakababagot tingnan.


In-imagine ko ang blangkong pader sa likod ng mesa niya ay maaaring pintahan ng maliliit na detalye. Mas angkop din kung papalitan 'yung matitigas na blinds ng velvet curtains. Sa sulok naman ay maaaring lagyan ng isang indoor plant.


"You can sit here," putol niya sa pag-iisip ko at iminuwestra ang upuan sa harap ng kanyang mesa.


Isa lamang iyong itim at siguradong hindi komportableng upuan. Sumunod pa rin ako at naupo na lang bago siya sinundan ng tingin na patungo sa pintuan. Sumaludo muna ang dalawang sundalong naghatid sa akin bago niya iyon tuluyang isara. I cleared my throat while watching him walk back to his own seat.


"So... it's quite a promotion from Captain, isn't it?" tinanong ko iyon para subukan kung naaalala niya ako.


His chair squeaked as he sat down. "It is."


I sighed with his lack of enthusiasm. Okay, hindi umubra. "We've met before, actually. Last year at the Air Force anniversary show? Do you remember?"


His jaw ticked and looked at me for a long, quiet moment. "I meet a lot of people in my line of work, Miss Madrigal. I don't recall you specifically."


What?! Hindi niya ako naaalala?


Pagkasabi noon ay nag-iwas siya ng tingin at inabala ang sarili sa pagkuha ng isang folder. He tilted his head and gave me one of the folders before speaking again. "So here's..."


Hindi ko nagawang alisin ang atensyon sa kanya. Sanay ako sa mga lalakeng naka-suit at barong, pero iba ang dating ng kanyang unipormeng pulido at walang kahit isang gusot. It looked sharp and intimidating. Tila ba bawat tupi ng tela ay sadyang inilagay doon.


Hindi ko maiwasang mapansin ang ilang pagbabago. Mas lalong nadepina ang mga guhit sa mukha niya ngayon. It was like time and leadership had etched them in deliberately. Mas naging lean at matipuno ang katawan, at mas maiksi na rin ang gupit. Pero nandoon pa rin ang matangos na ilong at ang panga niyang parang inukit.


Hanggang sa unti-unting bumaba sa kanyang mga labi... na gumagalaw kasabay ng pagsasalita niya.


"Are you paying attention to me?" he asked.


Napakurap ako.


"Yes! Yes, of course! I'm paying attention to you, Major."


Nanatili ang titig niya.


"Are you paying attention to what I was saying? The words, Miss Madrigal," he said.


I felt attacked. Pakiramdam ko ay huling-huli niya na kung saan-saan ako tumitingin.


"What? Of course, sir. I'm paying attention to your words... definitely paying attention to your words," sagot ko, agresibo ang pagtango upang makumbinsi siyang 'yon ang katotohanan.


"Anong sinabi ko?"


Ibinuka ko ang bibig para magsalita ngunit wala akong maalala sa kanyang mga nasabi. Sa huli, isinara ko na lang ulit. Damn it! I was totally spacing out!


Bumagsak ang balikat ko. "Okay, sorry. I got a bit distracted," kabado akong humalakhak kasi hindi ko naman maaaring sabihin na maganda ang hubog ng balikat niya sa uniporme kaya tinuro ko na lang ang plaka sa pader. "That plaque is so shiny."


He cocked his head to the side at saglit na pumikit bago nagsalita ulit.


"This isn't a joke, Miss Madrigal. I want you to listen this time," aniya, gamit ang nakakapangilabot na tono.


Tumuwid ako sa pagkakaupo at itinuon ang buong atensyon sa paliwanag niya. I don't want him to get annoyed anymore just because I wasn't listening.


"You will be part of our three-month disaster relief and community rehabilitation program in Samar. This folder contains every single document na kailangan mong pirmahan bago tayo makakaalis."


Three months of... disaster what?


I couldn't hide my shock. My lips were not so slightly parted now, and I know my eyes were like coming out of its socket.


Mas malala ngayon ang gulat ko kesa kanina nung dumating kami dito sa base. At anong ibig niyang sabihin na tatlong buwan? Ganoon talaga katagal?  Bigla akong nainis na hindi ko inusyoso si Dad tungkol sa plano niya. When I tried asking him, he would always answer vaguely but I should've presed more. I was assuming just a month of stay!


"Is there a problem?" kunot-noo niyang tanong habang tinitignan ang reaksyon ko. Nagtataka siguro sa gulat ko.


"Excuse me, Major... did I hear that right?" tanong ko, sinisikap na maging kalmado ang boses kahit gusto ko nang mag-panic. "As in... tatlong buwan talaga? I believe my father failed to mention the specific duration of this... program. I didn't expect it to be that long."


Bahagyang umangat ang isang kilay niya at lumipad ang tingin sa aking likuran, kung nasaan ang mga bagahe kong dala.


"Really? With all that luggage you brought? Parang handa ka naman."


Sinundan ko ang tinitingnan niya sa pinto. My things included two large Rimowa suitcases, and one duffel bag. Normal naman sa akin, but the way he eyed it made it seem like it was a mortal sin.


"Why? May problema po ba sa mga dala ko?"inosenteng tanong ko. "Those are just basic necessities, Major."


He pinched the bridge of his nose then shook his head. "Nothing. That's more than enough for this mission, Miss Madrigal. I just hope your suitcase contains the right clothes."


Inignora ko siya nang maalala ang pinaglalagay ko roon kagabi dahil alam na alam kong kabaligtaran ng 'right clothes' ang nilalaman noon.


Binuklat ko na lamang ang folder na ibinigay niya at sinimulang tingnan isa-isa.


"Read those here before we go. Magtanong ka lang sa'kin kung may hindi ka naiintindihan before you sign them. Your father requested that you be immersed in all aspects of the program."


I reached for the pen on his table but I stopped mid-air when I realized. I looked at him and asked for permission. "May I?"


Tumango naman siya kaya kinuha ko na ang pen at pinirmahan ang bawat pahina nang hindi na masyadong nagbabasa. Ramdam ko ang bigat ng kanyang titig at siguradong pagkunot ng noo habang pinapanood ang bawat kumpas ng kamay ko.


"Did you understand everything there? Wala kang tanong?"


Ngumisi ako. "I trust the AFP's protocols, Major. Wala na po akong tanong."


Pagkatapos kong pirmahan ang huling page, maingat kong ibinaba ang pen sa desk at iniurong ang mga papel pabalik sa kanya.


"When do we leave?" tanong ko.


Kinalap niya ang mga papeles na pinirmahan ko bago tumayo. "The plane leaves in fifteen minutes."


Tumayo na rin ako at pinagpag ang suot na damit. He took a few folders and clipboards too before going for the door. Napatunganga ako nang lagpasan niya lang ang mga gamit ko at binuksan ang pinto. Tumayo lang siya sa hamba na parang hinihintay ako, hawak ang door handle. Napilitan akong magsalita.


"Uh... excuse me, Major?" tawag ko.


Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa mga maleta. Ngumiti ako nang pilit. "Are we... waiting for someone? I mean, is there no assistance available for the luggage?"


"You brought them. You carry them," agap niya.


"Po? Ang dami nito, Major. I assume may staff naman kayo para tumulong—"


"You should've packed less," putol niya.


Pumikit ako nang mariin. "Well... this is already less, Major. I actually exercised restraint while packing my things last night. Most gentlemen—"


"I am not most gentlemen, Miss Madrigal," madiin niyang sagot.


Huminga ako nang malalim at lumapit sa mga gamit ko. "Fine, I'll handle my things. Kayang-kaya ko 'to. So no need to trouble yourself."


Sinimulan kong kunin ang mga gamit. Mapwersa kong hinila ang unang suitcase na pinakamalapit. Ramdam ko ang paninitig ni Major kahit pa hindi siya umiimik.


The wheels of my suitcase caught on the floor, ayaw noon gumalaw nang maayos. I groaned. At nang pilit kong hinila ay napaatras ako sa pwersa dahilan para bumagsak naman sa sahig ang tote bag na nasa aking balikat.


I heard him sigh.


"Unbelievable," he muttered.


Narinig ko ang kanyang mga yabag palapit at walang pasabing kinuha ang isang maleta at 'yong duffel bag na nakapatong sa isa pa. Isinukbit niya sa balikat ang duffel at binuhat ang suitcase para umayos ang gulong noon bago sinimulang hilahin.


I crinkled my nose and started walking too, dala ang isa ko pang suitcase. Napangiti ako ng kaunti nang makita siyang dala dala ang mga gamit ko.


Habang naglalakad, napansin ko ang mga sundalong nakakasalubong sa hallway na biglang tutuwid pagdaan namin. Ang isa ko pang napansin ay ang malalaking hakbang ni Major kaya halos maiwan na ako. Kinailangan ko pang mag-jog para lang makahabol sa kanya.


"Excuse me, Major. Can you walk a little slower please? Alam nyo naman na wala akong military-issued legs," sabi ko gamit ang pinakamalambing na boses.


Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako pagilid. "You don't need military-issued legs, ang kailangan mo ay military-issued boots. Bakit kasi 'yan ang suot mo?"


"For your information lang, Major. These shoes are limited edition. And yes, I am painfully aware how stupid that sounds here kasi just like I said, hindi ko naman in-expect ang pagpunta rito."


Hindi na siya nakipagtalo pa at nagpatuloy na lang sa pagmamartsa, ngayon ay mas naging mabagal at maliit ang kanyang hakbang kaay't hindi ko na kinaingalan pang habulin siya.


By the time we stepped out of the building, sun glare hit me hard again. Ibinalik ko sa mga mata ang sunglasses na pansamantala kong isinabit sa damit.


Sinamantala ko ang paglalakad namin para tawagan ang best friend kong si Wily. She is my lifeline and my walking diary. Mahalagang malaman niya ang kahihinatnan ko ngayon.


I dialed her number and she picked up on the third ring.


"Concepcion!" Halos mabingi ako sa lakas ng kanyang boses sa kabilang linya. "Anong update? Did the senator send you to hell or you just decided to run away?"


"No, Wily. My father did not send me to hell, he sent me somewhere much worse," turan ko. Nasaksihan ko ang saglit na paggawi ng tingin ni Major sa akin ko nang marinig iyon. Napakagat ako sa labi ko para pigilan na may masabi pa.


"Oh my goodness, where?" she asked.


Hininaan ko ang boses nang magsalita upang hindi niya marinig ang paninirang-puri ko sa kanyang pinakamamahal na base. "Oh, you wouldn't believe it, Wily. Nandito ako ngayon sa Villamor. As in Villamor Air Base."


Natahimik si Wily sa kabilang linya ng ilang segundo. At para sa kaibigan kong ito na walang preno kung magsalita ay nakakapanibago iyon. Sigurado akong mas gulat pa siya sa gulat.


At sa totoo lang, hindi ko naman siya masisisi dahil maging ako ay hindi makapniwala na dinala ako rito. I mean, bakit ito naisip ni Dad? What was his thought process when he decided to send me to a place full of men in uniform doing drills, walking like their footsteps come with background music na pang-Mission Impossible?


"Oh my god, babe! I don't even know what to say to that. Ang dami kong na-imagine but never did it cross my mind na magiging Mulan ang peg mo," nakabawi na siya at medyo natatawa pa.


"I know right! Heto nga at paalis na kami. We have to go to Samar kasi 'yung program na sinasabi niya, is a community disaster... something like that," sabi ko, pilit na inaalala kung ano ba 'yung sinabi ni Major kanina.


Isang sundalo ang lumapit kay Major kaya saglit kaming tumigil. Kinausap niya ito, may ipinaliliwanag na hindi ko mawari kung patungkol saan.


"Oh, baka relief mission kasi grabe 'yung bagyong sumalanta sa kanila nung nakaraan. Pero sinong kasama mo? Sabi mo paalis na kayo?" kuryosong tanong niya.


Pasimple kong sinulyapan si Major Velasco na seryoso pa ring nakikipag-usap. Mabuti na lang at suot ko ang sunglasses, malaya ko siyang napagmamasdan nang hindi nahuhuli.


"I'm with Major Adam Velasco."


"Adam Velasco?" inisip niya pa nang ilang sandali. "Wait... Oh my god! As in... the Adam Velasco na crush mo? Si Captain Jawline?"


Napatingin ako sa paligid at bahagyang tumalikod kay Major. "Yes," mahinang sagot ko.


"Oh my goodness, babe! This is your chance! Nagkandahirap pa tayo sa pag-Google sa kanya noon na umabot pa sa page ten. I'm so excited for you! Career-in mo na 'yan!"


Humalakhak ako at pasimpleng sumulyap kay Major. Muli siyang naglakad na agad ko namang sinundan.


Naabot na namin ang dulo ng hangar kung nasaan ang pagkalaking transport plane. Nakababa na ang ramp noon at may mga naglalakad na papasok sa loob.


"We are about to board na. This metal... whatever plane this is, is waiting. Kailangan ko nang ibaba ang tawag. Just wish me luck and see you after three months, babe!" puno ng kasiyahan ang boses ko.


"Okay, bye! Take care of yourself, babe! Magpaka-Mulan ka na riyan at sana kasama mo pag-uwi si Captain Jawline na Major na pala. I love you!"


"Love you!" pahabol ko.


Nang maputol ang tawag ay ibinaba ko ang hawak na phone ng dahan-dahan. Namataan ko si Major na nakatingin sa phone na hawak ko, at mas malalim ang kunot sa kanyang noo.


"If you're done saying goodbye to your civilian life, get on the plane now," he said with a hint of impatience.



xxelanator
xxelanator

Creator

#military #soldier #romance #adult_romance #grumpy #sunshine #forced_proximity #love #arranged_marriage

Comments (0)

See all
Add a comment

Recommendation for you

  • Silence | book 1

    Recommendation

    Silence | book 1

    LGBTQ+ 27.3k likes

  • The Last Story

    Recommendation

    The Last Story

    GL 70 likes

  • Primalcraft: Sins of Bygone Days

    Recommendation

    Primalcraft: Sins of Bygone Days

    BL 3.5k likes

  • Secunda

    Recommendation

    Secunda

    Romance Fantasy 43.4k likes

  • Primalcraft: Scourge of the Wolf

    Recommendation

    Primalcraft: Scourge of the Wolf

    BL 7.3k likes

  • I Love You; Goodbye.

    Recommendation

    I Love You; Goodbye.

    Fantasy 489 likes

  • feeling lucky

    Feeling lucky

    Random series you may like

Lightning On Quiet Skies
Lightning On Quiet Skies

82 views1 subscriber

Philippine Air Force Major Adam Voltaire Velasco only believed in rules, order, and precision. Not until Clara Concepcion Madrigal, the only daughter of a respected senator came on his base and challenged his discipline.
Subscribe

6 episodes

02 00

02 00

10 views 0 likes 0 comments


Style
More
Like
List
Comment

Prev
Next

Full
Exit
0
0
Prev
Next