Please note that Tapas no longer supports Internet Explorer.
We recommend upgrading to the latest Microsoft Edge, Google Chrome, or Firefox.
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
Publish
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
__anonymous__
__anonymous__
0
  • Publish
  • Ink shop
  • Redeem code
  • Settings
  • Log out

Lightning On Quiet Skies

03 00

03 00

Mar 27, 2026




Hindi ganoon katagal ang aming naging biyahe pero para sa akin ay isang buong araw iyon. Nananakit ang katawan ko at bahagyang nanlalagkit. Napakainit sa loob at hindi komportable ang inuupuan namin. I mean, this wasn't my usual experience when riding planes to go out of the country, or even just out of town.


Samantalagang si Major Velasco, tila hindi ininda ang mga iyon. Wala siyang pakialam kahit gaano kaingay ang engine. Pero hindi rin naman yata ako nagulat dahil halata namang nag-a-almusal siya ng turbulence tuwing umaga.


Nagsimulang magtanggal ng mga seatbelt ang karamihan sa mga sundalo at sabay-sabay ding nagsitayuan. Mabibilis at swabe ang kanilang galaw habang ako, mukhang clueless na extra sa isang action movie.


Dapat din ba akong tumayo na?


Napatingin ako kay Major na nasa gitna ng aircraft hawak ang isang tablet sa kanyang kamay habang sunod-sunod ang mga mandatong binibitawan. Maya maya pa, nabaling ang kanyang atensyon sa akin, mabuti naman! That's exactly what I was waiting for!


"Miss Madrigal, get your things. You're coming with me."


Tumango ako at tumayo agad para kunin ang mga gamit.


Lumakad ako, 'yun nga lang, ang hindi pantay na flooring ng plane ay nagpahirap ng buhay ko.


Nagkakandarapa ang mga sundalo pero maayos na bumababa sa rampa dala ang iba't ibang gear at supplies. Nag-uunahan sila sa paglabas habang pilit kong hinihila ang maleta sa metal na sahig. Nilingon muli ako ni Major nang matapos siyang makipag-usap sa isang junior officer, saglit siyang tumitig at naglakad pabalik. I awkwardly stood in the middle of the plane while waiting for him to get closer.


"Move over. Your suitcase's slowing us down," he said.


He grabbed my suitcases again. Buhat niya sa magkabilang kamay saka nag-martsa pababa ng ramp na parang balewala lang ang bigat ng mga iyon. Dali-dali akong sumunod sa kanya hanggang sa makalabas na at agad namang sinalubong ng putik ang aking heels.


Nahihirapan man, pinagsawalang-bahala ko na lamang ang putik na kumakapit sa takong ng suot kong sapatos habang tinatahak ang daan patungo sa napakaraming nakatayong tolda.


Maya-maya pa ay narating namin ang medyo dulong bahagi ng kampo, tumigil si Major sa isang military, beige-colored canvas. Inilapag niya sa bukana ang aking mga bagahe bago ako hinarap.


"This is where you'll be staying." Nilahad niya ang kamay sa toldang nasa aming harapan.


Inangat ko ang flap noon para silipin ang loob at halos himatayin ako sa nakita.


"This is it? It doesn't look like a room, Major," I stated, as a matter of fact.


"It doesn't need to be a room, Madrigal. Basta't pwedeng matulugan.


"Really? What about security features? I was expecting something with at least four solid walls and a door that locks?"


"The tent flap counts as a door, Madrigal. You can zip it close," he said.


Umismid ako. "Major, with all due respect, a zipper is not a door. A zipper is for jeans and jackets." Saglit akong tumigil bago siya muling hinarap. "Look, Major, I'm not trying to be difficult—"


"You are," putol niya. "This is the standard setup. Tents, cots, limited electricity, foam mattresses—"


"Foam? That is what you call a foam?" itinuro ko ang isang nakapatong sa cot sa malapit. "Major, that is papel. My yoga mat has more cushioning than that. That's like half an inch thick."


"It's two inches thick," pagtatama niya.


"Wala na bang ibang option? Surely commanding officers like you have separate quarters? A cabin or a trailer, perhaps?"


"I sleep in the same tent. On the same foam."


Huminga ako nang malalim at tinanggap na lamang ang kapalaran. Tatlong buwan lang naman akong magtitiis sa ganitong klase ng kwarto. Kailangan ko itong pagtiyagaan dahil kung hindi, wala akong mapatutunayan sa aking ama.


"Okay, fine. I will sleep on the... paper-foam then," bulong ko.


He nodded once. Pagkatapos noon ay tumalikod na ako at hinila ang mga suitcase papasok sa loob. Nang tuluyan akong makapasok at naibaba ang flap, saka ko narinig ang mabilis at mabigat niyang mga yabag palayo.


Nilibot ko ang mata sa kabuuan ng tent na tila isa iyong crime scene. Kitang-kita kung gaano hindi bumabagay ang aking mga gamit dito. Dumiretso ako sa dulong cot na bakante at umupo sa tinawag ni Major na foam para mag-ayos ng mga dala. Napagtanto kung gaano katawa-tawa ang mga dala ko na damit at sapatos. Anong gagawin ko sa mga ito ngayon?


Hindi ko namalayan ang pagsapit ng gabi sa sobrang abala ko sa pag-aayos ng gamit. Napansin ko na lang nang dumilim na ng husto. May isang ilaw naman na nakasabit sa itaas ng tent namin para magsilbing liwanag.


Matapos ang ginagawa ay nag-desisyon akong kailangan ko nang maligo. Maghahanda na sana ako nang umangat ang flap ng tent at may pumasok na dalawang babae.


"Grabe! Sinasabi ko sa 'yo Kat, huwag mo nang uulitin 'yun! Muntik na tayong mahuli!"


"Shh! Ano ka ba! 'Di naman niya nakita—"


Natigilan sila pareho pagkakita sa akin.


"Oh, wow. Hi! Ikaw siguro 'yung bago naming tentmate?" tanong ng naunang babae na may malaki ang ngiti niya, mukhang masiyahin.


Ah yes, ako nga. I'm Clara Concepcion, but you can call me Cion." Tumayo ako upang makipag-kamay.


Tinanggap niya naman iyon. "Hello Cion, I'm Kat. Civilian volunteer din. Siya naman si Trish," iminuwestra niya ang katabing volunteer na malamig ang tingin sa akin. Mahaba rin ang buhok ni Tris, diretsong-diretso at hanggang baywang. Ang kaibahan lang ay kulay tsokolate ang sa kanya samantalang itim na itim ang aking buhok.


"Hi!" bumati ako nang malaki ang ngiti. "I'm—"


"Yeah, I know who you are," putol niya.


Nawala ang ngisi ni Kat. "Trish! Ano ka ba..."


"You're Clara Madrigal. The Senator's daughter. Ang daming volunteer na gustong tumulong na may alam talaga. Tapos, ang ipapadala..." Hindi niya itinuloy ang sasabihin at tinalikuran lang kami para umupo sa sariling cot at nagtanggal ng combat boots.


Umangat ang kilay ko. Anong problema niya?


Hinawakan ako ni Kat. "Pasensiya ka na, Cion. Pagod lang kasi siguro." Binalingan niya si Trish. "Trish, huwag ka namang ganyan, 'di pa nga nag-uumpisa 'yung tao."


Hindi na sumagot si Trish at dumiretso lamang sa likod ng isang kurtina upang magpalit.


Sinimulan naman ni Kat na makipagkwentuhan sa akin dahilan upang maligaw ang isip ko sa ibang bagay. Napakagaan kausap ni Kat at tingin ko'y mas madaldal pa siya sa best friend ko. Halos wala na akong oras para makahinga dahil sa sunod sunod niyang tanong.


Ilang saglit pa ay nagpaalam si Kat na kakain muna sila. Nanatili naman ang kalamigan sa pakikitungo sa akin ni Trish at hindi ako nilingon kahit isang beses.


"Ipagtanong-tanong mo na lang kung saan ang mess tent, nasa kabilang side kasi ng camp 'yon," ani Kat bago sila lumabas.


Mula sa maleta, kumuha ako ng mga kumportableng damit. Pinili ko ang isang simpleng lounge wear bago kinuha ang toiletry bag at lumabas ng tent. Nagtanong ako sa nadaanang personnel kung saan pwedeng makaligo. Binigyan niya ako ng direksyon at agad akong nagtungo roon.


Laking gulat ko nang makita ang tinatawag nilang shower area. 


Maninipis at tagpi-tagping mga trapal na nakatali sa pagitan ng mga kawayan ang nadatnan ko. Nakakatakot panoorin ang paghampas ng hangin doon dahil tingin ko'y isang maling galaw lang ay babagsak ang buong estruktura.


Gosh! What a tragic way to die!


Sinubukan ko pang pag-isipan kung tama bang desisyon ang maligo roon pero nanaig ang kagustuhan kong mapreskuhan. Nanlalagkit na ako at wala namang ibang pwedeng paliguan kundi iyon lamang.


Bumuntong hininga ako at pumila na sa likuran ng mga nauna. I didn't mind the stares from them. Taas-noo lamang akong nanatili na nakatayo roon, waiting for my turn na halos kalahating oras ko yatang hinintay.


Maingat kong inilapag sa isang sirang silya ang mga gamit bago nagsimulang tanggalin ang suot na rompers. I didn't dare remove my underwear though. Sino ba namang crazy person ang gagawa noon sa ganitong klase ng paliguan?


Pumikit ako nang mariin at sumalok na ng tubig para makapagbuhos. Mabuti na lang at napigilan ko ang sarili na tumili dahil sa lamig ng tubig. Kung sa bathroom sa mansyon ay pwede akong magdaos ng concert without bothering anyone, ibang usapan na rito.


Matapos ang halos tatlumpung minuto ay dali-dali akong nagpunas at nagpalit para makabalik na sa tent. Pagkarating ay nakita kong tulog na ang dalawang kasama kaya naman naging mas maingat ako sa paggalaw para hindi makaabala. Sinimulan kong patuyuin ang buhok gamit ang tuwalya at sinunod ang skincare. 


Nang tuluyang matuyo ang buhok ay humiga na ako sa cot. Nagpaikot-ikot pa ako bago nahanap ang komportableng pwesto. Hinila ko ang napakanipis na kumot para ibalot iyon sa sarili at sinubukang alalahanin ang malambot at malamig kong kama. 


Pero imbes na katahimikan ang bumalot, ang naririnog ko ay zzzzzzt...


Walang anu-ano'y naramdaman ko ang isang kagat sa aking braso. Ilang saglit pa ay sa binti naman. Hanggang sa naging sunod sunod ito at naramdaman ko na sa aking butong katawan.


"Seriously?! Is this a vampire convention?!"


Sa loob lamang ng ilang minuto, humigit-kumulang sampung kagat na ang nabilang ko. Nagsimula akong mairita nang sabay sabay kong maramdaman ang pangangati ang mga iyon. At sa tuwing tinatalukbungan ko ang sarili ng kumot ay naririnig ko pa rin ang pagba-buzz sa aking tenga.


"That's it! I am not sleeping here!"


Tumayo ako at isinuot ang tsinelas bago inabot ang phone ko saka lumabas ng tent. Hindi ko alam kung saan ako patungo pero tinuloy ko ang paglalakad. Ang flashlight sa phone ko ay nagsilbing liwanag sa gitna ng dilim ng kampo. Luminga-linga ako sa paligid para makakita ng maaaring puntahan.


"Where do you think you're going, Madrigal?"


Nanginig ang tuhod ko sa boses na iyon.


Pinasadahan ko ng tingin si Major Velasco. Suot niya ang isang plain, dark long sleeves na nakatupi hanggang sa kanyang siko, at ang pang-ibaba ay isang camo pants. Basa ang kanyang buhok at mukhang katatapos lang maligo.


"Major. I'm just taking a walk."


"Curfew is twenty-two hundred," agap niya. "You're loitering."


"I wasn't aware of the strict time constraints. And what are you doing here... were you following me?"


"I'm conducting perimeter check. And you're not where you're supposed to be. Bumalik ka na sa tent mo ngayon din. It's not safe to roam around at this hour."


Napangiti ako. "Oh, wow! Nag-aalala ka ba para sa akin, Sir?"


"Don't flatter yourself. You are under my command and is my responsibility, whether I like it or not."


"Well, since you mentioned responsibility..." Lumakad ako palapit sa kanya. "I believe it falls under your jurisdiction to ensure that I am not eaten alive. I'd like to report that your mosquitoes here are quite... vicious."


"Then stop using perfume," pormal niyang saad habang nakatingin sa akin nang seryoso.


"What? No! I don't wear perfume to sleep, Major."


Umangat ang kanyang kilay. "You smell sweet. I can smell you from here. Mosquitoes are attracted to scents like that."


Nag-init ang pisngi ko. "But that's just my floral body wash and shimmering body oil. It's essential to my skincare routine. I can't just skip—"


"Kahit ano pa man iyan, huwag mo nang gamitin kung ayaw mong lamukin."


"That sounds like victim-blaming to me, Major. Kasalanan ko pa na mabango ako?"


Tinapunan niya ako ng matalim na tingin. Nag-salubong ang mga kilay sa iritasyon.


"Okay! Fine! Grabe ka namang makatingin. What should I do now? Gusto n'yo na maligo ako ulit just to remove my scent? And I think it's a little too late for that. Look at this!"


Iniunat ko ang braso para ipakita ang maliliit na pulang kagat. Slowly, his gaze dropped to my arm and I watched how his eyes trailed over my skin as if he was counting each bite.


"I see," tipid na sagot niya.



"With all due respect, Major, I don't think you're seeing enough. Hindi lang sa arms ko ang may kagat."


Sa iritasyon ay hindi na ako nakapag-isip, hinila ko ng kaunti ang hem ng suot kong pantulog at itinaas iyon para ipakita ang mas marami pang kagat ng lamok sa aking tiyan.


"If you think I'm exaggerating, here—"


"Put. Your shirt. Down." His voice came low and dangerous like a gun cocking. 


Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko na humahawak sa damit. Agad niya iyong hinila pababa bago ko pa man mas maitaas.


"You shouldn't be exposing yourself in a military area," he hissed, eyes flicking around instinctively scanning if there are people around.


Kinabahan ako sa pagdilim ng kanyang mukha pero pinili kong mangatwiran para maintindihan niya kung bakit ko iyon ginawa. "I was merely providing evidence of the bites, Major. I didn't think it would be an issue considering—"


"You are in a military camp. Not a dermatological clinic," madiin niyang putol. Itinagilid niya ang ulo at bakas ang abot-langit na iritasyon. "Bumalik na tayo."


Pakiramdam ko ay isa akong tumakas na kriminal, nahuli, at ngayo'y sinasamahan pabalik sa selda. Nag-angat ako ng tingin. Wala siyang imik at medyo nauuna sa paglakad, nahaharangan ng kanyang makisig na likod ang nilalakaran.


Hindi ko natiis ang katahimikan.


"Major, I think you might be overreacting a little," panimula ko. "I just really wanted to show you the severity of my situation."


Hindi siya lumingon pero dinig ko ang paghinga niya nang malalim. "You're in a military camp, Madrigal. Surrounded by men."


"I am aware of that. Pero wala naman akong masamang intensyon. It's not as if I was trying to be indecent. I just thought that as the commanding officer, you needed visual proof of the... infestation."


Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy sa matikas na lakad. Bumuntong-hininga ako.


"If I were talking to a different soldier, I doubt they would act so scandalized over a few inches of—"


"You don't assume everyone has clinical intentions, Miss Madrigal. You are a civilian in a base full of men. Your safety is my liability. Do not make my job harder than it already is," aniya.


Natikom ko ang bibig at tumango na lang. 


"Huwag na huwag mo 'yang uulitin," babala iyon.


Tumalikod na siya at nagpatuloy sa paglalakad. Tahimik na lamang akong sumunod hanggang sa marating ang aking tent. Huminto siya at binalingan ako.


"Wait here," utos niya at mabilis akong tinalikuran.


Naiwan akong nakatayo at nagtataka kung bakit niya ako pinaghihintay doon. Nagsimula akong mag-isip ng kung anu-ano. Kukuha kaya siya ng isang disciplinary slip o ano? My gosh! Wala pa akong 24 hours sa lugar na ito ay mayroon na agad record?


Mabuti na lamang bumalik din siya kaagad bago pa ako magtago sa kanya. Inabot sa akin ang isang maliit na tube.


"Hydrocortisone for the itch."


Tinanggap ko iyon. "Thank you."


Dumukot siya sa bulsa ng kanyang pants at nakita ko ang isang pakete ng mosquito coils. Binuksan niya iyon at sinindihan bago yumuko upang mailagay iyon sa gilid ng bukana ng aming tent.


"Curfew is at twenty two hundred hours. No civilians allowed outside unless it's an emergency."


"Noted, Major," sagot ko.


Iniabot niya sa akin ang lighter at ang natitirang coil. "Light one inside."


 "Actually... wala po akong lighter."


He let out another sigh. Tila ubos na ubos yata ang pasensiya niya sa akin ngayong gabi. Nakagat ko ang labi dahil sa kaunting kahihiyan.


Binigay niya ang sariling lighter. "Do not burn my camp down, Madrigal."


xxelanator
xxelanator

Creator

#military #arranged_marriage #soldier #Camp #forced_proximity #love #adult_romance #grumpy #sunshine

Comments (0)

See all
Add a comment

Recommendation for you

  • Silence | book 1

    Recommendation

    Silence | book 1

    LGBTQ+ 27.3k likes

  • The Last Story

    Recommendation

    The Last Story

    GL 70 likes

  • Primalcraft: Sins of Bygone Days

    Recommendation

    Primalcraft: Sins of Bygone Days

    BL 3.5k likes

  • Secunda

    Recommendation

    Secunda

    Romance Fantasy 43.4k likes

  • Primalcraft: Scourge of the Wolf

    Recommendation

    Primalcraft: Scourge of the Wolf

    BL 7.3k likes

  • I Love You; Goodbye.

    Recommendation

    I Love You; Goodbye.

    Fantasy 489 likes

  • feeling lucky

    Feeling lucky

    Random series you may like

Lightning On Quiet Skies
Lightning On Quiet Skies

83 views1 subscriber

Philippine Air Force Major Adam Voltaire Velasco only believed in rules, order, and precision. Not until Clara Concepcion Madrigal, the only daughter of a respected senator came on his base and challenged his discipline.
Subscribe

6 episodes

03 00

03 00

9 views 0 likes 0 comments


Style
More
Like
List
Comment

Prev
Next

Full
Exit
0
0
Prev
Next