Please note that Tapas no longer supports Internet Explorer.
We recommend upgrading to the latest Microsoft Edge, Google Chrome, or Firefox.
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
Publish
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
__anonymous__
__anonymous__
0
  • Publish
  • Ink shop
  • Redeem code
  • Settings
  • Log out

Lightning On Quiet Skies

04 00

04 00

Mar 27, 2026




Lumulutang na ako sa panaginip habang nasa Amanpulo. Hinahaplos ng matinding sikat ng araw ang aking balat , at ang banayad na hampas ng mga alon ang nagsisilbing musika na nakakapagpakalma sa akin. Hawak ko ang isang baso ng champagne na hindi nauubusan ng laman habang nakasandal sa sun lounger at nagmamasid sa alon.


Pero ilang saglit lang, ang mapayapang mga alon ay naging malakas na sirena. Marahas akong hinahatak mula sa napakasarap na panaginip. Napabalikwas tuloy sa pagbangon.


"Good morning, Barbie!" Napalingon ako kay Kat. Handang-handa na sa bakbakan at nakatali ang maiksi niyang buhok.


Bukas na ang tent flap namin, sumisilip doon ang kaunting liwanag mula sa labas.


Nag-i-stretch si Kat habang walang humpay na humihikab, habang ang cot naman ni Trish ay bakante at ayos na.


"May briefing tayo ng alas-sais," paalala ni Kat habang kumakain ng... SkyFlakes ba iyon? "Sa main tent yun mamaya. Huwag kang male-late ha. Naku! Ayaw na ayaw ni Major ng late, kaya bumangon ka na riyan."


Pinilit kong bumangon. I peeked at my phone and saw that it's just 05:03 in the morning at ang malala pa, wala pa ring signal reception. My god! I can't even call or text Wily.


"Lalabas lang ako saglit ha. Magja-jog lang ako around camp," paalam ni Kat bago lumabas.


Ramdam ko ang sakit sa buong katawan, lalo na ang likod. Sa tigas ba naman nitong hinihigaan ko'y inasahan ko na ang ganitong gising sa umaga.


Tinungo ko ang suitcase para sa isusuot ngayong araw. Kinalkal ko ang mga gamit upang humanap ng damit na naaayon sa ganitong lugar. Ngunit ang tanging nakikita ko lang ay ang mga squarepants, trousers, leggings, and skirts. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Major na sana ay may dala akong "appropriate clothes."


Sa huli, pinili ko na lang ang isang high-waisted leggings. Perpekto ito dahil breathable, flexible, at syempre, maganda ang hubog ng aking mga binti rito. Kesa naman magsuot ako ng trousers na parang nasa opisina, hindi ba?


Sinunod kong hanapin ang pang-itaas. Sa dami ng bestida at mga sleeveless na blouse ay nahirapan akong maghanap ng t-shirt. Mabuti na lang ay may nakita akong fitted black shirt at iyon na ang kinuha ko. Inabot ko ang tuwalyang nakasampay sa gilid bago gumayak.


"Help me, God," bulong ko nang maalala na kailangan ko ulit maligo sa kakatwang banyo na iyon, o kung ano man ang tawag nila doon.


Mabilis akong naligo at nagsipilyo nang hindi inaalintana ang ginaw. Halos maiyak ako sa pag-alala sa aming heater sa mansyon. Pinilit kong huwag pansinin ang mga nakatingin na volunteers sa akin nang lumabas ako galing sa pagligo.


I did my skincare before taking out my chunky, white Balenciaga sneakers. Gusto ko iyon dahil komportable at dinadagdagan ang height ko dahil sa platform. At siyempre, para makumpleto ang look, itinali ko ang buhok at nagsuot ng isang black baseball cap.


Masigla akong lumabas ng tent at nag-martsa patungo sa main tent kung saan ang briefing.


"Hi, good morning," ngumiti ako sa mga nakakasalubong na tumitingin sa akin. Awkward naman silang ngumiti pabalik.


Pagpasok ko sa main tent, magulo na. Hindi na ako naghanap ng mauupuan at nag-desisyong tumayo na lamang sa gilid, malapit sa entrance. Aagaw pa ako ng atensyon kung sisingit sa gitna para umupo.


I focused my eyes on the board in front of us. May mapa doon na may mga pulang pin. Si Major naman ay abala sa tablet na hawak.


I rolled my eyes when I heard someone whistle. "Wit-wew!" at nasundan pa iyon ng ilang pigil na tawa ng mga sundalong nasa likod.


Napukaw ang atensyon ni Major Velasco dahil doon.


Nag-angat siya ng tingin sa pinanggalingan, sinuri ang kanyang mga tauhan bago bumaling sa akin. Hindi ko alam kung dapat ba akong ngumiti o sumaludo. Sa huli, nanatili akong parang estatwa at hindi ginawa ang alinman sa naisip.


Pinasadahan niya ng tingin ang buong katawan. Nakita kong bahagyang kumuyom ang kanyang panga bago ibinalik ang atensyon sa harapan. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin noon, pero pakiramdam ko'y hindi iyon maganda.


"Who was that?" he asked in a dangerously low voice while locking eyes to each and every person inside the tent. Walang sumagot. "Next time I hear that on my base, I'll make you run fifty laps around this perimeter. Eyes on the board. Now."


The silence that followed was louder than the whistle. Ilang saglit niya pang hinagod ng tingin ang kabuuan ng audience bago ibinaba ang hawak na tablet.


"Let's begin," he announced.


Nagsimula ang briefing sa mga military acronyms at operational jargon na pilit kong iniintindi. Maya-maya, isang seryosong babae na nagpakilala bilang si First Lieutenant Adela Ramos ang kumuha ng lead matapos si Major. Ipinakilala niya ang sarili bilang Civilian-Military Operations task group leader, ibig sabihin, siya ang contact person ng mga sibilyan na kagaya ko dito sa kampo.


Sinimulan niya ang mission-related speeches tungkol sa Operation Bangon Samar. Ang operasyon namin ay nakatuon sa pag-re-rebuild ng komunidad, relief distribution at iba pa.


"For the next three months, you are not tourists. You are extensions of this command's effort," pagpapatuloy niya habang pinagmamasdan ang crowd.


Matapos ang halos isang oras, nagsimula na si Lt. Ramos sa pagbibigay ng assignments. Lumabas na ang mga sundalo, kasama si Major at naiwan kaming civilian volunteers.


"...Abrajano, Llantada, you're with the engineering team for site assessment. Castro, Sandoval, and Madrigal..." Huminto siya saglit upang tingnan ako. "You'll be with logistics. Magreport kayo kay Master Sergeant Bustamante sa supply depot at zero seven hundred hours."


"Yes, Lieutenant!" sabay naming sagot.


Supply depot? Pakiramdam ko ay nakakabagot ang trabaho roon pero at least hindi ito katulad ng paghuhukay. Siguro naman ay kakayanin ko.


Pagkalabas ng main tent, kasabay ko ang mga makakasama sa depot at patungo na sana kami roon nang tawagin ako ni Major Velasco. May bitbit siyan green duffel bag, sinisipat ang suot ko na tila personal siyang naiinsulto dahil doon.


"Standard issue field attire. May mga cargo pants, shirts, and boots na size seven."


Bahagya akong napangiti dahil... paano niya nalaman? But then I realized, malamang ay nasa forms iyon na pinirmahan ko. Of course. He reads everything.


"Oh, thank you, Major."


"Magpalit ka bago pumunta sa depot. This is a military base, Madrigal. Not a yoga class."


Pabiro akong ngumuso. "And here I was thinking you liked my shoes, Major. Balenciaga pa naman ito." Tinanggap ko ang bag at baka sa akin pa ipagawa ang fifty laps na babala niya kanina.


Bago pa makasagot si Major ay biglang nagsumigaw ang aking tiyan. Tila nagsusumbong sa kanya na hindi pa ako kumakain magmula kagabi. Nagkatinginan kami ni Major kaya nakagat ko ang pang-ibabang labi.


"Eat first, Madrigal," aniya nang sulyapan ang relo sa kaliwang pulso.


"Aye, aye, Major!" I mock-saluted before walking away.


Mabilis akong kumain ng breakfast dahil hindi ako sanay na kumain mag-isa, kung hindi lang talaga ako gutom ay ipagpapaliban ko na lang sana.


Nang makapagpalit ng kausotan, agad kong tinahak ang daan patungo sa supply depot na gawa sa isang malaking tent. May mga tore kahon, mga sako, at crate na nasa loob. Abala ang lahat ng naroon sa kani-kaniyang trabaho. Sa kabilang side ay may linya ng sundalo na nagpapasahan ng malalaking kahon para maisakay sa military truck.


"Okay, team! 'Yung mga damit, i-segregate natin by gender and size! Yung pagkain, check the expiration dates bago ilagay sa family packs! Bilis-bilisan at baka abutan tayo ng ulan!" sigaw ng babaeng sundalo.


Nilapitan ko siya at nalamang siya nga si Master Sergeant Bustamante. Pinaliwanagan ako ng dapat gawin habang ipinapakita iyon. Simpleng pag-se-segregate lang naman ng donasyong damit, pagkatapos ay titiklupin. Madali lang, sanay akong magtiklop dahil lagi akong nagpa-pack nang sariling gamit tuwing may travel.


Mula sa tila bundok na tambak ng mga donasyon, unti-unti iyong numipis sa paglipas ng maghapon. Paulit-ulit ang galaw ng aking mga kamay hanggang sa naramdaman ang kaunting pananakit ng likod. Gayunpaman, nakagaan sa pakiramdam ko nang makita kaunti na lang ang natira.


Nagpatuloy ako sa iilang pirasong naiwan nang may marinig akong masiglang boses.


"Special delivery para sa pinakamagandang Master Sergeant ng Philippine Air Force!"


Isang matangkad na lalaki ang lumitaw, may hawak na dalawang baso. It looked like a weird-colored juice. Dumiretso siya kay Master Sergeant.


"Wow, Ken! Ano yan? Palamig?" tanong niya.


"Yes, the one and only buko pandan na paborito mo. Pampawala ng pagod," sagot ng lalaki na tinawag niyang si Ken.


"Napaka-very good mo talaga, thanks!"


Bumaling naman sa akin iyong Ken. "Oh, may bago pala tayong kasama! Hi, ma'am!" bati niya sa akin.


Iminuwestra ako ni Master Sergeant na tila isang celebrity guest. "Ken, this is Clara Concepcion Madrigal. Bagong volunteer natin dito sa logistics. Anak siya ni Senator Ramon Madrigal."


"Wow! Nice to meet you ma'am. I'm Sergeant Kendrick Real. And pinakamagandang lalaki sa buong Air Force, except kung dumaan si Major Velasco," nakangisi niyang turan.


Natawa ako at nakipagkamay. "Cion na lang, Sergeant."


Biniro pa niya ako na nakakadagdag-moral daw ang pagkakaroon ng magandang volunteer, saka inabot ang isa pang baso ng palamig bilang "welcome offering." Tinanggap ko iyon at napatango-tango nang matikman. Nakakaginhawa nga ang inumin na iyon.


Naging mabilis ang trabaho dahil kay Sergeant. Habang ako ang nagtutupi, siya naman ang taga-buhat ng mga kahon. Hindi rin siya nauubusan ng mga hirit at biro, dahilan upang maging mas tolerable ang pagod ko.


"Alright, people! Wrap it up!" anunsiyo ni Master Sergeant nang lumubog na ang araw. "Good work today."


Napabuntong-hininga ako sa ginhawa. Sa wakas! Tapos na ang unang araw ko. Hindi na ako makapaghintay na makaligo at siguro ay maayos nang kaunti ang aking buhok dahil halos alambre na dulot ng init.


Dumalo pa muna kami sa afternoon debrief bago ako inaya muli nina Master Sergeant Bustamante at Sergeant Real na sabayan silang kumain.


Maingay ang mess hall at amoy ulam ang paligid nang pumasok kami.


"Kumusta naman ang first day sa logistics?" tanong ni Mia.


"Well... it was better than I expected. Nakakapagod kahit repetitive yung trabaho ko but at least hindi ako bilad sa araw, unlike some poor souls I saw digging canals earlier," sagot ko habang tinutusok ang taba ng baboy sa ulam na adobo.


"'Di bale, ma-recommend nga kay Lt. Ramos na i-assign ka sa paghuhukay," biro ni Ken kya pinanlakihan ko siya ng mata.


Siniko siya ni Mia habang humahalakhak. "Ang sama mo!"


Habang kumakain, hindi natigil ang dalawa sa birong pagbabangayan tungkol sa lasa ng pagkain at sa pagiging bolero ni Ken. 


"Pero bakit ka nga pala nandito, Cion? Hindi ka mukhang pang-volunteer," usisa ni Mia.


Napaisip ako. It was a fair question though. Totoo naman na hindi ako yung ganoong tipo. Pero syempre, hindi ko naman pwedeng kaswal lang na sabihin ang tunay kong dahilan sa pagvo-volunteer dito.


"Let's just say... It is a matter of life and death," makahulugan kong sagot.


Tumango lamang si Mia pero malinaw ang iginawad niyang mapanuring tingin. "Well, masaya kaming narito ka. Ilang linggo lang panigurado ay sanay ka na sa kalakaran dito sa camp."


Masaya naming natapos ang hapunan kaya naman, dumiretso ako sa tent para kumuha ng pamalit at panligo. Mabilis lamang akong nakaligo ngayon dahil kaunti ang pila na ikinagulat ko pa nga noong una.


Umupo ako sa cot nang makapasok sa tent upang simulan na ang aking skincare routine. Sagrado para sa akin ang seremonyang ito at kailanman ay hindi ko pwedeng isuko. Dapat kahit nasa gitna ng disaster zone ay malambot pa rin ang aking balat.


Sinipat ko ang mukha matapos ang bawat hakbang sa aking routine. Tanging ang buhok na lamang ang problema ngayon. Masyadong maalinsangan ang panahon at sinisira nito ang natural na lambot at kintab ng aking mahabang buhok.


Hinanap ko mula sa mga bagahe ang hair dryer na solusyon sa aking problema. 


"Gotcha," bulong ko nang matagpuan iyon. Hugis puso na ang aking mga mata habang tinitingnan iyon.


Humanap ako ng saksakan sa loob pero bigo ako. Sinundan ko ang linya ng kuryente mula sa ilaw sa aming tent, mukhang nasa labas ang pinagsasaksakan noon. Pagkaraan ng ilang hakbang, nakita ko ang isang shed at saktong may bakantent outlet. Isinaksak ko ang hair dryer para simulan na ang pagpapatuyo ng buhok.


Kumakanta kanta pa ako nang biglang magliwanag ang outlet dahil sa pag-spark noon, na nasundan ng maliit na pagsabog dahilan upang mapatili ako nang bahagya.


Agad kong binitiwan ang hair dryer. At kasabay ng panic ko ay ang amoy ng plastic na nasusunog at ang biglang pagdilim ng kalahati ng kampo. 


Shit. What just happened?


No, no, no.


The next thing I knew... the flap of the command tent several feet away was thrown open. Isang pamilyar na pigura ang lumabas mula roon. I immediately recognized the rigid posture and the aura of pure, unadulterated fury.


Major Velasco himself stepped out of the command tent, looking like he was ready to court-martial whoever just murdered the power.


"Oh my god, he's mad," bulong ko sa sarili.


Sapo ang noo, bahagya akong yumuko at umasang hindi niya mapapansin sa gawing ito. Ngunit hindi ang kagustuhan ko ang nangyaari dahil ilang saglit lang ay narinig ko na ang pamilyar niyang mga yabag.


"Madrigal. Explain what this is, now."


"Uhmm... I just want to dry my hair, Major. So... I plugged in my hairdryer to blow dry."


"And you did it during generator hours? We don't just plug things out of whim here, Madrigal."


Hindi ko alam kung dapat bang ipagpasalamat ang kalmado niyang boses o mas lalong dapat ikatakot.


"Sorry... I didn't plan naman to sabotage the base, Major. Sobrang frizzy lang talaga ng buhok ko and I can't help it. Ayoko nang ganoong buhok, that's why I decided to blow dry," marami pa dapat akong sasabihin pero pinigilan ko na ang sarili nang makita ang kabuuan ng reaksyon niya.


"Miss Madrigal, this base runs on limited fuel reserves. Every watt counts. That..." he gestured at the hairdryer, "is not essential equipment."


"I'm sorry, okay? Hindi ko naman alam na ganito pala yung mangyayari. It wasn't my intention, Major. I promise."


"Regardless of your intention, our generator is not for your comfort," iritado niyang sagot.


Pinisil ko ang mga daliri at hindi siya tiningnan. Sa halip ay pinalibot ko ang tingin sa ngayo'y madilim na kampo, madalim dahil sa akin. "I-I'm sorry, Major. It won't happen again."


Huminga siya nang malalim at pinulot ang hair dryer ko. Pinanood ko kung paano niya pagalit na hinablot iyon. "This stays in the armory until your immersion ends. Makukuha mo pagkatapos nito."


Hindi na ako nakaangal. Damn! He's confiscating it.


Nang akala ko'y tapos na ay naglabas siya ng isang maliit na notebook at ballpen. May isinulat siya roon, kunot ang noo.


"Consider this your strike one, Madrigal. Three strikes, and I am personally flying you back to your father. Do not test me," nagbabanta ang kanyang tono.


I bit my lip and nodded at him. "Yes, Major. Sorry."


"Go back to your tent," matigas niyang utos bago ako tinalikuran, bitbit ang aking hair dryer.



xxelanator
xxelanator

Creator

#military #soldier #romance #grumpy #sunshine #forced_proximity #Camp #arranged_marriage #adult_romance

Comments (0)

See all
Add a comment

Recommendation for you

  • Primalcraft: Scourge of the Wolf

    Recommendation

    Primalcraft: Scourge of the Wolf

    BL 7.3k likes

  • Secunda

    Recommendation

    Secunda

    Romance Fantasy 43.4k likes

  • Primalcraft: Sins of Bygone Days

    Recommendation

    Primalcraft: Sins of Bygone Days

    BL 3.5k likes

  • Arna (GL)

    Recommendation

    Arna (GL)

    Fantasy 5.6k likes

  • What Makes a Monster

    Recommendation

    What Makes a Monster

    BL 76.8k likes

  • The Last Story

    Recommendation

    The Last Story

    GL 59 likes

  • feeling lucky

    Feeling lucky

    Random series you may like

Lightning On Quiet Skies
Lightning On Quiet Skies

63 views1 subscriber

Philippine Air Force Major Adam Voltaire Velasco only believed in rules, order, and precision. Not until Clara Concepcion Madrigal, the only daughter of a respected senator came on his base and challenged his discipline.
Subscribe

6 episodes

04 00

04 00

8 views 0 likes 0 comments


Style
More
Like
List
Comment

Prev
Next

Full
Exit
0
0
Prev
Next