Please note that Tapas no longer supports Internet Explorer.
We recommend upgrading to the latest Microsoft Edge, Google Chrome, or Firefox.
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
Publish
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
__anonymous__
__anonymous__
0
  • Publish
  • Ink shop
  • Redeem code
  • Settings
  • Log out

Lightning On Quiet Skies

05 00

05 00

Mar 27, 2026




Kung kahapon ay malaki ang ngiti ko at mataas ang kumpiyansa sa sariling lumalakad patungo sa main tent para sa morning brief, ngayon ay hindi na. Bawat hakbang ko ay may kakaibang bigat. Hindi lang dahil sa combat boots, kundi pati na rin sa kahihiyan at konsensiya sa kasalanan.


Strike One, ayon kay Major.


Nakayuko lamang ako habang tinatahak ang maputik na daan patungo sa main tent, pinapanood kung paano mabalot ng putik ang aking boots.


Pagpasok sa loob ay sinikap kong paliitin ang sarili at hindi maging kapansin-pansin. Ni hindi ko tinitingnan ang kahit na sino sa mata at diretso lang sa pinakadulong upuan. Malayo sa mga nag-kukumpulan na ang tanging usapan ay ang saglit na pagdilim ng kampo kagabi.


And as if he was summoned by my guilt and fear, Major Velasco entered the tent. Pakiramdam ko'y binuhusan ako ng malamig na tubig.


Kung saan saan dumako ang tingin ko. Anything, but him. But it was all useless because I could feel his gaze sweeping across the entire tent, a usual quick scan of his personnel before starting. And then, I felt it land on me. May kung anong humila sa akin, dahilan para mag-angat ng tingin. Nagtagpo ang aming mga mata na lalong nagpakabog sa aking dibdib. 


The gaze he used on me felt like he's telling me to behave today. And I am really going to do that.


"Good morning. I hope you're all well-rested," panimula niya. His voice was the same crisp and commanding baritone as always.


"Today's focus is Barangay Burgos. It's a small community north of our current position. It's elevated, partially forested, and difficult to reach by vehicle. We expect heavy mud and narrow trails."


Tumango-tango ako, akala mo naman ay talagang naiintindihan ko.


Huminto siya saglit para sulyapan ang operations map na nakapaskil sa harapan. Sinundan ko ng tingin ang kanyang mga daliri na bumabaybay sa linya ng terrain.


"Air mobility isn't viable due to weather and terrain restrictions. Ibig sabihin, we can only go by foot. You'll be trekking roughly three kilometers uphill. Pack light, with your essentials only."


The words three kilometers echoed in my head like a death sentence. Tingin ko nama'y sa depot pa rin ang assignment ko ngayon.


"You'll be coordinating with local officials for medical outreach and logistics assessment. Communication relay teams will remain active in case of emergency. Lieutenant Ramos will handle team distribution and lead the CMO personnel for this phase."


Ilang segundo siyang huminto bago nagtanong: "Any questions?"


Walang umimik dahil para sa akin, malinaw naman ang lahat ng bilin niya at paliwanag. Tingin ko'y ganun din naman ang iba. 


Pagkatapos ng briefing, halos tumalon na ako palabas. Hindi na muling tumingin sa akin si Major. Mabuti na tin iyon dahil hindi ko pa kayang harapin ang laser eyes niya.


Bago pa man ako makalayo ay pumwesto na sa magkabilang gilid ko sina Sergeant Real at Master Sergeant Bustamante. At syempre, ano pa ba ang pag-uusapan nila?


"Sabi ni Sergeant Paez, yung taga-engineering, may nag-overload daw kasi ng circuit."


"Talaga? Mabuti at naayos nila agad. Sobrang dilim kagabi sa labas."


Nanatili akong tahimik at nakatitig lang sa bawat hakbang.


"Baka kasi may nagdala ng karaoke machine?" ani Ken, natatawa pa."O kaya may nag-try gumamit ng portable aircon sa tent. Iba rin kasi ang init kagabi, 'di ba?" hirit ulit ni Ken.


Natatawa siyang inabot ni Mia para pabirong mabatukan. "Sira! May ganun ba? Saka saan mo itatago ang aircon, aber?"


"Hindi kasi yung aircon mismo ang dinala niya kundi si Doraemon."


Sabay silang nagtawanan na halos magkandasamid pa. 


Hindi ko na tuloy natiis na kimkimin na lang ang lahat ng ito sa sarili. Nagpasya akong aminin ang lahat sa kanila.


Bigla akong tumigil sa paglalakad at huminga nang malalim. "Hindi kasi yung aircon mismo ang dinala niya kundi si Doraemon."


"Okay... It was me."


Hindi naman nila naunawaan ang sinabi ko. Nakatitig lamang at parehong lito ang reaksyon.


"Ha?" Ken was the first to speak.


"Ako yung reason. I plugged in my my hairdryer last night that's why nag-brownout saglit kagabi," sabi ko sa napakahinang boses.


There was a moment of stunned silence. And when I looked up to check for their reaction, they just looked confused, probably trying to process how I caused such a logistical catastrophe. I braced myself for their judgment, for their disappointment.


Pero hindi ganoon ang nangyari dahil... bigla silang nagtawanan ng pagkalakas na halos malalagutan na ng hininga. Pati ang mga napapadaan ay tumitingin sa amin.


Nagawang magsalita ni Mia kahit sa gitna ng pagtawa. "Oh my goodness, Cion! Ikaw pala! Bakit ka naman nagpaandar ng salon?"


"Salon services by Clara Concepcion Madrigal, sponsored by the AFP power grid," pang-aasar ni Ken habang pinupunasan ang luha sa gilid ng mata.


Nang humupa ang tawa nila ay saka lang kami tuluyang nakapag-usap.


"Kung ikaw 'yon... paano nalaman agad?" tanong ni Mia.


"Lumabas siya galing sa Command Tent tapos nahuli ako."


"Si?..." sabay nilang tanong.


Kinagat ko ang labi at tiningnan silang dalawa. Sa tingin ko naman ay hindi ko na kailangan pang tukuyin kung sino at maiintindihan na nila.


Nasapo ni Mia ang noo pero nakangisi pa rin. "Kawawa ka naman pala."


Umakbay pa sa'kin si Ken bago nagsalita. "At least nabinyagan ka na. Nakakatakot pa naman si Major. Mas gusto ko pa yatang masigawan kesa titigan niya e. Nung nagka-typo ako dati sa report, kalmado lang niya kong pinagalitan pero na-trauma ako," kwento niya. Nilingon ko tuloy siya.


"Really? You already got scolded by him?" tanong ko.


Tumango siya. "Oo, Cion. Simula noon lagi ko nang chinecheck yung mga gawa ko. Kahit nga yung pagta-type ng text sa nanay ko, chine-check ko pa for any typo."


Mia raked her fingers gently through my hair. "At least hindi ka naman pinaglinis ng latrine ni Sir. Saka mabuti hindi ka pinauwi kaagad kasi alam ko dati may pinauwi siyang volunteer eh. Buti na lang may anting-anting ka," biro niya.


Ngumuso ako. "Wala akong anting-anting, okay? Baka lang napagod siya kagabi kaya hindi na ako pinagalitan nang husto, saka hindi ko naman kasi talaga sinadya."


Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa biro ng dalawa. Well... at least, I have allies who find my stupidity funny instead of annoying.


Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating ang supply depot. Mga de lata naman ang kailangan kong patuonan ng pansin ngayon dahil may relief drop para sa iba't ibang barangay ng Basey mamayang hapon. Kailangang maisakay ang packs sa mga plane bago sumapit ang hapon.


Abala ako sa seryosong pagbabalot nang lapitan ako ni Mia.


"Cion, pinapatawag ka sa Sorting Area. Pumunta ka na muna roon," saad niya.


Bahagyang nanlaki ang mata ko dahil sa biglang kaba. Bakit kaya ako pinapatawag? May kasalanan na naman ba ako?


Marahil ay nabasa ni Mia ang pagkasindak sa mukha ko dahil natawa siya at banayad na hinaplos ang balikat ko. "Don't be so scared, Cion. Pinapatawag ka lang naman, hindi inaaresto. Sige na, pumunta ka na roon. Major Velasco is waiting."


Bakit parang mas lalo akong kinabahan? Hindi nakakakalma ang 'Major Velasco is waiting' para sa akin ngayon. 


Kahit nanlalamig ay binitiwan ko ang ginagawa upang magtungo na sa sorting area. Nag-uunahan ang mga dahilan at palusot sa isipan ko kung sakali mang may bago akong kasalanan. Nakagat ko ang labi nang mamataan si Major na abala sa mga kahon.


Lumapit ako at nakitang wala naman siyang hawak na posas. Mabuti naman.


Nag-angat siya ng tingin nang mapansin ako. 


"Major..."


Inilahad niya ang isang kahon na may sticker ng Madrigal Aero. What is that?


"May dumating na package kasabay ng official supplies. It was addressed to you."


Para akong nabunutan ng tinik ng balyena at nakahinga ng maluwag. Package lang naman pala ang dahilan ng pagpapatawag sa akin rito, kung anu-ano pa ang pinag-iisip ko.


"Wow! I didn't know that's possible here," puno ng galak ang aking boses. 


Mabilis kong nilapitan ang kahon para kunin iyon at madala na sa tent pero pinigilan ako ni Major. Nagtataka ko siyang binalingan.


"I have to inspect that first." Tinuro niya ang box na hawak ko. "Just protocol. Security flagged a package with unidentified electronics that didn't clear inspection," he said.


Agad kong inalis ang kamay ko sa kahon at umatras nang kaunti. "Oh, yes, of course. Go ahead, Major. Pero... alam niyo po ba kung sino ang nagpadala?"


Kunot noo niyang tiningnan iyong waybill na nasa kabilang side. "Winona Lynette Arevalo."


Napasinghap ako. Wily.


Nasapo ko na lang ang noo habang pinapanood si Major na binubuksan ang kahon.


Dapat ko bang bigyan ng babala si Major sa kung anu-ano ang posible niyang makita riyan? Dahil sa pagkakailala ko sa best friend ko, siguradong hindi man lahat, kalahati niyan ay kontrabando. That woman is the literal embodiment of intrusive thoughts!


Napadasal na lang ako na sana matitinong bagay ang laman ng package niya.


Halos hindi ako huminga nang umpisahang ilabas ni Major ang mga nasa loob noon. Una kong nakita ang ilang pakete ng wet wipes, tissue, facial sheet masks at mga skincare oils and serum. Nagpakawala ako ng hangin. Okay. Matitino naman ang mga iyon.


"See? Walang contraband, Major. Just very normal stuff," komento ko.


Saglit niya lang akong sinulyapan bago nagpatuloy.


Sumunod niyang inilabas ang napakaraming tsokolate. Tapos ay isang sketchpad at iba't ibang uri ng mga lapis. Sumilay ang ngiti sa aking labi.


Sa pagkakataong iyon ay bumalik ang kumpiyansa ko sa kaibigan. Akala ko ay ipapahamak niya na ako eh!


Maya-maya ay may kinuha ulit siya sa loob at ito na ang naging dahilan ng pagsasalubong ng kanyang mga kilay. Oh no!


Inangat niya iyon at doon ko nakita kung ano. It was a thick paperback book featuring a very muscular, and very topless soldier glistening with sweat and hugging a woman with almost no clothes. The title was bold and embossed: Seducing the Commander.


What the hell, Wily?!


Hindi man lang kumurap si Major nang tingnan iyon, sa halip ay binuklat pa niya ang likod noon para basahin ang blurb. At hindi natapos doon dahil mayroon pang isa! The Captain's Secret Baby.


Sa pagkakataong iyon ay nag-angat na siya ng tingin sa akin.


"Those are... for stress management, Major... and because I love literature."


Talagang magdasal ka na Winona Lynette! Sisiguraduhin kong makakalbo ka pagbalik ko!


Huminga ng malalim si Major saka itinabi ang mga libro. "You may keep them, but they won't leave your tent. Understood?"


Tumango ako at muling kumalma.


Nagpatuloy siya sa paglabas ng natitirang gamit doon. Isang puting kahon ang umagaw sa kanyang pansin, may nakaguhit dito na parang mukha. Nang buksan niya iyon ay tumambad ang isang LED Light Therapy Mask. I felt giddy when I saw it.


Bakas sa mukha ni Major na nahihiwagan siya sa kung anong nakikita. Nilingon niya ako na tila naghihintay ng paliwanag.


Nalulugod ko namang pinaliwanag kung ano iyon. "That is an LED Mask, Major. You put it on your face at night to regenerate collagen production. That's my secret to poreless skin," paliwanag ko.


"Does this require electricity?" pinakialaman niya ang switch noon. Umilaw ang pulang ilaw na lalong naging dahilan ng pagdikit ng kanyang mga kilay.


"Yes..." I answered.


"Then, this is a no. You're not plugging anything anymore," aniya saka ibinalik sa loob ng case at hiniwalay sa iba pang laman ng package.


Oo nga pala, hindi pwede ang kaartehan ko. Pero ayos lang naman sa'kin dahil sapat naman na iyong mga sheet masks.


Nagpatuloy siya sa paghalukay sa loob nang may kung anong nagpahinto sa kanya. Iniangat niya ang isang kumpol ng mga tela. Lumalim ang kunot sa kanyang noo nang hindi maintindihan iyon agad. 


Samantalang ako, nag-iinit na ang batok dahil napagtanto ko na kung ano iyon. It was all sheer and lacy panties! At hindi man lang naka-pack nang maayos?


Looking at him holding those thin fabric between his fingers like it was a hazardous material, has sent jolts of electricity into my spine that were out of this world.


And when maybe he finally realized what it is, he shoved them back into the box aggressively like he's been burnt from it. He cleared his throat afterwards.


Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Kunin mo na, but the mask stays here," aniya.


Lumapit na ako para buhatin iyon nang malaglag ang isang pink note sa harap ni Major. Pinulot niya ito at binasa. Umangat ang kilay niya kaya't hinablot ko kaagad iyon.


"Thanks, Major. I'll go ahead," paalam ko.


Nagmamadali akong naglakad palayo sa sorting area. Halos liparin ko na nga ang daan pabalik habang bitbit ang kahon dahil sa kahihiyan. Pakiramdam ko ay medyo matagal ko bago mapatawad ang kaibigan.


Sa tingin niya ba saan ko magagamit ang mga underwear na iyon at magpapadala siya?


Paulit-ulit akong umiling at padabog na ibinaba ang kahon sa tabi ng aking tulugan. Pasalampak akong naupo at kinuha ang pink note na hinablot ko kay Major. Lukot-lukot na ito sa higpit ng hawak ko. 


Babe! Here are your essentials! Wear the black lace so Captain Jawline notices you. Happy hunting! And don't die a virgin! Xoxo

-Wily.


Natutop ko ang bibig.


Holy hell! Iba rin talaga ang ma-eskandalong bokabularyo ng babaeng ito!


Agresibo akong umiling at bumalik na lamang sa depot matapos ayusin ang mga padala. Nang makabalik ako sa pwesto ay natanaw ko na si Mia na papalapit suot ang mapaglarong ngisi. 


"O, buhay ka pa naman," bati niya sabay ngisi. "Kumusta sa Sorting Area? Anong verdict sayo ni Major Velasco?"


"It was... horrifyingly embarrassing, but I survived," I said.


"Ibig sabihin?" usisa niyang lalo.


"Uhmm... Well, nagpadala yung best friend ko ng package. It's just a few skincare items, chocolates, sketching materials... at mga libro. But Major didn't allow me to keep my LED mask, bawal na raw akong magsaksak."


"Aba, dapat lang 'yun Cion," natatawang tugon ni Mia. "Huwag mong sabihin na may balak ka ulit magsaksak ng kung ano?"


"Of course not! I've learned my lesson perfectly. Hindi na 'ko uulit," depensa ko.


Humalakhak si Ken na nasa likod ko na pala. "Siguraduhin mo lang, Cion. Na-trauma pa 'yun si Sir dahil sa kung anu-anong pinagsasaksak mo," pang-aasar niya.


"Whatever, Sergeant. I'm not stubborn okay?" irap ko bago itinuloy ang naiwang ibabalot. "Anyway, I have chips. I'll share some with you guys later."


"Yan ang gusto ko sa 'yo, Cion!" hirit ni Ken.


Lumipas ang buong maghapon at naabot naman namin ang takdang quota para sa mga dapat na maibalot para sa relief drop. Saglit kaming nagpahinga at tumambay sa dulong bahagi ng kampo, malapit sa perimeter fence, tinatanaw ang mga puno ng mangga na nakahilera.



xxelanator
xxelanator

Creator

#military #soldier #Camp #romance #forced_proximity #sunshine #arranged_marriage #grumpy #love

Comments (0)

See all
Add a comment

Recommendation for you

  • Silence | book 1

    Recommendation

    Silence | book 1

    LGBTQ+ 27.3k likes

  • The Last Story

    Recommendation

    The Last Story

    GL 70 likes

  • Primalcraft: Sins of Bygone Days

    Recommendation

    Primalcraft: Sins of Bygone Days

    BL 3.5k likes

  • Secunda

    Recommendation

    Secunda

    Romance Fantasy 43.4k likes

  • Primalcraft: Scourge of the Wolf

    Recommendation

    Primalcraft: Scourge of the Wolf

    BL 7.3k likes

  • I Love You; Goodbye.

    Recommendation

    I Love You; Goodbye.

    Fantasy 489 likes

  • feeling lucky

    Feeling lucky

    Random series you may like

Lightning On Quiet Skies
Lightning On Quiet Skies

80 views1 subscriber

Philippine Air Force Major Adam Voltaire Velasco only believed in rules, order, and precision. Not until Clara Concepcion Madrigal, the only daughter of a respected senator came on his base and challenged his discipline.
Subscribe

6 episodes

05 00

05 00

11 views 0 likes 0 comments


Style
More
Like
List
Comment

Prev
Next

Full
Exit
0
0
Prev
Next