'Time is tickling.' yan ang bagay na nasa isipan niya habang naglalakad papunta sa St. Peter Square. Mabilis niyang inibot ang paningin para hanapin ang susunod niyang dapat puntahan. Tiningnan niya ang bawat estatwa kahit ang mga pigura ng mga santong naroon. Napatingin siya sa relo dahil kailangan niyang magmadali para makarating na pupuntahan niya. Nakakita siya ng isang kumikinang na bagay. Batid niyang siya lang ang nakakapansin niyon. Mabilis siyang nagpunta sa pinakagitna ng St. Peter Square para tingnan ang kumikinang na bagay.
"Isang palatandaan," bulong niya at hinawakan ang kimikinang na bagay.
Dahil tirik na tirik ang araw nang hinawakan niya ang bagay na iyon ay mabilis iyong nagreflect papunta sa ibang direksyon at mulibg bumalik papunta sa Basilica. Doon naman niya nakita ang susunod na bagay na kumikinang. Iyon ang susunod na palatandaan. Mabilis niyang tinahak ang direksyon niyon. Sumabay siya sa kumpol ng mga turista ring papasok ng Basilica para hindi siya mapaghalataan.
Nang nasa loob na siya ay pilit niyang hinanap kung nasaan ang bagay na kumikinang na nagkaroon ng repleksyon kanina. Puro mga painting lang ang naroon kaya medyo nagduda siya kung nasaan naroon ang kumikinang na palatandaan. Naglakad-lakad pa siya para mahanap ang bagay na kumikinang hanggang makarating siya sa kinatatayuan ng altar.
Sinubukan niyang hanapin kung naroon ang palatandaan. Nakailang libot siya ng paningin bago mahanap ang isang maliit at kumikinang na bato na medyo tago sa nakakarami. Balak niya itong lapitan pero napansin niya ang isang Vatican Guard na nakamasid sa galaw niya kaya mas minabuti na niyang umalis muna para hindi siya mapaghalataan.
Naghintay siya ng ilang oras sa loob habang sumasabay sa mga turistang naroon. Dahil baka magkaroon siya ng pagkakataong makalapit sa altar at matingnan nang malapitan ang bato. Hindi naman siya nagkamali dahil mismong yung tourist guide ang nagpalapit sa kanila sa pinakaaltar. Eksakto namang tumama ang sinag ng araw sa bato. Hindi niya alam kung coincidence lang ang nangyari o sadyang sinayang ganitong oras siya makarating doon. Kumislap ang bato nang masinagan ng araw at nagsimulang tumama ang repleksyon nito sa isa sa mga pintuan malapit sa altar.
Mabilis niyang tinungo ang pintuan. Pero sadyang nakakandado ito. Muli siyang napatingin sa may bato na nakatama ang repleksyon nito sa pintuan. Bigla naman siyang nilapitan ng isang tour guide na ikinagulat niya.
"I think this yours," ani ng tour guide.
Inilahad naman niya ang kanyang mga kamay kahit hindi niya alam kung ano yung ibibigay ng tour guide. Iniabot naman ng tour guide ang uv flashlight. Medyo nagtaka naman siya dahil hindi niya alam kung anong gagawin. Tiningnan niya kung anong nagagawa ng flashlight na hawak niya except sa magbigay ng ilaw. Nakailang tanggal na siya ng baterya nito at ng mga salamin at bumbilya ay wala siyang makitang iba kundi isang ordinaryong flashlight na uv.
"Hindi naman siguro masamang gumamit ng flashlight dito sa loob ng Basilica," aniya sa sarili.
Ibinalik niya sa ayos ang flashlight at binuhay. Hindi naman sinasadya na tumama sa pintuan ang liwanag niyo. May naaninag siyang mga letra. Mukhang nakuha na niya ang gamit ng flashlight na binigay sa kanya. Kinuha niyan ang notebook at ballpen na nasa bulsa niya. Itinapat naman niya ulit ang flashlight sa may pintuan. Nagsimula na niyang isulat yung nakasulat sa pintuan.
למי יש אמונה, לגעת הדלת באמונה מלאה הדרך תהיה פתוחה
Hindi niya alam kung anong ibig sabihin niyon dahil kahit letra hindi niya maintindihan. Itinago niya ang flashlight dahil baka magagamit pa niya iyon sa susunod na araw o oras. Naglalakad siya palabas nang mabunggo niya yung isang tour guide. Eksaktong tour guide na nag-abot sa kanya ng nahulog kuno niya na flashlight.
"Sorry," paumanhin niya at mabilis na naglakad palabas.
Nasa gitna na siya ng St. Peter Square nang maalala niya na wala pala sa kanya yung notebook na sinulatan niya ng code na hindi niya maintindihan. Pabalik na sana siya nang may biglang humablot sa braso niya.
"Your too fast," hingal na wika ng tour guide na nakabunggo niya kanina.
"May kailangan ka?" mabilis niyang tanong at bigla niyang nasapo ang noo dahil hindi pala marunong ng Filipino ang tour guide.
"I mea...,"
"Naiintindihan naman kita," nakangiting wika ng tour guide.
"Ahhh, ganon? Ma...may kailangan ka?" tanong niya na medyo kinakabahan.
"May nakalimutan ka, nahulog mo uli," paliwag ng tour guide sabay labas ng notebook niya.
Mabilis naman niya itong kinuha at muling tiningnan yung tour guide.
"Hindi naman sa nakikielam ako ha, alam mo ba yung nakasulat d'yan sa note book mo?" namumula nitong wika.
Napakamot na lang siya ng batok dahil kahit siya ay hindi alam ang sinulat niya. Balak pa niyang maghanap ng tulong. Pero dahil mukhang nilalapitan na siya ng swerte bakit pa niya kailangang tumanggi.
"Alam mo ba? As in naintindihan mo?" diretso niyang tanong.
Biglang nawala ang pamumula ng tour guide at tumuwid ng tayo.
"Medyo nakakaintindi ako ng Hebrew Text," sagot nito sa kanya.
"So? Ano yung ibig sabihin?" nasasabik niyang tanong dahil nga solve na ang problema niya.
Binuksan naman ng tour guide yung notebook at binasa.
"English na lang ang gagawin kong translation. Medyo mahirap pag Filipino eh," ani ng tour guide.
Napatango na lang siya dahil wala naman siyang magagawa. Yun din naman ang ibibigay sa kanya na translation.
"Ok... To whom has Faith, touch the door faithfully and the way will be open," tugon ng tour guide.
Napangiti na siya dahil mukhang makakapasok na siya. Lalakad na sana siya pabalik sa may pinto nang hawakan muli ng tour guide ang braso niya.
"Saan to galing?" tanong nito sa kanya.
"Ahhh, bigay lang yan sa akin ng kaibigan ko. Pinapahap yung sa translation niyan," pagsisinungaling niya sabay ang pekeng tawa.
Mukhang nakumbinsi niya ang tour guide dahil bigla nitong inabot yung notebook. Nagpasalamat naman siya bago tuluyang umalis. Nang makabalik siya sa pintuan ay hindi na nakatama ang repleksyon ng bato rito. Huming siya ng malalim bago hawakan ng dalawang kamay ang pintuan na tila tinutulak. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at inalala ang translation na sinabi ng tour guide.
"To whom has faith, touch the door faithfully and the way will be open," bulong niya.
Mabilis niyang inisip kung ano ang ibig sabihin ng mga katagang iyon. Narandaman niyang medyo lumalambot naang bagay na tinutulak niya at bigla na lang siyang bumagsak sa sementadong sahig. Napahawak na lang siya sa ilong niya na unang tumama nang bumagsak siya. Medyo nagdiwang pa siya nang walang dugong umaagos kung may sugat. Nagbalik siya sa sarili nang makita ang kinabagsakan niya. Isang napakahabang corridor na gawa siguro sa ginto ang mga mwebles sahil nagsisikinang iyon. Marami ding nakalambitin na puti at ginto siguro na seda.
Naglakad-lakad siya sa corridor at medyo na tempt siyang kumuha pero naisip niya kung ano ba talaga ang pinunta niya rito. Patay malisya na lang siyang nagpatuloy sa paglalakad kahit talagang natetempt siyang kumuha. Himinga siya ng sobrang lalim at nagpatuloy hanggang makarating siya sa pinakadulo ng corridor. Mabilis niyabg binuksan ang mga pintuan para makalayo sa mga temptasyon na nandoon sa corridor.
Akala lang niya iyon dahil halos bumagsak ang panga niya sa pinasukan niya. Isang kwarto na puno ng hubad na babae at hindi lang iyon. Nakangiti lahat ng iyon sa kanya. Hindi lang iyon dahil mukhang tuwang-tuwa ang mga babae na naroon siya. Hindi niya mapigilang mapalunok dahil nakahain nasa kanya ang mga bagay na halos pinapantasya ng halos lahat ng kalalakihan.
"Hello darling," malanding bati ng unang babae sa kanya.
Mabilis siyang hinila nito at pinaupo sa isang upuan na parang trono. Sinubuan siya ng ubas na tila isang hari. Hindi na niya gaanong mapigilan ang sarili mula sa tawag ng laman. Nagsisayaw pa sa harapan niya ang mga hubad na babae na tila masayang-masaya na makita siya. Hahalikan na sana niya ang unanh babae nang maalala niya kung bakit siya narito. Kaya mabilis siyang tumayo at itinulak ang babae.
"Chastity," malakas na sigaw niya.
Tila nawindang ang lahat ng naroon dahil nagsitigil ang mga nagsasayaw. Gulat siyang tiningnan ng mga ito. Isa naman sa naggagandahang babae ang lumapit sa kanya at itinulak pabalik sa upuan niya. Pwede niyang masabing dito na lang siya pero determinado siyang matapos ang kailangan niyang gawin. Isinubsob naman ng babae ang mukha niya sa dibdib nito. Kahit parang nakakapang-akit ang amoy para sa kanta ay tinulak niya ito.
"Layuan mo ako!" malakas niyang sigaw at muling tumayo.
Hinablot pa siya ng ibang babae at muling pinaupo sa trono. Nagpumilit siyang tumayo at pilit na umalis dito. He knew the scent of lust all over this place kaya kailangan niyang makatayo at makaalis bago siya matuluyang madala ng tukso. Wala naman siyang alam kung paano makakalabas kahit magtatakbo siya sa buong kwarto para makahanap ng pintuan ay wala siyang napala. Inilibot niya ang kanyang paningin at sa pagkakataong iyon ay naabutan na siya ng mga babae. Halos punitin na nito ang mga damit niya pati strap ng bag niya sinira nila.
"Dito ka lang. Dito ka na lang," sabay-sabay na wika ng mga babae.
Bigla siyang kinilabutan at nagpupumiglas. Napapikit na lang siya nang may isang babaeng na hahalik sa kanya habang nagpuoumiglas. Pero minulat niya yung mga mata niya dahil kailangan niyang makahanap ng daan para makaalis. Nagimbal siya nang makita ang mga naroroon na hindi na magagandang babae kundi mga nilalang na mapulat ang balat.
"Lumayo kayo sa akin!" sigaw niya.
Bigla namang may isang pintuan na nagbukas. Natigilan naman ang mga babae? nilalang na nandoon. Kinuha naman niya ang pagkakataon para makatakbo papunta sa pintuan. Hinila din niya ang bag niyang sira na. Nakahinga naman siya ng maluwag nang makalabas siya sa masalimuot na lugar na iyon.
...
Comments (1)
See all