Please note that Tapas no longer supports Internet Explorer.
We recommend upgrading to the latest Microsoft Edge, Google Chrome, or Firefox.
Comics
Novels
Mature
Merch Shop
Discover
Daily feed Comics feed

A stream of trending comic episodes

Help Discord Newsfeed Studio Tapas
Log in
Publish
    Home
    Comics
    Novels
    Mature
    Merch Shop
    Discover
  • Comics feed
  • Help
  • Discord
  • Newsfeed
  • Log in or Sign up
  • Get the iOS App

Boy, you're in TROUBLE

Prologue

Prologue

Sep 11, 2018

Synopsis


" So... This is what you want huh? " ang nakangising tanong ni Blaise kay Reileigh habang piin piin niya ang dalawang kamay nito sa pader, sa ibabaw ng ulo nito gamit lang ang kaliwa niyang kamay.

Napayuko naman si Reileigh at pinamulahan ng mukha. Pero hinawakan nang mahigpit ni Blaise ang baba niya ng mahigpit saka sapilitang pinatingala nito upang magsalubong ang kanilang mga mata.

" Tell me Lei, ito ba ang dahilan kung bakit hindi mo ako magawang sagutin? Dahil iba pala ang hanap mo huh? " ang madiing dagdag pa ni Blaise.

" Blaise... Just... Just let me go ok? Forget about it, wala namang kinalaman- " pero naputol ang kaniyang sasabihin at isang ungol ang kumawala mula sa kaniyang bibig nang bigla nitong itukod ang tuhod sa kaniyang kaselanan.

" Forget about it? Hah! You're unbelievable! "

" Blaise... Please... "

" If a master is what you want, what you need. I'm will fucking give it to you... "

" If pain is what you really want then, it's pain that I would give to you."

And to prove his points, he kneed and grind his groin very hard to the point that he's panting, gasping and moaning in pain.

" Just tell me Lei, just ask it.... and I will be your master, the dom that you want. "

Then he kissed him on his lips, hard and forceful. He bit it until it bleed. He suck it until it gets swollen. He kiss him until he can't no longer breath.


Prologue



Tahimik na nagbabasa sa kaniyang silid ang walong taong gulang na batang si Reileigh. Masyado siyang nakatutok sa librong kaniyang binabasa at halos nakalimutan na niya ang kaniyang paligid. Tungkol ito sa kalawakan, planeta at mga bituin, manghang mangha siya sa kung papaanong nabuo ang mga ito. Pero ang mga sandaling iyon ay naputol nang sunod sunod na mahihinang pagkatok ang nang galing mula sa pinto ng kaniyang silid.

" Young master, pinapatawag po kayo ng inyong Mama. " ang ani ni Butler Arold mula sa kabila ng pinto.

Sa una ay hindi niya ito pinansin ganun uli nang muling kumatok ito. Wala na kasi siyang amor na makita pa ang kaniyang mga magulang di tulad nitong mga nakalipas na taon na takam na takam at naghahanap pa siya ng kalinga ng mga ito. Na ultimong lahat ay ginagawa niya upang mapansin ng mga ito, nariyang naging mabait at masunuring bata siya, palagi siyang nasa Top 1 ng kaniyang klase panay rin ang uwi niya ng iba't ibang award at medalya subalit lahat ng mga iyon ay balewala lamang sa mga ito. Siguro sa labas ng kanilang bahay, sobra siyang pinagmamalaki at pinupuri ng mga ito pero pagdating sa loob ng kanilang mansyon ay animo'y isa lamang siyang basura o kagamitan kung ituring nila.

Hanggang sa nagsawa na siya at tinanggap na iyon. Tanggap na niya gamit lang ang turing ng mga ito sa kaniya at wala nang iba pa. Hindi naman siya nagrebelde o kung ano dahil alam naman niyang walang magandang maidudulot iyon sa kaniya. Isa pa, alam din niya kung gaano kalupit at kawalang puso ang kaniyang mga magulang. Baka kunin pa ng mga ito ang mga bagay na tanging nagpapasaya sa kaniya. Pero dahil doon, ang dating magiliw na bata ay naging tahimik, mailap at mapag-isa.

" Young master? " ang pagpukaw pa ni Butler Arold sa kaniyang atensyon.

Napabuntong hininga muna siya't isinira ang librong kaniyang binabasa bago siya sumagot.

" Nandiyan na. "

'Ano kaya ang kailangan ni Mama?' ang nayayamot na tanong niya sa kaniya.

'Huwag naman sanang isang bagong piging na naman ang dadaluhan namin.' ang dagdag niya pa.

Hindi niya kasi gustong dumalo sa mga gathering o party na dinadaluhan ng kaniyang ina o ama, dahil puros tungkol sa business lang naman ang mga iyon, business, payabangan at plastikan lang ang mayroon doon. Isa pa, ayaw niya sa mga batang minsan ay isinasama rin ng kanilang mga magulang. Masyado kasing mga maaarte't matataray, yung iba naman ay mayabang at napaka spoiled brat. Wala siyang panahon para pag-aksayahan ng oras ang mga iyon, mas gugustuhin niya pang magkulong at mag-isa sa kaniyang kuwarto upang magbasa.

Dinala siya ni Butler Arold sa opisina ng kaniyang Mama sa kanilang mansyon. Pagpasok niya pa lang sa loob, ang una kaagad niyang napansin ay ang pamilyar na batang lalaking kasing edad lang din niya. Tahimik at walang emosyon lang itong nakaupo sa isa sa mga sofa na nasa bandang kaliwa ng mesa ng kaniyang Mama. Hindi siya pupwede magkamali, si Blaise Markel Alvarez ito. Nag-aaral din ito sa elite school na kaniyang pinapasukan at kabilagtaran niya, na ilap sa kasikatan ay masyado itong popular dahil sa husay nito sa Martial arts, academic and sports. Pero hindi lang ang mga ito ang dahilan kung bakit ito sikat na sikat sa school nila, maliban kasi na isa ito sa mga pinakamayaman sa school nila ay dakila rin itong isang bully.

'Ano kaya ang ginawa nito rito?' ang tanong niya sa kaniyang sarili.

Nang magtagpo ang kapwa mga walang emosyong mata nila ay siya rin ang unang nag-iwas ng tingin at inilipat ito sa kaniyang ina.

" Mabuti naman na rito ka na Reileigh. Halika't maupo ka sa tabi niya. " ang paanyaya ng kaniyang ina habang pinagsaklop nito ang mga kamay at itinukod sa ibabaw ng lamesa ang mga siko nito na nababalutan ng puting blazer na suot nito.

Sinunod naman niya ito pero umupo siya sa kabilang dulo ng sofa na kinauupuan ni Blaise nang hindi tumitingin dito kahit na ba ramdam niyang nakatutok pa rin ang mga mata nito sa kaniya.

" Reileigh, kilala mo naman siguro siya tutal pareho lang naman ang eskuwelahang pinapasukan niyo. " ang untag pa ng kaniyang ina.

" Opo. " ang tipid at magalang niyang tugon.

" Ah.. Good. Ibig sabihin, hindi kayo mahihirapang magkasundo, right? " ani pa nito sa kaniya na bahagya niyang ipinagtaka.

Anong gustong iparating ng kaniyang mama? Nais ba nitong makipagkaibigan siya sa batang ito? Sa isiping iyon ay bumakas sandali ang pagka-irita sa kaniyang mga mata pero agad din niya iyon itinago. Ang pinakaayaw pa naman niya sa lahat ay ang tulad ng batang lalaking ito na kasalukuyan niyang katabi. Spoiled, bully and arrogant. Kaya bakit siya mag-aaksaya ng oras na kaibiganin pa ito? Pero kung iyon ang nais ng kaniyang mama, wala siyang magagawa. Sana lang ay hindi magiging matagal ang pag-arteng gagawin niya.

" Well, simula kasi ngayon ay sa atin na siya titira hanggang sa ika labin walong kaarawan niya. Hindi ko rin alam ang dahilan nila Mrs and Mr Alvarez pero humingi sila ng pabor na ang pamilya muna natin ang mag-alaga sa nag-iisa nilang anak at sino ba tayo para tumanggi? "

Oo nga naman, sino nga ba naman sila para tanggihan ang ganun kalaking oportunidad. Malamang sa malamang kaya lang puyamag ang kaniyang mama rito ay para lang sa kumpanya nila. Sa pera lang naman lahat tumatakbo ang buhay ng mga ito.

" So... Kailangan ko kayong gawing magkaibigan o ang mas mainam ay magturingan kayong magkapatid! Tutal, matagal ding panahon kayo magsasama! " ang nagagalak pang sabi ng kaniyang ina.

Marahil natutuwa ito sa isiping magiging parang magkapatid sila nito dahil mas lalong lalaki din ang kapit ng pamilya nila sa pamilya ng mga Alvarez. Pinigilan naman niyang mapairap, lalo na noong mapatingin siya kay Blaise at nahuli niya itong nakangisi habang nakatingin sa kaniya.

Inis naman niya itong tinignan nang masiguro niyang hindi nakatingin ang kaniyang ina na bahagya nitong ikinagulat pero isang pilyong ngiti rin ang sumilay mula sa mga labi nito habang isang pangakong gagawin nitong impyerno ang buhay niya mula sa mga mata nito.



~~~~Raica Kaihawa

RaicaKaihawa
Raica Kaihawa

Creator

Comments (1)

See all
Yvoj
Yvoj

Top comment

Buti pa dito always nka update 😍😍😍

1

Add a comment

Recommendation for you

  • Blood Moon

    Recommendation

    Blood Moon

    BL 41.5k likes

  • Find Me

    Recommendation

    Find Me

    Romance 3.3k likes

  • The Sum of our Parts

    Recommendation

    The Sum of our Parts

    BL 6.2k likes

  • Secunda

    Recommendation

    Secunda

    Romance 39.2k likes

  • What Makes a Monster

    Recommendation

    What Makes a Monster

    BL 62.7k likes

  • Silence | book 1

    Recommendation

    Silence | book 1

    LGBTQ+ 20.5k likes

  • feeling lucky

    Feeling lucky

    Random series you may like

Boy, you're in TROUBLE
Boy, you're in TROUBLE

2.6k views138 subscribers

Bata pa lang ay matalik nang magkaibigan sina Blaise at Reileigh. Kahit na makailang beses nang nagtapat ng damdamin si Blaise kay Reileigh at paulit ulit din siya nitong tinatanggihan ay nananatili pa rin ang solid nilang pagkakaibigan.

Ayun nga lang, nagiging seloso at possessive masyado si Blaise kay Reileigh na ultimong hindi nito magawa ang gusto ng walang pahintulot ni Blaise.

Pero isang araw, habang hinihintay ni Blaise na matapos maligo si Reileigh sa kuwarto nito ay may isang libro siyang napansin na para bang minadaling itapon o itago sa ilalim ng maliit na couch na nasa gilid ng kuwarto malapit sa pinto. Pinulot niya ito at ganun na lang ang kaniyang pagkagulat at pagtataka nang makita niyang isa itong S&M magazine.

Bakit mayroong ganung magazine si Reileigh?

Ito ba ang dahilan kung bakit hindi siya nito sinasagot? Dahil may iba pala itong hilig? Ito ba ang pinagkakaabalahan nito sa tuwing umaalis siya't kasama ang kaniyang mga magulang?

Napakuyom siya ng kamao.

Hindi pwede ito. Sa kaniya lang si Reileigh.
Subscribe

16 episodes

Prologue

Prologue

359 views 23 likes 1 comment


Style
More
Like
List
Comment

Prev
Next

Full
Exit
23
1
Prev
Next