Augusto 21, 2080: Nakatayo ang aking mga balahibo. Ngunit, nasasabik habang pinapanood ko ang aking mga kasama: inaayos nila ang kanilang mga kagamitan. Kanina ko pa naayos ang akin, kaya’t hinihintay ko nalang sila.
Ang takot ko'y unti-unting lumalapit. Pati rin ang oras kung kailan papasok kami sa aming time machine. Napag-isipan namin magtulungan sa paggawa ng makina na ito. Tatlong taon namin ito pinaghirapan, mga gabi na hindi kami natulog, mga prototype na hindi gumana, lahat ng oras na nasakripisyo para lang sa araw na ito. Sa ngayon kung saan nakatayo ako sa harapan ng time machine namin. Sa ngayon kung saan sasakyan namin para makapunta sa kapanahunan ng mga dinosaurs.
Bakit? Bilang isang arkeologo, imposible ko naman palampasin ang oportunidad na ito. Sa pagkakataon na ito, makakakuha kami ng mga datos para maikumpirma ang aming mga pananaliksik. Dito namin pinalibutan ang buong buhay namin, sa pag-aaral at paghahanap ng mga artifact. Sa pagpunta namin sa nakaraang panahon, doon namin makikita sa sarili naming mga mata ang mismong uri ng hayop noong sinaunang panahon ng ebolusyon.
Bigla-biglaan ay may naramdaman akong bigat sa balikat ko, sa aking sorpresa ay nakita ko si Leora, isang arkeologo katulad ko, at isa sa mga kasama ko sa paglalakbay na ito. “Okay ka na, Hugo?” tanong niya sakin, habang binigay niya sakin ang aking mga kagamitan. “Ito lang,” sagot ko, habang isinuot ko ang aking bag sa aking balikat. “Nakakakaba.”
Tinawanan niya lang ako, hindi naman sa paraan kung saan nakakapag hina ng loob, kundi nakakapag-gaan ng kalooban. Tinapik ako ni Leora sa balikat, at nauna na sa loob ng time machine. Ang sumunod naman sa kanya ay si Eugene, ang aming primaryang siyentipiko. “Bilisan mo, Hugo! Baka malate ka pa, sasakay nalang,” utos niya. Sa likod niya naman ay ang aming inhenyero, si Valentine. “Hindi niya na kailangan mag alala sa oras, may time machine na siya para dun!” biniro ni Valentine.
Nakitawa kami ni Leora, habang sinundan ko si Valentine sa loob. Ang mukha ni Eugene ay puno ng kasungitan, lagi naman. Sa wakas, nagsara na ang pinto. Sa tabi ni Eugene, mayroon nakapormang tablet, kung saan may makitid at pahalang screen. Sa ilalim noon ay may mga numero, parang isang calculator. Pumindot si Eugene ng mga butones sa tablet, ngunit hindi ko mabasa kung anong taon ang nilagay niya. Pero, napansin ko yung dami ng “0” sa numero na iyon.
Ang aking pagtataka ay naging kaba nung pinanood ko si Eugene ipindot ang “Enter button." Ito na, ito na talaga. Pupunta na talaga kami sa nakaraan! Ba't ako pinagpapawisan? Humingi pa naman ako ng aircon dito. “HAA!” Sigaw ko sa gulat nang biglang nanginginig ang makina. Madali kong hinawakan ang kamay ni Valentine, nang nakaupo sa tabi ko, sa pagitan namin ni Eugene. Nakita ko na parang tingin sa'kin ni Eugene.
Noong kumalma na ang kaguluhan ng makina, namula ang mga pisngi ko sa hiya nang marinig ko silang nagtatawanan. Mga ilang minuto ang nakalipas ng may narinig kaming boses na nagsalita galing sa isang maliit na speaker sa sulok. “Mag-ingat kayo sa iyong paligid. Sa karagdagang pagmamasid, ang panahon na nais ninyong puntahan ay alanganin sa kayang puntahan ng sistema, nais niyo pa bang tumuloy o mag-iba ng taon?” Ipinaliwanag ng boses na parang robot magsalita.
"Paanong hindi kaya?" tanong ni Eugene sa sistema na nagsalita. Nagtitigan sila sa isa't isa, naghihintay ng may magsalita. "Ayon sa aking mga kalkulasyon, maaaring maranasan ng makina ang pag-init ng labis sa loob ng mekanika" sagot ng sistema. Tumingin si Eugene sa kanyang katabi na si Valentine, "Hindi, tumatakbo ito sa baterya," Siguradong panatang ng kanilang inhinyero "Talaga? Malay mo kung saan tayo makarating kung pinilit pa natin." Tiniklop ni Eugene ang kanyang mga braso, nagdududa sa kanyang katrabaho.
"Kaya yan."
Comments (0)
See all