Please note that Tapas no longer supports Internet Explorer.
We recommend upgrading to the latest Microsoft Edge, Google Chrome, or Firefox.
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
Publish
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
__anonymous__
__anonymous__
0
  • Publish
  • Ink shop
  • Redeem code
  • Settings
  • Log out

Lightning On Quiet Skies

The Prologue

The Prologue

Mar 27, 2026

​"Parents always know best." That was the absolute rule of my existence. All my life, I blindly believed that they held the perfect blueprint for my future. Ngunit darating din pala ang araw na matututunan kong may mga desisyong masyadong panghabambuhay para ipaubaya sa iba. Not even to the people who gave you life.


"Concepcion, five minutes," narinig ko ang boses ni Dad sa labas ng aking kwarto.


Nag-apura akong isuot ang pearl necklace na bigay pa ng aking Lola. My Mom told me to wear it tonight.


"Yes, Dad. I'm coming down in five," sagot ko bago narinig ang kanyang mga yabag palayo.


Huminga ako ng malalim at pinasadahan ng palad ang skirt ng suot kong dress. Isang off-shoulder white silk creation na hanggang tuhod.


Si Mom ang pumili noon para sa akin dahil mas elegante raw ito. Mukhang sopistikada rin kumpara sa nauna kong napili na isang crimson velvet piece I bought from our Milan trip.


At habang tinitingnan ko ang sariling repleksyon sa salamin ay napagtanto kong tama nga si Mom sa kanyang opinyon. The white made me look pristine and graceful.


Muli kong pinanood ang sarili sa salamin nang ilang saglit bago tuluyang bumaba. Nilakad ko ang malawak na hallway patungo sa aming dining area.


Habang papalapit ay nadidinig ko na ang tawanan at kwentuhan na nagmumula sa hapag. Hindi ko alam kung ano ang plano ni Dad ngayong gabi at kung bakit kami may dinner kasama ang mga Olivarez.


The Olivarezes are the owner of Helios Defense Systems, the country's largest defense contractor. Helios supplies half of the Armed Forces' specialized equipment, from drone technology down to ground vehicle armor.


Our families have been acquainted for years. Si Emilio Olivarez ang isa sa mga pinakaunang allies ni Dad, sinusuportahan din siya sa mga campaign noong nagsisimula pa lamang sa pulitika. Together with our company, Madrigal Aero Industries, both empires have been feeding on the same national defense budget for years.


Patuloy ako sa paglakad na lalong nagpalakas sa mga boses ng nagkukwentuhan sa hapag.


The men were talking about business and politics while the women were discussing their latest charity events.


Nang marating ko na ang dining ay nakita ko si Emilio Olivarez, ang padre de pamilya. Hilera silang nakaupo sa kaliwang bahagi ng mesa. Si Dad ay nasa kabisera habang nasa kanan niya si Mom.


Tumayo kaagad si Lucas nang makalapit na ako upang tulungan ako sa pag-upo. He dragged out a chair for me. A gesture of old-school chivalry na alam kong in-expect ni Dad.


"Thank you, Lucas," saad ko.


Lucas is handsome in a predictable way. Matangkad at malinis ang hitsura. Lagi ring pormal. Tila mamahaling painting sa museum na magandang tingnan pero hindi maaaring hawakan.


Simula nang mag-graduate ako at pormal na pumasok sa Madrigal Aero, naging parte na ng pang-araw araw kong routine si Lucas. Nagsilbi siyang unofficial mentor. Dahil na rin sa tagal ng partnership ng pamilya namin, kabisado na ni Lucas ang pasikot-sikot ng negosyo.


"Cion, darling. You look stunning," bati ni Althea Olivarez gamit ang malambing na boses.


"Thank you, Tita Althea," pasalamat ko saka bumaling sa kanyang mag-ama. "Good evening, Tito Emilio, Lucas."


"Good evening, Cion," ani Tito Emilio. Ngumiti naman si Lucas.


Nagsimulang maghain ang mga kasambahay namin na halos hindi naman nagalaw sapagkat mas nauuna ang usapan.


"The logistics for the procurement deal were a little challenging, pero I trust that you'll be able to handle it. Tama ba, compadre?" tanong ni Tito Emilio.


"Of course, compadre. That problem is not a problem at all. I have everything under control like always. Besides, napakalaking tulong ni Lucas sa akin lately."


Mayabang ang naging ngiti ni Tito Emilio nang bumaling sa anak na pareho ang naging ngiti.


"Syempre naman! Napakahusay ni Lucas sa ganitong larangan at nasisiguro kong mas mapapadali ang trabaho mo kung kasama siya. And of course, he'll definitely make it easy for Cion to handle your business too."


"I agree. Actually, wala akong narinig kundi impressive feedback galing sa mga project managers na natulungan ni Lucas," maligayang sagot ni Dad.


Lalong lumaki ang ngiti ni Lucas. "Thank you, Senator. It's easy because I share the same vision with you and I intend to keep up with the Madrigal Aero standard. Although, I'll admit na sometimes, the new generation has its own method which is faster, a little riskier, but is undeniably more effective."


Nagpatuloy ang ganoong usapan tungkol sa business forecasts at market expansions. Kung minsan ay may mga pahaging rin tungkol sa senate hearings.


May mga pagkakataong nalulula ako sa dami ng impormasyong naibabahagi nila. Gayunpaman, nakakapagbigay pa rin naman ako ng komento na nagpapakislap sa mata ng ama.


"The official announcement should be around the last week of the month para makapaghanda pa. I guess the timing works best before the next budget hearing," my father declared.


"I think that works. What do you think, Lucas?" si Tito Emilio.


"That's fine with me, Pa. I know this has been long overdue but we can proceed now and start the preparations," sagot nito.


Kumunot ang noo ko sa narinig at napaisip kung ano ang anunsiyong tinutukoy nila? Tungkol kaya sa bagong contract or government deal? Parang wala naman yata akong na-review na ganoon nitong mga nagdaang araw.


"Mabuti naman kung ganoon. Pero kailangang maingat tayo sa pag-pa-plano. The optics are very important and we can't afford any leaks before the formal event," Dad said.


Binalingan ko si Dad, hinihintay na gawaran ako ng atensyon para sana makapagtanong tungkol sa pinag-uusapan nila. I have no idea at all.


Nang hindi tumingin si Dad ay nagpasya akong diretsahin na. "I'm sorry, Dad, I'm lost. What announcement are you referring to?"


"Oh, the official announcement, hija. We wanted to finalize the schedule to time it before the Congress reconvenes," si Tito Emilio ang sumagot sa akin. Kakaiba ang tono niya na tila ba dapat alam ko ang topic na iyon.


What official announcement?


Kumunot ang noo ko, wala pa ring naiintindihan. Naglipat-lipat ang tingin ko kay Dad at kay Tito Emilio.


Dad cleared his throat. "We wanted to make your engagement with Lucas official, Cion. So we're planning the engagement dinner to happen before the last week of the month."


What?!


My engagement... with Lucas?


Nanuyo ang lalamunan ko. Sanay ako sa biglaang mga anunsyo tuwing may bagong business deals, pero iba ito.


Was I supposed to know this?


Pinilit kong hinalughog ang bawat memorya sa utak kung kailan may nasabi tungkol dito. Baka nakalimutan ko lang?


Pakiramdam ko, ako ang may mali at hindi ko lang napagtuunan nang pansin kung sinabi man ito sa akin.


"We can finalize the details with the coordinators before the end of the week. Nakausap naman na sila ni Lucas. We have a private hall in Tagaytay. I think it would be a good venue. What do you think, Cion?"


Natauhan ako nang tawagin ni Tito Emilio.


"I... I don't know," iyon lang ang tanging nasabi. My hands started shaking a bit kaya ibinaba ko iyon. I clasped them in my lap.


"What do you mean?" tanong ni Dad.


Alam kong dapat na hindi ako tumututol sa kanya dahil nag-de-desisyon sila nang tama at makabubuti para sa akin. Hindi ko lang maatim na magpapakasal ako kay Lucas. The thought of waking up every day next to a man I felt nothing for, made it hard for me to breathe.


"Dad, I'm... You didn't tell me about this." halos bulong iyon.


Isa-isa ko silang tiningnan. Walang bakas ng kahit anong pagkagulat o pagkalito. They were all looking at me as if it shouldn't be a big deal.


Nagsalita si Lucas. "Cion, this is what our families have always wanted. For us to marry each other para sa kapakanan ng mga kompanya natin. This is a good idea. We didn't think you'd mind dahil busy ka sa pag-aaral ng negosyo after you graduated kaya kami na ang nagplano."


"But..." lumunok ako kahit mahirap, at pinilit ang sarili na magsalita. "But, Lucas, I'm not in a relationship with you. Kaya... hindi ko maintindihan bakit tayo magpapakasal?"


Doon namutawi ang gulat sa kanila. Tumuwid si Dad sa pagkakaupo samantalang hinaplos naman ng ina ang aking balikat dahilan upang mabaling ang tingin ko sa kanya.


"Cion, anak. Matagal na kayong magkakilala ni Lucas. At nakita naming nagkakamabutihan naman kayo since he's helping you with our company. This is how our world works," banayad ang kanyang boses. Pero hindi iyon nakatulong para maintindihan ko ang punto niya.


Isa pa, hindi kami nagkakamabutihan ni Lucas. Matagal na kaming magkakilala at pinakikisamahan namin ang isa't isa ng kaswal. Walang ibang ibig sabihin iyon para sa'kin.


"I don't want this engagement, Mom, Dad."


Medyo nanginginig na ang boses ko kasabay ng panlalabo ng paningin dahil sa nagbabadyang luha. Takot akong suwayin sila, pero mas takot akong makulong sa buhay na ito.


"Cion, this has been planned already. Anong sinasabi mong hindi mo gusto ito? How many times do I have to tell you that you have to think about this family and the future of our company at hindi 'yung gusto mo lang?"


"Dad... this is my marriage we're talking about. It's just... it's a permanent thing. Ayoko pong magpadalos-dalos."


Kita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao na nakapatong sa mesa. 


"I'm sorry, Emilio, Althea, my daughter is just emotional," saad ni Mom sa tabi ko. Her voice sounded so apologetic.


Umiling ako.


"You are overreacting, Cion," matigas na konklusyon ni Dad.


"Dad, I'm not overreacting. I just want to have a choice," nabasag ang boses ko sa huling salita.


"Enough of this nonsense drama, Concepcion. You do what I say," pinal na sabi ng aking ama.


Sobrang diin ng pagkagat ko sa aking labi na halos malasahan ko ang bakal doon. Samu't sari ang emosyon ko. I can't pinpoint which one exactly I am feeling.


But buried beneath the fear is one emotion that is slowly becoming more prominent. And I think that feeling is... anger.


Gustuhin ko mang iwaksi ang pakiramdam na ito ay nangingibabaw pa rin. Ayokong maging masamang anak at magalit sa kanila. Ayoko ring suwayin sila pero... ayos lang naman kahit ngayon lang sana. Kahit ngayon lang ay huwag akong pumayag sa kagustuhan nila. 


"I apologize for feeling this way, Dad. I respect you and Mom so much, pero sa pagkakataong ito... hindi ko po kayo masusunod," I said before standing and walking out of our dining. 


Wala na akong narinig hanggang sa tuluyan akong makabalik sa aking kwarto. Agad akong humiga sa kama, at sa unan ko, iniyak ko ang lahat ng frustration na nadarama. 


Mataas na ang araw nang magising ako kinaumagahan. Hindi ko namalayan ang na nakatulugan ko ang pag-iyak. Pinilit kong bumangon sa kama at sinapo ang buhok para ipusod. 


Isang mahinang katok ang narinig ko sa pintuan, sinundan iyon ng nag-aalangang boses.


"Ma'am Cion?" nahimigan kong si Manang Lourdes iyon.


"Yes po?" I asked.


"Ipinapatawag na kayo ni Senator sa baba for breakfast."


Marahas akong bumuntong hininga dahil sa pagkabahala. Kailangan kong harapin si Dad ngayon matapos ang pangyayari kagabi.


Unang beses kong ginawa ang talikuran siya, sila. Hindi ko alam kung ano ang madadatnan ko pagbaba. Ang natitiyak ko lang, hindi ko magugustuhan ang bunga ng ginawa kong iyon.


"Sige ho, Manang, I'll be there. Mag-aayos lang ako saglit."


I looked like a mess. Pero sinikap kong tapusin agad ang pag-aayos. Nagpalit lamang ako ng isang simpleng blouse at shorts. Namumugto pa ang aking mga mata nang makita ko iyon sa salamin pero hindi ko na inabalang itago pa iyon.


Nanlalamig ang mga kamay ko habang papalapit sa dining. Mabibigat ang bawat hakbang. Parang may humihila sa akin pabalik.


Hindi sila nag-angat ng tingin nang makalapit ako hanggang sa makaupo ako sa kaliwang side ni Dad at nasa harap si Mommy.


For a full five minutes, walang nagsalita sa aming tatlo. Ang tanging maririnig mo lang ay ang tunog ng mga kubyertos. Nakailang subo pa ako bago binasag ni Dad ang katahimikan.


"You embarrassed us last night, Concepcion," panimula ng aking ama.


"Ramon, let's just eat first in peace. Mamaya na natin pag-usapan ang mga bagay na 'yan," Mom said.


"Your daughter was out of line last night, Mila. Hindi dapat ganoon ang inasal niya kagabi, nakakahiya kina Emilio."


"Dad, please... I hope you understand why I reacted the way I did. Ayokong magpakasal kay Lucas just because of business dahil hindi ko siya mahal," pakiusap ko, sinusubukang panatilihing kalmado ang boses.


Ibinagsak ni Dad ang kanyang tinidor. Ang tunog ng metal sa porselana ay umalingawngaw sa buong silid.


"Love?" Hilaw siyang humalakhak. "Cion, you are a Madrigal. Love is a poverty mentality. We marry for legacy and not feelings. Hindi kita pinalaki para lang sundin ang puso. I raised you to secure the future of this family." 


"What about my future? Hindi ba ako kasama sa equation na iyon?" Halos mabasag ang boses ko. "Dad, pwede ko namang patakbuhin ang kompanya kahit hindi ikasal sa kanya. Just let me choose who I will marry. Kahit 'yun na lang."


"And you think you'll be successful in running Madrigal Aero kung wala si Lucas? You've been pampered your whole life, Cion. Lucas has the grit and the connections you don't possess. I am trying to make your life easier without compromising the future of our company."


"Why don't you let me try?"


Nagulat ako sa sarili kong tapang.


"Siguro nga'y masyado akong naging complacent and I didn't try to learn things the hard way. But if I need to prove to you that I don't need an Olivarez or anyone else to live and survive this life, then I'll do it. Just let me have the freedom to make my own decisions, especially when it comes to who I want to spend the rest of my life with," dugtong ko.


"You talk about freedom as if you understand what it takes to survive without the safety net of this family."


"Then let me learn it, Dad," agap ko.


Tinitigan niya ako nang matagal, tinitimbang kung gaano katotoo ang sinasabi ko. Then, a cold, calculating look crossed his face.


"If you want to make your own choices, you have to show me that you can live without mine. You have to prove to me and your mother na kaya mo na ang sarili mo. That you can survive without everything being handed to you. That you can survive a life without the privilege of being my daughter."


Inabot niya ang table napkin para punasan ang bibig bago nagpatuloy.


"I'll send you to a program. Something that might actually teach you something and make you realize how lucky you are that I can provide you with this kind of life. There, you will be completely isolated from the privileges of this family. We won't interfere. Prove to me that you can stand on your own feet."


"Then, I'll pack my things," desidido kong tugon.


"Good. Let's see how long you'll last there."


Tumatango tango siya, may multo ng ngisi sa kanyang labi.


"Kung matapos mo ang buong duration ng program, then maybe we can talk about canceling your engagement with Lucas. But if you quit early or call me begging to come home? The ring goes on your finger before Christmas. Do we have a deal?"


"Deal."
xxelanator
xxelanator

Creator

#military #soldier #romance #love #adult_romance #grumpy #sunshine #arranged_marriage #Camp #forced_proximity

Comments (0)

See all
Add a comment

Recommendation for you

  • Silence | book 1

    Recommendation

    Silence | book 1

    LGBTQ+ 27.3k likes

  • The Last Story

    Recommendation

    The Last Story

    GL 70 likes

  • Primalcraft: Sins of Bygone Days

    Recommendation

    Primalcraft: Sins of Bygone Days

    BL 3.5k likes

  • Secunda

    Recommendation

    Secunda

    Romance Fantasy 43.4k likes

  • Primalcraft: Scourge of the Wolf

    Recommendation

    Primalcraft: Scourge of the Wolf

    BL 7.3k likes

  • I Love You; Goodbye.

    Recommendation

    I Love You; Goodbye.

    Fantasy 489 likes

  • feeling lucky

    Feeling lucky

    Random series you may like

Lightning On Quiet Skies
Lightning On Quiet Skies

79 views1 subscriber

Philippine Air Force Major Adam Voltaire Velasco only believed in rules, order, and precision. Not until Clara Concepcion Madrigal, the only daughter of a respected senator came on his base and challenged his discipline.
Subscribe

6 episodes

The Prologue

The Prologue

25 views 1 like 0 comments


Style
More
Like
List
Comment

Prev
Next

Full
Exit
1
0
Prev
Next