Nasa concert ako ng weekly squad ngayon kasama ang pinsan kong si Mitch.
"Whaaaa! Ang galing talagang kumanta ni Thon!" Masayang sinabi ni Mitch.
"Tara na Mitch, umuwi na tayo!" Nagaalalang sinabi ni Sandy.
"Saglit lang, tatapusin ko lang yung kinakanta nila."
Makalipas ang labing limang minuto ay natapos na ang concert ng weekly squad.
"Tapos na silang kumanta kaya tara na't umuwi na tayo!" Nagaalalang sinabi ni Sandy.
"Sige na nga!"
Paalis na sana sila Sandy ng biglang nagsalita si Martin ng...
"Miss, saglit lang! Wag ka munang umalis." Nagaalalang sinabi ni Martin.
Napahinto si Mitch sa paglalakad at sinabing...
"Ako ba?"
"Hoy Mitch, ano ba! Umuwi na tayo!" Nagaalalang binulong ni Sandy Kay Mitch.
"Saglit lang, may tinatanong yata sa akin si idol Martin."
"Hindi Ikaw, yung Kasama mo yung tinutukoy ko!" Seryosong sinabi ni Martin.
"Ito ba?" Nagtatakang tinanong ni Mitch habang nakaturo ang kaniyang daliri kay Sandy.
"Oo, pwede ko bang malaman ang iyong pangalan?"
"Ahmm... Ehmm...Saa!!" Kinakabahang sinabi ni Sandy ng biglang nawalan ng kuryente.
"Mitch, Tara na! umuwi na tayo!" Kinakabahang sinabi ni Sandy at sabay hinila si Mitch papalabas ng concert.
"Ate Sandy, dapat hindi tayo umalis doon lalo na't tinatanong ni idol Martin kung ano ang iyong pangalan."
"Gusto mo bang bumalik ako doon para lang sabihin sa kanya ang aking pangalan at makita tayo ni tita Rika sa television."
"Sige na nga, umuwi na tayo!"
Martin pov: Nasa swimming pool area kami ng hotel na tinitirahan namin ngayon.
"Bruhhh... Iniisip mo pa rin ba yung babaeng nakapula kanina?" Nagtatakang tinanong ni Tuki.
"Huwag mo nang isipin yun! Halata naman na pati tadhana ay tumututol sa inyo." Nagbibirong sinabi ni Wilton.
"Huh? Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tinanong ni Martin.
"Bigla ba namang nawalan ng kuryente hahahahahaha!" Masayang biro ni Wilton.
"Hmmm... Paano kung itanong mo sa mga tagapaghanga mo kung sino yung babaeng nakapula kanina at baka sakaling may nakakakilala sa kaniya." Seryosong sinabi ni Friday.
"Oo nga noh! Pero paano?"
"Facebook or Instagram."
Para mapabilis ang paghahanap ay humingi ng tulong si Martin mula sa kaniyang tagapaghanga gamit ang Facebook at Instagram.
[Panaginip ni Sandy.]
"Anak... Pupunta muna kami ng papa mo sa Canada para sunduin ang kuya mo kaya magpapakabait ka kay tita mo." Masayang sinabi ng nanay ni Sandy.
"Opo mamahh! Atsaka bilihan mo po ako ng maraming laruan para pagdating ni kuya ay maglalaro ulit kaming apat buong magdamag." Masayang sinabi ni Sandy."
"Hahahaha! Siguradong matutuwa ang kuya mo kapag nalaman niya na nasasabik kang makita siyang muli."
"Honey, Tara na! baka maiwanan tayo ng eroplano."
"Lucky, protektahan mo muna si Sandy habang wala pa ako."
"Opo, sisiguraduhin kong hindi nila malalapitan ang kaibigan ko!" Seryosong sinabi ni lucky.
"Bye-bye na nak, aalis na si mama." Masayang sinabi ng nanay ni Sandy.
"Bye-bye!"
Isang linggo na ang nakalipas at hindi pa rin bumabalik Sila mama at papa.
"Sandy, laro tayo! Isang linggo ka ng nakaupo sa harap ng pintuan, Hindi ka ba napapagod?" Nagtatakang tinanong ni Mitch.
"Oo nga, maglaro naman tayo." Nagmamakaawang sinabi ni lucky.
"Sige na nga." Masayang sinabi ni Sandy.
Masaya kaming tatlong naglaro sa palayan buong mag-hapon.
Makalipas ang dalawang araw ay nakarinig kami ng masamang balita mula sa kapitbahay.
"Rika, yung eroplano!"
"Bakit? Anong meron sa eroplano?"
"Sumabog yung eroplanong sinasakyan ng kapatid mo!"
"Ano!" Gulat na gulat na sinabi ni Rika at sabay nahimatay.
Iyun yung araw na hinding-hindi ko makakalimutan.
"Sandy! Sandy! Sandy!" Galit na sinabi ni Rika.
Minulat ko ang aking mga mata.
"Sandy, alas dose na ng tanghali at natutulog ka pa rin diyan!"
"Pasensiya na po tita."
"Pagkatapos mong maglinis diyan ay pumunta ka sa sala!" Galit na sinabi ni Rika at sabay umalis.
"Opo"
Halos sampung taon narin pala nung huli kong makita sila mama at papa. Sampung taon narin akong umiiyak kakaisip sa kanila. Minsan nga ay napapaisip ako kung maganda ba ang pamumuhay ko ngayon kung buhay pa sila mama at papa.
[Hotel na tinitirahan ng Weekly Squad.]
"Ughhh, Anong oras na? Masiyado na yata akong nalasing kahapon!" Bagong gising na sinabi ni Martin.
"Alas dose na pre! Ang dami na ngang nag-aantay sayo sa labas!" Pabirong sinabi ni Thon.
"Nag-aantay?"
"Oo, parang aattend nga sila ng birthdayan!" Pabirong sinabi ni Tuki.
"Saglit lang, Hindi ko kayo maintindihan!"
Dali-dali akong pumunta sa hardin para malaman ang mga nangyayari.
"Woaaaaahhh!" Gulat na gulat na sinabi ni Martin
Nagulat si Martin sa kaniyang nakita. Halos lahat yata ng kaniyang tagapaghanga ay nakasuot ng pulang damit.
"Martin! Ako yung nakita mo sa studio kahapon!!!" Pasigaw na sinabi ng isa sa mga tagapaghanga ni Martin.
"Martin, ako talaga yung babaeng nakapula na nakita mo kahapon!" Pasigaw rin na sinabi ni Alexa.
"Alexa, Umuwi na tayo bago pa magkaroon ng away dito." Nag-aalalang sinabi ni Jenny.
"!"
"Bebe? Kailan pa naging kayo? Atsaka ang pangit-pangit ng mga yan!"
"Hindi bhie, Sadyang malabo lang yung mata mo kaka-aral!"
Biglang nagsalita si Martin sa harap ng kaniyang mga tagapaghanga.
"Hello, Salamat po sa pagpunta niyong lahat dito pero maganda po sana kung uuwi na kayo sa inyong mga tahanan." Magalang na sinabi ni Martin.
"Kung hindi kayo aalis, mapipilitan akong kasuhan kayo ng trespassing!" Pasindak na sinabi ni Sakki.
"Bhie! Pinapaalis na tayo, tara na!" Masayang sinabi ni Jenny.
"Ngiting tagumpay ahhhh!"
Paalis na sana sila Alexa at Jenny ng biglang hinawakan ng mahigpit ni Thon ang kaliwang kamay ni Jenny.
Comments (0)
See all