Ako nga pala si felix, Labing walong taong gulang at Second year na sa senior high. Ang hirap pala ng mga pinapagawa nila dito sa grade 12, mabuti nalang at nandito si dexter ang pinaka matalik kong kaibigan.
"Felix, samahan na kitang umuwi sa inyo!"
"Ok."
Pagkatapos nun ay naglakad na kaming dalawa pauwi ng bahay ng biglang may van na tumigil sa harapan namin kaya't dali-dali akong tumakbo ng biglang hinawakan ng kidnapper ang kamay ko ng sobrang higpit at sabay nilagay ang bimpo sa ilong ko na sanhi ng pagkawalan ko ng malay."
Ack" sabay inimulat ni felix ang kaniyang mga mata.
Nakahiga ako sa isang silid na may malambot na kutson at unan ng biglang tumunog ang speaker.
"Attention Everyone, alam kong lahat kayo ay nagtataka kung nasaan kayo ngayon pero wag kayong mag-alala dahil dinala ko kayong lahat dito para sa isang masayang laro."
"Laro?"
"Ang lalaruin lang naman natin ay ang pagpatay sa mastermind, bali 100 kayong lahat dito at isa na ko doon. Tuwing linggo ay magbobotohan kayo kung sino ang i-e-execute niyo, boboto lang kayo ng boboto hanggang sa maboto niyo ako."
"Atsaka may nakalimutan pa pala akong sabihin, araw-araw ay may magaganap na secret revealing kaya pumunta na kayo sa dining room ng ma-i-announce ko na ang unang sikreto."
Pagkatapos ng announcement ay naglakad ako papunta sa pintuan at sabay binuksan ko ang pintuan ng biglang nakakita ako ng sulat sa harapan ng aking pintuan kaya kinuha ko ito at binasa.
*IKAW AY NASA ROOM 003, WAG MONG KAKALIMUTAN ANG ROOM NUMBER MO DAHIL PAG ANUNSYO NA NG SLEEPING TIME AT NAKITA KA NG MASTERMIND NA NASA LABAS SIGURADONG SIKRETO MO ANG IBUBUKING KO BUKAS.*
Tinago ko ang sulat sa aking bulsa at dali-daling pumunta sa dining room.
"Hmmm... dahil nandito na ang lahat, ibubuking ko na sa inyo ang unang sikreto."
"Unang sikreto, si zutto ay isang magnanakaw na mayroong isang milyong patong sa ulo."
Nagulat kaming lahat matapos marinig ang sikreto ni zutto.
"pano mo nalaman ang bagay nayan!"
"kung gayon ay isa ka nga talagang magnanakaw" gulat na gulat na sinabi ng isang magandang binibi.
Matapos marinig ang sinabi ng magandang binibini ay nagsilayuan na silang lahat kay zutto.
"iyun lang ang ating announcement ngayong araw, paalam na!" sabay namatay ang speaker.
Nagsi-alisan na ang mga tao sa dining room pagkatapos ng anunsyo kaya sinubukan kong maglibot sa dining room at baka makahanap ako ng clue tungkol sa mastermind.
sa kalagitnaan ng aking paghahanap ay biglang sumakit ang aking pantog kaya dali-dali akong pumunta sa banyo para umihi ng biglang nakita ko sa banyo ang isang bata na binubugbog ng apat na lalaki.
"Hoy, anong ginagawa niyo sa kaniya!" nag-aalalang sinabi ni felix.
"wala kana don!" seryosong sinabi ni Joshua at sabay tinadyakan ng malakas ang bata.
hindi ko na napigilan ang aking sarili kaya't nasuntok ko sa mukha si joshua ng sobrang lakas na naging dahilan ng pagbugbog din nila sakin.
"okay ka lang ba?" nag-aalalang sinabi ni Wilson.
"siyempre naman"
"salamat nga pala sa pagtatanggol mo sakin." masayang sinabi ni Wilson.
"okay lang yun atsaka wala naman akong binatbat sa kanila."
Masaya kaming nagkwentuhan ni Wilson sa banyo hanggang nag anunsyo ulit ang mastermind.
"Alas siyete na ng hapon kaya pumunta na kayo sa dining room para kumain."
Pagkatapos ng announcement ay inalalayan ako ni Wilson papuntang dining room.
Comments (0)
See all