[Hospital]
"Ack!" sabay idinilat ni paneri ang kaniyang mata.
"Mama, gising na po si kuya." masayang sinabi ng aking nakababatang kapatid.
"Paneri!" nag-aalalang sinabi ng aking ina at sabay niyakap ako ng mahigpit.
"Alam mo ba kung gaano ako nag-alala sayo." umiiyak na sinabi ng kaniyang ina.
"Bakit? Ano po bang nangyari?"
"Bigla ka daw nahimatay sa basement ng paaralan mo. mabuti na nga lang at may nakakita sayo.'
Habang nagkukwento si ina ay may naramdaman akong kapangyarihan sa loob ng hospital kaya gumawa ako ng paraan para paalisin muna sila sa hospital.
"Mama, may pagkain po ba kayong dala diyan?"
"Pasensya na anak, naubos na kasi ng kapatid mo yung dala kong pagkain pero wag kang mag-alala dahil bibilhan ka nalang namin ng bago kaya magpahinga ka nalang muna diyan."
"Opo!"
Umalis na ang aking ina at nakababatang kapatid sa hospital para bumili ng pagkain.
"Master, Mabuti naman at ligtas ka!" nag-aalala ng sinabi ni akito.
"Ano ba kasing ginagawa mo diyan sa ilalim ng kama?"
Lumabas na si akito sa ilalim ng kama.
"Nag-aalala lang naman kami sayo lalo na nung nalaman naming isa pala sa nightowl ang umatake ng palihim sa inyo."
"Nagsisimula na naman silang umatake!"
"Opo."
"Ano namang pakay nila dito?"
"Ang 'Curse of time' po."
"Curse of time?"
"Ang 'Curse of time' po ay mabubuo lamang kapag na pag dikit-dikit mo na yung anim na mahiwagang orasan."
"Ano namang mangyayari kapag na pag dikit-dikit mo na yung anim na mahiwagang orasan?"
"Makokontrol mo ang oras base sa gusto mong mangyari."
"Kung gayon ay kailangan natin silang pigilan habang hindi pa huli ang lahat."
"Iyan po ang dahilan kung bakit ako nandito."
"Hmmm... alam mo ba kung nasaan ang mga mahihiwagang orasan."
"Opo, nasa TEROCASHI ISLAND po ang isa sa anim na mahiwagang orasan."
"Terocashi island?"
"Opo at para makapunta tayo doon ay kailangan muna nating dumaan sa NEW ISLAND."o
"Ok, maghanda na kayo ni itra bukas dahil pupunta tayo sa Terocashi Island."
"Masusunod po!"
Pagkatapos nun ay lumipad na si akito papunta sa kanilang laboratoryo at kasabay naman nun ang pagbalik ng aking ina at nakababatang kapatid.
"Bumili kami ng spicy noodles ni mama."
"Nasaan?"
"Ito po ohh!" sabay inabot sakin ang spicy noodles.
"Wow, mukhang masarap yan."
"Syempre naman, kami ni mama pumili niyan."
"hahahahahhahahahahhaha!"
[Lumipas ang isang araw.]
"Patawad kung nahuli na naman ako."
[PANERI - leader ng isang grupo.]
"ok lang yon master, hindi ka pa naman masyadong huli."
[AKITO - assistant sa grupo.]
"Master, nandito na po yung barko."
[ITRA - secretarya sa grupo.]
"Meji, bantayan mo ng mabuti ang aking ina at nakababatang kapatid habang wala pa kami diyan at kapag nagtanong naman sila kung nasaan ako, sabihin mo nalang sa kanila na nasa bahay lang ako ni akito."
"Masusunod po!"
[Meji - Ang pinagkakatiwalaan ni paneri ng sobra.]
Sumakay na kaming tatlo sa barko at nagsimula ng maglakbay papuntang terocashi island.
-TO BE CONTINUE...
Comments (0)
See all