Vatican Time 9: Art of Fallacies
Napatingin si Carlo sa likuran niya kung nasaan si Venice.
"Wag ka nang magtanong," wika ni Venice at tumuloy hinila papalayo si Myra.
"Madamay ka pa, mag-iiwan ka pa ng bakas eh. Carlo, ikaw muna dito. Hihingi ako ng tulong sa Main hall para dito," wika ni Venice at dumiretso sa para isarado ang pintuan at dumaan doon.
Hinawakan naman ni Carlo ang balikat ni Myra na dahilan para tingnan siya nito. Umiling lang si Carlo para balaan si Myra na wag munang lumapit sa nakahandusay.
Mga ilang minuto pa ay dumating na si Venice kasama ang dalawang Heneral na nakasuot ng gloves at bota. Nginitian lang siya ni General Beginning habang nakapoker face si General Seals. Pumitik naman si General Seals at may naglagitikang mga tali.
"Low class trap," pangungutya ni General Seals.
Lalakad na sana papunta sa nakahandusay si General Beginning ng biglang hinawakan ng mahigpit ang balikat niya ni General Seals.
"Hindi ko pa sinabing magpalakad-lakad ka Beginning," seryosong wika ni General Seals.
Napatigil at napalunok si General Beginning.
"My faith is stronger that my fears,"wika ni General Seals.
Lumitaw naman ang isang gintong sibat sa palad ni General Seals. Inihagis naman nito pataas at nabasag ang ilaw. Natamaan naman ang isang pentagram na nasa kisame.
"Medyo maganda ang paggawa nila ng trap, nakikita ko pa yung ibang trap mula dito. Pero Low-class pa rin," wika ni General Seals kahit sobrang dilim na sa kinatatayuan nila.
May the most holy, most sacred, most adorable, most mysterious and unutterable Name of God be always praised, blessed, loved, adored and glorified in heaven, earth and under earth, by all the creatures of God, and by the Sacred Heart of Our Lord Jesus Christ in the most holy sacrament of the altar.
Matapos sambitin iyon ni General Seals ay may lumitaw na isang palaso at nagpaikot-ikot iyo sa buong kwarto. Segundo pa ang lumipas, nawala na ang palaso. Naglabas naman ng flashlight si General Beginning at naglakad papunta sa ilalim ng bumbilya para palitan ito. Nang maibalik ang liwanag sa kwarto ay parang walang nasira o nagalaw kundi ang sibat na nakatusok sa kisame.
Napanganga naman si Myra dahil wala na rin ang bakas ng dugo sa kwarto tanging ang katawang wala ng buhay ang nandoon. Kung titingnan ay wala na rin ang laslas sa leeg nito.
"Anong nangyari?" tanong ni Myra kay General Seals.
Pilit na ngiti lang ang isinagot ni General Seals.
"Sikreto na yun," tugoon ni General Seals.
Tinapik-tapik naman ni General Seals ang balikat ni General Beginning.
"Carlo, may nakuha ka bang pangalan ng studyanteng ito?" tanong ni General Seals.
Tumango naman si Carlo.
"Meron po," tugon nito at ibinigay ang mga detalye.
Iniayos naman ni General Seals lahat ng nakuha niyang detalye.
"Dito muna kayo, ipapaayos ko muna ito kay Commander para maproseso ang mga detalye at baka sakali tayong makakuha ng loop holes sa mga detalyeng yun," wika ni General Seals bago umalis.
"Anong oras na?" tanong ni General Beginning kay Myra.
Mabilis namang inilabas ni Myra ang cellphone niya at tiningnan ang oras.
"11:00 pm," simpleng sagot ni Myra.
Napatango na lang ang Heneral. Naupo naman sa sahig si Venice at Carlo. Nakiupo na rin sa sahig si Myra at naghihintay.
"Advance Good Morning sa inyong lahat," wika ng Commander na sobrang sigla ng tinig nang makarating ito sa loob ng kwarto.
Napatayo naman sina Carlo at Venice para sumaludo sa Commander. Ganoon din ang ginawa ni General Beginning. Samantalang, si Myra ay nganga. Hindi niya alam ang gagawin. Lumapit naman ang Commander at nag-offer ng shakehands. Wala namang sa sarili na nakipagshakehands si Myra.
"Nga pala, General Beginning. Yung body ay nakapreserve until dawn?" tanong ng Commander.
Tumango naman si General Beginning.
"Well then, may nakuha tayong loop hole kanina lang. Nasa atin din ang swerte. May dobleganger na dumaan sa bahay nila mga exactly, 9 pm. Kaya madali lang tayong makakakuha ng tiyempo para sa katawan na yan dun sa bahay nila," nakangiting wika ng Commander.
Nanlaki naman ang mata ni Myra dahil sa sinabi ng Commander. Aktong bubuhatin na ni General Beginning ang katawan ng pigilan siya ni Myra.
"Wait? Hindi ko kayo maintindihan. Bakit ninyo pinepeke ang pagkamatay ng lalaking yan? Hindi ba man lang kayo nakukunsesya?" tanong ni Myra.
Lumapit naman si Carlo sa kanya.
"Ano bang gusto mo? Ipaalam na ginawa siyang sacrifice sa demonyo? Hindi magandang ipaalam ang bagay na yun sa ibang tao dahil pwede silang masiraan ng bait pagnangyari yun. It's better na ipakita na lang na more human ang kinamatay niya," sobrang kalmadong paliwanag ni Carlo.
Napabuntong-hininga na lang si Myra dahil may point naman si Carlo. Mas magandang malamang namatay ang kapamilya mo ng makatao kesa namatay ng hindi malamang dahilan.
"Kami rin ang bahalang umaresto at magbigay ng hustisya sa lalaking yan. Kami na rin ang bahalang kumuha pabalik ng tupang ninakaw nila sa kawan," nakangiting wika ng Commander.
Napatango na lang si Myra at nagpilit ng ngumiti.
"General Beginning," pagkuha ng Commander ng atensyon ni General Beginning.
Napatango na lang ang Heneral at binuhat ang lalaki. Dumiretso naman ang Heneral sa nakasaradong pinto at nawala. Lumitaw naman sina General Seals at General Eternity na nakafull gear na parang handang maghunting.
"Venice sumama ka muna sa amin. Carlo, samahan mo muna yang kasama mo sa bahay nila. Siguraduhin mong walang nakasunod sa inyo bago ka umalis," seryosong utos ni General Seals.
Sabay na lumabas ang dalawang grupo at naghiwalay nang magpupunta ang grupo ng Heneral sa may likod ng Science Building at sina Carlo ay papalabas ng Gate. Binuksan naman ni General Seals ang lock na nandoon at sinenyasan ang dalawa na sumunod sa kanya.
Samantala, nagtaxi na lang sina Carlo papauwi ng bahay nila Myra. Tahimik lang ang dalawa hanggang makarating sa bahay nina Myra. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ni Myra ay bumungad ang tatay nito. Na lalong sumama ang tingin ng makita si Carlo.
"Good evening sir, ako nga po pala si Carlo. Ako po yung doctor na pinaobserba sa anak ninyo. Siguro naman po nainform po kayo ng Admission tungkol dito," pormal na wika ni Carlo.
Medyo nawala ganoon ang sama ang titig sa kanya.
"Paano mo naman mapapaliwanag ang pag-uwi ninyo ng gabi?" tanong naman kay Carlo.
Pasimple namang ngumiti si Carlo.
"Nagpraktis po sina Myra ng cheering at nakatulog po siya sa Clinic. Dahil may mga tinatapos po akong mga request galing sa Guidance office. Tumawag sa akin na yung superior ko na if iadmit sa ospital si Myra para dun makapagpahinga or iuwi dito. Tinanong ko naman po si Myra kung anong gusto niya. Uuwi na lang daw siya kaya sinamahan ko na para sigurado," kalmadong paliwanag ni Carlo.
Napatango na lang ang tatay ni Myra. Sinenyasan naman nito na pumasok si Myra.
"Gusto mo bang magkape na muna? "alok kay Carlo.
"Nakakahiya naman po, masyado na rin pong gabi," wika ni Carlo.
Sumama naman sa kanya ang tingin ng tatay kaya napalunok siya.
"Siguro pwede naman po," pagdadalawang-isip na wika ni Carlo na may awkward na ngiti.
Tumuloy naman siya at sinundan lang ang tatay ni Myra papuntang kusina. Naupo naman siya ay hinintay ito.
"Kumusta naman ang anak ko?" tanong nito kay Carlo.
"Medyo maayos naman po siya. Mukhang masyado lang siyang stress sa mga pagbabago," simpleng sagot ni Carlo at tinikman ang kape na binigay sa kanya.
"Anong pagbabago?" tanong nito.
"Dahil nga po maraming mga bagay siyang kailangang alalahanin at maraming bagay na dumadating sa kanya. Yun po ang mga sinasabi kong pagbabago. Medyo pansin ko pong medyo nahihirapan siyang mag-adjust. Meron po bang nangyari?" pagbabalik ng tanong ni Carlo.
"Wala naman," sagot sa kanya ng tatay na pansin ni Carlo na may tinatago.
Napatingin naman si Carlo sa wristwatch niya. 12 am na.
"Mukhang kailangan ko na pong umuwi. Masyado na pong gabi. Maaga pa ang pasok ko bukas," paalam ni Carlo.
"Dito ka muna matulog, Doctor. Hindi naman magandang bumiyahe ng ganito kagabi," paalala ng tatay.
Nakuha naman ni Carlo ang point ng tatay ni Myra. Hindi naman siya umangal. Kinaumagahan, nakitawag na rin si Carlo para makausap sina Cepras. Ang nagging sagot na lang ng mga ito ay susunduin na lang siya sa bahay nila Myra. Nasa kalagitnaan ng pagkakape si Carlo nang may pumasok na lalaki sa kusina.
"Wait, Carlo ikaw na ba yan?" bati nito sa kanya.
Taka naman siyang tiningnan ni Carlo.
"Hindi mo na ba ako nakikilala?" tanong nito sa kanya.
Dahil wala sa mood makipag-asaran sa kausap niya at pormal ang personality niya ngayon.
"Sorry pero hindi kita kilala maski mamukhaan," pormal na wika ni Carlo.
Nanlaki naman ang mata ng lalaki.
"Hindi mo talaga ako makilala? Buddy tayo nung college," wika nito.
Napaisip naman si Carlo. Medyo inalala niya nung college pa siya. Dahil medyo blurred na ang mga alaala niya ay hindi na niya matandaan ang lalaki.
"Hindi kita matandaan," simpleng sagot niya.
Napamura na lang ang lalaki.
"Ako to si Mike mga katropa mo nung bago ka magpuntang Vatican at magtransfer," wika ni Mike.
"Ah, ikaw pala yun. Iba na rin ang itsura mo kaya yata hindi kita nakilala," pormal niyang wika na parang hindi kilala.
"Anong pinakain nila sayo sa Vatican at bigla kang nilamon ng kabaitan," komento ni Mike.
Ngumiti naman si Carlo kay Mike.
"Maybe, may mga tao ding nagbabago. Mas piniling baguhin ang landas na pupuntahan nila," simpleng wika ni Carlo at inubos ang kape niya.
"May ganyan ka na palang nalalaman," biro ni Mike.
Ngumiti naman uli si Carlo pero sobrang pamilyar ito kay Mike na ikinagulat nito. Medyo tumapang din ang aura at ang tingin niya.
"Mahigit tatlong taon na rin siguro akong nawala di ba?" wika ni Carlo na ibang-iba ang kausap ni Mike kanina at ngayon.
"Wait, sinasapian ka ba? O sadyang may split personality ka lang," naguguluhang wika ni Mike.
"Cut the shitty thing, Mike. I'll stop pretending. Hindi ka pa talaga nagbabago Mike. Ikaw pa rin yung nakilala ko last 3 years," wika ni Carlo na ibang tao na.
"Ikaw ba, parang anlayo mo na Carlo. Mahirap nang abutin ang antas mo," wika ni Mike.
"Hindi naman ako malayo, sadyang lumihis lang ako ng daan kumpara sa inyo," sagot ni Carlo.
"Ano ka na ba ngayon?" tanong ni Mike.
"Sinundan ko lang kung anong sinimulan ni Dad. Continuing his Legacy," tugon ni Carlo.
"Anong legacy naman yang tinutukoy mo? As far as I know malaki ang galit mo sa Dad mo. Tapos itutuloy mo ang legacy niya. Nasisiraan ka na ba?" tanong muli ni Mike.
Tumawa naman.ng mahina si Carlo at diretsong tiningnan si Mike.
"Pwede mo akong sasabihan na nasisiraan pero things had change nung mamatay si Dad. Dun ako nalinawan kung ano ba ang ginagawa niya sa mga panahong wala siya sa tabi ko," wika ni Carlo.
...
Comments (0)
See all