Nanatili ako sa ospital ng ilang araw, at ngayong araw makakauwi na ako sabi ng doktor. Excited ang mga magulang kong makakauwi na ako, dahil magbobonding daw kami. They said they will make up for the time mostly they were away.
Isa ito sa pagbabago na hindi ko inaasahan dahil hindi sila ganito sa libro. Matapos ang aksidente, nagpatuloy na sila sa mga kani-kanilang mga trabaho at naiwan ulit si Eliora mag-isa. Pakiramdam ko, parehong guilty ang mga magulang ni Eliora dahil nalagay sa peligro ang buhay ng anak nila habang wala sila. Wala kasi silang nagawa para maprotektahan si—E, ako.
Tsaka iba ang trato ng mag-asawang Silver sa akin kesa mga magulang ko. Binibaby talaga nila ako, naki-cringe ako tuwing tinatawag nila akong princess at baby. 'Di ba pwede'ng Eliora nalang? Maganda naman ang pangalan'g Eliora.
Ako'y nakaupo sa harap ng aking ina at ama habang magkatabi sila sa loob ng karwahe. Ngayon ay papauwi na kami sa malaking mansion ng mga Silver. Nagtataka ako kung gaano talaga kalaki ang mansion ng mga Silver. Nakasulat sa libro na ka-laki ng isang bayan ang buong lupain nila at gawa sa pilak ang kahalahati ng kanilang mansion.
Kilala rin ang mga Silver dahil sa ilang minahan nila na masagana sa mga mineral at mga pilak. Sila rin ang pinaka-malaking distributor ng pilak sa lahat ng kontinente sa mundong ito kaya isa sila sa pinaka-mayaman at makapangyarihang pamilya ang pamilya ni Eliora.
Pinagmasdan ko ang paligid sa labas, napansin kong may pagkatulad ang mundong ito sa french era. Sa mga kasuotan, pagkain, hierkiya at mga iba pa. Naging inspirasyon siguro ng otor ng libro ang kapanahunan ng mga Pranses. Wala pang teknolohiyang lumalaganap dito sa pagkakaalam ko.
Naramdaman kong may nagmamasid na mga mata sa akin, "Anak, may gusto ka bang kainin pagdating natin sa mansion?" Tanong ni papa.
Umiling ako kay papa, "Wala po akong gustong kainin. Uhm, paano kung sama-sama po tayong kumain ng hapunan." Mungkahi ko at matamis na ngumiti sakanila. Nagtinginan silang dalawa, na parang naaawa sila sa akin.
"Matutupad mahal kong prinsesa, mahal kong reyna, sang-ayon ka ba?" Tinanong ni papa si mama. Ngumisi naman si mama, "Oo naman, gagawin ko lahat para sa mahal kong anak."
They really love Eliora, kaya siguro napunta ako sa mundong ito para maranasan ulit ang kompleto ang pamilya sa pamamagitan ni Eliora. Dahil sa totoong mundo, nag-iisa lang ako. Nararamdaman kong mas napapamahal ako dito, dahil may mama at papa ako. Tsaka bata pa ako, kaya't magagawa ko ang mga gawain na ginagawa ng mga bata na hindi nagagawa ng isang dalawampu't-apat na taon'g gulang.
But aren't I decieving them? Alam ko ang mga susunod na mangyayari, at minumukha ko lang na wala akong alam. Tsaka isa akong 24-yrs. old sa katawan ng isang 7-yrs. old na bata. "Alam mo ba'ng nag-aalala ang emperor nang malaman na may nagbabalak ng masama kay Eliora." Batid ni papa.
I look straight out of the window. To save mama and papa, they should be away from the royal family, they should be away from wealth and power. Pero mahirap kasi dahil sa kapangyarihan at kayamanan, nabubuhay at nakakakain sila.
"Nag-aalala rin sina Prinsipe Vermillion at Prinsipe Aldreich para kay Eliora." Agad naubo ako dahil sa narinig ko.
Si Prinsipe Aldreich ang nagpalabas ng mga impormasyon tungkol sa mga balak at plano ni Eliora.
Si Gustav Ravinsky ang nanguna sa pagpatay ng buong Silver at pagdeposito ng buong kayamanan ng mga Silver.
Si Callan Stuart ang dumakip kay Eliora nung nagtago siya sa kontinente ng Vistania.
At opkors, si Prinsipe Vermillion Reginand III ang siyang pumutol ng ulo ni Eliora Silver. Parang Anne Boleyne lang ang peg.
"Darling, anong nangyari, makati ba ang lalamunan mo?" Alalang tanong ni mama.
"Hehe, opo, makati po lalamunan ko." Patuloy kong pineke ang ubo at tsaka tumahimik na habang nag-iiwas tingin. Bakit kaya mag-aalala ang mga prinsipe sa akin ngayon. Eh, sila yung papatay sa akin sa huli e.
"Nagpadala rin ng sulat si Marquis Callan, at ang anak ni General Ravinsky na si Gustav." Napapikit ako sa pait ng buhay. Diyos ko po, para mabuhay, dapat ko talagang iwasan ang mga lalakeng iyan kasi lahat sila ay may parte sa pagkamatay ni Eliora. They each pose a threat to my survival!
Hindi nagtagal ay dumating na kami sa harap ng gate ng Silver Mansion. Nahulog agad ang panga ko sa laki ng gate ng bahay. Kumikinang ang mataas na grado ng pilak ang pasukan ng mansion.
Haysss, sa totoong mundo, tanging mga pamilya na ubod ng yaman lang ang meron ganito. Tsaka gate palang, nakikita ko na ang kabuohan ng buong mansion.
Holy Fuck! Ang laki, parang isang SM Supermalls ka-laki ang bahay ng mga Silver. Tapos may man-made na shallow lake na nag-eextend mula sa gate hanggang sa entance ng mansion. Napapaligiran rin ng mga bulaklak, puno at mga damo na umaaligid sa tabi ng daanan sa loob ng lupain ng mansion.
Pumasok ang karwahe hanggang tumigil ito sa pasukan ng bahay. Pinagbuksan kami. Unang bumaba si papa, inalayan niya si mama tapos ako. Inayos ko ang suot kong bestida, at humarap sa daan-daan'g kasambahay at mayordomo na nakalinya sa kanan at kaliwa.
"Maligayang pagbabalik, Pamilyang Silver." Lahat sila ay nagcourtsey at sumubok na makipag-eye to eye sa akin. Dahil rin siguro sa hierkiya, isa kami sa nasa itaas ng tuktok kasunod sa mga maharlika. May nakalimutan akong rason, iyon ay dahil sa kasamaan ni Eliora bago siya nabagsakan.
Hinawakan ni mama ang mga kamay ko, "Mama, bakit parang takot silang lahat sa akin?" Alam ko ang rason. Nagpapacute lang ako kasi bata ako.
Tumawa si mama, "Kasi mahigpit ang prinsesa namin. Istrikto ka kasi sakanila sa murang edad mo. Manang-mana ka kay mommy," She pat my head. "Oh!"
Don't mind me, I'm just a 24-year old acting like a 7-year old kid.
Excited akong makita ang kwarto ko. "Mama, saan ang kwarto ko?" Naligaw ako sa kakamasid sa buong interior sa loob ng mansion. Parang nasa hotel lang ako. Maraming magagara at mamahaling decoration gaya ng mga plorera, paintings, chandeliers at mga silk na kurtina.
"Ran, samahan mo si Eliora sa kwarto niya," Tinawag ni mama ang punong mayordomo ng bahay na si Ran. Nasa 50's na siya, kalbo at payatot ngunit magaling na magaling siya sa trabaho niyang pamamahala at pagbabantay sa buong kalawakan ng mansion ng Silver.
"Masusunod po, Mistress." Tugon niya kay mommy. Tumango si Ran sa akin, at saka sumunod ako sakaniya. Tahimik ang paglalakbay namin papuntang kwarto ko. Hindi ba siya makikipag-usap sa akin, mangamusta man lang kung okay lang ako o magtatanong kung gaano kasakit yung tama ng bato.
"Ran, pahinga muna tayo." He halted, and turned to me. "May problema po ba, young mistress?"
"Oo, napagod ako sa kakalakad. Bakit ba ang layo-layo ng kwarto ko?" Nagulat si Ran sa kwestiyon ko, "The young miss decided it," at biglang tumawa nang may naalala.
"Ah, oo nga pala. May mild amnesia pala ang young mistress. Young Mistress, sabi mo noon gusto mong malayo ang kwarto mo para malayo sa ingay ng main hall."
"Ahh, talaga? Sige, tumuloy na tayo sa paglalakad." Mga ilang minuto ay narating na namin ang kwarto ko. Binuksan ni Ran ang pinto at tumambad ang isang auditorium na kalaking kwarto ni Eliora Silver. Puno ng kulay silver at lila'ng mga dekorasyon pati na rin ang silk bedsheets at kurtina. Tsaka, silver at violet colored rin pala ang buhok at mata ko.
Kakaiba talaga ang buhok ni Eliora, tsaka ang mata niya ay kulay lila. Balik na tayo sa usapan ng kwarto. "Sige, pwede mo na akong iwan Ran. Salamat," Pasasalamat ko.
Parang na ran.jpeg si Ran dahil sa sinabi ko. "May sinabi ba akong mali?" Tinanong ko siya. Umiling si Ran at ngumiti, "Ngayon ko lang narinig ang young mistress na nagpapasalamat. Enjoy your rest po," At masaya niyang sinara ang pintuan.
Ganyan ba talaga ka bitch si Eliora. Ni hindi man lang siya nagsasabi ng thank you? Para naman'g buhay na yelo si Eliora Silver, pasalamat siya na si Ella Lopez ang pumalit.
Isang oras kong nilibot ang kwarto ni Eliora. Ni-raid ko ang walk in closet niya, banyo, jewelry room at may mini kitchen pa siyang nakatago sa isang espasyo. Parang ginawa niyang sariling bahay ang kwarto niya.
It's also much quieter and peaceful here. I open the window, tumambad ang makulay na garden ng mansion. Tsaka walang istorbo dito. Ginawan niyang mini home ang sariling kwarto dahil malayo gusto niya malayo sa mga tao.
She knows what she's doing, tsaka magagamit ko talaga ang kitchen niya dahil palagi akong gutom!
Set aside useless stuff! Ngayon, I shall make a plan, Project Survival Plan A!
Umupo ako sa study table, at saka nagpalabas ng pluma at papel at sinulat ang buong alam ko tungkol sa kwento. Tsaka hinighlight ang mga importanteng araw kung saan may mangyayaring malaki sa buhay ni Eliora at sa kwento.
For now, what should be coming is the 16th birthday kung saan susulpot ang main. There is still 10 more years to go. Tsaka hindi ko alam ang mangyayari ngayon hanggang sa 10 years na wala pa'ng main. Informed lang ako tungkol sa rock throwing incident kasi sa isang flashback ng parteng iyon sa isang narrative ng otor.
Blanko at wala akong alam sa mangyayari sa buong pitong taon bago ang 16th birthday ko. Wala talaga akong alam sa anong pwedeng mangyayari. Maybe it all depends on me kung may gagawin ako... Mwahahaha! Sa lilipas na sampung taon, i-eexecute ko ang plano ng aking Project Survival Plan A to Z!
Plan A! Avoid the F4 at all cost. Sino ang F4? Ang F*cking Four! Binubuo ng apat na dugyot na nagngangalan'g Vermillion, Callan, Aldreich at Gustav.
This plan will probably work, the easiest and most effective. Kababata raw kaming lima, pero sa ngayon, hindi pa kami todong close. Parang acquintances lang siguro kami dahil magkakakilala ang mga ama namin at dahil sa nangungusta sila sa isa't-isa kaya nalaman namin ang existence ng isa't-isa.
Kung iiwasan ko sila, siguro akong makakalimutan nila ako. At kapag makakalimutan nila ako, malaya na akong makakalayas sa kontinente at tatakbo ng malayo. Pwede sigurong magsisiumla na akong magpraktis ng pagsasaka at pangingisda para mabuhay ako kahit wala akong maraming pera.
'Pero Eliora, baka maalala ka pa rin nila,' nyenyenye! Their life doesn't revolve around me, their existence is all about Leiselle. 'Pag dadating si Leiselle, hinay-hinay akong lalabo sa background at mamumuhay ng mapayapa hanggang ako'y tatanda at mauubusan ng hininga kasama ang mga magulang ko sa malayo.
As far as I know, hindi pa nila ako nakita sa personal, at hindi ko pa rin nakikita ni Eliora ang F4 sa edad na ito. May tatlong taon pa bagl iyon mangyari.
Hahays, hindi ko inaakala sa buong buhay ko na magsasaka at mangingisda ako para mabuhay. Noong Ella Lopez pa ako, kompleto na lahat kasi may kaya ang pamilya namin. Minalas ako kaagad nang mamatay ang mga magulang ko. Hindi ko alam saan ako magsisimula at kung anong gagawin ko sa buhay.
Narinig ko ang malakas na katok sa pintuan, "Pasok!" Usal ko at pumasok ang isang binatang lalake na nakasuot ng uniporme para sa mga lalakeng mayordomo. They just wore simple black clean suits like butlers does.
"Magandang araw, Young Mistress Eliora. Ako po si Kevin Wallington, ang magiging personal butler na susunod sa lahat ng iyong utos, in-appoint po ako ng ama niyo." Nagbow siya, at ako naman ay nagulat.
Tangene, ang gwapo niya. Ang gwapo ni Kevin. "Pwede ba kitang tawaging Vin nalang, ang taas ng Kevin."
"Do as you please, milady. My life is yours," Hoy, huwag naman! Kapag aangkinin ko yang buhay mo, malalagot ka sakin. Rawr--
"Do you know how to fight?" Tumango siya, as expected. Kevin is an all-rounder type of butler. He knows how to cook, clean, he can fight, he's smart at tactics and everything but mysterious, nagagawa niya lahat ng utos ni Eliora.
Isa siya sa mg rason kung bakit nakaabot pa ng 24-years old si Eliora sa libro, eh dapat namatay na sana siya noong 18-years old siya dahil pagtatangka niyang lasunin si Leiselle. He's one of Eliora's accomplice. Namatay siyang pinagtanggol si Eliora mula kay Callan. Sinangga at inalay ang kaniyang katawan mula sa tangkang pagsaksak ni Callan, at sa murang edad na bente-singko anyos ay binawian siya ng buhay. Limang taon siyang mas matanda sa akin.
Damn, he could have had his own family. Eliora was that selfish to lives like his for her selfish wants and gain. Ngayong ako na si Eliora, aayusin ko ang mga pagkakamali niya. "Vin, gusto mo bang mabuhay ng matagal?"
"Yes," Mahinahon niyang sagot. "Sundin mo lang ang mga utos ko ng maayos, at ipapangako ko sayong mabubuhay ka ng matagal." Nagsalute siya ng bow sa akin.
He swore while placing his right hand on his heart. "Susundin ko ang young mistress hanggang sa dulo ng buhay ko." He knelt down as if he was my knight.
"My butler, as for your first assignment.."
Ipinasa ko sakaniya ang papel ng listahan. "Maghanap ka ng mga buto ng pakwan, carrots, kale, lettuce at mangga. Maghanap ka rin ng mga tatlong klaseng fishing rods. Humingi ka rin ng harina sa kusina, pati na rin itlog, asin, asukal, margarin," Parang tumama sa sahig ang baba ni Vin matapos marinig ang mga utos ko.
"H-Huh, ano po ang balak niyo, Young Mistress?" Kumunot ang noo niya, malinaw sa mukha na hindi niya naintindihan ang pinapaggawa. "Diba gusto mong mabuhay ng matagal? Oh, ang lista." Binigay ko ang papel at tinulak siya palabas siya ng kwarto.
"Young Mistress, bago ako aalis. Pinapababa ka po ng ni Mr. Silver, may mga bisitang nag-aantay sa ibaba. Naghihintay po sila sa tea hall. Inaaliw ng Mistress at Master ang mga bisita. Sa ngayon, ikaw nalang po ang hinihintay."
"Ah talaga? Samahan mo ako Vin, please. You know, I have mild amnesia." Vin was easily charmed sa pagpapacute ko.
Simahan ako ni Vin papuntang tea hall. Mga kaibigan lang siguro ni mama at papa ang mga bisita. So why should I interfere.
"Nandito na po tayo young mistress," at pumasok ako. Hindi na ako nagsayang ng oras para tignan pa ang bisita, kasi alam kong mga matatanda sila at agad nang nagcourtsey bow.
"Magandang araw po sa inyo," Alam ko ang ginagawa ko. Isa akong elegante at magandang babae na walang kinakatukatan. I stayed in the same position for seconds, waiting for them to say that I could stand up. Before I could react, I was shaken as I heard voices of young boys.
"Al, why are you laughing. Don't laugh at her forehead!"
"It's a free world! Hahaha, I can laugh at whoever I want, Cali."
"..."
"Vermil.... are you okay..."
Mga boses ng mga lalakeng bata ang umalingawngaw sa buong tea hall. Tumayo ako ng maayos, at biglang nanginig ang mga tuhod ko. The miniature versions of the F*cking four are in my house.
Oh no!
Tsaka anong pumasok sa kokote nila at naisipang nilang bumisita sa bahay ko?!

Comments (0)
See all