Please note that Tapas no longer supports Internet Explorer.
We recommend upgrading to the latest Microsoft Edge, Google Chrome, or Firefox.
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
Publish
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
__anonymous__
__anonymous__
0
  • Publish
  • Ink shop
  • Redeem code
  • Settings
  • Log out

This Villainess Must Survive

Ch6: Please Don't Kill Me

Ch6: Please Don't Kill Me

May 27, 2020

Nakaraang lingo, humingi ako ng pahintulot ni mama at ni papa na magfishing. Hindi nila ako pinayagan kasi delikado daw. Baka may mangyayaring masama sa akin, on the run pa kasi ang suspect na humamak sa akin noon. Kaya naisipan nila mama at papa na paggawan ako ng malaking fish pond na kompleto sa lahat ng uri'ng isda na makikita sa dagat.

Lumuwa ang mga mata ko nang makita ang malaking fish pond na pinatayo nina mama at papa ilang metrong layo sa garden.

Kasing laki ng isang mini football field ang fishpond na pinatayo ni papa. Hindi ako makapanawala na sa isang linggo lang 'to natapos.

Seriously, ganito ba nila ka-spoiled si Eliora? Nagseselos tuloy ako. Ni hindi nga ako binilhan ng Baby Alive na manika ng mga magulang ko noon kasi nagsasayang lang daw ako ng pera. Kung nagsasayang man sila ng pera, 'e ano kaya 'tong kahalingan ang pinaggagawa ng mag-asawang Silver para sa anak nilang si Eliora.

"Darling, do you like the fishing pond?"

Proud na proud si papa'ng nagtanong sa akin habang nakawak sa kaniyang bewang. Madali akong tumalikod at sarkastikong napa-gulong ng mga mata tsaka humarap na may malapad na ngiti sa mukha.

"Yes papa, the pond is so big and Eliora is very happy!" Inemphasize ko ang ka-laki ng pond gamit ang mga kamay ko at tsaka niyakap si papa. "Hahaha," Tumawa naman siya at parang proud na proud sa sarili. Hahays, things he would do for his daughter.

Binitbit ako ni papa sa mga kamay niya. He was carrying me like a toddler. "Narinig kong naghahanap ka raw ng tatlong klase ng fishing rods." At nakiki-tsismis rin pala si papa.

"Yes papa," Kevin, akala ko maaasahan kita. Akala ko confidential ang lahat na pinag-uutos ko sayo. 'Yun pala pinagsusumbong mo lahat kay papa.

"Huwag ka mag-aalala anak, may mga fishing rod designers akong inutusan'g gumawa ng pinakamagandang fishing rod para lang sayo," Totoo ba 'to? Walang halong biro? Kesa magdiwang dahil ginawa lahat 'to ni papa. Parang naaawa ako sa mga tao'ng nasali sa kabaliwang ito.

" Anak, bakit mo naisipan' g mag-fishing?" Alam kong itatanong 'to ni papa kaya hinanda ko ang sagot ko. "Kasi papa, gusto ko mabuhay ng matagal,"

"Huh, 'nak 'di kita naiintindihan."

"A-Ahh eh, papa if mawawala na ang pera natin pwede akong mangisda para may makain tayo." Ngumiti siya sa paliwanag ko. "Huwag ka mag-alala anak, trabaho ko bilang magulang ang maglaan para sa mga anak. Gagawin ko lahat para maibigay ang mga gusto mo,"

Suddenly, I miss my dad. I mean–– my real dad. Never naging strikto ang tatay ko sa akin. He was the provider and the bread wimner in the family. He spoiled me with money, siya yung pumoprotekta sa akin tuwing nag-aaway kami ni mama.

"Bakit parang hindi masaya ang prinsesa ko?" Namalayan ni papa na parang nabasag ang ekspresyon ng mukha ko nang Makita si Vermillion, Aldreich, Gustav at Callan na dala-dala ang kanilang mga fishing rods.

"D-Dad bakit naparito sila?" Diyos ko po, ano ba ang plano ng mundo para sa akin. "I invited them, baka gusto mong may kasama ka habang nagfifishing sa malaki mong lawa." Papa gently pats my head. Normal parents would drive boys trying to hit on their daughters but these parents, I do not understand.

"Papa, put me down. Nakakahiyaaaaa~" I wiggle my feet at susuntok ang balikat ni papa. "Okay, okay. Here you go," Binaba na ako ni papa at inayos ko ang suot kong damit.

Lumapit silang apat sa kinaroroonan namin ni papa, "Magandang araw po, Prime Minister Silver." Sabay silang bumati at nagcourtsey kay papa. "Naku, tawagin niyo nalang akong Tito Johan,"

Tumawa si papa, "Sino sa inyo ang may gusto ni Eliora?"

"Papa, you're making them uncomfortable.." Sa likod ng ulo ko, napa-face palm na ako sa pinagsasabi ni papa. Alam kong tinatawanan na nila siguro si papa sa utak nila. Kahit ako, nahihiya na ako sa pinaggagawa niya.

Mauisisang nagtinginan silang apat, iinisa-isa nila at tinitignan kung sino ang nagpapakita ng abiso'ng nagkagusto sa akin.

Like duh, it's ovious na wala. Nakakasagabal lang kaya ang kagaya kong ugok. Tsaka hindi ko rin naman sila gusto. I would have avoided them if I could.

Pumula ang pisngi ni Aldreich, "A-Ako po," Parang gusto kong ibaon ang sarili ko sa ilalim ng lupa.

"Ako rin po," Namumula yung tenga ni Gustav. Diyos ko! Matinidi kong dinilatan si Callan. 'Huwag ka nang sumali'. Na-dissapoint akong nang hinay-hinay niyang tinaas ang kanan'g kamay niya. Nagkatinginan kami tsaka nagwala ang mga mata ni Callan.

Nararamdaman kong may malamig na mga mata na nakatitig sa akin. Oh no, sana hindi magkakagusto ang tipak ng yelo'ng iyon sa akin.

Vermillion was staring at me na parang gusto rin niya na pansinin ko siya. Hmph! Bahala siya, bakit ko naman siya papansinin? Gwapong-gwapo sa sarili ka? Siya nalang ang hindi umaamin na may gusto sa akin.

Sinuntok ni Callan ang braso ni Vermillion, and gave him the 'stare'. "S-Sige na nga," at tinaas ang kamay niya habang namumula ang buong mukha at umiiwas ng tingin.

"Eliora sinong pipiliin mo sakanila?" Bakit parang na-hot seat kaagad ako? Niyakap ko si papa sa hiya na hanggang tuhod ko lang ang kayang mayakap dahil sa kaliitan ko. "Papa, I'm shy..."

Humalakhak si papa, "SIge, sige, iwan ko na sa inyo ang prinsesa ko. Huwag niyong paiyakin 'yan ha, huwag niyo saktan ang prinsesa ko, please lang, Kung 'di, ako ang makakaaway niyo." Walang isa na nakaligtas sa makababalang titig ni papa at umalis.

Naiwan kaming apat na tahimik, ni walang umiimik hanggang binuksan ni Vermil ang bunganga niya. "Don't get me wrong, Eliora. I just told your father I like you because I like coming to your house." Wika ni Vermillion.

Matamis akong ngumiti sakaniya, "Then don't come to my house, I also don't like you,*

"Cali, Al, Stav! Magfishing tayo," Sumama sila sa akin at pumwesto sa mga upuan na hinanda para sa amin. Naiwan si Vermil sa kinatatayuan niya habang titig na titig sa amin. Bahala siya, I don't accommodate rude people.

"Milady, here are the food for the fishes." Dinala ni Kevin ang isang timba ng mga uod. Na-curious si Gustav sa mga uod at kumuha ng isa, biglang napaatras si Aldreich.

"What's that thing," Turo ni Callan.

Kakadating lang ni Vermil sa pwesto naming at nakita ni Gustav si Vermil na mapayapang naglalakad sa amin. "Vermil... catch.." Hinuli naman ni Vermil gamit ang dalawa niyang palad ang uod na binato ni Gustav.

Nang binuksan ni Vermil ang mga palad niya ay agad siyang napa-talon. "What the f*ck!" Inihagis niya ang uod dahil sa gulat.

"HAHAHA!" Natawa kami sa reaksyon ni Vermil sa pagkabigla niya.

Pinunasan ni Callan ang mga luha sa mata niya sa kakatawa. "For the first time kong nakita'ng natakot at nabigla si Vermillion." Hawak-hawak pa rin ni Aldreich ang tiyan niya, "Hahaha, aray! Ang tiyan ko ang sakit na sa kakatawa, Hahaha!"

"HAHAHA! So funny... Vermil... HAHAHA!" First time ko rin'g nakita si Gustav na tumatawa. Hindi kasi tumatawa si Gustav kahit sa libro. He has never laughed so brightly.

Sumali na rin ako sakanila na tumawa. "Oh, so funny huh?" utas niya.

Naiirita na ang tipak ng yelo at ginulong ang mga mata. Lumipas ang isang minuto, naka-move on na kami sa nangyari at nagsimula nang mangisda.

Tinunlungan kami ni Phil, assistant ni papa na maglagay ng pagkain sa hook ng fishing rod. Pinahiram muna ni dad si Phil kasi may importante daw silang gagawin ni momy. Tsk, alone time raw.

"Oh! May nahuli akong isda!" Napasigaw ako nang bumigat ang fishing rod. Hinila ko ang fishing rod pero parang ako ang nahihila.

"T-Tulong," Busy pa si Phil sa pagtulong kay Aldreich paglagay ng pagkain sa fishing rod. Lumapit naman si Gustav at siya ang tumulong sa akin hilahin ang fishing rod. Kinuha niya ang isda na nahuli ko tapos pinasok sa aking sariling timba. "There you go..."

"Thank you Gustav, you're so strong! I want to be like you in the future," I smiled at him. Ngumiti naman si Gustav, "You don't have to, I'll protect you." Dagdag niya,

"Ooh~ Gusto ni Eliora magka-muscle paglaki niya." Bulalas ni Cali at tumawa. "Imagine Eliora with so much muscle with a cute face, HAHAHA!"

"Callan, you're weak compared to Gustav, aren't you." Tanong ko sakaniya habang naktaas ang isang kilay. Naghihintay pa rin si Cali na may isdang kumagat sa kawit ng rod niya. "Ofcourse I'm weak, but I'm more of a handsome book worm guy than Gustav."

Callan Stuart is one of the geniuses of Alpheone continent. Magiging isa sa pinaka-magaling na royal advisor si Cali dahil sa katalinuhan niya. In the age of 5, he learned to completely write and read difficult books. Nag-aaral din siya ng medisina at sa darating na panahon, magtatatag siya ng kaniyang sariling paaralan.

"Well, I want to be strong like Gustav and be smart like you," Masigasig kong ani. Pumalagitna naman si Vermil aming dalawa. "Then be like me when you grow up," Sumawsaw naman siya sa usapan naming ni Cali.

"Huh?! Why would I want to be you. I don't want to be afraid with tiny worms with a big body like that." turo ko sa katawan niya. Naestatwa siya sa sinabi ko, "Everyone has fears, I hate things that crawl like snakes and worms."

Kaya pinutol mo ang ulo ni Eliora dahil gumapang siya habang humihingi ng tulong? Okay.

Kakaalis lang ni Phil dahil pinatawag siya ni papa at natuto na rin si Aldreich maglagay ng feeds sa hook. Siya lang ang mgay alam sa amin'g apat kaya tinutulungan niya ako ngayon. "Aldreich, what are your fears?" Tanong ko.

"I fear being trapped in small spaces," Tugon niya. That makes sense, he doesn't want to be stuck by just being a prince and a second to Vermillion. These days, I noticed mas Masaya si Aldreich. I also heard that he's starting to learn cooking with a chef as a teacher.

" Hey Al, tulungan mo nga ako sa mga uod," Utos ni Vermil sa kapatid niya. "Wala ka'ng nakuhang isda kahit isa?" Kinwestyon ni Al si Vermil.

"Just help me will you?" Masayang tinulungan ni Al si Vermil. He's probably so happy after knowing that his best-in-everything brother can't fish without touching a worm.

"What about you, Gustav?" Tinanong ko naman si Gustav. "I'm scared of... losing someone important to me..." I look at Gustav's eyes. They show a hint of sadness that I couldn't explain.

Just who did he lose to be so sad like that? Hindi sinulat sa libro kung ano yung mga specified back story nilang apat. "What about you..." Bumaling naman si Gustav ng tingin sa akin.

"Me? Hmm, what am I actually scared of.." Tumingin silang apat sa akin habang iniisip ko kung anong pinaka-kinatatakutan ko.

I was scared of death.

Death. Thinking of it itself is killing me inside.

I began sweating, my heart suddenly tightening and starting beating fast, and I'm feeling butterflies in my stomach. I couldn't almost speak as I feel the choking sensation down my throat. "I-I'm scared... of dying... I'm scared of dying and death in general,"

I just suddenly imagined myself getting betrayed and killed by one of these boys beside me. Nararamdaman kong naluluha ako, tsaka hindi ko mapigil ang mga kamay ko na manginig sa takot.

Just why do I really hate death? Isn't death nice for someone alone like me. Death lets go all the pain in this world but why?

Nung namatay ang mga magulang ko, pakiramdam ko gusto ko nang mamatay. But when I entered this world, suddenly, I had the drive to live again. Everything in Eliora's life is everything I wanted to experience beforehand. I like being Eliora, but do I have to die?

Tumingin silang apat sa akin. "Eliora, are you okay?" Hinawakan ni Cali ang nanginginig at lumalamig kong mga kamay.

Hinawakan naman ni Gustav ang isa ko pa'ng kamay. "Her hands are cold..."

"Are you that scared of dying," Vermil, the insensitive jerk just couldn't understand. I shake my head at him.

"I just don't want to die. So kayong apat..." Insa-isa ko silang tinuro gamit ang daliri. Agad ay nakinig sila sa akin at tumahimik, naghihintay sa anong susunod kong sasabihin.

Huminga ako ng malalim, kumulog ang hininga ko at hindi namalayan'g tumutulo na pala ang mga luha ko hanggang tuluyan'g naglaho sa aking mga pisngi, at diin kong pinikit ang mga mata bago magsalita, "Please, don't kill me."

clairetheresemi
VamosAssissi

Creator

#Transmigration #Fantasy #adventure #romance #reverse_harem #Action #comedy #magic #Book

Comments (0)

See all
Add a comment

Recommendation for you

  • What Makes a Monster

    Recommendation

    What Makes a Monster

    BL 76.4k likes

  • The Last Story

    Recommendation

    The Last Story

    GL 57 likes

  • Arna (GL)

    Recommendation

    Arna (GL)

    Fantasy 5.5k likes

  • Blood Moon

    Recommendation

    Blood Moon

    BL 47.9k likes

  • Invisible Boy

    Recommendation

    Invisible Boy

    LGBTQ+ 11.6k likes

  • Earthwitch (The Voidgod Ascendency Book 1)

    Recommendation

    Earthwitch (The Voidgod Ascendency Book 1)

    Fantasy 3k likes

  • feeling lucky

    Feeling lucky

    Random series you may like

This Villainess Must Survive
This Villainess Must Survive

1.6k views94 subscribers

Ella Lopez is transported to a book and becomes Eliora Silver, a villain who will later die in the story. She decides to change the story in order to live but in exchange are severe punishments that could possibly lead to her end, so she has to do everything to survive.

-Filipino Fantasy Novel-
Now available in Inkitt, Booklat and Wattpad!
Subscribe

6 episodes

Ch6: Please Don't Kill Me

Ch6: Please Don't Kill Me

216 views 1 like 0 comments


Style
More
Like
List
Comment

Prev
Next

Full
Exit
1
0
Prev
Next