Disclaimer:
This is a fictional piece that resulted from the imagination of the writer (author-artist; available on Webtoon and Tapas too). Any similarity to existing names, characters, people, living or dead, actual events, businesses, and incidents is completely coincidental. Lastly, content piracy is an illegal act and is punishable by the law.
<Santi's POV>
Inanyayahan kami ni Rhezekiah, pamilyar yung pangalan niya, basta sabi ng kaklase ko taga-section A at atleta siya, na magkaroon ng batch party tapos sagot na raw niya yung venue, sa Private Island ng pamilya niya. Hindi ko siya gaano kakilala pero ang alam ko ang swerte niya, hindi dahil mayaman siya, pake ko, kundi dahil, kaklase niya si Tlaire. Pupunta halos lahat ng batchmates namin, kahit nga section namin g. Hindi ako yung tipo na sumasama sa mga unofficial gatherings tulad ng afterparty o ano pang tawag sa mga ganyan; gala. Ngunit, nagbabaka-sakaling dadalo rin si Tlaire kasi whole batch farewell event daw, edi ayun sumabay na lang ako hay.
Hindi ko ba nasabi sa inyo na naipinta ko si Tlaire? Syempre, may isa akong sketchbook na siya lang ang nakaguhit. Kakaguhit ko sa kanya 'pag magkasama kami sa mga contests, hindi ko namalayang napuno ko na pala yung sketchbook na yun sa bawat taong lumipas, mapa-tao o taon, tulad ng puso ko, siya lang ang nilalaman. Pero sikreto lang 'yun, kaya ipininta ko siya sa isang canvas bilang aking regalo sa kanya.
"Tadaaa"
"Salamat Santiiii!"
"Walang-anuman Tlaire, basta ikaw"
Wala na bang ikasasaya ang araw na'to?! Pagbigay ko sa kanya ng regalo nung nakalayu-layo na kami sa mga tao, kasi nasa open function hall sila banda ng isla, kami namang dalawa ay nasa dalampasigan, dapithapon pa talaga! Sakto!
"Ang ganda talaga titigan ang...
dapithapon ano?"
"Oo naman, ito yung paborito kong pagmasdan"
"Talaga?! Eh parehas pala tayo." Ngayon ko lang namalayang isinandal na pala niya yung ulo niya sa'king balikat habang nakatitig lamang kami sa hindi maihahalintulad na tanawin at oras ng araw; hindi ko makakalimutan ang dapithapong ito. Puno ng ginintuang pagsisilip ng sikat ng araw mula sa mga mapula-pulang ulap na tila bang mga mala-rosas na mga unan na nakahandusay sa kalangitan.
Kalaunan ay takipsilim na, kaya't nagtipon-tipon ang buong batch at sinimulan na ang campfire.
"Santi, sampolan mo naman si Tlaire ng harana, ay este, sampolan mo naman kami ng mga kanta mo diyan"
"Santi, Santi, Santi"
"Si Tlaire namumula o, ayieeeeeeeeeeeee"
Sa lahat ng naisulat kong kanta, eto pa, representative din ako ng paaralan pagdating sa musika dahil na rin ako'y ipinagpala ng Panginoon maging isang manunulat ng kanta't mang-aawit din. Dami kong bala, hindi mabilang, ako pa!
"Ang galiiiiiing"
"Noong nagpaulan ng grasya, isinalo na ni Santi lahat"
"Swerte ni Tlaire kay Santi pagkatapos manligaw, 'pag sinagot uwian na, may nanalo na, pati ba naman sa pag-ibig"
"NAWA'Y LAHAAAAT"
Kay bilis ng araw, panibagong umaga na naman ang dumating. Lahat kami'y nag-iimpake't naghahanda ng umuwi. Parang isang panaginip lang ang lahat...
Dahil panaginip lang ang lahat.
—Isang nakakabagot na bangungot.
Ang komiks nito ay nasa Webtoon at Tapas na! (tunghayan din ang nobelang ito sa Wattpad)
Comments (0)
See all