Disclaimer:
This is a fictional piece that resulted from the imagination of the writer (author-artist; available on Webtoon and Tapas too). Any similarity to existing names, characters, people, living or dead, actual events, businesses, and incidents is completely coincidental. Lastly, content piracy is an illegal act and is punishable by the law.
<Tlaire's POV>
Santiago V. Kisig. Hawak-hawak niya ang kanyang diploma habang nakabukas at nakahilera ang pangalan niya dala bitbit ng kanyang backpack na nakabukas din habang dali-daling tumakbo patungo sa akin na pawang nahihiya't 'di makatitig sa'king mga mata. Marapat niya akong nilapitan at kinausap noong nagwakas na ang graduation.
Hindi ko siya gaano kakilala ngunit napapansin ko siya sa tuwing "nagpapapansin" daw siya sa'kin ani pa ng kakambal kong si Tlisse, 'pag magkasama kami. Isa siyang tanyag na iskolar tulad ko pero hindi kami laging nagkikita palibhasal nasa section B siya at tuwing contests lang kami magkasabay kapag hinahatid at sinusundo kami ng paaralan. Tahimik siya sa katunayan. Sa lahat ng kalahok pag may patimpalak sa labas ng paaralan at kapag kakain kami sa labas sabay ang iba pang kalahok kapag nananalo kami, siya ang pinakatahimik. Sa sobrang tahimik niya, nagugulumihan ako sa kanya na tila hindi akma ang maging tahimik sa mga panahon ng pagdiriwang; na naging daan ding mas maalala ko siya. Mukhang mabuti naman siyang lalaki at maginoo, pero torpe.
"TLAIRE PWEDE BA KITANG LIGAWAN?!"
Tama ba yung narinig ko, at nagmumula pa kay Santi na akala ko'y isang torpe. Natigilan ako't 'di makapaniwala. At sa lahat ng panahon, sa hindi ko inaasahang pagkakataon pa talaga.
~7 minutes earlier~
"Hi, Tlaire... ulit hehe ah, uh, mula't kinder—nakumpirma ko nung grade 4 tayo, hanggang ngayon na hinahangaan kita; may pagtingin ako sa'yo. Noong grade 4 tayo unang nagkausap noong lumahok tayo sa isang inter-school competition sa pinakaunang pagkakataon, ngunit mula noong nasa kindergarten pa lang tayo, napapasulyap-sulyap na ako sa iyo sa carpool. Hanggang naging senior high na tayo, ikaw pa rin ang nasa isip ko. Tila parang binong habang tumatagal, lalo akong napapaibig sa'yo. Ang rami ko pang dapat sabihin sayo at baka nabigla ka sa lahat ng pinagsasabi ko ngayon at kung saan nanggaling ang lahat ng ito, ayaw ko lang palampasin ang pagkakataong ito sapagkat baka ito na ang huling araw na magkita tayo kaya didiretsuhin ko na—"
Alam mo yung 'expectation vs reality' na dating na kung saan napakaromantiko ng scene na ito kapag nasa telebisyon; yung may tanyag na orchestra sa background at para bang nagtatanghal ng mga matalinghagang salita, sabay ikot ng kamera sa leading man at leading lady; naka-slowmo ang lahat at pinakanakakakilig na parte ng drama—
pero in reality parang nagra-rap na robot yung pagkabigkas sa bilis at monotonous na boses niya (akala ko singer-artist lang 'to hahaha)
"TLAIRE PWEDE BA KITANG LIGAWAN?!"
Sumigaw siya sa dulo habang nakapikit na parang hindi na maitimpi ang matagal na niyang dala-dala't kinikimkim sa kanyang damdamin. Ako naman ay nabigla sa huling banda. Lahat naman ng nangyayari ngayon ay kabigla-bigla pero yung bandang dulo, 'di ko na kinaya, kaya't bigla rin akong napatugon sa kanya pagkatapos akong natigilan maging ang buong madla.
"Ah, Santi-, uhm, ..., sa totoo lang, na-appreciate ko yung kagitingan at pagtapat mo ngayon sa akin. Isa ka rin sa mga mabubuting kaibigan na nakilala ko sa mga taong lumipas... Pero, pwede hanggang dito na lang muna tayo? Ang ibig kong sabihin ay, kaka-graduate lang natin. Pero siguro, pagdating ng panahon, malalaman din natin kung tayo ba talaga o hindi kasi hindi pa ako ready sa mga ganitong bagay kahit ligaw man lang..."
"'Di ok lang Tlaire, gets ko, nakakabigla naman kasi talaga lahat ng 'to eh haha... pero kung pwede, hintayin kitang payagan akong ligawan ka? No pressure hehe. Gusto ko lang malaman mo na malinis ang intensyon ko sayo, hindi ko lang matigilan ang sarili kong ibigin ka. May pag-asa ba ako sa'yo?"
"Ikaw, kung gusto mong maghintay, nasa sayo yan, pero hindi ko maipapangako ang isang bagay na ang kinabukasan lang ang nakakaalam tungkol sa'ting dalawa. Pasensya na Santi. Ingat."
"Salamat Tlaire, 'kaw din. God bless."
Nagtinginan ang lahat sa aming dalawa. Hindi nagtagal, natahimik ang buong bulwagan. Ngayon ko lang napagtanto na mukhang kanina pa ata sila nakikinig sa'min buhat ng pagsigaw pa lamang niya siguro. Buti na lang tapos na ang pagtatapos at hindi namagitan sa palatuntunan ang mga pangyayaring ito, marami na ring nakauwi. At higit sa lahat nasa may pasilyo kami banda ng entrada. May iilan na nakarinig, iilan, parang.
<Rhezekiah's POV>
~Batch Party~
"Pre, ikaw diba yung artsy-songwriter guy ng batch natin?"
"Ah, oo, haha! Tapos ikaw yung isa sa mga... miyembro ng Golf varsity team ng JHS-SHS department?"
"Hole in one! Hahahah Nga pala, nandito lang kami sa open function hall ng whole batch nagkakaraoke. Napansin ko lang kasi na mag-isa ka dito sa may dalampasigan kanina pa. Alam mo namang pwede na tayong magka-hiwa-hiwalay pagdating ng college kaya huwag mo ng palampasin ang bonding na'to... pero kung nanaisin mong mapag-isa muna, walang problema bro"
"Sure pre! Sunod lang ako, nakakapanabik kasi yung dapithapon dito sa inyo eh, astig."
"Oo nga eh, basta akyat ka lang balik sa may hall kung gusto mo ha... Ako nga pala si Rhezekiah, matanong ko lang yung pangalan mo."
"Ako si Santi, salamat sa pag-aalala Rhezekiah."
<Santi's POV>
Yung batch party? Nangyari yun.
Yung larawan, dapithapon, takipsilim, at harana? Totoo lahat ng yun.
Yung panaginip? Siya.
At pangarap— lang.
Hindi naman siya galit nung nag-usap kami sa graduation. Gulat? Oo. Hala, baka nainis siya sa'kin pero ayaw niya lang mahalata at dali-dali siyang umalis papalayo sa'kin nung araw na iyon pawang nahihiya sa pinanggagawa ko... Pero hindi ako nagsisi dahil nasabi ko na ang matagal ko ng gusto sabihin at nagpapasalamat ako sa Diyos sa lakas ng loob. Baka hindi lang siya dumalo ngayon para maiwasan ang isa na namang naka-iilang na sandali na namamagitan saming dalawa...
O 'di kaya sinabi lang niya ang mga yun para hindi na ako masaktan dahil ni kahit kailan hindi niya ako kayang ibigin? May iba na ba siyang gusto?
Hindi. Nararamdaman kong totoo lahat ng ipinahiwatig niya sa akin; na may pag-asa pa ako sa kanya pagkatapos naming magkolehiyo... Ngunit, kahit na, wala pa ring makakapagsabi sa kung ano ang oras lang ang nakakaalam. Paano kung may makikilala siyang ibang mga taong pwedeng magpaibig sa kanya at makalimutan na niya ako— Walang kasiguraduhan kung maghihintay ako sa kanya.
Pero tama siya!
Sa katunayan, mas malalaman ko pa nga kung mahal ko ba talaga siya o mahal ko na ba talaga siya sa mga taong lilipas na wala siya sa aking tabi.
At kung siya pa rin, kahit hindi masusuklian ng pag-ibig sa kanyang banda hinggil sa'kin, masasabi kong nagawa ko na ang lahat ng aking makakaya na ipahiwatig at ipaalam ang kung anong nararamdaman ko para sa kanya; kung gaano ko siya iniibig.
Walang kailangan ibahala; hindi kailangan magmadali. Ang Panginoon lamang ang makapapasya, siya na ang bahala...
Kung kami, kami. Kung hindi,
hindi.
Ang komiks nito ay nasa Webtoon at Tapas na! (tunghayan din ang nobelang ito sa Wattpad)
Comments (0)
See all