Disclaimer:
This is a fictional piece that resulted from the imagination of the writer (author-artist; available on Webtoon and Tapas too). Any similarity to existing names, characters, people, living or dead, actual events, businesses, and incidents is completely coincidental. Lastly, content piracy is an illegal act and is punishable by the law.
<Tlisse's POV>
"Flowers for you Tlisse." Grabeee na talaga may pabulaklak pa! Ene be Jeimeh emenen me ne kese cresh me den eke ehe, Tlisse kaya mo'to. AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH
"Thanks Jaime." Syempre sa isip lang ako sumigaw no ano ako helloooo baka ma-turn off pa tung si Jaime crushie ko ehe
"WALANG HOLDING HANDS MUNAAAA!" Huy anong holding hands diyan Tlaire?! Dampi lang naman sabay tanggap nung bouquet. Di nga sinadya eh, OA neto! Ay sinadya pala konti. Ulit, sa isip ko lang lahat ng 'to, pasimple lang tayo nandyan si crush eh
"Napadalaw ka ata binata."
"Magandang araw po sa inyo ma'am. Ako po si Jaime C. Kisig, kaklase ni Tlisse simula noong first grade pa po hanggang ngayon. Ikinagagalak ko pong makilala kayo."
"Oo nga pala, naalala ko ikaw, ang laki-laki mo na! At saka tita na lang huwag ng ma'am, mukhang walang pinagsamahan. O siya maupo ka."
"Salamat po Tita hehe napabisita po ako kasi napag-alaman ko po kay Rhezekiah, isa po sa mga batchmates namin, na hindi makakasabay si Tlisse kasi nasa Seignthood Hospital daw. Pero hindi naman niya sinabi sa lahat, ininvite niya daw kami isa-isa via pm para ma-headcount sino makakapunta kasi sagot daw niya eh kaya natanong ko yung tungkol kay Tlisse, wala naman po atang ibang naka-alam na nagkasakit siya pero marami pong naghanap sa kanya noong graduation from our section... Pero masaya po ako kase nalaman ko pong gumaling na siya salamat sa Diyos! Ah eh, ok lang po ba na dito lang muna po ako magdamag ay I mean sandali? Hehehe"
~One awkward moment later~
"Yes, please, I insist. Nga pala, kamusta yung bestselling coffee namin, ayus ba?"
"Ang sarap Tlisse! Yung tapang at tamis, sakto. Salamat sa palibre!" Alam mo Jaime nakakahalata na akong pinopormahan mo ako. Aminin mo na kasi, tayo agad ora mismo, buti pa yung kapatid mo may pa-confess confess pa sa kambal ko! Ay oo nga no, matanong nga tungkol—
"Hello Jaime, I'm Tlaire, kilala mo naman siguro ako no, kakambal ako ni Tlisse, 'di naman halata hahhahha Anyway, mas gusto pa kitang kilalalanin, if payag ka, kasi alam mo naman lagi akong nasa kabilang section ni hindi man lang kami naging classmates ng kakambal ko, habang kayo namin nina Santi at Tlisse, maging si Trevor, palaging nasa iisang klase." Luh, ba't parang pilit yung patawa ni twin sister ano trip neto?! Mala-detective maka-interrogate sa crush ko ang serious mode, naano siya?
"Diba kapatid mo si Santi V. Kisig, right? O pinsan? O kamag-anak? If ok lang, matanong ko lang sana... Anong course kukunin mo ngayong pasukan? Pati din pala sa course ni Santi? Ano din ba favorite color mo?" Seryoso ka Sis?! Nakakahiyaaaaa STAAAAAHHHHP
"Nice to meet you Tlaire, by the way, feel free to ask. Tungkol sa'yong tanong, magkapatid kami; half-brothers. Iisa yung ama namin. Magkasama kami lumaki. Ganito kasi yun, noong namatay ang aking ina dahil sa komplikasyon buhat ng secondhand smoking; mahilig kasi magyosi si papa, 1 yr. Old pa lang ako noon... 'Di nagtagal, nagpakasal ulit si papa pagka-biyudo niya kay mama tapos, ayun, nagkaroon ako ng kapatid na si Santi."
"Pasensya ka na Jaime sa tanong ko, condolence." Huy Tlaire ano ba teary-eye tuloy si Jaime hala pero di ko to malalaman sa tagal naming nagsama kundi dahil sayo, akala ko cousins sila, galing mo din Tlaire pero kahit na huy nabigla si crush huuuhuhu
"Condolences."
"Thank you... As I was saying, 3 yrs. Older ako kaysa kay Santi. Napagpasyahan ng papa namin na huminto muna ako sa pag-aaral as young as after kindergarten para mahintay si Santi para sabay na kami kasi gipit na gipit na kami noong panahong iyon. Bilang isang musmos pa lamang, hindi ko gaano naiintindihan ang nangyayari; ang alam ko lang ang saya saya ko nga kasi nagkaroon ako ng mas maraming oras kalaro si Santi. Fast forward nung magkaklase na kami noong first grade, hanggang magdamag. Wala talagang nagtanong tungkol sa relasyon namin. Madalas, magpinsan yung tingin ng mga tao dahil magkaiba kami ng middle initial. Actually, ikaw pa lang ang nagtanong sa akin... Pero huwag ka mag-alala, it's all good, gusto ko nga malaman ng lahat na magkapatid kami, kung pwede lang. I like your question."
Ay hala ba't 'di ko naisip tanungin yun Tlisse bilis-bilis din mag-isip kahit minsan ano ba. In fairness, palakuwento pala tung si crush?! Hindi naman siya ganito kadaldal sa school. Parang at-home pa nga siya dito sa cafe eh kakapunta pa lang niya dito. Ay, alam ko na, panigurado, crush talaga—
"Moving on, yung papa naman namin yung sumakabilang-buhay 7 years ago dahil sa komplikasyon sa kanyang baga. Kaya napagpasyahan kong maging isang Doktor balang araw. Pero bago yan, I'll take up Biology then God willing I'll proceed with Med. Tapos si Santi naman, yung kukunin niya daw ay—"
~Phone ringing~
"Just a second, may tumatawag sa'kin. Oh Rhezek, hi, napatawag ka? Teka, phone number 'to ni Santi ha, ba't nasa sayo ang phone niya?!?!?!"
~Caller's response~
"Jaime, tungkol 'to sa iyong kapatid, na si Santi..."
Hala wait, tama ba yung pagkakarinig ko? Bakit alam ni Rhezekiah na magkapatid sila ni Santi kung ayon kay Jaime kami pa lang ang may alam tungkol dun... At phone ni Santi nasa kay Rheze—
Ang komiks nito ay nasa Webtoon at Tapas na! (tunghayan din ang nobelang ito sa Wattpad)
Comments (0)
See all