Disclaimer:
This is a fictional piece that resulted from the imagination of the writer (author-artist; available on Webtoon and Tapas too). Any similarity to existing names, characters, people, living or dead, actual events, businesses, and incidents is completely coincidental. Lastly, content piracy is an illegal act and is punishable by the law.
<Jaime's POV>
ANONG NANGYARI KAY SANTI?
AT BAKIT HAWAK-HAWAK NI RHEZEK ANG PHONE NIYA?!
NAPANO SIYA?!?! BA'T PA KASI NAGPA-PARTY SI RHEZEK!!!
Hingang malalim. Kalma Jaime kalma. Ok lang si Santi, ok lang siya.
"Maraming salamat po sa pagtanggap sakin dito sa cafe niyo! Mauna na po ako, may emergency po ata eh. God bless po sa inyong lahat."
<Rhezekiah's POV>
"Condolence..."
"Santi..."
"By the way..."
"Can I borrow your phone?"
"Thanks Rheze—"
"Teka ano?!"
<Santi's POV>
Tama ba yung narinig ko? Phone ko daw? Kakakuwento ko lang ng buhay ko sa taong 'to tapos phone agad. Hoy 'di tayo close no. 'Di ko nga alam bakit nakuwento ko ng biglaan ang buhay ko sa iyo. Pero hanep ka rin ano? 'Di bale na, na-brainwash mo ata ako... Ah oo nga binalikan mo pala ako sa dalampasigan kinaumagahan pagbalik ko sa bandang doon.
"Nabanggit mo rin yung tungkol sa paghahanap mo ng isa pang scholarship dahil sa problemang pinansyal, maliban sa pagiging parte ng Official School Journalism Press as the Head Editorial Cartoonist for the Next Academic Year..."
"Atin-atin lang 'to ha, pero I'm the incoming captain of our University's Golf Varsity Team. Kasi katulad mo, based on my SHS and even my younger years as a Loyalty Awardee, automatic, hypothetically, baka ako na ang susunod na Golf Team Captain pagdating sa kolehiyo. Not to mention, my older brother is the outgoing captain sa college dept. —"
Edi ikaw na.
"I'm not here to brag or anything, pero gusto ko talagang makatulong sa'yo... Naantig ako, 'di lamang sa kuwento ng buhay mo pero pati na rin sa pagtiwala mo sa akin na ibahagi yan kahit ngayon lang tayo nagkaroon ng oras na makapag-usap ng masinsinan aside from seeing each other often sa mga contests..."
Mukhang sincere naman siya.
"About your phone, I would like to ask your big bro's permission to TRAIN you this school vacation if g ka."
<Rhezekiah's POV>
"Should I sound stiff or not?"
I was clearing my throat. What am I thinking?! Pero to be honest, I was really moved by his story, and him trusting me... That's something I can't ignore— I can see he's a good man and I can picture training him and making a new friend this break. But who said it's gonna be easy? I've trained for years, but I haven't trained anyone myself at all... To train is one thing but to coach is another. I hope this suggestion will be worth it.
"Ikaw...hala ringing na, hala salamat na lang sa lahat Rhezekiah pero huwag na lang—"
"Jaime, this is about Santi."
"...Oh, Rezek Hi..."
~Phone caller's response; yelling~
"Rhezekiah, yung boses mo, bakit parang pinamukha mo ata akong namatay?"
"May iba siyang kausap at the moment tapos nagmamadali siyang lumayo for this call, I guess. Oh, he's back, here we go."
"KINDLY GET TO THE POINT, nag-aalala na ako kay Santi."
"Oh, about Santi, we're all good, and about this party, I'm so sorry, it was sudden, as I was saying, diba magkasama naman tayo lagi halos sa lahat ng mga contests kapag may Chess Tournaments ka, tapos ako sa Golf... anyway, nagkausap kami ni Santi dito tapos He got to share about needing more scholarship aside from what he currently have. As the incoming captain, I can secure him a spot if he'll start training for the rookies this Summer. For the training, free of charge, ako na bahala para makapag-ensayo na siya agad for tryouts... Pero natatakot siyang tanungin ka tungkol dito kasi nasubukan na daw niyang magtryouts ng Basketball noong grade school pero he literally did to break a leg. Pagdating naman sa Chess, halos grandmasters na daw lahat sa school club, mahirap na daw siyang makahabol. Pero kahit baguhan siya sa Golf, mukhang he's conditioned and tone for hardcore training. May pa-abs pa nga eh! Ako medyo buff pero siya He's pretty lean, decent enough. Sabi niya he's healthy naman daw, I think he can handle it under my supervision. What do you think?"
<Santi's POV>
"BAKIT MAY PA-DEEP SERIOUS VOICE KA PA KANINA KAYA NATAKOT AKO NASA IYO PA YUNG PHONE NIYA AKALA KO NAPANO SIYA TAS NGAYON ANG LAMYA NG BOSES TAPOS OK LANG NAMAN PALA SIYA!!!"
Patay ako neto kay kuya pag-uwi, galit siya. At 'pag siya galit, nako! Pero parang close sila ah, may pa-Rhezek pa na shortcut. Although, yung Santi ko, given naman eh. Baka given din yun?
"Pero napakabuting suggestion niyan Rhezek! If g kapatid ko, why not. Pero huwag kayo sa'kin magpaalam. Pakisabihan si Santi na ipaalam kay mama pag-uwi niya."
"Akala ko hindi niya ako papayagan kasi na-ospital ako noon nung mabalian ako hahahahahh at kapag ok si kuya, malamang, boto na si mama kasi malaki ang tiwala niya dun kaysa sakin HAHAHAAHHAHA salamat Rhezekiah!"
"Walang anuman Santi, nawa'y basbasan ka niya't payagan. Kasi importante yung blessings from our parents... About pala sa iyo at ng iyong kuya. Namamangha ako kasi ang close niyo kahit na half-siblings lang kayo pati na rin sa mom mo."
"Ah, tungkol diyan, mahal kaming dalawa ni mama ng pantay ever since kahit noong zero yrs. Old pa ako hahahhah"
<Rhezekiah's POV>
Nakakainggit si Santi. Oo, si Santi na may problema pagdating sa pera pero puno ng pagmamahal mula sa kanyang kuya, mama, at lola. Ako, mayaman, sa pera, pero sa pamilya... hindi ko alam kung pamilya ba ang turing sa'kin o sampid.
Hindi naman sa pagrereklamo o ano. I thank God for all of these provisions and providence from Him. I just want to know how it feels like na mahalin ng pantay na nagmumula sa ama at maramdaman ang pag-aaruga ng isang ina...
Ang komiks nito ay nasa Webtoon at Tapas na! (tunghayan din ang nobelang ito sa Wattpad)
Comments (0)
See all