Please note that Tapas no longer supports Internet Explorer.
We recommend upgrading to the latest Microsoft Edge, Google Chrome, or Firefox.
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
Publish
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
__anonymous__
__anonymous__
0
  • Publish
  • Ink shop
  • Redeem code
  • Settings
  • Log out

Kakaibang Kasaysayan

Walang Balikan

Walang Balikan

Mar 19, 2024

Nag-aalinlangan, pinindot ng scientist ang confirm button.  Hindi ko gusto ang kumpiyansa ni Valentine. Subalit, hindi naman ako yung inhenyero para kumontra. Nanginig muli ang makina pagkatapos niyang pindutin. Ngunit mas malakas pa. Ang mga ilaw ay kumikislap, at hindi namin mapanatili ang aming balanse. Muntik na huminto ang aking puso. "Nasusuka ako!" sinigaw ko. Hindi lang ang makina ay nanginginig. Biglang may puting liwanag ang lumabo sa aming paningin. Hesu Kristo? Ito na ba? Patay na ba ako? Anong nangyari? 


"Ang paglalakbay sa oras ay matagumpay." Ang sistema ay nagsalita, na nagbukas ang aking mata. Lahat kami ay nakaupo at nakahiga sa sahig ng maliit na makina. Ako ang unang tumayo sa amin, parang lumilindol,  pero hindi. dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Lumaki ang aking mga mata sa tanawin sa harap ko.


Bakit may sibilisasyon dito? Asan ba tayo?


Binati ako ng tunog ng kaguluhan ng kalsada, mga boses ng tao, mga tawa ng bata. Ang amoy ng usok galing sa mga tambuso, halo sa amoy ng bagong luto na pagkain. Hindi maganda, pero nagkokonpirma na nasa panahon kami ng mayroong tao na.


"Eugene, parang mali yung tinype mo sa keyboard kanina," Sabi ni Leora na nagpupunas ng mata niya. Sumunod sa akin ang iba ng bumaba ako sa time machine, sa harap namin ay isang barangay na puno ng mga gusali at daan. Kumpara sa panahon namin na 2080, ang mga estruktura namin ay simple na may pagka-moderno, habang ang mga pinatayo nila ay maaari nating ipalagay na antigo.  "Tignan mo yung mga kotse!" Itinuro ko ang daan. 


Agad tinignan ni Eugene ang screen sa loob ng time machine. Estados Unidos, Enero, 05, 1929. Nataranta ang sinusubukang malaman kung anong taon sila nakarating "1929?!? Nilagay ko sa Mesozoic Era!" 


"Nasira yung time machine, Eugene." Inangat ng siyentipiko ang kanyang ulo sa nagsalita. Naka nakatitig lang si Valentine sa kanya ng blanko na mukha. "Akala ko ba okay lang?" Tono ni Eugene halatang naiinis. “Pasensya na…Hindi ko naman inakala na—” 


“Hindi mo inakala? Sinabi na nga sa atin ng sistema na hindi kaya, ikaw ang nagsabi na tuloy pa rin!” Palakas ang boses ng siyentipiko. Napanuya si Valentine “Edi ba't mo ako sinunod?!” 


“Eh ikaw ang inhinyero natin! Sino pa ba…” huminto ng saglit si Eugene, huminga ng malalim “...sino pa ba ang pagtitiwalaan ko?” Tinuloy niya, mahina ang boses, iniba ang tono. Hindi makahanap ng sagot si Valentine, at tumingin lamang sa sahig “U-uh…” Pakiramdam ko, atensyon ng tatlo ay lumipat sa akin “Ano ba nasira?”


Tumalikod si Valentine, sinundan namin ang tingin niya sa pintuan papunta sa makina ng time machine. May usok na lumalabas sa mga gilid, at noong binuksan ito ang aming inhenyero, mas dumami ang paglabas. “Sunog ang mga alambre…” nakasaad ni Valentine ukol sa kanyang napansin, “Halos lahat lusaw…baka dahil sa overcurrent” 


"Habang nandito tayo, hanapin natin ng maaaring kapalit na kailangan niyo. Nasa Amerika naman tayo!" Sinubukan kong ngumiti sa sitwasyon. "Gamit ng ano? Wala naman tayong pera para makabili ng mga kailangan natin," muling nakakunot ang noo ni Eugene. 


"Maghahanap kami ng ATM, may malapit na bangko ata dito! Siguro 'di naman mataas ang exchange rate sa 1929," Linabas ni Leora ang kanyang pitaka. “Halika na, Hugo. Samahan mo ako.” Hinawakan niya ang braso ko at hinatak paalis.

 

“Mga cellphone ninyo baka mawala!” Sigaw ni Eugene habang paalis na kami ni Leora “Tawag lang kayo pag kailangan!” Idinagdag ni Valentine. “Sabihin ba natin sa kanila na wala sila mawiwithdraw?” Tumanggi si Eugene, “'Wag na. babalik naman sila.” Pagkaalis namin, nagsimula kami sa pagtingin sa aming mga paligid. Totoo nga, nasa 1929 kami… ang hirap makapaniwala. Kinamot ni Leora ang kanyang ulo. “Asan ba ang bangko dito?” reklamo niya. “Magtanong kaya tayo sa mga tao,” mungkahi ko. 


hsamjuliaangela
hsamjuliaangela

Creator

Comments (0)

See all
Add a comment

Recommendation for you

  • What Makes a Monster

    Recommendation

    What Makes a Monster

    BL 75.7k likes

  • Invisible Bonds

    Recommendation

    Invisible Bonds

    LGBTQ+ 2.4k likes

  • Touch

    Recommendation

    Touch

    BL 15.6k likes

  • Silence | book 1

    Recommendation

    Silence | book 1

    LGBTQ+ 27.3k likes

  • Blood Moon

    Recommendation

    Blood Moon

    BL 47.7k likes

  • Invisible Boy

    Recommendation

    Invisible Boy

    LGBTQ+ 11.5k likes

  • feeling lucky

    Feeling lucky

    Random series you may like

Kakaibang Kasaysayan
Kakaibang Kasaysayan

1k views1 subscriber

Dalawang arkeologo, siyentipoko, at isang inhenyero lumayas sa nakaraang panahon upang magkonpirma ang kanilang pananaliksik. Ngunit nasira ang kanilang time machine, at ngayon nasa taon 1929 na sila, at walang paraan kung paano bumalik
Subscribe

9 episodes

Walang Balikan

Walang Balikan

97 views 0 likes 0 comments


Style
More
Like
List
Comment

Prev
Next

Full
Exit
0
0
Prev
Next