Nang mahanap namin ang bangko at pumila agad. Marami sa mga lalaking nasa harap namin ay mga naka-suit and tie, at may hawak na mga lalagyan na parang kwaderno, sa pagkakaalam ko tawag nila doon ay briefcase? Ang mga babae ay mga naka-palda ng may kwelo, at ang mga buhok parehas ang pagkakaayos. Habang kami ni Leora perhong naka putot na kayumanggi na may katerno ng pangtaas. Nakakahiya naman 'to…
Nakarating na kami sa pwesto kung saan nakausap namin ang teller sa bangko. “Good morning! How may I help you today?” ang sabi niya. Ay jusko po, nasa Amerika nga pala kami. “Hi, uh- how will we…” Sinimula ko, mas nerbyos kasya sa kaninang umaga. “...Take money out?” ang aking accent, makapal at halatang nahihirapan.
“A withdrawal?” konpirma niya, “Opo- ay! Yes…” Sumagot ako, sinunod ng isang ubo. “Bank account name please?”
“Hugo Vincent Soriano.”
Tumingin ang bank teller sa isang aklat na puno ng mga pangalan, at may bolpen na hawak sa kanyang kamay. Ilang minuto lumipas bago may nararamdaman akong kumakalabit sa balikat ko. Tumalikod ako kay Leora, “Huy, nasa 1929 tayo…Wala kang bank account,” Bulong ninya. Pabigla-bigla ang pagtanggal ng bara sa aking lalamunan, para makapunta sa akin ang atensyon ng bank teller. “Sorry na…nguni- but we have…something to go to.”
Hindi na namin hinintay ang sagot niya bago sabay kami ni Leora tumakbo palabas ng bangko at bumalik kila Eugene at Valentine. Nakarating kami sa kanila, si Eugene nakatayo, sa likod ni Valentine ng nakayuko sa may makina ng time machine. “Wala kayong na-withdraw, noh?” isinaad ni Eugene. “Paano mo alam?” Usisa ni Leora, humihingal.
“Nasa 1929 tayo, Una, wala silang teknolohiya para doon, Pangalawa, mga magulang natin hindi pa pinapanganak, ngalan mo naman magkakaroon tayong account sa bangko,” Ipinaliwanag ng aming siyentipiko “Ayun pala, hindi nagsasalita. Napahiya pa kami.” Reklamo ko, at parang tumataas ang mga sulok ng bibig ni Eugene “Nakakatawa.”
Huh. Kaya niya pala ngumiti. “Edi paano tayo magkakapera?” Sabi ni Leora, tumitiklop ang kanyang mga kamay. Nagkatinginan sina Eugene at Valentine sa isa’t isa ng marinig ang tanong. “Habang wala kayo, nakaisip na kami ng paraan. Makinig kayo,” Alok ng inhenyero. “Hindi ako sang-ayon sa idea na ito.” Dumagdag ko. “Bakit naman? 'Kala ko pinag-usapan na natin ito?”
“Nilalabag ang unang tuntulin ng pag-time travel. Bawal tayo gumawa ng pagkakaiba sa nangyari sa nakaraang panahon,” Ipinaliwanag ko. Masyadong malaki ang panganib na ito. At kung malaki man ang pagkakaiba na naisagawa namin. Mas mahirap kami makakabalik sa panahon namin.
“Ito lang ang magagawa natin.”

Comments (0)
See all