Please note that Tapas no longer supports Internet Explorer.
We recommend upgrading to the latest Microsoft Edge, Google Chrome, or Firefox.
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
Publish
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
__anonymous__
__anonymous__
0
  • Publish
  • Ink shop
  • Redeem code
  • Settings
  • Log out

Kakaibang Kasaysayan

Ang Pagbagsak ng Ekonomiya

Ang Pagbagsak ng Ekonomiya

Mar 19, 2024

Oktubre 29, 1929. Ang tunog ng radyo ay rinig na rinig kahit sa labas ng garahe namin. Sa radyo na kami nakakakuha ng balita simula noong nagpatayo na sila ng radio station sa petisyon ng mga tao “Breaking news! The economy has reached its doom!” Balita ng nang aanunsyo “Ha?!” Inireak ni Leora “Even bread these days has increased up to 5 dollars!” 


Grabe naman yun. Tinapay lang limang dolyar na. “Syempre may gagawin na ang presidente diba?” Sinubukan ko mag isip ng positibo sa sitwasyon. 


Ito ba ang epekto ng ginawa namin? Para sa ikabubuti naman ang mga teknolohiya na iyon diba?


Disyembre 27, 1929: Nagkakaguluhan sa kalye, trapik, at puno ng mga tao ang mga daanan. Black Friday na ngayon—ang araw kung saan bumaba ang mga presyo para sa mga gamit na hindi naman kailangan. Ngunit bibilhin pa rin ng mga tao kasi sa kung gaano tumaas ang presyo ngayon. Isang tinapay, sampung dolyar?? Ano yun?! Parang nakawan mo nalang ako ng pera ah. Pero pag-Black Friday, mababa ang mga presyo kaya’t dinadamihan na ng mga tao ang bibilhin nila. Kahit kailangan man o hindi. 

“Paano na yan? Uuwi lang ba tayo ulit sa panahon natin?” Tanong ko. “Hindi man natin ayusin ang lahat na ito?” 


“Tayo ba may kasalanan?” Sagot ni Valentine. “Para sa akin, si Herbert Hoover ang simuno.” Dinagdag niya. “Malay ko. Feel ko meron pa rin tayong responsibilidad sa ngayon,” tugon ko naman. “Meron pa ba tayong ibang paraan? Kailangan natin ng pera para mabuhay, hindi naman kaya ayusin ni Valentine ang time machine ng isang araw.”  nagsasaad ni Leora


“Eto nga, kamusta na nga ba ang time machine?” Tanong ni Eugene ng kinalabit niya ang inhinyero namin “Malapit na matapos. Sa aking paningin, bukas makakauwi na tayo,” Panatag ni Valentine. Tumango naman ni Eugene bilang tugon.. 


“Yun na yun?” Sagot ko. “Bakit? May paraan ka ba para ayusin ang ekonomiya na hindi naman natin sinira?” Kontra ng siyentipiko. “May pagkalahok naman tayo…” 


“Edi maiwan ka.” 


“Hah?”


“Kung gusto mong ayusin lahat, maiwan ka.” Inulit ni Eugene. “Hindi ito ang mundo natin, Hugo. Hindi ito ang panahon natin. Wala tayong karapatan mag-iba pa ng nakaraan.” Tinignan niya ako ng blanko ang mukha. “Hindi naman lahat ay masosolusyonan natin, Hugo. Hindi ka pa ba sanay?” 


“Edi bakit pa tayo gumawa ng teknolohiya?” Kontra ko. “Sa panahon ba natin, meron bang kasaysayan kung saan ganito ka lala ang ekonomiya ng States?” 


“...”


“Kaya nga…Wala. Kung kailan isinulong natin ang radyo! Doon na tayo nakapagpabago ng kasaysayan! Tapos kung kailan ayusin na natin umaatras kayo?”


“Tumigil nga kayo, ‘wag nga kayo mag-away!” Sinigaw ni Leora sa galit, kinukuha ang atensyon naming dalawa. “Sumasang-ayon ako kay Hugo, tutal tayo nga naman ang nag-uso sa radyo ni Valentine.” Kunot ang noo ni Valentine nang binanggit ang kanyang pangalan.

 

“So ako may kasalanan? Ganun ba, Leora? Kung wala ako, edi hindi na naganap ang proyektong ito!” Nagsimulang tumaas ang galit sa boses niya. “Kung wala ikaw edi sana nakarating pala tayo sa panahon na gusto natin puntahan noong una! Pinilit mo pa kasi ang makina eh”


“Excuse me? Sino ka ba para magsalita kung ikaw ay isang arkeologo lamang? Kayo ni Hugo ay ang nagmungkahi na mag-time travel tayo sa taon na umiiral bago nabuhay ang mga tao! Pati ba naman si Hesus wala pa nun! Tapos ako pa sinisisi mo kasi gusto nyong kumuha ng impormasyon tungkol sa mga dinosaur mo na yan?” 


Ang ingay…nakakabingi. Sa gulo ng pangkat namin, mahirap na makinig. Nakakasuka. Hindi na, hindi ko na kaya. Tumakbo ako palabas ng garahe. Nang makaabot na ako ng malayo, doon palang ako makahinga ng maayos. Ayoko ng naririnig nag-aaway ang iba. Sakit sa ulo, nakakahilo. Lakad-lakad muna ako sa lungsod, baka makatulong iyon sa kaguluhan ng nararamdaman ko. Para mag-usap na kaming apat ng matino pagbalik ko.


hsamjuliaangela
hsamjuliaangela

Creator

Comments (0)

See all
Add a comment

Recommendation for you

  • What Makes a Monster

    Recommendation

    What Makes a Monster

    BL 75.7k likes

  • Invisible Bonds

    Recommendation

    Invisible Bonds

    LGBTQ+ 2.4k likes

  • Touch

    Recommendation

    Touch

    BL 15.6k likes

  • Silence | book 1

    Recommendation

    Silence | book 1

    LGBTQ+ 27.3k likes

  • Blood Moon

    Recommendation

    Blood Moon

    BL 47.7k likes

  • Invisible Boy

    Recommendation

    Invisible Boy

    LGBTQ+ 11.5k likes

  • feeling lucky

    Feeling lucky

    Random series you may like

Kakaibang Kasaysayan
Kakaibang Kasaysayan

1k views1 subscriber

Dalawang arkeologo, siyentipoko, at isang inhenyero lumayas sa nakaraang panahon upang magkonpirma ang kanilang pananaliksik. Ngunit nasira ang kanilang time machine, at ngayon nasa taon 1929 na sila, at walang paraan kung paano bumalik
Subscribe

9 episodes

Ang Pagbagsak ng Ekonomiya

Ang Pagbagsak ng Ekonomiya

105 views 0 likes 0 comments


Style
More
Like
List
Comment

Prev
Next

Full
Exit
0
0
Prev
Next