Tinapay sa ngayon ay tumaas as 15 dolyar. 15 DOLYAR. Pinagkakaguluhan pa rin sa mga kalsada, punong-puno ng mga sasakyan, at ang presyo pataas ng pataas. Ang mga teknolohiya na pinauso namin hindi pa nasasawa. Kung ano pa man, nakahanap sila ng mga paraan kung paano ipabuti ang mga orihinal na ideya namin.
Lumala talaga, kung tumuloy pa tayo, sino may alam kung paano ang kalagayan ng panahon namin ngayon? “Paano na?” tanong ni Valentine.
…
“Lahat naman tayo sang-ayon na ang pangulo ay may kasalanan kung bakit ganito ang bansa ngayon?” sabi ko. Lahat naman nagkasundo. “Ano ang kailangan natin gawin gamit sa impormasyon na iyon?”
“Ibahin ang presidente?”
“Tama. At paano natin iyong magagawa?”
“Ang mga may karapatan mapilit sa pag-iba ng presidente ay ang mga tao. Saan tayo makakakuha ng sapat na tao para doon?” Tanong ni Eugene. “Paano ba nila napatayo ang radio station na iyun?”
“Ooh…” Sabay silang tatlo.
Kaya nga. Magsisimula kami ng petisyon.
Kaming apat ay naghiwalay para mag ipon ng mga pirma ng mga tao upang maisagawa ang pag-iiba ng pangulo. Si Leora ay nasa mga pamilihan, si Valentine naman kumakatok sa mga bahay ng iba, si Eugene nag-iipon sa gilid ng kalsada, habang ako, nandito, naghahanap ng pirma sa lahat ng hahanapin ko.
Bilad sa araw kami nagtatrabaho. Kailangan namin makollekta ng 10,000 na pirma. At sa apat na araw, ang naipon lang namin ay 1,251. Pagod na ako kahit sa pag-iisip ng ilan pa kailangan natin; wala pa naman kami sa kalahati ng 10,000. paligiran dito–puno ng mga taong nagwawala, Naglabas ako ng buntong hininga habang pinupunas ko ang aking noo na puno ng pawis.
◈
Abril 12, 1939: Noong ipinasa namin ang mga pirma at naghihintay ng balita. Ayon sa radyo namin na luma, “Breaking news! Due to popular demand, Herbert Hoover has been pushed out of his position as president! An election will be held!” Grabe ang pag talon namin apat sa pagdiwang namin. Sulit ang hirap namin sa pagiipon ng pirma! Parang nakakaiyak.

Comments (0)
See all