Ayon sa balita, si Franklin Roosevelt ang nanalong pangulo. Nananalangin kami na ipinatupad niya ang kanyang mga pangako na ayusin niya ang ekonomiya ng bansa na ito. Hindi lang para sa bansa, pero para sa panahon namin. Sa kinabukasan ng mundo nila.
Hunyo 9, 1939: Nakakapanibago na ang paligid ngayon. Ang mga kalsada hindi nagkakagulo, pareho sa noong unang dumating kami sa panahon na ito. Buhay at puno ng ilaw—at gas. Ang bangko walang tao, mas lalo na dahil sa tinupad ng pangulo ang “bank holiday,” kung saan sarado ang bangko ng ilang araw.
Disyembre 12, 1942: Mayroong mga bagong gusali, kalsada at lupa ay ginagamit naibibigay ng pangulo sa bansa. Ang pera sa bangko ginamit para sa pagtatayo ng mga ito. Pagkatapos ng halalan noong 1939, gumanda na ang ekonomiya ng Estados Unidos. Simula ng 1939, tinatawagan ang pagbagsak ng ekonomiya, "The Great Depression." 'Di lang ang ekonomiya ang gumanda, pero ang english skills ko rin! Sa sampung taon ko na nanatili ako dito, nasanay ako sa lenguahe at accent dito.
Sa huli, nagliligpit na kami ng aming mga gamit kasama ng mga ilang memorabilia. Habang kami ay nagaayos ng gamit namin, napansin ko si Eugene na nagliligpit ng gamit para sa inhinyero namin. "Handa ka nang umalis?" Hinawakan ako ni Leora sa likod ko habang ako ay nakatitig sa makina. Hay… Lahat ng away at inis namin dahil dito. Pero sa wakas, makakauwi na kami. Nauna na si Leora sa time machine.
“Bilisan mo, Hugo. Mahuhuli ka nanaman!” Sabi ni Eugene, na ang kasunod niya ay si Valentine, “Hanggang ngayon hindi mo na siya tinantanan diyan ah,” Biro niya. Huminga ako ng malalim, nasasabik, at wala ng kaba.
Uwian na.

Comments (0)
See all