[Roman]
Mister Romance Manicci. Hindi ko kayang bayaran ang napakalaking utang pero alam ko na hindi kayo mawawalan o malulugi sa akin dahil may ginawa akong paraan para makabayad sa inyo higit pa sa halaga ng aking mga utang.
Iiwanan ko ang aking nagiisang anak, si Alana. Iiwanan ko siya sa inyo bilang kolateral sa lahat ng aking mga utang. Kayo na po ang bahala sa anumang desisyon anong kinabukasan ang ibibigay mo sa bata. Maraming salamat sa lahat. –Francisco.
Parang sumakit ang kanyang ulo sa kanyang nabasa. Hindi siya makapaniwalang mangyayari ito. Itong lalaking 'to na nagbigay ng kahihiyan sa kanyang kompanya at may utang na napakalaking halaga, ay isusugal ang sariling anak para takbuhan ang responsibilidad nito! Damn that man! Ito na yata ang pinaka-weird na nangyari sa buong buhay niya.
"Anong sinabi ni Papa?"
Nagising siya sa tanong nito. Hindi siya makasagot. Sa tingin niya walang kaalam-alam ang babaeng 'to na iniwan na ito ng ama. O baka naman hindi?
Nakakapagduda. Papaano kung plano lang ito ni Francisco at kakuntsaba nito ang babaeng 'to? This is a very sad situation pero hindi dapat siya magpakampante.
Of its true or not, hindi pwede manatili ang babaeng 'to sa kanyang pamamahay.
Umupo siya katapat nito. Kailangan muna niyang pakalmahin ang sarili. "Bago ko sagutin 'yan. Alam mo ba kung bakit ka nandi---pinadala ng Papa mo dito?"
Napaisip ito. "Hindi ko alam, eh. Kakauwi lang niya galing sa trabaho pagkatapos, pinaimpake niya ang mga gamit ko at dinala ako dito."
"At anong sinabi nito bakit ka niya dinala dito?"
"Ang sabi lang niya, may trabaho siya sa malayo at matatagalan itong uuwi kaya dito daw muna ako tutuloy."
"May sinabi ba ang Papa mo tungkol sa akin?"
"Wala naman. Basta 'yun ang sabi niya. Hihintayin ko lang siya makabalik at kukunin din niya ako pagkatapos ng trabaho niya."
Kita niya na wala itong alam sa totoong alam sa plano ang ama nito. Ang ibig sabihin lamang nito, problema na niya ngayon ang babaeng 'to. Ano naman ang gagawin niya rito?
"So, saan pupunta ang Papa mo?"
"Hindi ko alam. Mula ng kinuha niya ako sa amin, hindi ko masyado siyang nakikita at nakakausap dahil palagi na lang siyang wala sa bahay."
"Sa inyo? Saan ka ba galing?"
"Nakatira ako sa isang isla. Ang ganda doon. Kaya lang, dahil namatay na si Mama kailangan kong sumama kay Papa dahil pinangako niya sa akin na papaaralin niya ako. Eh, 'yun ang gusto ni Mama kaya sumama ako. Pero, hindi ko alam kung tutuparin ba ni Papa ang pangako ni Papa sa akin kasi sa tuwing tinatanong ko siya kailan ako magaaral, hindi naman niya ako sinasagot. Binibili naman ako ni Papa ng mga damit, laruan pero ang gusto ko talaga ay makapag-aral."
"Ganoon ba? Ilan taon ka na?"
"Dise-otso."
She doesn't look like an eighteen year old. "Alam mo kasi, hindi ko alam na... na darating ka. At hindi ako kinausap ng Papa mo na dito ka titira."
"Huh?" Nagulat ito. Kita niya na nagsisimula na itong mag-panic. "Pe-pero, 'yan ang sinabi ni Papa."
"Kung gusto mo, umuwi ka na lang sa inyo. I can help---"
"Hindi pwede." Agad tutol nito. "Kaya ako sumama kay Papa pagkatapos ng libing ni Mama dahil gusto ni Mama na makapagtapos ako ng pagaaral. Gusto ko man umuwi pero pinaghahawakan ko na tutuparin ni Papa ang pangako niya sa akin."
Naiintindihan niya ang punto nito. Lalo na naniniwala ito sa pangako sa isang tao na ginawa itong kolateral sa utang.
"Okay, I understand. I guess I don't have a choice. Sige, dito ka muna."
"Talaga?! Salamat!"
"Pero hindi ka titira dito. Kailangan muna natin resolbahin ang problema mo na naging problema ko na rin. Come, ihahatid muna kita sa magiging kwarto mo."
It's freaking two in the morning at hindi umaandar ang utak niya. Papalagpasin muna niya ito at mamaya, ipapahanap niya ang Francisco na 'yun.
[ALANA]
Hinatid siya sa tutuluyang kwarto. Pansin niya kanina pa na malaki ang bahay nito. Katulad din ito sa bahay ng Papa niya. Siguro gaya ng Papa niya, may kaya din itong lalaki.
"Magpahinga ka na at mamaya, titignan ko kung makakausap ko ang Papa mo, okay?"
"Salamat po."
"Sige, goodnight."
"Sandali."
"What?"
"Um, kung makausap mo si Papa pwede bang pakisabi na sunduin na lang niya ako? Doon na lang ako titira muna sa bahay niya."
"Gagawin ko ang makakaya ko so don't worry. Goodnight." Ito na nagsara ng pinto.
Tinungo niya ang kama at agad na humiga. Ramdam niya ang sakit ng katawan dahil siguro sa pangangalay na nakatalungko siya sa labas ng bahay.
Sa pagaakala niya na hanggang umaga siyang maghihintay sa labas, nabuhayan siya ng loob ng makita niya ito na lumabas sa pinto. Halatang sobra ang gulat sa mukha nito ng makita siya. Handa sana siyang magpaliwanag dahil baka akala nito isa siyang magnanakaw pero mabuti hindi. Binigyan siya ng tuwalya at pinatuloy siya sa bahay nito.
Palakad-lakad lang ito kanina at tila nagiisip habang siya naman ay pinapatuyo ang kanyang basang buhok. Tinanong siya ng mga bagay gaya ng saan siya pumasok at bakit siya nandirito. Doon na niya natandaan na may sulat na pinapaabot ng kanyang ama para rito.
Sa pagbasa ng lalaki sa sulat, gulat ang reaksyon nito. Hindi niya alam anong nasa sulat pero mukhang hindi yata maganda ang nabasa nito.
Sa pagaakala niya na magkakilala ang lalaki at kanyang ama, totoo pero wala daw sinabi na dito muna siya titira. Nagulat siya at sobrang nabahala dahil bakit wala itong alam at minadali ng Papa niya na i-empake ang kanyang mga gamit at iniwan sa bahay ng lalaki.
Gusto niyang umuwi. Gusto niya talaga dahil hindi na niya naiintindihan ang mga ginagawa ng ama niya. Pero, may lugar sa kanyang isip na hindi siya pwedeng umuwi. Ang pinaghahawakan niya ay ang pangako ng ama niya na pagaaralin siya at ang pangako niya sa kanyang ina na makakapagtapos siya sa pagaaral. Pero bakit ganito ang nangyayari?
Ramdam niya ang pagliliit sa sarili. Ito yata ang pinakaunang pangyayari na sobra siyang malungkot maliban sa pagkawala ng kanyang ina sa mismong kaarawan niya.
Tumulo ang kanyang luha. Ramdam niya na nagiisa siya. Kung nandito lang ang kanyang ina, maligaya pa rin siya hanggang ngayon. Basta makasama lang niya ang mama niya, masaya na siya. Pero, nagising siya sa realidad na hindi lahat ng nangyayari sa buhay ay puro masasaya lamang. Akala niya kaya na niya magisa, na magiging maayos siya kasama ang kanyang ama pero iiwanan pa pala siya sa isang tao hindi naman niya kilala.
Sa kakaiyak niya, hindi niya napansin na nakatulog na siya.
Comments (0)
See all