"Hey you, what are you doing?"Napalingon ako sa nagsalita.Nasa gilid ko pala.Isang babae,nakalugay ang buhok,maputi,naka-ayos na parang K-pop.
Nginitian ko siya."Hindi ako tatalon,"sabi ko.Baka akalain nito tatalon ako.
"It wasn't that but are you sure you're okay?"tanong niya ulit.
"I am,"sagot ko."Tama ba sinabi ko?"tanong ko rito.
Hindi niya sinagot ang tanong ko kaya mahina akong napatawa.Mabuti na lang hindi niya jinudge 'yun.
Dumiretso yung babae sa K-cafe na katabi lang ng ilog.Binalik ko ang mata sa umaagos na tubig bago tuluyang nagpaalam sa kanya.
Alam kong payapa na siya dahil kilala niya at tinanggap niya ang lumikha sa atin kaya hindi na ako nag-aalala sa kanya.
Sa paglipas ng ilang taon natutunan ko na rin na tanggapin ang nangyari.Kung 'yun man ang nakatadhanang mangyari,sino ba naman ako para kwestyunin 'yon.
Pumasok na ako sa loob ng K-cafe na tinayo ng kaibigan ni Ate Mina,kaya rin nakapasok si Ate Mina bilang isang manager at employee ng K-cafe.Kulang sila sa tao kaya paminsan-minsan,sa tuwing dinadalaw ko si Lena,tumutulong din ako kila Ate Mina.
Nagulat ako pero napa-ngiti rin agad nang pagkapasok ko sa K-cafe ay nakatayo pa rin yung babae sa entrance.Pagkalingon niya,malaki ang naging ngiti ko at binati siya.Pamilyar kasi—parang nakita ko na siya noon pa.
"Hi,"bati ko.
"Are you here for a drink?"tanong niya.
"Hindi."Oo nga pala—"Palagi ka bang andito?Parang pamilyar ka kasi,"sabi ko.
"I am."Ahh,kaya pala.Napatango-tango ako."Madalas,"dagdag niya,"maganda kasi rito.The ambiance, the vibe, the aesthetics and the K-stuffs here."
"Pang-attract talaga sa customers yung K-pop,'no?"
"Yeah, I agree."
"Han,halika na rito."Sabay kaming napatingin nung babae kay Ate Mina.
"Trabaho muna ako,"paalam ko sa kanya,"enjoy ka rito."Tumakbo na ako palapit kay Ate Mina.Humarap ako sa direksyon nung babae at nakitang lumapit siya sa counter nang hilahin ako ni Ate Mina sa loob ng employee's room.
"Bukas na ba ulit ang puso mo?"tanong ni Ate Mina.
"Ate Mina naman,kapatid ka ni Lena,"naka-nguso kong sabi.Tinignan niya lang ako na parang wala siyang pake.Nginitian ko siya at nag-peace.
"Kilala mo yung regular customer dito?"
"Sino?"
"Yung kausap mo kanina,si Riselle."
"Nakita ko lang sa labas,"sabi ko."Kinausap ako,akala tatalon ako."
"Katulad ni Lena,"bulong ni Ate Mina na hindi nakalagpas sa pandinig ko.
Nginitian ko si Ate Mina.Ilang beses niya na akong kinukulit tungkol sa hindi gusto ni Lena na makulong ako sa kanya,na kapag dumating yung taong mamahalin ko sa susunod na pagkakataon ay hinding-hindi siya mag-aalinlangan na hayaan ako.
"Riselle,"tawag ni Jake sa labas.
Tinapik ako ni Ate Mina at lumabas na.Sumunod ako sa kanya at napatingin kay Riselle na patayo pa lang kaya kinuha ko agad ng walang pagdadalawang-isip ang tray ng inorder niya.
"Your order, ma'am,"naka-ngiti kong sabi.Nilapag ko ang latte sa harap niya."Regular customer ka pala namin?"tanong ko."Kaya pala pamilyar ka,e."
Tumango siya."I almost thought you're a customer too,"sabi niya."I seldom see you here din kasi siguro."
"Paminsan-minsan dumadalaw ako rito kaya pamilyar na hindi ako,"sabi ko sabay tawa."Gets mo sinasabi ko?"tanong ko pa dahil maging ako ay naguluhan sa sinabi ko.
"I slightly get you."
Napa-ngiti ako at tinanguan siya.Umalis agad ako nang tawagin ako ni Jake.Lumapit ako sa kanya para tanungin kung ano 'yon nang ituro niya yung tray na naglalaman ng tatlong cup.
"Sa tatlong babae 'yan 'tol na nagseselfie,"sabi niya.Napatingin ako sa tinuturo niya kaya napakamot ako sa noo ko.
Wala na akong nagawa kundi ihatid ang order sa table nung tatlong babae.Nakuhaan pa ata ako sa pagseselfie nila.
Napatingin ako kay Riselle nang madaanan ang table niya.Nakita kong nakalapit ang ilong niya sa may cup at mukhang inaamoy ito.Napa-ngiti naman ako habang pabalik sa counter para ibalik ang tray.

Comments (0)
See all