Please note that Tapas no longer supports Internet Explorer.
We recommend upgrading to the latest Microsoft Edge, Google Chrome, or Firefox.
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
Publish
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
__anonymous__
__anonymous__
0
  • Publish
  • Ink shop
  • Redeem code
  • Settings
  • Log out

The Day Before Yesterday

The Day Afterwards

The Day Afterwards

Jul 30, 2025

Bumalik ulit ako sa K-cafe matapos ang dalawang araw simula ng makita ko siya.Hindi ko inaasahan na magpupunta ulit siya.Umorder siya ng isang Iced Americano,kaso,pagkatapos niya makuha ang order niya,umalis na rin siya agad.

 

"Tinamaan ka ro'n,'no?"tanong ni Jake sa'kin nang makalabas na si Riselle sa cafe.Napalingon ako rito nang tapikin ako nito."Sinusundan mo ng tingin,e.Natulala ka pa!"pang-aasar nito.

 

"Tingin mo,may pag-asa ako?"pabiro kong tanong.Wala naman akong ibang iniisip at hindi ko naman sineseryoso ang sinabi ni Ate Mina sa'kin.

 

"Wala."May kasama pang pag-iling nito."Mataas standard ngayon ng mga babae.Idagdag mo pa na sikat na sikat ngayon ang K-pop."

 

Hindi ako naniwala sa sinabi ni Jake.Lahat naman may pag-asa kung pagsisikapan.

 

Bumalik ako sa trabaho ko ng ilang araw at nang magkaroon ulit ako ng oras para makabisita kay Lena at Ate Mina ay saktong nakita ko sa labas ng K-cafe si Riselle.

 

Ewan ko ba.Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang malaman kong siya 'yon dahil sa birthmark niya sa baba ng siko niya.

 

"Hindi ka pa papasok?"tanong ko na ikinagulat niya."Hm?"

 

Mabilis siyang umiling."Nothing,"sagot niya."I didn't see you here for the past few days."

 

"'Yon ba? May work pa ako kaya hindi muna ako nakakadalaw."

 

"Don't you work at K-Cafe?"tanong niya."Or is it just like your part-time job?"

 

"Hindi ang sagot ko sa parehas mong tanong."Hinawakan ko ang baba ko bago sumagot."Sabihin na lang natin na para akong pamilya nila na tumutulong tuwing bumibisita."

 

"That's amazing,"sabi niya kaya napa-ngiti ako."Uhm, can I ask again?"

 

"Sige lang,ano 'yon?"

 

"What if you see someone dance at the K-café or somewhere else like a public place? How would you react?"

 

Nahimigan kong tungkol sa kanya ang tanong na 'yon.Sa mga gan'tong bagay, ang kailangan ng mga tao ay suporta, magagandang salita at yung magiging inspirasyon nila para magsimula at magpatuloy.

 

Napatawa naman ako sa iniisip ko nang bigla siyang tumalikod.Nagulat ako kaya natigil ako sa pagtawa pero hindi nawala ang ngiti ko.

 

"Mabibilib,"sagot ko at sa wakas tumingin na siya sa'kin."Marami nang gumagawa no'n,e,tapos ako nasaktuhan kong makita?Aba,siyempre matutuwa ako na makanood nung gano'n,"sabi ko sabay ngiti.

 

Kung makita ko siyang sumasayaw,siyempre matutuwa ako,bakit hindi?

 

Nagulat siya sa sagot ko.Hindi ko mapigilan ang ngiti na mas lalo pang lumalaki at halos mapunit na.

 

"Oh,thanks for answering,"sabi niya tapos napatingin sa gilid."Uhm,it's really about me."Binalik niya ang tingin sa'kin.Halatang nag-aalinlangan siya kaya tumango ako.

 

"Hindi naman talaga natin masasabi kung anong sasabihin ng iba kaya naiintindihan ko na hindi mo sinabi agad."

 

"Can you take me a video?"tanong niya.

 

Nilahad ko ang kamay sa kanya.Mabilis naman niyang kinuha ang cellphone sa bag na suot niya at binigay sa'kin.

 

"Hindi ba sa loob?"nagtataka kong tanong nang magsimula na siyang maglakad palayo.

 

Lumingon siya sa'kin."I'm not brave enough to do that."Tinuro niya ang ilog na katabi lang ng K-cafe."Here. Ayos lang naman 'to for the background,right?"

 

Nginitian ko siya at binigyan ng thumbs up.

 

Pagkatapos niyang pumili ng music na sasayawin niya ay binalik niya sa'kin ang cellphone niya.

 

Hindi na ko nagtaka pa sa napili niyang kanta.Matapos ang kanta ay lumapit siya sa'kin,sa tabi ko,at pinanood ang video.

 

"I was late on this one."Tinignan ko naman ang tinuro niya at hindi naman halata."Can we retake again?"tanong niya.

 

"Sige,isa pa."

 

Bumalik siya sa pwesto niya.Sobrang ganda niya sa paningin ko.Kakaiba pala talaga kapag personal na pinanonood.

 

Naka-ilang retake kami dahil kung hindi niya nakalimutan ang step,napapatigil siya 'pag may dadaan at huli,hindi pa ayos sa kanya.

 

"Thank you for the help,"sabi niya at itinago na ang cellphone sa bag niya."What do you want?Black coffee,iced americano,espresso or latte?"sunod-sunod niyang tanong.

 

"Wala,"sabi ko."Malaking bagay na sa'kin na ako ang kumuha ng cover mo.Masaya na akong natulungan kita."

 

"Alright,if that's what you want.You said it yourself,"sabi niya.

 

Inabangan ko sa account niya ang cover video niya pero wala pa rin.Sayang naman kung hindi niya i-a-upload 'yon,ang galing niya kaya ro'n!

 

Biglang nag-flash ang tawag ng katrabaho ko kaya sinagot ko na muna iyon.

 

Ilang araw ay na-busy ako sa trabaho kaya hindi ko na rin natignan ang cover niya.Kaya nang magkaroon ako ng bakanteng oras at nakitang inupload niya na ay mabilis akong nag-like at nag-comment agad-agad.

 

*clapping emoji

 

galing naman!

 

number 1 fan na mo nito!

 

Tagal kong hinintay 'to.Worth it ang 12 seconds ng buhay ko.

 

Hindi ko mapigilang ma-send agad kaya naparami ang comment ko nang magkaroon ng like at isang reply sa huli kong comment:Stop!Sasabog notif ko *with laughing emoji.

 

Napangiti ako nang wala sa oras.Kumakabog na naman ng malakas ang puso ko.

 

Tinapik ako ng katrabaho ko sa balikat kaya napatingin ako rito."Laki ng ngiti natin,ah,"sabi nito kaya napa-iling na lang ako.

 

Gustong-gusto ko bumalik ulit sa K-cafe kaya nang magkaroon ng oras ay 'yon agad ang una kong ginawa.

 

"Tol,"bati nito nang makalapit ako."Sensya na,kakagaling lang dito kanina nung Riselle mo,sinabi ko sa kanya na crush mo siya pero mukhang hindi niya nagustuhan."

 

Ba't sumikip ang dibdib ko sa narinig?

 

Inilingan ko na lang ito at pumasok sa employees room para kumuha ng apron.

 

"Gusto mo ba 'yung regular customer natin?"tanong ni Ate Mina na kakapasok lang sa employee's room.

 

"Niloloko lang ako ni Jake,"sagot ko at sinuot ang apron."Wag kang maniwala du'n."

 

"Pero mukhang nag-iba ang itsura mo sa sinabi ni Jake,"kaswal niyang sabi.

 

Napalingon ako kay Ate Mina.

 

"Halata sa'yo,"dagdag niya.

 

Pilit akong tumawa at sinarado ang locker."Ate Mina naman ang seryoso,"sabi ko at hinawakan ang balikat niya."Trabaho na tayo,"sabi ko at lumabas na.

 

Nagsalubong ang tingin namin ni Jake at mukhang guilty pa rin siya sa nangyari.

 

"Jake,"tawag ko sa kanya.Nginitian ko siya at tinanguan.

 

Nagbago ang kanta na tumutugtog sa loob ng K-cafe at napalitan iyon noong kanta na sinayaw ni Riselle.

 

Bumalik sa isip ko ang nangyari nitong nakaraan.Bigla akong napangiti sa mga ala-alang 'yon.

 

Gusto mo na ba talaga,Han?

 

Bago magsara ay nauna na ako kila Jake at Ate Mina.Pagkalabas ko ng K-cafe ay napatingin ako sa ilog.

 

"Ayos lang ba talaga sa'yo,Lena?"bulong ko sa hangin.

 

***

 

"Kahit anong mangyari sa ating dalawa, kung may maiwan ang isa, huwag na huwag naging hahayaan na lamunin tayo ng nakaraan

 

"Kahit anong mangyari sa ating dalawa, kung may maiwan ang isa, huwag na huwag naging hahayaan na lamunin tayo ng nakaraan."

 

"Anong sinasabi mo?"pagtataka ko sa tinuran niya.

 

"Basta ipangako mo,"sabi niya.

 

"Lena..."

 

Nginitian niya lang ako at ang sunod niyang ginawa ay ang nagpatigil sa akin sa pagkontra sa kanya.

 

"Basta, ha,"sabi niya habang mahigpit niya akong yakap.

 

***

 

"Magiging maayos lang ba ang lahat?"tanong ko nang hindi inaalis ang tingin sa ilog

 

"Magiging maayos lang ba ang lahat?"tanong ko nang hindi inaalis ang tingin sa ilog.

 

Kahit ang malakas na agos ng tubig hindi na kayang pakalmahin ang sistema ko.

 

Naguguluhan na ako.

 

 

 

nammvyemerald
nammvy

Creator

Comments (0)

See all
Add a comment

Recommendation for you

  • What Makes a Monster

    Recommendation

    What Makes a Monster

    BL 75.7k likes

  • Invisible Bonds

    Recommendation

    Invisible Bonds

    LGBTQ+ 2.4k likes

  • Touch

    Recommendation

    Touch

    BL 15.6k likes

  • Silence | book 1

    Recommendation

    Silence | book 1

    LGBTQ+ 27.3k likes

  • Blood Moon

    Recommendation

    Blood Moon

    BL 47.7k likes

  • Invisible Boy

    Recommendation

    Invisible Boy

    LGBTQ+ 11.5k likes

  • feeling lucky

    Feeling lucky

    Random series you may like

The Day Before Yesterday
The Day Before Yesterday

300 views0 subscribers

Riselle, a regular at her favorite coffee shop, meets Han—a kind and endlessly supportive soul. As their worlds gently collide over lattes and quiet smile. . .will she dare to dream again? And will he find the courage to fall in love once more?

This lil’ series will feature a total of 10 episodes plus a warm‑as‑coffee epilogue. Tune in every night at 10 PM~
Subscribe

11 episodes

The Day Afterwards

The Day Afterwards

27 views 0 likes 0 comments


Style
More
Like
List
Comment

Prev
Next

Full
Exit
0
0
Prev
Next