Nag-message ako sa account niya para makipag-kita.Namamawis ang kamay ko habang nag-iintay ng isasagot niya hanggang sa pumayag nga siya.
Kinakabahan pa rin ako.
Binitawan ko ang cellphone ko at tumingin sa durabox ng isusuot.Simpleng shirt,tees,pantalon,tokong,andaming pagpipilian pero wala akong mapili.Biglang nablanko ang isip ko sa dapat na isusuot.
Napahawak ako sa buhok ko at ginulo ito.Kailangan ko ng magmadali dahil mamaya ay lalakad na rin ako.Ayoko namang mauna pa siya sa'kin doon dahil sa ego ko.
"Ayos na ba 'to,pre?"tanong ko kay Nico sa video call at pinakita ang damit.
"Date ba 'yan,boy?"tanong nito.
"Hindi,"mabilis kong sagot."Ano lang,usap lang."
"Deny pa,"pang-aasar nito na sinundan ng malakas na tawa.
Malakas akong napa-buntong hininga at inend na ang video call.Naghanap na lang ako ng ideas sa gallery na sinend ni Ate Mina noon dahil sa theme ng K-cafe.
Mabilis akong nagbihis nang mapatingin sa oras.Bumyahe pa ako ng dalawang oras hanggang sa makarating na rin ako.
Kakaunti pa lang ang tao sa loob nang batiin ko si Ate Mina at si Jake.
"Ba't andito ka,Han?"tanong ni Ate Mina na kaka-serve lang ng coffee sa isang table.
Napalunok ako."Magkikita kami ni Riselle,"sabi ko.
Hindi ko mabasa ang reaksyon ni Ate Mina at tinanguan niya lang ako."Upo ka na lang diyan.Order na lang kayo at kami na ang bahala,"sabi ni Ate Mina.
Na-upo ako sa table na maganda ang pwesto.Nilabas ko ang cellphone ko at nag-message sa kanya.
Lumabas sa chat head ko ang GC namin noong high school.Pinidot ko 'yon at nakita ang sunod-sunod na message roon.
"We may fall along the way,so take the risk."
"Take the risk daw HAHAHAHA."
"Ako ba 'to?"
"Omsim."
Tinanggal ko na ang chat head at saktong may message galing sa kanya.
"I'm on my way."
Nagtipa naman agad ako ng,"Order na kita?"
"Yes,please,"sabi niya."One latte,bayaran ko later."
"Hindi.Ayos na,ako na,"reply ko.
"I'm the one who owe you,right?"
"Wala 'no."
"My treat."
"Um-oo ka na para may next time pa."
Napatingin ako sa gilid ko."Privacy,Jake,"maikli kong sabi.
"Joke lang."Napakamot siya sa batok niya."Pinapunta ako ni Mina,eh,ano raw gusto mong kanta.Pang-background music?"
"Stay This Way.Paborito niya 'yon."
"Naks,ah,"komento niya."Kaninong kanta 'yon?"kunot-noo niyang tanong.
"Fromis_9."
"Good luck pre."Tinapik niya ako sa balikat at umalis na rin siya agad.
Tumunog ang door chimes at napatingin naman ako roon.Simpleng bulaklaking bistida ang suot niya habang may suot siyang sling bag sa kaliwang balikat niya.
Pagkatingin niya sa'kin,ngumiti siya at kumaway habang papalapit sa'kin.Posible bang bumabagal ang lahat sa paningin ko?
"Han,"sabi niya at umupo sa harapan ko.Lumingon-lingon siya sa paligid bago tumigil sa'kin ang tingin."Naka-order ka na?"tanong niya.
"Hindi pa,oorder pa lang,"sabi ko at akmang tatayo nang patigilin niya ako.
"It's okay,it's okay,"sabi niya."Let's just get to the point,should we?"
Itinago ko sa bulsa ang cellphone ko.Tinignan ko siya at mukhang nag-iintay siya ng sasabihin ko.
"Nakwento ni Jake yung nangyari,"panimula ko."Ayos lang ba sa'yo,gusto kita?"kinakabahan kong tanong.
Gumuhit sa mukha niya ang gulat.Nanunuyo ata ang lalamunan ko.Wala na akong halos masabi,bigla kong nalunok ang sasabihin ko sa kanya.
"Uh,to be honest I was shocked to hear that,"sabi niya at napatigil."I just really can't believe it."
"Riselle,may isa pa pala akong gustong sabihin sa'yo."Napatigil ang kamay niya na parang dinadama ang temperatura sa kanyang pisngi."Naaalala mo pa ba noong araw na tinanong mo ako kung anong ginagawa ko?"
Tumango siya."Sa totoo lang din,dinalaw ko ang girlfriend ko."Unti-unting nahulog ang kamay niya.
"G-girlfriend?But you say you like me?"naguguluhan niyang tanong.
"Nawala na siya nine years ago.Isa na siya sa mga ulap na makikita mo sa kalangitan.Isa na rin siya sa maririnig mong umiiyak kagaya ng alon ng tubig sa may ilog."Napakagat ako sa labi ko."Gusto ko lang malaman mo yung parte na 'yon sa'kin.Gusto kong makilala mo pa ko."
"I don't know..."pabulong niyang sabi. "I can't understand. Hindi mo pa rin ba siya nakakalimutan?"
"Pwede bang hindi ko sagutin 'yan?"
Saktong biglang nag-iba yung kanta at napalitan ito ng Stay This Way.
"Why did you want me to hear it right now? It was nine years ago, but you still can't forget her. I feel like I am just a replacement in her place, and you like me because you want me to fill the gaps—to fill those parts na nawala sa'yo."
Umiling ako sa kanya."Hindi gano'n yun,Riselle."
Hindi ko gusto 'tong nararamdaman ko.Parang pinagpipiraso-piraso ang puso ko.Gusto kong marinig sa kanya 'yung sinasabi sa kanta pero kabaliktaran nito ang nangyayari.
"Just give me time. . .a minute or two to think."
Tumango ako."Sorry."
"Can I excuse myself?CR lang ako."
Napabuntonghinga ako nang maglakad na siya papuntang CR.Hindi ko alam ang susunod kong gagawin kaya napagdesisyunan kong lumapit sa counter.
"Ayos ka lang,pre?"tanong ni Jake at tinanguan ko na lang ito.
"Si Ate Mina?"tanong ko.
"Nasa CR,"sagot niya.
Inintay ko si Ate Mina sa counter at nang makita siya lumapit agad ako sa kanya.Sinabi ko lahat sa kanya ang ginawa at sinabi ko kay Riselle.
"May mali ba sa sinabi ko?"naguguluhan kong tanong sa kanya.
"Timing,Han.Sana hindi mo muna sinabi agad sa kanya ang tungkol kay Lena,"sabi niya.
"Paano ako makakabawi?"tanong ko dahil pinanghihinaan na ako ng loob."Bakit nung nawala si Lena,kinaya ko,pero pagdating sa kanya parang mawawala na ang lahat kapag nawala na rin siya?"
"Inamin mo na rin,"sabi niya at tinapik ako."Alam kong may nararamdaman ka na para sa kanya at alam kong masaya si Lena na nabitawan mo na rin siya sa wakas pero,Han,'wag mong pilitin yung sarili mo at yung ibang tao kung hindi pa talaga ha."
Kalahating oras na akong nakatayo sa counter pero wala pa rin si Riselle.Hindi ko rin naman alam ang mararamdaman ko kapag nagkaharap na ulit kami.
Naiinis ako sa sarili ko.
"Asan na yung Riselle?"Napatingin ako kay Jake."Tagal na 'non sa CR,ah,puntahan mo na kaya."
"Si Ate Mina?"tanong ko.
"Ayos lang 'yan,sa labas lang naman.Tawagin mo na."
Sumunod ako sa sinabi ni Jake at nagpunta sa labas ng CR.
"Riselle?"Kumatok ako."Riselle?Ayos ka lang ba d'yan?"
Nagulat ako nang bumukas ang pinto at bumungad ang ilong at mga mata niyang namumula.
"I heard it,"sabi niya,"and I don't want to lose you.I'll give us a chance to try this things together."
Sinandal niya ang ulo sa may dibdib ko.Nag-aalangan ang mga kamay ko kung yayakapin ko ba siya nang hawakan niya ang T-shirt ko.
"Meron rin akong gustong sabihin,"diretso niyang sabi."I dropped when I was about to go to college."
"Anong nangyari?"
"They want me to stop dancing so I ask them,"Let me dance or nothing" but they chose nothing so I dropped out and ended up working."
"Hindi ka ba nanghihinayang sa nangyari?"tanong ko.
"Saan?"
"Sa school.Magagamit mo 'yung pag-aaral mo para makahanap ng magandang trabaho."
"My mom let me work at my relatives,Kuya doesn't know it.It was just my family wanted me to graduate and I don't want to graduate and do something that I don't want to."
"Hindi ba parang 'yun ang ginagawa mo?"
"Yes,"bulong niya,"no,I don't know,"sunod-sunod niyang bulong.
"Gusto mo bang sumayaw?"tanong ko.Lumayo siya sa'kin at tinignan ako sa mga mata."Sayaw tayo."
"Huh?Out of blue?"
"Let's dance the night away,"sabi ko.
"Wait,I'm a flover."
"Halika na."Hinila ko siya papunta sa employees's room.Napatingin pa nga si Jake sa'min nang madaanan namin siya,mabuti na lang at may kausap siyang customer habang si Ate Mina ang gumagawa ng kape roon.
Rinig sa buong cafe,hanggang sa loob ng employee's room,ang music.Iba yung tugtog kaya kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa at mabilis sinerach ang Stay This Way.
"Ready?"tanong ko.
"W-what?"naguguluhan niyang tanong.
Pi-nlay ko na ang kanta at nangingiti naman siya habang sumasaway ako.Sine-sway ko pa ang mga kamay niya at iniikot-ikot siya.Kitang-kita ko ang ngiti sa mga mata niya nang magsimula na rin siyang sumayaw.
Magaling talaga siya hindi ko 'yon maitatanggi.
"Stay with me forever,"pagsabay ko sa pagtatapos ng kanta."So,last forever,stay this way."
Nagulat kami parehas nang biglang bumukas ang pintuan ng employee's room,si Ate Mina,pero nang makita kami ay lumabas din agad.
Sabay kaming natawa ni Riselle sa nangyari.
Hindi ko maitatanggi na isa ito sa pinakamasayang araw sa buhay ko habang pinapanood siyang tumawa at ako ang kasama niya.Hindi ko kailanman makakalimutan itong panahon na 'to.
Walang iniisip na bukas.
Walang sinasayang na oras.
Walang sinasayang na panahon.
At kapiling ang isa't isa sa panibagong pagkakataon.

Comments (0)
See all