...
"Sorry," mahinang bulong ni Venice.
Gumaan naman ang hawak ng Heneral sa kanya.
"Sorry? Does it can replay the events? Nakikipaglokohan na yata ako sayo. Not everything deserve a Sorry. What if you mess up someone's life? Kaya bang ibalik ng SORRY mo ang mga nangyari?" bigla namang bumitiw ang Heneral sa pagkakahawak niya kay Venice.
Napatungo na lang si Venice dahil parang pinagsasabihan siya ng sarili niyang tatay sa inaakto ng Heneral. Nakakahiya din ang ginawa niya dahil ito ang unang beses na nagkita sila ni General Seals. Binalingan naman ng Heneral si General Beginning.
"Ikaw naman," panimula na naman nito.
Hindi mapigilan ni General Beginning na mapalunok dahil sa talas ng tingin sa kanya ng kapwa Heneral.
"More probably may reason ko kung bakit nakipagtalastasan sa harapan ko?" biglang tanong nito.
Napayuko na lang din siya sa kahihiyan dahil minsan na nga lang dumaan ng Heneral dito sa Main hall ay ito pa ang madadatnan. Nahampas na lang ng Heneral ang lamesa at sinenyasan ang Commander na ayusin na ang lamesang pinagkainan nila. Hindi naman mapigilan ni Carlo na hindi tumulong dahil gusto niyang makalayo muna sa nakakatakot na Heneral. Magkasamang naglakad sa may kusina ang dalawa ng sandaling maayos na nilang lahat iyon.
"Sagutin mo nga ako, General. Ano ang pumasok sa isip mo para patulan at mawalan ng respeto sa harap ng pagkain?" nakakatakot na tanong muli ng Heneral kay General Beginning.
Hindi naman sumagot si General Beginning. Tumingin pa siya sa isang Heneral para humingi ng tulong pero iling lang ang ginawa nito. Mukhang panig ito kay General Seals. Napabuntong-hininga na lang si General Seals dahil sa mga nangyayari. Pinakalma na lang niya ang sarili bago muling magsalita.
"Ngayon, as an act of punishment sa mga ginawa ninyo ngayon-ngayon lang. Kailangan ninyong mapakintab ang lahat ng parte ng buong Main hall with only physical force. Kailangan malinis kung malinis. Naiintindihan ninyo," tanong nito sa dalawa.
Hindi naman nagdalawang isip ang dalawa na tumango dahil mas malubha pa ang iniisip nilang parusa sa kanila ng Heneral.
"Go!" mahinang usal ng Heneral at mabilis namang tumayo ang dalawa para maglinis.
Naupo naman ang Heneral sa pwesto niya nang umalis ang dalawa para maglinis.
"Isn't a bit hard? Parang sobra na yata yung ginawa mo," ani ni General Eternity na nasa kabilang gilis ng kinauupuan niya.
Ngumiti na lang si General Seals.
"More probably hindi na sila mahihirapan. Makintab naman at malinis ang buong Main hall. Well preserved ika nga. Kaya wala nang dapat linisin," bulong nito.
Napakunot naman ang noo ni General Eternity sa tugon sa kanya.
"Anong point mo?" tanong niya.
"I'll just play with them. Magtino naman ng kahit kaunti si Venice and just play with fire with General Beginning," simpleng tugon sa kanya kasunod ang isang genuine smile.
Napangiti na lang din siya dahil sa tugon ng kasamang Heneral. Napaisip-isip pa niya na dahil dito ay hindi na gagawa ng gulo si Venice. Mukhang hindi na ulit gugustuhin ni Venice na makaharap si General Seals.
Medyo natagalang maglinis ang Heneral pati si Venice dahil sa kaibahan nila ng tingin at pananaw tungkol sa malinis kung malinis. Samantalang nakasandal lang sa kinauupuan niya si General Seals habang pinapanood ang dalawa. Ayon na rin sa inaasahan niya ay mukhang matatagalan talaga ang dalawa. Sakto namang dumating ang Commander pati na rin si Carlo. Sinenyasan na lang niya ito para maupo.
"Anong meron?" tanong ni Carlo sa katabi niyang Heneral.
"Punishment sa kanila yan ni General Seals," tugon ni General Eternity.
Makalipas ang halos limang oras ay nagawang maayos ng dalawa na malinis ang buong Main hall.
"Ngayon nagkakaunawaan na ba tayo?" tanong ni General Seals.
Napatango naman ang dalawa dahil sadyang nakakapagod ang pinagawa sa kanila.
"Nga pala, ipapataw ko na ang parusa sa ginawa ninyong dalawa," panimula muli ni General Seals sabay tingin kina Carlo at Venice.
Halos mawalan na ng lakas si Venice dahil may parusa nanaman siyang kakaharapin. Napalunok na lang si Carlo dahil mukhang magsisimula na ang paghahatol. Tumingin naman ang Heneral sa Commander. Napatango na lang ang Commander.
"Base on your offense, kailangan namin kayo i-reroute sa Zone 66," wika ng Commander.
Nanlaki naman ang mata ni Venice dahil sa sinabi ng Commander. Walang kibo naman si Carlo dahil inaasahan niya ito.
"It will simply cover up kung bakit kayo talagang papapuntahin namin sa Zone 66," dagdag ni General Etenity.
"Bakit naman kami papapuntahin sa Zone 66?" takang tanong ni Carlo na kahit siya ay naguguluhan sa sinabi ng Heneral.
"Lahat ng nangyari sa inyo, bakit kayo nag-away ay pakana talaga ni General Seals to summon both of you here," Commmander continued.
"Teka bakit naman?" hindi na napigilan ni Carlo na magtanong.
"Both of you met the qualities na hinahanap namin. Both of you have an advance knowledge and skills kaya nakakalamang kayo sa iba pang members ng bawat team. You Carlo ay magaling kang umayos ng traps and making the defence more powerful in the time of danger. Ikaw naman Venice, you're best in counterattack and making more advancement in offensive plans," paliwanag ni General Beginning.
"Thus, kayo ang kailangan naming tao para magmatyag sa Zone 66," conclude ni General Seals.
"Teka po? You mean kailangan naming magdoble agent sa sariling bakod?" nagdadalawang isip na tanong ni Venice.
"Mas magandang tawaging Cleasing Plan," wika ni General Eternity.
"Cleansing plan? How come na merong traydor sa grupo. Sino yun?" biglang tanong ni Carlo.
"We don't know, pero base sa mga report mula sa office of Exorcism na nakakasakop dun. Maraming abnormalities na nangyayari pero base sa report na pinadala nila walang kahit anong galaw ang ginagawa ang Zone 66," paliwanag ni General Seals na seryosong-seryoso.
"Ipapadala namin kayo doon as act of punishment sa ginawa ninyo sa headquarters to cover up the real thing na kailangan ninyong gawin. Maasahan ba namin kayo?" sumeryosong wika ng Commander.
Tumango na lang dalawa bilang pagsang-ayon.
"Meron po ba kaming alam n'yo na? Bagong equipment?" tanong ni Venice.
Naparoll eyes na lang ang Commander.
"Wow naman, tinago pa nating may misyon tayo. Kung hihingi ka pa ng equipment," sarcastic na wika ni Carlo.
"Bakit masam..."
Napatango naman si General Eternity.
"Tama si Carlo. Kailangan nating maging vigilant para hindi kayo mabuking. Mas mapansin kung may bago kayong equipment. Bakit hindi mo subukang magpapromote doon sa Zone 66 para may bago kang equipment at hindi tayo mahalata," pagsang-ayon ni General Eternity.
"Pwede ko naman silang bigyan ng incentive para sa misyon nila," wika ni General Seals.
Bigla namang napatingin sa kanya ang kasamang commander and mga Heneral.
"Why? Hindi naman masama yung sinabi ko ah. Wala namang masama?" dipensa ni General Seals.
"It would be more useful for them para makapagreport sa atin sa oras na sarado ang gateway papunta sa Main hall. Mas madali kung makakapunta sila anytime," dagdag ni General Seals.
"You mean you're granting them a pass to every doors?" tanong ni General Beginning.
"Add the walls, mas madali para sa atin matyagan ang galaw ng Zone 66 kung convenient sa kanila ang pagpunta dito," paliwang ni General Seals.
Napatango na lang ang dalawa pang Heneral pati ang Commander.
"Payag na ako," nakumbinsing wika ni General Etenity.
"Second motion," conclude ni General Beginning.
"Kung ganun, it shall be sealed. Mayroon na kayong instant access sa Main hall," dagdag ni General Seals.
"Magkita na lang uli tayo dito bago kayo umalis papunta sa Main hall para sa mga ilang pointers na kailangan ninyong malaman," paalala ng Commander.
Napatango na lang dalawa bago tuluyang umalis.
"General tama ba ang ginawa mo? Bakit sila?" biglang tanong ni Generel Beginning.
"Why would I? Alam kong magaling sila at mapagkakatiwalaan. Remember the test na dinaanan nila para makapasok. It's the Temptation itself. I knew that they wouldn't betray us?" pagdepensa ni General Seals.
"Pero hindi naman basta basta yung test ang dapat batayan. It's already 3 years nung maganap ang test," pagtutol ni General Beginning.
"Do you have faith in me, General?" tanong ni General Seals.
Napabuntong-hininga nalang si General Beginning.
"Sure I have faith in you," malumanay na wika ng Heneral.
Ngumiti na lang si General Seals.
"Thank you," mahinang usal ni General Seals.
Samantala naman, nagliligpit si Carlo ng gamit niya sa kwarto.
"Grabe naman si General Seals, walang patawad," wika ni Rey habang nakatingin at nanonood sa kanya.
"Ayos lang," nagpilit siyang ngumiti para mapakitang malungkot talaga siya.
He need to act na malungkot siyang aalis sa Headquarters.
"Pwede naman akong magfile ng complaint sa desisyon nila," pagtutol ni Rey.
"Wag na, mukhang kailangan ko na rin siguro ng bagong atmosphere. Okay na okay na ako sa desisyon nila. Maganda naman siguro yung Zone na pagdadalhan sa akin," malumanay niyang wika sabay tapik sa balikat ni Rey nang matapos niyang ayusin ang gamit niya.
Napabuntong-hininga na lang si Rey dahil mukhang tanggap na ni Carlo ang parusa sa kanya. He and Carlo is the best buddies simula nang pumasok ito sa Society. Naglakad na palabas si Carlo papasok sa isang saradong pinto.
"Lagi ninyong tatandaan ang tatlong Cardinal Virtues. Faith, Hope and Charity. Please guys keep it in your mind," wika ng Commander nang makarating silang dalawa.
"Panatilihin ninyong sikreto ang misyon ninyo sa mga tao sa Zone 66. Resolbahin ninyo ang problema kung meron man sa lalong madaling panahon. Even your superiors say no. Sabihin ninyo ang core mission ng Society and hindi na sila aangal. Wala silang laban sa core mission ng Society," paalala ni General Eternity.
Napatango na lang ang dalawa.
"Huwag na huwag kayong gagawa ng gulo na walang kinalaman sa Core Mission. Then, Good Luck," nakangiting wika ni General Seals.
Medyo kinilabutan naman ang dalawa sa ngiti ng General.
"The first door you will met is the door that would take you to Zone 66," paalala ni General Beginning.
Tumango na lang ang dalawa bago pumasok sa pintuan sa nakasarang pintuan. Paglabas nila ay biglang may pumutok na party popper.
"Welcome Carlo and Venice!" malakas na bati sa kanila.
---
Comments (0)
See all