Vatican Time 3: Commitments
Nakasimangot na bumangon si Venice sa higaan niya. Samantalang, si Carlo ay hindi man lang kumibo sa kinahihigaan. Nakapeace sign naman si Harold habang nakatingin kay Venice na sobrang sama ng tingin sa kanya.
"Anong kailangan mo?" puno ng sama ng loob na tanong ni Venice rito.
"Hummmm, pinapatawag na kayo ng Director para orientation ninyo ngayong araw," mabilis na sagot ni Harold na nagpipilit na lang na ngumiti dahil sa tingin pa lang ni Venice baka hindi na siya abutan ng bukas.
Mabilis namang tumayo si Venice at binalingan ang tulog pa ring si Carlo. Nag-inat lang siya ng kaunti ang ngumisi na parang biglang may naisip. Mabilis namang sinipa ni Venice ang likuran ni Carlo na dahilan para mahulog siya. Pagkabangon naman ni Carlo mula sa pagkakahulog ay sobrang sama ng tingin nito sa kanya. Mabilis siyang nagkibit-balikat na parang walang nangyari.
"Pinapagising ka," alibi niya.
Hindi pa rin nawala ang tingin ni Carlo sa kanya.
"Alam ko, kaya kong magtime manage. Kaya kahit mamaya pa ako bumangon dito ay mauunahan pa kitang mag-ayos," medyo inis na wika ni Carlo at mabilis na tumayo na parang walang nangyari.
Naglakad siya papunta sa kabinet niya at kukuha ng damit. Samantalang, si Harold ay biglang naupo sa may kama ni Venice. Napangisi na lang ito ng mapansing hindi na sa kanya ang atensyon ng babae. Pansin niyang medyo nakunsensya ito. Medyo nagdilim din ang mukha nito
"Mukhang mapride yata ang isang ito," wika na lang niya sa isipan at mabilis siyang lumabas ng kwarto nang mapansin na babalik na aa kanya ang atensyon ng babae.
Pinapakalma naman ni Carlo ang sarili habang nakuha ng damit. Hindi rin naman niya gusto na masama ang umaga niya. Humigot siya ng hininga sabay nagpilit na ngumiti. Pansin niyang nakatayo pa rin doon si Venice habang nakatingin sa kanya. Mga ilang minuto pa ay tumayo siya at dumiretso sa may banyo. Bago niya isara ang pinto ay tiningnan niya si Venice.
"Akala ko ba nagmamadali ka?" wika niya na may halong inis.
Mabilis na natauhan si Venice at mabilis na kumuha ng damit. Sandali pa, isinara na niya ang pinto. Hindi naman talagang naiinis si Carlo ang totoo nito'y he feel numb. Parang wala nang emosyong siyang nararamdaman. Muli naman siyang bumuntong hininga at nagsimulang maligo.
Medyo nauna namang lumabas si Carlo sa banyo at tulad ng inaasahan niya ay hindi pa lamalabas si Venice.
"Sinong tinitingan mo d'yan?" biglang tanong ni Venice sa may likuran niya.
Kahit medyo nagulat si Carlo dahil mukhang naunahan siya ng babae pero wala siyang balak ipahalata. Lumingon siya sa likuran niya.
"Tiningnan ko lang yung design ng pinto ng banyo mo. Pansin ko talagang mas maganda yung akin," pagsisinungaling ni Carlo.
Medyo tumaas ang kilay ni Venice sa sinabi ng lalaki. Halos pareho naman ang disenyo ng pinto at kakaunti lang ang pinagkaiba ng dalawa. Napairap na lang siya
"Hinihintay na tayo sa office ng Director," wika niya sabay labas ng kwarto.
Sumunod na lang sa kanya si Carlo. Nakatambay naman paglabas nila ang team leader ng Missionary Team ang Zone 66. Hindi man lang ito nagsalita bago maglakad papunta sa office. Medyo napaisip naman si Venice na baka pipi ang team leader. Hindi naman kalayuan ang ang nagging Office ni Cepras kaya mabilis silang nakarating.
Pagkapasok na pagkapasok nila ay bukungad sa kanila ang dalawa pang team leader at ang direktor. Dahil may kalakihan ang kwarto na halos anim na beses ang laki sa kwarto niya ay walang problema kung saan sila uupo. Napakaraming libro din sa loob ng kwarto na halos sakop ang 3/4 ng Office.
"Magsimula na tayo," masiglang panimula ni Cepras.
"I'm very sorry sa nangyari kagabi. Kakapadala pa lang kasi ng bagong equipment mula sa headquarters nung makalawa at kahapon palang ang simula ng testing time namin dahil na rin sa daming problema dito. Hindi naman namin inaasahan yung pagbukas ng lagusan papunta sa alley na iyon." paliwanag ni Cepras.
"Okay lang po yun, buhay pa naman po kami," biro ni Carlo.
Ngumiti na lang si Venice bilang tugon.
"Nga pala Carlo saan galing ang dust na ginamit mo kagabi?" tanong ni Cepras.
"It's part of a prize sa akin nung nagpalaro sa Defense Team. Binigyan din nila ako ng bagong mga equipment," simpleng paliwanag ni Carlo.
"Okay, back to the topic. Kailangan ninyong malaman ang mga bagay na ito. First thing, kung magkaproblema at matagalan ang tulong. Break the rules," paliwanag ni Cepras.
"Remember 'stand as one, fall as one'. Base sa pinakita ninyong team work kagabi ay masasabi kong you're one of the best. Kahit hindi kayo magkasundo most of the time but you're a team already. In the University, you need to cover what really you are. Lalo ka na Venice, don't ever try to loose your patience on class. Carlo be vigilant dahil sigurado ako base sa mga nakita ninyo kagabi, you're already given a glimpse kung ano ang pwede mong kaharapin bilang isang janitor ," mahabang paliwanag sa kanila ni Cepras habang ang tatlo namang team leader ay tahimik lang sa isang tabi.
"Kung may problema naman, pumuta lang kayo sa Guidance office pati sa Clinic dahil nandoon lang kaming tatlo," singit naman ni Gail.
"Ihahatid na namin kayo, at ililibot namin kayo para hindi kayo mawala. Kaya maaga tayo," singit naman ni Harold.
"Pagdaan ninyo sa pintong yan ay lalabas kayo papunta sa parking lot," paalala ni Cepras sabay turo sa pintuan ng Office niya.
Sabay sabay na naglakad ang lima papasok sa saradong pinto. As like Cepras said, nakarating sila sa isang parkibg lot kung saan may naghihintay na tatlong kotse.
"Nandito kami eksaktong 6 pm para sunduin kayo. Kung may kailangan kayong gawin ay pumunta na lang kayo sa Clinic para may maghihintay sa inyo," paalala ni Harold bago sumakay ang dalawa sa kotse niya.
Mabilis naman silang nakarating sa sinasabing University ni Cepras.
"I doubt, kung bakit sinasabi ninyong maraming abnormalities dito," komento ni Venice pagkababang-pagkababa niya sa kotse.
Base sa nakikita niya ay masyadong bago ang istruktura ng University. Hindi naman maikakaila na mukhang alagang-alaga ang University. Base sa ganda nito walang makakapansin ng mga bagay na nangyayari saloob nito.
"It's just a facade," wika ni Harold bago tuluyang pumasok sa University.
Naglakad na sila papasok ng University para mabilis silang maitour ng mga Team leaders nila. Wala namang naging reklamo ang dalawa except lang sa pagigibg mainitin ang ulo ni Venice. Dahil din sa pagkamainitin ang ulo nito ay naisip na lang nilang ipasok ito bilang P.E. instructor. Wala namang naging swesyon si Carlo sa assigned na lugar kung saan siya maglilinis.
Almost 7 a.m. ng matapos ni Carlo abg lilinis ng mga nagkalat na tuyong dahon sa may field. Naglalakad na siya pabalik sa Utility Room nang may makasalubong siyang mga studyate.
"My gash! Hindi ko to nabalitaan," wika ng mga babaeng studyante na nadaanan niya.
Dahil wala rin siyang balak na alamin ang usapan niya ay diretso siyang naglakad papunta sa Utility Room. Nang bigla siyang binangga ni Venice na nakangisi pa.
"Naman dis boy, kinareer na ang pagiging Janitor," asar nito sa kanya.
"Bakit? Ikaw ba hindi mukhang instructor, mukha kang tambay sa kanto," bulong ni Carlo na hindi mapigilang ngumisi.
Namula naman si Venice sabay maglakad papunta sa locker room para magbihis. Nakarating naman si Carlo sa offive nila para kumuha pa ng gamit at magpahinga muna.
"Musta Carlo?" biglang tanong ni Harold.
Inangat naman niya ang tingin kay Harold.
"Ayos lang," tugon niya sabay kuha ng isang baso at tubig sa dispenser.
"Chill ka muna dito. Mamaya ka na ulit maglinis. Grabe ka, halos mangintab na ang dahon at mamuti na simento," natatawang wika ni Harold matapos obserbahan si Carlo.
"I doubt, na hindi ka mapapansin dito dahil may itsura ka," biglang tawa ni Harold.
"Mukhang may pupunta sayo dito mamaya at magtatanong," nakangising dagdag nito.
Mabilis namang nahulaan ni Carlo ang sinasabi ni Harold.
"Anong gagawin ko?" mabilis niyang tanong.
"Just make an alibi," swesyon ni Harold.
"Na nag-iipon ako ng pang-aral ko. Kailangang may stable at ipon na ako bago ako mag-aral ganun?" mabilis na sagot ni Carlo.
Napatango na lang si Harold dahil mukhang kapani-paniwala yung sinabi ni Carlo pero nagkukulang sa emosyon.
"Parang may kulang... yung emosyon," komento niya.
Natawa naman ng mahina si Carlo dahil medyo madali na ang komento ni Harold. Huminga na nang malalim si Carlo at nagsimulang mapuno ng pasakit at paghihirap ang itsura niya. Napansin naman iyon ni Harold at gusto niyang subukan.
"Let me try," wika pa ni Harold.
Tumango na lang si Carlo bilang tugon.
"Bakit mo pala naisipang magtrabaho," tanong ni Harold.
Mabilis namang napuno ng kalungkutan ang mukha ni Carlo.
"Kailangan eh, ako na lang mag-isa ang bumubuhay sa sarili ko. Wala namang ibang sumosoporta sa akin kaya kailangan talaga. Nagpapasalamat na nga akong nakakuha pa ako ng trabaho dito," mahinajg wika ni Carlo habang nakatungo.
Parang natigilan si Harold sa narinig dahil parang totoo ang sinasabi ni Carlo at base din sa boses nito ay hindi maikakaila na dumaan sa matitinding paghihirap ang binata. Lumunok muna siya bago muling magsalita.
"Kung ganoon pala, bakit hindi ka mag-apply ng scholarship dito?" tanong muli niya.
"Kailangan ko munang buhayin ang sarili ko. Wala din naman akong mapupuntahan, mabuti nga at mabait yung isang kakilala ko at hinayaan akong makatira ng libre. Baka hindi ko pa kayang pumasok ng maraming intindihin. Siguro kailangan ko talaga munang mag-ipon at baka doon ako makakakuha ng perang gamitin ko sa pag-aaral ko," malungkot na tugon ni Carlo lalo na nang tumingin ito kay Harold na mukhang papaiyak na siya.
"Woaw, nakuha mo na ako sa acting mo," wika ni Harold.
Pero hindi pa rin tumigil si Carlo dahil nagsimula nang tumulo ang luha niya. Napataas na ng kamay si Harold at aktong magsosorry na kay Carlo nang marinig niya itong humagalpak ng tawa. Buti't napigilan pa niya ang sarili niya sapakin ito. Mabilis namang pinahid ni Carlo ang luha niya.
...
Comments (0)
See all